Chapter 18: Bona's broken heart
PARA akong baby na iyak ng iyak dito sa gilid ng kainan dahil sa nararamdaman kong inis at dismaya sa biglaang paglalaho ni Kwangyeon. "Binibini, bakit ka ba iyak ng iyak ha?" tanong isang tindera sa akin. Sa isang iglap ay nawala na naman siya kasama si Minah. Kaya ito ako, parang batang umiiyak kasi nabitin na naman ako sa pagkikita namin.
"Marahil ay natakot siya sa ginawa ng ginoo na 'yon sa mga rebelde, kilala niyo ba ang ginoong iyon?" tanong na naman ng isang nandoon.
"Kwangyeon daw ang pangalan ng ginoo," saad naman tindera na nagpapakalma sa akin. Hinigpitan ko ang hawak sa robe ni Kwangyeon. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa ginawa niya o mas lalo akong maiinis. Akala ko ba mabilis lang na nakakaalala ang puso? Marahil ay wala talagang dapat alalahanin ang kaniyang puso.
Baka hindi talaga ako naging importante sa kaniya kaya madali lang niya akong kinalimutan.
"Saan ba ang iyong tahanan binibini? Ihahatid ka na lamang namin," saad ng isa sa mga nandoon.
"Akala niya sapat na itong mabahong robe niya na peace offering. Pasalamat siya at na distract ako sa abs niya," muli kong saad at saka ko pinunasan ang sipon kong tumutulo na.
"Ano ang nangyaring g**o dito?" napalingon ako at nakita ko si Sungmin na kasama si Bona, magkaholding hands pa sila.
"Binibini, kanina ka pa namin hinahanap," sabi ni Bona sa akin at agad siyang lumapit.
"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Bona sa kanila at nagkwento nga ang mga tao sa kanila.
"Bona i-u-uwi ko na siya, siguraduhin mo na mapapalitan ang mga gamit na nasira dito," saad naman ni Sungmin.
"Opo, Iskolar, masusunod po ang inyong utos," saad naman ni Bona. Lumapit si Sungmin sa akin at tinulungan ako na makatayo.
"Halika na," saad niya sa akin. Ang sunod ko na lang na alam ay naglalakad na kami paalis. Nakita ko pa si Bona na nakatingin sa akin at saka ako tumingin kay Sungmin.
"Huwag mo nga akong hawakan. Nagseselos si Bona," walang gana kong giit sa kaniya.
"Wala siyang dapat ipagselos dahil siya naman ang mahal ko." saad naman niya sa akin at tiningnan niya ako, napapoker face naman akong tumingin sa kaniya pabalik.
"Nakita mo siya ulit?" tanong niya sa akin.
"Niligtas niya ako," saad ko sa kaniya.
"Alam ko dapat natutuwa ako ngayon pero naiinis ako kasi hindi pa rin niya ako naalala. Naiisip ko tuloy na baka hindi memorable yung love namin para sa kaniya. Nalilito na ako, pakiramdam ko ako lang yung nag-isip na mahal din niya ako. Siguro nga naawa lang siya sa akin kaya siya bumalik at ngayon baka naawa lang din siya kaya niya ako niligtas," sabi ko sa kaniya.
"Hindi naman siguro ganoon," sabi niya sa akin.
"So, naniniwala ka na hindi talaga siya masama?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi, pero naniniwala ako na baka nga mahal ka niya," sagot niya sa akin. Napangiti ako ng marinig ko iyon, baka nga. Baka nga hindi lang niya ako naalala pero ako rin ang tinitibok ng puso niya. Baka nga soon mapagod din ako na mag-isip ng ganito at mawalan ako ng pag-asa.
"Sandali lang!" sigaw niya sa akin at saka niya ako tinulak sa lupa.
"Aray ko naman!" sigaw ko pabalik sa kaniya. Sa isang iglap ay nakapatong na si Sungmin sa akin at halos magkalapit ang aming mukha. Napansin ko naman ang agad niyang pamumula.
"Bakit mo ako tinulak?" tanong ko sa kaniya.
"Yung ahas muntikang malaglag sayo," saad niya sa akin
"Ay so kaagad kang manunulak, di mo muna ko in-inform? Ano 'to teleserye? Tapos ma-i-inlove ako sayo pagkatapos makakalimutan na yung tunay na pakay ko dito—Omg, hindi pwede 'yon dahil kay Kwangyeon lang ang heart ko," sabi ko sa kaniya with matching facial exrpressions pa. Nagkunot naman ang noo niya na para bang naweirdohan siya sa akin.
"Nagulat lang naman ako kasi naman makamandag ang ahas na 'yon, tingnan mo pa kung nais mo." Sabi niya sa akin.Tumingin siya sa itaas nakita ko nga yung cobra na sumasayaw habang binebelatan kami.
