GINNY ALMAZAN POINT OF VIEW
MINULAT ko ang mga mata ko at nakita ko ang liwanag sa paligid. Napabuntong hininga ako. Umaga na pala, ang tagal ko ring nakatulog matapos ng pagkikita namin ni Kwangyeon. Ang problema ko pa ay parang hindi niya ako kilala. Nagtataka ako kung bakit ganoon.
"Iniisip mo ba ang nangyari nung isang gabi?" tumingin ako sa kaliwa at nakita ko si Sungmin na nasa tabi ko baka binabantayan niya ako.
"Oo," sagot ko sa kaniya at saka ako bumangon. Nakasuot na ako ng traditional dress nila
"Binihisan ka ni Bona dahil masyado daw malamig ang suot mong damit," saad niya sa akin.
"Pakisabi sa kaniya, salamat..." sagot ko naman sa kaniya. "Bakit nag-iba siya?" tanong ko sa kaniya.
"Bakit parang di niya ako kilala?" dagdag ko pang tanong sa kaniya.
"Sinabi ko na sa iyo diba? Ang isang halimaw na gaya niya ay di talaga marunong magmahal at hindi rin kayang magbago," saad niya sa akin.
"Bakit mo naman naisip iyon?"
"Sinaktan ka niya," saad niya sa akin.
"Walang pakundangan ka niyang sinaktan," dagdag pa niya sa akin. "Kasi nga hindi niya ako naalala, pero kapag naalala na niya ako tingnan mo. Hindi, as in never niya akong sasaktan," pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Kahit hindi ka pa niya naalala, ang puso natin ay nakakaramdam ng pagmamahal at hindi iyon nakakalimot.Pero tila nalimutan ka na niya at nasaktan ka pa niya. Ibig sabihin noon ay wala talaga siyang kapasidad na magmahal" sabi niya sa akin. Tumingin siya sa akin at nakita niya kung gaano ako nadis-appoint sa sinabi niya sa akin.
Kaya naman kasing gawin ni Kwangyeon ang mga iyon.
"Kung may kailangan ka ay tawagan mo lang si Bona upang matulungan ka," saad niya sa akin at saka siya umalis. Nang makakuha na ako ng lakas ay napagpasiyahan kong lumabas para magpaaraw muna saglit.
"Paano ba ulit kita makikita?" tanong ko sa sarili ko at hinawakan ko ang ulo ko.
"Dumarami na talaga atraso mo sa akin. Una, iniwan mo ako tapos ngayon hinagis mo ako. Brutal ka talaga," bulong ko muli at saka ako natawa pero napaisip ako bakit hindi niya ako naalala agad. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang Market place nila. Namangha ako sa mga tinda na naroon. Ang dami ring iba't ibang uri ng tao na busy sa pagtitinda at paglalaro.
"Magkano po itong sapatos na ito?" tanong ng isang batang babae napatingin ako sa kaniya.
"Mahal iyan bata, 30 Yang iyan," saad ng nagtitinda sa batang iyon.
"May pera ako kaya mabibili ko iyan," sagot naman nito at saka pinakita ang mga barya na meron siya.
"Paano ka nagkaroon nang ganyang karaming pera bata?" tanong ng tinder sa kaniya.
"Mayaman ang amo ko para sa kaniya pamato lang 'to sa piko. Mayaman, gwapo at masarap este matino pala," anito at saka siya tumawa- tawa.
"Sigurado ka bang sa'yo 'yan?" tanong ng tindera sa kaniya.
"Bebentahan mo ba ako o lilipat ako sa ibang tindahan?" panakot nito sa tindera.
"Nagbibiro lang ako, ineng! Sige bilhin mo na 'yan!" anito at kinuha nang batang 'yon ang asul na sapatos.
"Mas bagay sa'yo yung pink," sabat ko at napatingin siya sa akin. Kinuha ko ang pink na sapatos at saka ako ngumiti sa kaniya. Tumingin siya sa akin na parang hinuhusgahan niya ako.
"Kayo 'ho ba ang dayuhan na bago sa Moon Hwa Gwak?" tanong niya sa akin.
"Oo ako 'yon. Sikat na pala ako dito. Bihira lang ba magkaroon ng foreigner dito?" saad ko sa kaniya at saka ako ngumiti. Agad siyang nagbayad sa tindero at bumili pa siya nang parang candy. Humagikgik pa ito habang binibilang kung sakto ang naibigay sa kaniya candy at saka niya kinain ito
Medyo matakaw siya ha? Infairness.
