Chapter 15: New dimension

3144 Words
Chapter 15: New dimension BUONG gabi akong hindi nakatulog habang iniisip ang mga sinabi sa akin ni Luke. Parang biglaan sa isang hampasan lang, nalito ako sa mga nangyayari. Pero mas ginugulo ako sa pag-iisip kung paano mapupuntahan si Kwangyeon, kung paano ko siya makikita ulit. Ang dami kong gusto itanong sa kaniya. Noong nagkasakit ako, siya ang dahilan kung bakit ako naging masaya at hindi ko masyado inisip ang sakit ko. Tiningnan ko ang phone ko at nawala ang mga litrato naming dalawa. Nawala siya na parang bula. Siguro mas gusto niyang hindi ko na siya maalala, ako rin naman eh. Ayoko na maalala pa muli siya pero siguro gusto ng puso ko, kungbaga malakas ang tama ko sa kaniya. Mahal na mahal ko yung bampirang iyon. Nakakaurat ng bangs. "Anak, nasa ibaba si Luke," nadinig kong sabi ni mama mula sa pintuan ko. "Ayoko siyang makita..." sagot ko sa kaniya. "Anak, gusto ka niyang makita kahit ayaw mo daw siyang makita," muling sabi ni mama sa akin. "Magpakita na lang siya sa akin kapag alam na niya kung paano babalik si Kwangyeon," sagot ko muli kay Mama. "Sino si Kwangyeon?" tanong naman ni Mama sa akin. "Mama, siya yung madalas na nagbabantay sa akin sa hospital dati. 'Yung hindi natutulog t'wing gabi. Hindi mo ba siya naaalala?" tanong ko pabalik sa kaniya. Napaisip naman si Mama sa mga sinabi ko sa kaniya at saka napakamot ng ulo niya. "Wala ka namang pinapakilalang Kwangyeon sa akin. Ginny, si Luke ang madalas na nasa hospital para bantayan ka," sagot ni Mama. Maging siya ay nakalimutan din si Kwangyeon. Lahat ng taong nakakilala o' nakakita sa kaniya ay nalimutan din siya. No wonder why Terri forgot about him too. "Wala ba? Sayang naman at hindi ko siya naipakilala sa iyo," nanghihinayang kong sagot ko sa kaniya at saka ako muling naluha. Isa si Kwangyeon sa pinakamagandang dumating sa buhay ko pero nakalimutan ko siya ng ganoon na lang. "Ginny, let's talk please?" pakiusap ni Luke pero sinigaw ko na ayoko makipag-usap sa kaniya. "Luke, ayaw daw niyang makipag – usap sa'yo eh." "Tita, ibabalik ko lang yung comic book na naitapon ko na naging dahilan kung ng himutok niya," nadinig ko na pagdadahilan ni Luke sa kaniya. "Nagpapabebe lang 'yan kaya ikaw na ang bahala sa kaniya," sagot naman ni mama sa kaniya. Inikot ko ang mga mata ko dahil sa sagot ni Mama tapos ay nakarinig na ako ng yabag palayo. "Ginny, let's talk," sabi niya sa akin pero hindi ako sumagot. "Alam kong galit ka, natakot lang naman ako na mawala ka ulit," sabi niya muli sa akin. "Matapos mo akong saktan at manipulahin ang mga naalala ko?" sagot ko naman pabalik sa kaniya. "Hindi kita minanipula, Ginny. May mga nabago kasi ng dumating si Kwangyeon kaya nawala ang alaala mo tungkol sa kaniya," pagpapaliwang niya sa akin."Nawala ang alaala mo dahil isa lamang ilusyon, drawing, storya, alamat. Hindi siya totoo." "Edi sana sinabi mo sa akin na merong Kwangyeon para naalala ko siya agad. Luke pakiramdam ko kalahati ng buhay ko ang nawala nung umalis si Kwangyeon," saad ko sa kaniya at saka ako lumuha. Ayan, umiiyak na naman ako. "Mahal ko siya." "Ginny, hindi siya totoo." "Bakit ka nag-eexist kung 'di siya totoo?" tanong ko pabalik sa kaniya. Napahawak siya sa buhok niya at halatang naiinis na. "Ginny, maniwala ka na lang kasi sa akin," sagot niya sa akin pero matigas ako. "Bakit hindi ka na lang din bumalik sa libro kung wala kang ibang gagawin kung hindi i-down ang hopes ko at sabihing hindi siya totoo?!" sigaw ko sa kaniya. Bumuntong hininga si Luke, naiimagine kong mukha na siyang aso diyan sa labas. Anong binago ni Kwangyeon at kailangan ko pa siyang makalimutan? Eh wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang pasayahin lang ako. "Ginny, hindi mo maiintindihan ang lahat," sagot niya sa akin. "Matagal na siyang patay!" sigaw niya sa akin "Patay?" tanong ko pabalik sa kaniya at binuksan ko na ang pintuan. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ko at nagmukhang relieved na dahil sa pagbukas ko ng pintuan. "Anong ibig sabihin mo na namatay siya?" tanong ko sa kaniya. Pumasok siya sa loob ng kwarto at saka isinara ang pintuan. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya. "Yung libro, ano bang ending niyan?" tanong niya sa akin. "Ayon sa internet ay namatay si Kwangyeon," sagot ko sa kaniya. "Iyon ang dahilan kung bakit wala dapat siya dito Ginny, ang pagdating ni Kwangyeon ang naging dahilan kung bakit ka biglang nanghina. He doesn't exist at all, you're life force made him real." sagot niya sa akin. "Kumukuha siya nang lakas sa'yo at naging dahilan 'yon para mapadali ang paglala ng cancer mo. Ang tanging paraan para matulungan ka niya ay ang pagbalik niya sa Joseon," paliwanag niya sa akin. "Lumakas ka nang dahil sa pag-alis niya at ang kapalit no'n ay ang paglimot mo sa kaniya..." "Wala akong pakialam kung iyon ang dahilan Luke. Ang gusto ko lang ay makita muli si Kwangyeon," sagot ko sa kaniya. "Wala na akong pakialam sa paliwanag mo o sa kahit na anong pang rason. Kailangan ko siyang makita," dagdag ko pa sa kaniya. "Hindi pwede," matigas niyang saad sa akin. "Alam mo naman na mahal ko siya eh," dagdag ko pa sa kaniya. "Pero hindi siya tao," segunda niya sa akin. "Ginny, hindi na dapat magtagpo ang mga landas ninyo. Masasaktan n'yo lamang ang isa't- isa dahil 'di siya totoo. Kaya mas minaigi ko na pabalikin na lamang siya sa libro kung saan siya nararapat. Na manatili siyang alamat, korean drama o ano pa man. He doesn't exist anymore. Tanging mga libro na lamang ang nagpapatotoo sa kaniya. Ang tunay na Kwangyeon ay isang bampirang ubod ng sama. Iba sa pinapaniwalaan mong siya." "Bampira ka rin naman e mas mabango nga lang si Kwangyeon sayo ng 100 times!" iyak ko sa kaniya. Kasabay n'on ay ang pagtulo ng sipon ko. "Pero hindi ako galing sa isang libro Ginny, totoo akong bampira. Si Kwangyeon, imahinasyon lamang siya ng isang writer. Ang Kwangyeon na minahal mo, ang mga katangian niya. Lahat 'yon ay ilusyon lamang Ginny." sagot niya sa akin. "Kung alam mong imahinasyon lang siya, bakit mo siya kilala na parang totoo siya? At kakasabi mo lamang na galing ka sa Joseon." "The real Kwangyeon existed but he died. He's a evil vampire, a folklore.... Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa'yo Ginny? He's not real anymore!" Pagdadahilan niya sa akin. Umiling ako, alam kong nagpapalusot naman siya. "Kung gusto mong mapatawad kita, gumawa ka ng paraan para makita at makausap ko si Kwangyeon," sabi ko sa kaniya. "Meron na nga diba?" tanong niya sa akin. "Kaya kong papuntahin ka sa Joseon para makita mo siya," sabi niya sa akin. "Talaga?' biglaang nagliwanag ang paningin ko sa mga sinabi niya sa akin. "Pero may isa muna akong tanong sayo. Talaga bang mahal mo siya?" tanong niya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko. "Sa tingin mo kung hindi totoo ang nararamdaman ko, bakit ko siya maalala?" tanong ko muli sa kaniya ngunit 'di siya sumagot. "Lahat ay ginawa ko para ' di mo na siya maalala muli. Ginawa ko naman lahat para di na maalala ng puso mo ang nararamdaman mo sa kaniya. Ginny, naghintay ako ng mahigit 500 taon para makita ka ulit," sabi niya sa akin at tumulo ang kaniyang mga luha. "Luke, sabog