GINNY ALMAZAN POINT OF VIEW
"BINIBINI, may maitutulong pa ba ako sa'yo?" tanong ng isang babae sa akin. Tiningnan ko siya at nakita ko si Bona sa story ng Midnight Romance. Siya ang ka-loveteam ni Sungmin ayon sa pagkakaaalam ko.
"Ang ganda naman ng skin mo, anong lotion mo?' tanong ko sa kaniya sabay haplos sa makinis niyang balat. Para kasi siyang porselana sa sobrang ganda niya.
"Ah? Ano po bang ibig sabihin niyo?" tanong niya sa akin.
"Tinatanong ko sa'yo kung bakit ang kinis mo? Nakaubos na ako ng isang dosenang kojic para maging kasing puti ni Kwangyeon dati pero 'di nangyari 'yon. Anong sikreto mo, pwede mo bang i-share?" sagot ko sa kaniya. Para naman siyang na-shock nang madinig niya ang pangalan ni Kwangyeon.
Sabagay, nakakagulat kaya kagwapuhan ng vampire boyfriend ko. "Kilala mo nga si Kwangyeon. Tama nga ang kanilang sinasabi." sabi niya sa akin.
"Oo, kasintahan ko siya tapos nawala siya sa tabi ko,"sagot ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga.
"Binibini, tila hindi mo alam ang iyong sinasabi," sabi niya sa akin na para bang kilalang kilala niya si Kwangyeon kesa sa akin. Feeling close e 'di pa naman niya nakita ang abs nito. "Masamang nilalang si Kwangyeon," dagdag pa niya sa akin.
"Kilala mo ba siya para masabi mo yan ha?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, ilang beses na niyang pinagtangkaan ang buhay ko at ni Sungmin. Pinatay niya si Ji Eun, maging ang unang babaeng minahal niya at ang buong pamilya ko." pagkwento niya at nadama ko ang galit niya kay Kwangyeon habang sinasabi niya iyon sa akin.
"Kilala mo ba siya ha?" tanong ko muli sa kaniya.
"Hindi ko siya kilala pero alam kong sagad sa buto ang sama niya," sagot niya sa akin.
Judgemental ang lolo mo.
"Oo masama siya, pumapatay kung gusto niya. Pero kasi nagagawa niya iyon dahil walang gustong maniwala na kaya niyang magbago. Kilala ko siya, nakasama ko siya. Siya ang unang tao na di nag-alangan na iligtas ako, na hindi ako sinaktan kahit para na akong tubig na papatid sa uhaw niya," sagot ko sa kaniya.
"Hindi mo naiintindihan binibini," sagot niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya pabalik dahil do'n. "Ginny ang pangalan ko, huwag na binibini ang itawag mo magkaedad lang yata tayo," sagot ko sa kaniya. Muli siyang tumingin sa akin.
"Informed ako sa mga happenings dito kaya huwag kang mag-alala," dagdag ko pa ulit sa kaniya.
"Maaari kang mamatay, hindi mo siya tunay na kilala," muli niyang saad sa akin
"Bona, pagod ang ating bisita, pagpahingain mo na muna siya," napalingon kami ni Bona sa kaniya.
"Hindi naman niya ako naabala." Sagot ko kay Sungmin.
"Alam mo binibini, marami kaming tanong sayo tungkol kay Kwangyeon dahil sa kilala mo siya ngunit hindi namin alam kung kanino ka ba kakampi," saad niya sa akin.
"Wala naman akong kakampihan kung sakali, pero sana kilalanin niyo muna siya bago niyo paratangan ng mga bagay na 'di niyo naman naranasan mula sa kaniya." saad ko sa kaniya.
"Malaki ang pagkakataon na nililinlang ka lang ni Kwangyeon. Ipapaliwanag ko ang lahat sa iyo bukas upang maintindihan mo ang lahat," sabi niya sa akin.
Naninibago ako buong gabi dahil sa lugar na kinakalagyan ko and the same time, iniisip ko rin si Kwangyeon. "Ngayon malapit na ako sayo, malapit na rin kita makita. Kahit paano ba ay naiisip mo rin ako? Matutuwa ka kaya pag makita mo ako?" tanong ko sa sarili ko at saka ako napangiti. Namuo ang excitement sa puso ko dahil doon.