"Gusto mo bang ilibre kita ng pagkain?" tanong niya sa akin.
Kakalamon lang ng candy, pagkain ulit ang nasa isip. Aba, iba 'to, madali itong mamatay sa diabetis to.
"Bakit mo naman akong gusto ilibre?" tanong ko sa kaniya.
"Kasi tinulungan mo akong mamili ng sapatos tapos maganda pa ng napili mo. Huwag kang mag-alala marami akong nakupit na pera sa amo ko," saad niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa isang kainan.
Agad naman siyang um-order ng maraming noodles at kung ano - ano pa, sabay sabi na marami siyang pera para pagsilbihan siya. Para akong nabubusog kapag nakikita ko siyang kumain dahil mukha siyang gutom na gutom.
"Nabalitaan ko ang ginawa ng itim na bampira sa'yo. Mabuti hindi ka niya sinaktan. Kakilala niyo po ba ang bampira?" tanong niya sa akin.
"Oo kilala ko siya, sobrang kilala," sabi ko sa kaniya.
"Ano ba ang relasyon mo sa kaniya para maging kilala mo talaga siya?" tanong niya muli sa akin.
"Nobyo ko siya, iyon ang pagkaka alala ko. Sana ganoon din siya." sagot ko sa kaniya at saka ako ngumiti.
Sana maalala rin niya ako agad. Sana...
"Mahilig pala sa babae ang panginoon ko pero hindi ko akalain na wala pala siyang taste." Muli siyang tumingin sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.
"Sigurado po ba kayo? Lingid sa kaalaman ng lahat at sa mga nababasa nila, ang mga bampira daw ay hindi marunong magmahal dahil wala na silang puso," saad niya sa akin.
"Lahat naman ng libro masama ang tingin sa kaniya, pero ako hindi. Para sa akin isa siyang mabait na nilalang," saad ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga.
"Gusto ko na siyang makita ulit. Pakiramdam ko ang konti ng oras nung magkita kaming dalawa. Ang dami kong tanong na nais masagot pero mas gusto kong mahagkan niya muli. Kahit sobrang lamig ng katawan niya, ang warm ng yakap niya," pagkwento ko sa kaniya.
"Bakit mo ba tinatanong ito sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Wala lang naman binibini, ako ay nais lamang na may malaman ukol sa bampira dahil sa kakaiba, maraming hindi nakakakilala sa kaniya ngunit ang alamat niya ay isang matibay na haligi ng palasyo," saad niya sa akin.
"Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako po si Minah, ikaw po?" tanong niya sa akin.
"Ako si Ginny," saad ko sa kaniya.
"Ginny? Ikaw yung may-ari nung payong?" malakas ng tanong sa akin.
"Anong payong?" tanong ko pabalik sa kaniya dahil sa hindi ko alam kung ano yung payong na sinasabi niya.
"Wala lang naman," saad niya sa akin at tumingin siya sa paligid.
"Mag gagabi na pala, bilisan natin dahil sa baka mamaya ay dumating ang mga rebelde," saad niya sa akin at binilisan niya ang pagkain niya.
"Merong rebelde dito?" tumango siya sa akin at halos mabilaukan pa siya.
"Maraming rebelde dito, sobrang sama nila at ang babaho pa nila," pagkwento niya sa akin at muli siyang sumubo ng malaking piraso ng manok.
Isang malakas na kabog ang nadinig namin dahilan para muling mabilaukan si Minah. "Akin na ang mga pera niyo, 200 Yang kapalit ng mga buhay niyo!" saad ng isang rebelde na may maikling buhok at sobrang dumi na damit, umaalingasaw din ang putok niya.
"Umalis na tayo dito kahit masarap ang pagkain," aya ni Minah saka niya ako hinatak kahit 'di pa ako tapos kumain ngunit nakabangga namin ang isa sa mga rebelde.
"Balak niyo pang tumakas ha? Kung balak niyong tumakas ibigay niyo muna ang mga pera niyo!" utos niya sa akin.
"Wala akong pera nabayad ko na," sabi ko sa kaniya para mapagtakpan ko si Minah. Baka naman kasi mapahamak ang bata kung ituturo ko siya.
"Ang mga walang pera ay pinapatayin namin!" saad ng nung rebelde.
"Huwag na lang natin patayin. Siya ay mukhang isang dayuhan at maganda pa. Siya ay ating angkinin na lamang!"sabi ng isang rebelde at tumawa ito na mala demonyo.