"Ay, oo nga ano? Sige tayo ka na alis na tayo, baka mamaya anaconda naman na ang makita natin dito," saad ko sa kaniya at bahagya ko siyang tinulak. Patayo n asana kaming dalawa ng pakiramdam ko ay may pumapatay na sa akin mentally.
"Iskolar... Sung-min..." nadinig namin ang boses ni Bona at parehas kaming napatingin sa direksyon niya. Hindi nga ako nagkamali dahil may nakakita sa amin. Nagseselos na ang leading lady ng istoryang ito.
"Tumayo ka na," bulong ko kay Sungmin at agad naman siyang tumayo.
"Ah, may nangyari lang. Huwag kang mag-isip ng kung ano Bona," sabi ko kay Bona at tumayo na rin ako.
"Ang sabi mo sa akin ay hindi mo gusto ang dayuhan, anong ibig sabihin nito, Sungmin?" tanong ni Bona.
Tamang hinala 'tong si Bona. Toxic 'to maging girlfriend.
"Hindi ko nga siya gusto Bona, may nangyari lang talaga," saad naman ni Sungmin.
"Oo nga, tingnan mo yung cobra doon sa gilid oh! Muntikan akong tuklawin n'yang kanina. Niligtas lang niya ako laban diyan," sabi ko naman kay Bona.
"Hindi iyon ang aking tingin Sungmin, ang sabihin mo siya na ang tinitibok ng iyong puso!" sabi ni Bona sa kaniya
"Iyon talaga ang nangyari at hindi ang 'yong iniisip, Bona! Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong naman ni Sungmin at lumapit na ito kay Bona pero lumayo lang ito at sinundan naman siya ni Sungmin.
"Ngayon alone na lang ako, uuwi na nga ako," sabi ko sa sarili ko at umalis na rin ako. Alam ko naman na ang pauwi sa Moon Hwa Gwak eh. Habang naglalakad ako ay napansin ko na parang may sumusunod sa akin.
"Sino 'yan?" tanong ko ngunit wala namang sumagot sa akin.
****
LUMIPAS ang ilang araw at hindi ako muling pinansin ni Bona. Alam ko di kami close pero talaga bang pinagselosan niya ako? "Bona, wala nga yung nakita mo, nakapatong lang siya sa akin kasi may cobra na sumasayaw sa gilid. Kawawa naman na si Sungmin oh. Bampirang insomiac na ang dating niya." Saad ko sa kaniya pero inirapan lang niya ako.
"Inaagaw mo si Sungmin sa akin! Ano ba talagang gusto mong mangyari ha?" tanong niya sa akin.
"Grabe ka agaw agad? Hoy! Pogi lang si Sungmin pero si Kwangyeon ang mahal ko. Kumpara naman sa patpatin mong Sungmin e mas masarap a—I mean..." Mahina akong tumawa kasi na-realize kong overacting ang reaksyon ko at mukhang nainsulto siya ng tawagin kong patpatin si Sungmin.
"Sorry na nga,hindi ko naman sinasadya iyon kung nasaktan ka. Si Kwangyeon ang pinunta ko dito at hindi si Sungmin kaya hindi mo kailangang matakot." Paliwanag ko sa kaniya pero tinarayan lang niya ako gamit ang red eyeliner niya.
Lahat ba ng mataray sa Joseon eh naka red eyeliner? Kasi sa dramang pinapanood ko gan'on e, gan'on din ba diteyy?
"Sana nga ay hindi ka hadlang sa pagmamahalan namin ni Sungmin. Ang dami na naming pinagdaanan at hanggang ngayon 'di ko pa sigurado kung ganito rin ang nararamdaman niya sa akin," saad niya sa akin.
"Basta ang sabi ni Sungmin wala ka raw dapat na ipagtampo pa. Alam mo raw ang laman ng puso niya at kumpante siya doon." Saad ko sa kaniya at saka ako ngumiti sa kaniya.
"Sana nga Ginny, sana nga," sabi niya sa akin at muli nagwalk out na siya. Ang sunod ko naman na pinuntahan ay si Sungmin kukumbinsihin ko siya na kausapin si Bona para iprove ang pagmamahal niya dito.
"Hello!" bungad ko ng pumasok ako sa kwarto ni Sungmin pero isang bampirang naglalasing ang nakita ko.
"Oh, Ginny nandito ka pala! Halika ako'y iyong samahan at magsaya tayo!" bati niya sa akin at saka siya ngumiti.
Lasing na ang gago.
"Alam mo ang aga-aga naglalasing ka," sita ko sa kaniya.Umupo ako sa tapat niya at inilayo ang baso sa kaniya. "Imbes na maglasing ka, puntahan mo si Bona at kausapin mo."
"Iniirapan niya ako, hindi ko na alam kung paano siya kakausapin," dahilan niya.