ka ba? Ako ang walang tulog sa ating dalawa kasi naloloka ako. Anong 500 years ba iyang sinasabi mo?" tanong ko muli sa kaniya. "Reincarnation ka ni Miri," seryosong saad niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. "Wait, what? Miri did exist?" Tumango siya sa akin. "There's a real Miri that fell in love with Kwangyeon, Ginny. A real woman that he loved before he became evil. His love for her made him worst and it ended tragically." Pagkwento niya sa akin. "Wait, so doon sa manga ng Midnight Romance ay yung ibang characters ay hango sa totoong characters?" I asked. "Yep, and the writer just romanticized it ngunit 'di no'n matatago ang totoong nangyari. A manga is just a story, while history is the truth." Tumingin ako sa kaniya at saka umiling. Hindi ko alam kung mababaliw muna ako saglit o hahanapin ko na ba si Kwangyeon. Everything is just too huge to absorb right now. Pero bago ako mabaliw, dapat si Luke muna ang tanungin ko kung baliw na siya kasi ang lolo n'yo ay naniniwala sa reincarnation. "Nababaliw ka na ba at naniniwala ka sa reincarnation?" tanong ko pabalik sa kaniya. "If vampires can exist, what do you think of reincarnations?" he asked me back. Nagkunot ang aking noo. "Bago ka mamatay bilang si Miri, nangako kang babalik para kay Kwangyeon. At nangako naman akong hahanapin kita upang pigilan ang pagdudusa mo. Hindi mo dapat mahalin ang isang masamang bampira. Hinintay kita at nang makita kita ay sinigurado kong sa akin ka mapupunta," sagot niya sa akin. "Kahit na totoo man na ako ang reincarnation ni Miri. Wala 'yong kinalaman sa pagmamahalan namin. Minahal niya ako bilang si Ginny. Naramdaman ko 'yon." sagot ko sa kaniya. "Parehas kayo ni Miri, minahal niyo siya kahit na alam niyong hindi siya tao at masama siya. Kahit na ngayon na isa na lamang siyang karakter sa manhwa ay minahal mo pa rin. Tapos ito ako, minamahal ang parehas na babaeng nahulog sa bitag ni Kwangyeon," sagot niya sa akin "Magkaiba kami ni Miri, and if ever we loved Kwangyeon. It's because we saw the best that he can be. He might be known as the evil one but he was someone who will give up everything for the girl he loves," sagot ko sa kaniya. "Just let me see him. Kailangan kong bumawi sa kaniya, sa mga nagawa niya para sa akin. I can't just let him go because he gave me the reason to live," dagdag ko pa sa kaniya. "Isa lang ang paalala ko Ginny, wala kang babaguhin sa mga mangyayari. Hindi mo pwedeng baguhin ang istorya na nalikha kundi mababago ang lahat. May magbabago sa mundong dadalhan ko sayo." Sabi niya sa akin at kinuha niya ang libro. "Wala naman akong babaguhin, gusto ko lang na makita siya, gusto ko lang itanong kung talaga bang wala siyang naramdaman sa akin. Kung bakit ang dali para sa kaniya na iwanan ako," muli kong saad sa kaniya. "Sigurado ka na ba?" tanong niya muli sa akin. "Oo," sagot ko sa kaniya. Binuklat niya ang kopya ko ng libro. "Nadagdagan na siya ng isang chapter, tungkol ito sa pagpunta mo sa Joseon Ginny. Magiging parte ka na ng librong ito, bawat gagawin mo mababasa ko at malalaman ko," paliwanag niya. "Sa oras na guluhin mo ang istorya, ibabalik ka nito agad sa realidad at hindi na hahayaan na makabalik pa. Kwangyeon is meant to die, Ginny. He needs to die." muli niyang pagpapaalala sa akin. "Anong gusto mong gawin ko? Tingnan siya at paglawayan tapos bumalik na ako agad? Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Gusto kong yakapin siya, gusto ko siyang sabunutan, hampasin, gusto kong makita kung okay lang siya gusto ko rin ulit matikman ang lips niya, soft kasi eh tapos ang sarap pa niyang humalik. Omg! " sagot ko sa kaniya at hinawakan ko ang labi ko. "Mas malambot ang labi ko doon," sagot naman niya sa akin. "Wala ka namang abs," sagot ko naman sa kaniya at sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit totoo naman diba?" pangbubuyo ko sa kaniya. "Mayro'n ako noon. Mas mahulma lang ang kaniya at hidden treasures pa ang akin. Virgin abs ang tawag dito," sabi niya sa akin. "Feeling mo naman," asar ko sa kaniya. Bumuntoong hininga siya at saka nagseryoso saglit. "Sigurado ka na ba ulit?" tanong niya muli sa akin. "Oo nga eh. Isang tanong pa ibibilad kita sa UV rays," sagot ko sa kaniya. "Bakit may UV rays ka ba dito ha?" tanong niya sa akin at tumango ako sa kaniya. "May collection ako ng invisible ink, may UV light yun pwedeng pamatay sa'yo." Sagot ko sa kaniya.Inilabas ko ang isang set ko ng Invisible Pen at binuksan ko pa ang UV light sa dulo n'on kaya wala siyang choice. "Makakapasok ka sa mundo niya dahil sa dugo niya na dumadaloy sa katawan mo," saad niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. "Dugo ni Kwangyeon?" tanong ko sa kaniya at tumango siya sa akin. "Pinagaling ka niya Ginny, iyang dugo niya sa loob mo ang magdudugtong sa inyong dalawa." Sabi niya sa akin at mahina akong napangiti, sobrang saya ko. Doon ko napatunayan na mahal niya rin ako. "Isa pa, mag-iingat ka kay Donggun, sa oras na makilala mo siya. Luma—"saad niya sa akin at sobrang liwanag ang bumalot sa lugar. Wala na akong marinig kundi sari-saring tunog. Napapikit na lang ako tapos nang dumilat ako nakita ko ang sarili kong nakatayo sa tabi ng isang balon. Tama, isang balon. Sobrang dilim dito tiningnan ko ang sarili ko at buo pa rin naman ako, para nga lang akong si Sadako na basang-basa. Napaatras ako ng makarinig ako ng isang kaluskos. "Sino 'yan?" tanong ko sa kaluskos na nadinig ko. Pero muli, isang kaluskos pa ang aking nadinig. "Sino yan?!" matapang kong sigaw at tumingin ako sa paligid. Ikukuyom ko sana ang palad ko pero nabigla ako ng mapisil ko ang cellphone ko umilaw ito. "Ang talino ko talaga nadala ko ang phone ko" bulong ko sa sarili ko at ginamit kong pang-ilaw ang cellphone ko. 'Mabuti gumagana siya dito." Kinikilig kong giit sa aking sarili. "May tao ba diyan?!" sigaw ko muli pero tunog ng isang matapang na aso ang nadinig ko. "Sino yan?" sigaw ko sa paligid at nagsimula na akong kabahan. Mas lalo pa akong kabahan nang may makita akong limang pares ng makikinang na mata na nagtatago sa mga dahon. "Sana sa magandang place mo na lang ako binagsak at hindi rito. Gusto kong makita si Kwangyeon at 'di makain ng mga wolves! Papatayin talaga kita, lalagyan ko ng garlic ang inumin mo next time!" sigaw ko at mas lumapit ang mga tingin sa akin hanggang sa naaninag ko na mga aso ito. "Kwangyeon." Mahina kong bulong sa kaniyang pangalan. Dati naman kapag nasa panganib ako nandiyan kaagad siya para iligtas ako ah. "Kwangyeon!" tawag ko muli sa kaniya. "Rawr!" sabi ng isang aso at lumapit ito sa akin. Bakit parang ang sosyal ng rawr nung aso? Napaatras naman ako at natumba ako dahilan ng aking pagsigaw ko. Nagsitakbuhan na ang ibang mga aso sa akin at handa na akong hambahin. "Rawr din! Rawr!" atungal ko na parang aso, pero mas nakakatakot ang atungal nila. Scary, I don't want to die. "Kwangyeon!" sigaw ko sa pangalan niya at hinintay na lang na may dumamba sa kin pero iyak ng aso ang nadinig ko. Minulat ko ang mga mata ko at isang lalaki ang nakita ko.Hinagis nito ang mga aso kaya natakot naman ang ibang aso sa kaniya. Nakasuot siya nang kulay asul na hanbok at may salakot na sombrero. "Oh my God!" sigaw ko ng