"Aalis na kami ngayon, pasensya na kailangan ng umuwi nung bata," sabi ko sa kaniya at saka ako nagpumilit na umalis pero bumungad lang sa akin at tulak ng isang rebelde.
"Huwag na kayong manggulo dito, kunin niyo na lang ang mga kailangan niyo at umalis na lang!" pagmamakaawa ng may-ari ng kainan na ito.
"Sige kukunin na lamang namin ang kailangan namin," saad ng rebelde na kausap ko kanina at hinila niya ako.
Ano?! Pati ako kailangan nila?! Ayoko, bitaw niyo me please?
"Bitawan niyo ang binibini kung hindi ay isusumbong kita sa amo ko!" sigaw ng bata sa kaniya. Nagpapalag naman ako sa rebeldeng iyon pero ang higpit ng hawak niya sa akin.
"Oo nga bitawan niyo ako! Ang babaho niyo!" sigaw ko pabalik ngunit tinulak lang nila ako sa sahig. "Wala kang magagawa, kami ang batas dito!" sigaw ng nung rebelde at tumingin sa akin.
"Lahat ng hindi susunod sa aming patakaran ay mararanasan ang makikita niyo sa babaeng ito!" saad niya at kinuha niya ang espada niya at saka itinapat sa aking dibdib at ginamit iyon para mabuksan ang aking damit. Agad kong tinakpan ang balat kong naexpose, aba kay Kwangyeon lang dapat ito magpakita no?
"Mga m******s kayo!" sigaw ko.
"Isusumbong kita sa boyfriend ko kapag 'di mo ako binitawan!" malakas kong sigaw. Sa sobrang lakas pakiramdam ko nawalan ako ng larynx at pharynx.
"At sino naman ang tinatawag mo? Walang magliligtas sayo dito! takot ang lahat ng tao sa amin," saad niya sa akin. Pumunta ako dito para sa lovelife ngunit hindi para magahasa, only Kwangyeon can touch my skin, oh diba parang Belo essentials lang?
"Bitawan niyo ang binibini! Ibibigay ko na lahat pera ko! Bitawan niyo lamang siya!" sigaw ni Minah pero di nakinig ang mga rebelde. Halos mahimatay naman ako sa baho ng rebelde na bongga na ang paghawak sa katawan ko at sa dibdib ko.
"Bitawan mo nga ang dibdib ko!" sigaw ko sa rebelde pero tinakpan niya ang bunganga ko.
"Kakaiba ang babaeng ito," saad nung rebelde. Hindi ko maintindihan ang takot na nararamdaman ko lalo na ng magsimula ang rebelde na hubarin ang aking damit.
"Huwag! Tama na!" sigaw ko, wala akong maisip kung 'di si Kwangyeon pero mukhang wala ng pag-asa, mukhang mamatay na ako bago pa man niya ako makita ulit. Mukhang mawawasak na ako bago ko pa man s'ya mayakap ulit.
"Kwangyeon..." tanging ang pangalan na lang niya ang nabanggit ko. Walang nagtatangkang tumulong sa akin, para silang mga estatwang nakatingin lamang sa akin.
"Tigilan n'yo ang binibini! Tigilan n'yo! Bitawan n'yo siya! Kunin niyo na lang ang pera ko! Dadagdagan ko pa kung gusto n'yo. Mayaman ang amo ko!" sigaw ni Minah pero hindi sila tumigil.
Tama na... Tulungan n'yo ako....
"Tigilan niyo na iyan at kahab--" natigil sa pagsasalita ang babae maging sa pangmamanyak ang rebelde ng bumukas ang pintuan, isang lalaki na nakaitim na salakot at bathrobe ang pumasok sa loob.
Nawala ang takot ko ng mapagtanto ko kung sino 'yon, pakiramdam ko dumating s'ya para iligtas ako. Pakiramdam ko, nandito siya ngayon para sa akin.
Nagkatinginan kami at alam ko kung sino siya.
"Kwangyeon..." bulong ko sa pangalan niya. Napangiti ang aking labi ng nakita ko s'ya. Wagas ang t***k ng puso ko na tila ba na-i-excite ito.
Ang takot at kaba ko ay nag-disappear na parang magic.
"Sino ang lapastangan na tumawag sa akin?" mahina niyang tanong habang nakatingin ng nakakatakot, pero ewan ko ba narereyp na ako pero gwapong gwapo ako sa mga tingin niya ngayon.