Tumingin ako sa labas at nakita ko ang magandang bilog ng buwan. "Namimiss ko na yung sabay nating tinitingnan ang moon. Sana sa susunod, dawn naman ang makita natin," sabi ko sa sarili ko.
"Diyos ko! Baka naman masunog ka," dagdag ko pa at saka ako napangiti.
Hindi ko napansin na nag-umaga na pala at nagsimula na ang buhay sa loob ng tahanan ni Sungmin. Nakita ko kung paano kumilos ang mga kasambahay nila doon. Masyadong puno ng etiquette ang bawat kilos nila. Hindi nagtagal nakita kong lumabas si Sungmin at mahinang ngumiti sa akin.
"Nakatulog ka ba kagabi binibini?" tanong niya sa akin.
"Hindi eh," sagot ko sa kaniya.
"Hindi ka nakatulog, hindi ba kumportable ang kama na naihanda ng mga taga- silbi?" tanong niya muli sa akin.
"Hindi sa ganoon, napaka kumportable nga eh pero iniisip ko kasi si Kwangyeon kaya hindi ako nakatulog ng maayos." Sagot ko sa kaniya at saka ako mahinang napangiti. Natigil kami sa paglalakad at huminto sa parang isang dining area.
"Siya si Ginny, niligtas ko siya kahapon sa kakahuyan at isa siyang dayuhan." Sabi ni Sungmin at tumingin ang mga tao sa akin.
"Sungmin, pinasok mo sa tahanan mo ang isang taong nakakakilala kay Kwangyeon at sinasabing may relasyon sila. Hindi mo ba naiisip na maaring espiya siya?''sabi ng isang babae na nakasuot ng pang gisaeng, medyo matanda na siya pero bakas ang ganda niya.
"Alam ko, pero malaki ang paniniwala ko na nagsasabi siya ng totoo..." saad naman ni Sungmin.
"Grabe ka naman, so anong sinasabi mo di ako pwedeng magkaro'n ng nobyo? Aba, nakakainsulto ka na, pasalamat ka gwapo ka!" bulalas ko sa kaniya.
"Hindi gano'n ang ibig kong sabihin, Ginny. Ang gusto kong sabihin at ipaintindi sayo ay tungkol sa katauhan ni Kwangyeon. Isa siyang masamang bampira na hindi marunong umibig," sabi niya sa akin nagkunot naman ang noo ko dahil doon.
"Minahal mo na ba siya para sabihin iyan?" inis kong saad sa kaniya. Nagkunot ang noo niya, "Mukha ba akong pumapatol sa kapwa ko lalaki?" nakasingkit mata niyang tanong sa akin.
Masyadong defensive, baka nga bayot 'tong lalaking 'to.
"Hoy, 'di ko naman sinasabi na bayot ka! Ang ibig sabihin ko lang e' naranasan mo na bang ibig ng katulad niya para mag conclude ka ng ganyan."
"Sinabi ko na nga diba? Isa siyang halimaw na umiinom ng dugo ng tao,"sabi naman ni Bona sa akin.
"Sasaktan niya kahit ang taong mahal niya, huwag lang mawala ang lahat ng kaniya," sabat naman nung babaeng naka-costume ng gisaeng.
"Bakit, umiinom din naman ng dugo si Sungmin ah, bakit hindi siya halimaw sa paningin niyo?" tanong ko sa kaniya.
"Dahil sa mabuting nilalang si Sungmin."
"Hindi, dahil sa naniniwala kayo kay Sungmin, binigyan niyo ng pagkakataon na ipakita ang kabutihan niya hindi katulad ni Kwangyeon na masama lang talaga ang tingin niyo," saad ko sa sarili sa seryosong boses. Napatingin ang mga tao sa kwarto maging ang isa pang scholar na andoon at ang lalaki na nakatago sa isang puting tabing.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo binibini," sabi ng lalaki nagtatago sa loob ng tabing. "Isa siyang dayuhan, malamang hindi niya talaga alam," sagot naman nung Gisaeng sa akin.