"Irapan mo rin siya, ang arte niya bwisit!" tiningnan niya ako ng masama habang umiinom siya ng alak at saka niya nilabas ang pangil niya sa harap ko.
OMG! Wrong move!
Nagpeke ako ng tawa at saka binawi ang sinabi ko.
"Joke lang naman pero seriously dapat kausapin mo siya. Siyempre mas maniniwala yun sayo kesa sa akin, kahit ilang beses kong ipaliwanag sa kaniya na si Kwangyeon ang mahal ko eh nakita niyang nakapatong ka sa akin. Iba talaga iisipin n'on," sabi ko sa kaniya at ako ang uminon sa iniinuman niya.
"Ang tapang pala n'yan!" saad ko sa kaniya at uminom ulit ako.
"Pinaliwanag ko na, ayaw niyang maniwala. Hinalikan ko na ngunit wala pa rin." saad niya sa akin.
"Kaya suyuin mo na lang," sabi ko sa kaniya at muli akong uminom.
"Akala ko ba ako ang naglalasing sa ating dalawa? Bakit ikaw ang inom nang inom?"
"Ako ang may karapatan na maglasing kasi may amnesia ang jowa ko. Ikaw selosa lang ang jowa mo, may rust issues ata," sagot ko sa kaniya at muli akong uminom.
"Trust issues?" tanong n'ya sa akin.
"Walang tiwala kahit sa taong mahal niya...." Saad ko at muli akong uminom.
"Matapang iyan kaya huwag mong damihan ang inom mo. Minsan nagbibigay pa iyan ng halusinasyon sa mga nakakarami," sabi niya sa akin at muli akong uminom saka ko binitawan ang baso.
"Sige na aalis na ako, kausapin mo yan si Bona ah," sabi ko sa kaniya at umalis na ako sa kwarto ni Sungmin. Habang naglalakad ako at iniisip si Kwangyeon, isang lalaki ang nakita ko sa harap ko at palapit sa akin.
Si Kwangyeon ay nasa harap ko at lumalapit siya sa akin na para bang naalala na niya ako.
"Kwangyeon, naaalala mo na ba ako?" tanong ko sa kaniya pero nanatili lang siya na nakangiti sa harap ko.
"Kahit kailan 'di kita malilimutan, Ginny." sabi niya sa akin at saka siya ngumiti sa aking harap.
"Bakit parang ang saya mo yata?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko.
"Matagal ko kasing hinintay ang pagkakataon na makita ka" sabi niya sa akin. Napangiti na lang ako dahil sa saya, naalala na ba niya ako?
"Bakit ka umalis?" tanong ko sa kaniya.
"Mahalaga pa ba iyon?" tanong niya pabalik sa akin. Umiling ako bilang sagot sa kaniya.
"Ang mahalaga ay nandito ka na at kasama na kita ngayon. Ang mahalaga mahal natin ang isa't –isa...." saad ko sa kaniya at saka ko siya hinalikan.
"Teka lang Ginny, bakit mo ako hinahalikan?" nadinig kong tanong ni Kwangyeon. Bumitaw ako sa halik ko sa kaniya.
"Hahalikan kita kasi sobrang kitang namiss. Ang tagal kitang hinintay eh," sabi ko sa kaniya.
"Ginny, sabi ko na nga ba tatamaan ka doon sa alak dahil sa dami ng nainom mo," sabi niya sa akin, nagtaka naman ako.
"Paano mo nalaman na uminom ako?" tanong ko sa kaniya pero inikot lang niya ang mga mata niya.
Ang gwapo mo pa rin kahit nakakainis ka.
"Never mind, kiss na lang kita ulit," sabi ko at muli kong siyang hinalikan at hindi nagtagal tinugunan ni Kwangyeon ang halik ko sa kaniya. Parehas na intensidad, namiss nga niya ako alam ko, pero bakit ganito wala yung kagat sa lips? Alam ko kasi pag si kwangyeon kakagat pa sa lips iyan eh. Aggressive kasi siya you know? Well, hindi niyo alam kasi ako lang ang nahahalikan niya ng gano'n.
"Sandali, teka lang--" angal na naman niya.
"Hindi na ako makahinga sa halik mo, sobrang aggresibo mong humalik." Dagdag pa niya sa akin, mas aggressive ka kaya mag-kiss Kwangyeon. Don't me. Tumigil ako saglit at tumingin sa kaniya.
"Kwangyeon," tawag ko sa kaniya at siya naman ang muling humalik sa akin nagpadala na lang ako. Sobrang saya ko kasi naalala na niya ako.
"Akala ko ba walang namamagitan sa inyo nang dayuhan na 'yan! Bakit kayo naghahalikan? Mga traydor! Sinungaling kayo!" nadinig ko na sigaw ng isang babae.