"Ako!" proud kong saad. Agad s'yang nakalapit sa akin na mala- the flash. In one second, nasa harap ko na s'ya. Kitang- kita ko ang galit na nasa kaniyang mga mata pero napalitan ito ng ibang tingin. Tingin na nag-iba ng makita n'ya ang kalagayan ko. Tingin na dati ay lagi n'yang binibigay sa akin.
Why so taray Kwangyeon? I'm in danger oh.
' Save me muna mamaya ka magpabebe. Pabebe kang vampire ka.'
Nabigla ako ng dumako ang tingin niya sa mga rebelde na nandoon. Masamang tingin, alam n'yo yung tingin mo sa batang sumira sa PSP mo? Gano'n ang tingin niya sa akin.
"Ako rin panginoon tinawag kita kaya tulungan mo kami!" sabat ni Minah. Tumingin siya kay Minah,
"Ang simple na lamang ng pinapagawa ko sa'yo pero gumawa ka pa ng gulo." Sermon niya kay Minah bago niya pinatunog ang kaniyang leeg.
Wait, magkakilala sila ni Minah?
"Si-sino ka ba? H-huwag kang makialam dito!" sabat ng isang rebelde, muling naging pula ang mga mata ni Kwangyeon dahilan para mas lalong mangatog ito sa takot.
"U-umalis ka dito! Kung hindi papatayin namin ang dilag na 'to at ang batang 'to!" giit niya muli. Lumapit si Kwangyeon sa kaniya at saka ngumisi bago hinawakan ang leeg ng rebeldeng 'yon
Madiin ang hawak niya sa leeg nito na tila ba babaliin niya ito. He groaned because of pain. "Alam mo ba na lahat ng humahawak o nananakit sa aking pagmamay-ari ay pinapatay ko?" tanong ni Kwangyeon sa kaniya.
"Ang dugo ng babaeng 'yan ay para sa akin. Ang buong katawan niya ay akin." saad ni Kwangyeon at hinagis niya ang lalaki. Lahat ng tao ay nagulat sa ginawa niya. Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya.
Narinig niya ako. Alam niyang kailangan ko siya, ang ibig sabihin ay naalala nga ako ng puso niya.
"Sugurin siya!" sigaw ng isang rebelde at sinugod nila si Kwangyeon pero sa isang iglap ay ubos ang sampung rebelde at nakakalat na sila sa kainan. Ang mga tao ay gulat at takot sa ginawa ni Kwangyeon.
"Umuwi na tayo, Minah," saad niya sa batang kasama ko.Agad naman na sumunod si Minahl sa kaniya.
"Kilala mo siya?" tanong ko sa bata.
"Oo, siya ang panginoon ko. Ang mayaman at gwapo kong panginoon!" Sagot ng bata sa kaniya. Napa-facepalm naman si Kwangyeon.
"Dapat ay mag-eespiya ako sayo ngunit iba ang nangyari, ipagpatawad mo binibining Ginny!" sabi niya sa akin.
"Hindi, okay lang, pabor nga sa akin eh."
"Ha? Anong ibig sabihin mo?"
"Nakita ko ulit siya dahil sa pag-i-espiya mo," saad ko sa kaniya.
"Kwangyeon," tawag ko sa kaniya at tumingin siya sa akin.
"Paano mo ako nakilala?" tanong niya sa akin na para bang naguguluhan siya ngunit hindi ko siya sinagot at saka ko siya yinakap ng mahigpit. "Bakit mo ko kilala?"
"Alam mo kung paano kita nakilala. Alam kong alam 'yan ng puso mo." sabi ko sa kaniya at saka ako naluha at umiyak ngunit nanatili lang siya na nakatayo habang yakap ko siya.
Hindi nagtagal ay kumawala siya sa yakap ko, napatingin siya sa akin. "Hindi ka maingat,' aniya at tinanggal niya ang robe niya at saka ito inabot sa akin. Walang pakundangan niyang binalot 'yon sa aking katawan.
"Umuwi ka na sa Moon Hwa Gwak bago pa kita kagatin," sabi niya sa akin.
"Talaga bang di mo na ako naalala?" sabi ko sa kaniya na may halong pagtatampo na parang bata ngunit hindi siya sumagot sa akin.
"Sino ka ba talaga?" tanong niya sa akin.
"Ako si Ginny, ang babaeng mahal mo." sabi ko sa kaniya.