"Nakasama ko siya ng matagal at wala siyang ginawa kundi ang pasayahin ako. Walang awa,mamatay tao? Maraming beses na niya ako dapat pinatay kasi nandoon lang naman ako sa tabi niya natutulog pero hindi niya ginawa. Ilang beses din niya akong niligtas. Kahit yung kaibigan ko niligtas din niya nung sinugod sila ng magnanakaw.
Iniwan niya ako para tuluyan akong gumaling kahit na ibig sabihin n'on ay malilimutan ko siya. Kahit na di ko narinig na sinabi niyang mahal niya ako, naramdaman ko iyon kaya nga ako andito eh dahil gusto kong maramdaman ulit 'yon," paliwanag ko sa kanila.
"Alam niyo, thank you na lang sa one night accomodation. Hahanapin ko na lang ng mag-isa si Kwangyeon," dagdag ko sa kanila at saka ako tumalikod para umalis.
Hindi ko kailangan ng mga taong close minded sa bampirang may abs.
"Sandali lang," saad ng isang boses. Galing iyon sa lalaking nagtatago sa tabing, lumingon ako at tumingin sa kaniya.
"Ipagpatawad mo ang inasal ko sa harap mo," saad niya muli sa akin.
"Huwag mong sabihin na naniniwala ka sa kaniya?" tanong naman muli ng Gisaeng na iyon sa akin.
"Naiintindihan ko na kung bakit nais ni Sungmin na makausap natin siya," saad muli nito.
"Gusto mo bang patunayan sa amin na mabuting tao si Kwangyeon?" tanong niya muli sa akin. Humarap ako sa kaniya at saka ako bahagyang lumapit.
"Di ko kailangang patunayan iyon, makikita niyo na mabait talaga siya," saad ko sa kaniya at saka ako mahinang ngumiti.
"Kung gayon, kapag napatunayan mo ito ay hahayaan na kitang samahan ang lalaking mahal mo," sabi niya sa akin.
"Nag-aalala lang naman siya sa kaligtasan mo dahil hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ni Kwangyeon," sabi naman ni Sungmin sa akin.
"Papatunayan kong hindi siya masama. Kailan niyo ba gustong mapatunayan iyan ha?" tanong ko sa kaniya.
"Sa darating na hating gabi ay magaganap ang tradisyon ng pag-aalay ng dugo sa bampira. Doon mo patunayan ang kabutihang loob na sinasabi mo sa akin," saad niya sa akin.
***
"SIGURADO ka bang gagawin mo ito?" tanong sa akin ni Sungmin iyan ng makita niya akong naghahanda na para sa gagawin namin.
"Oo naman," sagot ko sa kaniya at tiningnan ko ang damit na nakahanda.
"Makikita niyo kung ano talaga si Kwangyeon," sagot ko sa kaniya at nagsimula na akong magpaganda. Syempre, dapat mainlove ulit siya sa akin. Yung tipong magiging kaakit-akit ako sa mga mata niya.
"Hindi ka ba natatakot dahil baka may mangyaring masama sayo?"
"Mas natatakot akong hindi siya makita," sagot ko muli sa kaniya. Tumingin ako sa salamin para magpahid ng lipgloss, color pink pa to para makita ni Kwangyeon na kissable ang lips ko. Tumayo naman ako para kunin ang puting damit na dinala ko. Mabuti talaga naisip kong magimpake bago pa man lang pumunta dito. Ang talino ko talaga.
"Sa tingin mo ba magagandahan si Kwangyeon sa akin kung makikita niyang suot ko to?" tanong ko kay Sungmin.
"Kakaiba ang damit mo, masyadong maikli at nakikita ang balat," sabi niya sa akin at lumapit siya sa akin. "Lagpas din ang pinagkulay mo sa labi mo," saad niya at pinunasan niya ang labi ko.
Pumasok si Bona sa kwarto, napayuko siya pero kitang kita ko ang pagtirik ng mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Handa na po ang palasyo," sabi niya.
"Sige susunod na kami ni Ginny. Tutulungan ko lang siya maghanda," mahinanong sagot ni Sungmin at ngumiti siya kay Bona. Umirap muna si Bona sa akin bago siya umalis. Pagkatapos ay dinala ako ni Sungmin sa loob ng palasyo.
"Sumigaw ka agad kung sasaktan ka niya," babala ni Sungmin sa akin habang naglalakad kami papasok sa isang kwarto. "Mukhang mabibighani niya ang bampira dahil sa kaniyang suot, galing ba iyan sa ibang bansa?" tanong ng isang lalaking sundalo.
"Ah ito, salamat at nagandahan ka pero di ito imported. 150 lang 'to sa Divisoria tapos kapag sinukat mo na patong, 250 naman." sagot ko sa kaniya.
"Nandito na tayo na binibini," saad ni Bona sa akin at inirapan muli ako napakamot na lang ako ng ulo habang papasok sa kwarto. Isang magandang kwarto ang nandoon at naupo na ako sa may higaan habang naghihintay.
"Malipas ang limang minuto dadating na ang bampira kaya maghanda ka. Tandaan mo ang habilin ni Sungmin. Sumigaw ka kapag takot ka na," sabi ni Bona sa akin at pumasok siya sa isa pang kwarto na parang taguan.
Bumuntong hininga akong muli. Hindi nagtagal nagpatay na sila ng kandila sa labas at tanging sa kwarto na lang ito ang may ilaw. Mamaya maya pa ay may anino akong naaninag at bumukas ang pintuan. Hangin ang naramdaman ko at isang lalaki na ang nakatayo sa harap ko. Nagtaas ako ng tingin para makita siya at mabilis na tumibok ang puso ko. Sa bilis nito napahawak ako sa dibdib ko. Nasa harap ko na siya ngayon at nakatayo. Nakangiti siya sa nakakatakot na paraan pero ito ako di ko magawang matakot. Imbes na unahin ko ang inis saka ang kilig luha ang unang tumulo mula sa aking mga mata.
"Hindi ikaw ang birhen na dapat na iaalay sa akin," sabi niya sa akin at ngumiti muli siya. "Hindi ikaw ang pinili ko, 'di ka gano'n kaganda," nakakainsulto niyang saad.
"Hoy! Huwag ka ngang choosy, virgin kaya ako kaya makuntento ka na," bulalas ko sa kaniya at nagkunot ang noo niya. "Makapagsalita ka akala mo gwapo kahit sobrang gwapo mo naman talaga," saad ko sa kaniya at saka ako nag-flip ng hair.
Binalik ko naman ang wisyo ko sa topic na dapat pag-usapan namin.
"Bakit ka ba umalis?" tanong ko sa kaniya at tuluyan na akong tumayo pero inunahan niya ako at biglaan na siyang sobrang lapit sa akin inilapit niya ang labi niya sa leeg ko.
"Mabango, masarap," sabi niya sa akin at inihirap niya ako. Teka bakit ganito siya ngayon baka nagpapahard to get lang siya, halikan ko na ba 'to para hindi magpabebe?
"Natatakot ka ba sa akin?" He asked and he chuckled. "Huwag kang mag-alala uubusin ko lang naman ang dugo mo. Hindi mo mararamdaman masyado ang sakit ng kagat ko," sabi niya sa akin at ibinaba niya ang kamay niya sa leeg ko pababa sa aking shoulders.
Hindi niya nasabing gusto niya ng hard.
Napasigaw ako ng bigla akong ibalibag ni Kwangyeon sa isang gilid ng kwarto. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko na lang na biglaang magkaharap si Sungmin at Kwangyeon.
"Akala mo ba ay maloloko mo ako gamit ang patibong mo?" tanong ni Kwangyeon sa kaniya at tumingin sa akin. "Binibini, ayos ka lang ba?' tanong ni Bona sa akin at tinulungan niya ako.
"Kwangyeon," tawag ko kay Kwangyeon at bahagyang napunta ang atensyon niya sa akin pero naglaho din ito dahil sa sinugod siya ni Sungmin.
"Magpasalamat ka Sungmin at wala akong gana ngayon," saad niya kay Sungmin at aalis na sana siya.
"Wag ka ng umalis ulit please?" pakiusap ko sa kaniya. Para siyang nanigas dahil sa sinabi ko, parang naalala niya ako na hindi. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya na hindi niya ako naalala o ano pa man pero ang alam ko nakikilala niya ako.