marealize kong hindi ako nakain ng mga aso. Agad siyang lumapit sa akin at tinulungan niya akong tumayo. "Binibini, ano ang ginagawa mo dito yaong gabi na?" tanong niya sa akin. Medyo dumugo ang ilong ko sa mga sinabi niya sa akin. Mabuti at medyo sanay na ako sa pakikipag-usap kay Kwangyeon. "Ah, ako? Hinahanap ko kasi yung walang kwenta kong nobyo na iniwan ako." sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti nagulat naman siguro siya sa pagsasalita ko. "Oo na, medyo hindi ako magalang. Pasensya na ha? Galit ako eh," sagot ko sa kaniya. "Saan ka nagmula Binibi? Base kasi sa iyong kasuotan ay tila hindi ka nakatira dito," tanong niya muli sa akin at tumingin siya sa suot kong pajama. "Galing ako somewhere, tapos bakit ganito ang suot ko kakagising ko lang talaga kaya ganito," sagot ko sa kaniya. "Somewhere? Saang parte ng bayan iyon?" muli niyang tanong sa akin pero natulala na ako. Lord patawarin niyo ako pero saglit akong magtataksil dahil ang gwapo niya. "Sa over there at the pader," sagot ko sa kaniya dahil naloloka ako sa effect ng moonlight sa kaniya. Sobrang gwapo niya siguro kapag lumiwanag na. Ngayong madilim e ang kisig na niyang tingnan, OMG jawline pa lang 'tong nakikita ko. Maraming gwapo sa Joseon Dynasty? "Mukhang nagulat ka sa mga nangyari. Mabuti pa ay tumuloy ka muna saglit sa aking tahanan upang magpahinga. Ipapahatid na kita sa somewhere pagsapit ng araw," sabi niya muli sa akin. "Ay, wag na. May hinahanap kasi ako." sabi ko sa kaniya. "Baka pwede kitang matulungan, ibigay mo ang pangalan niya sa akin." Sagot niya sa akin. Ang bait naman niya at nagmagandang loob na agad siya sa katulad kong alien from the future. "Ah, si Kwangyeon, siya yung hinahanap ko," sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti. "Si Kwangyeon, kilala mo ba siya?' tanong niya sa akin. Tumango ako sa kaniya bilang sagot. "Kilala mo ba siya at alam mo kung saan siya nakatira ha?. Naku yung bampirang hilaw na yun masasapak ko talaga siya kapag nakita ko tapos hahalikan ko after," sabi ko sa kaniya at suddenly naiyak ako. "Binibini, anong pangalan mo?' tanong niya sa akin. "Ginny," sagot ko sa kaniya. Inilahad ko ang kamay ko at kinuha naman niya iyon para ishake. "Jin- yi?" tanong niya sa akin. "Hindi, Ginny... As in parang Genie!' saad ko sa kaniya. "Ano 'yung Genie? Hindi ba Jin- Yi?" tanong niya sa akin. "Hindi no! Ginny parang Genie!" "Ano 'yung Genie?" sunod n'yang tanong sa akin. Naalala ko si Kwangyeon sa kaniya, parehas na parehas sila nang mga tanong. 'Yung tumutupad ng hiling pero ginawang pambabae ang spelling. Ginny, 'yon ang pangalan ko. Ikaw?" tanong ko pabalik sa kaniya. "Ako nga pala si Lee Sungmin," sagot niya sa akin.Nag-automatic na lumiwanag ang buwan dahil doon tuluyan kong nakita ang kaniyang mukha niya. "Omg! Salamat talaga sa ginawa mong pag save sa akin, akala ko madedead na ako bago ko pa makita si Kw--" natigil ako ng marealize ko kung ano ang itsura niya. OMG,is it real? Dalandan Is it real? OMG! "Jung Hee Yeol! ang gwapo mo!" sigaw ko at agad ko siyang yinakap. Emegheed ang gwapo niya tapos amoy heaven pa. Lahat ba ng vampires amoy heaven? "Tanga Ginny, nasa Joseon ka na. Hindi si Heeyeol ang kayakap mo. Si Lee Sungmin, ang bampirang tatapos sa buhay ng boyfriend mo," naisip ko 'yang realization na 'yan ng naka 5 minutes na akong yakap sa kaniya. Siyempre, sinulit ko muna bago bumitaw. "Ay joke! Hello Sungmin, thank you ulit," sagot ko sa kaniya at namula na lang ako sa hiya, nag-spazz ba naman ako sa harap niya. Diyos ko!Ang laking kahihiyan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD