Chapter 14: Flipped Pages
"BINABASA mo na naman iyan?" tanong sa akin ni Luke. Kakarating lang niya galing sa practice samantalang ako naman ay walang ginagawa dahil sa vacant time namin. "You need to stop reading that, it's not even interesting." Sabi niya muli sa akin.
"Ang ganda kaya nang istorya nito." Sambit ko naman sa kaniya.
"Nakakatuwa kasi, alam mo yung parang bumabaligtad ang story. Pakiramdam ko hindi talaga siya kontradiba. Alam mo 'yon? Feeling ko ay mayro'n siyang side story... Sana mayro'n nga s'yang side story..." sagot ko sa kaniya. Umupo siya sa aking harap at kinuha ang libro mula sa aking mga kamay.
"Tama na ang pagbabasa nito, okay?" sabi niya sa akin. Nilapag niya ang libro sa isang parte ng lamesa na malayo sa abot ko.
"Halika, samahan mo na lang akong bumili ng cheesecake sa ibaba.." Sabi sa akin ni Luke at hinila niya ako. Tumingin pa ako sa libro pero kinuha na niya ang attensyon ko ng tuluyan. Para bang may hiwaga na nababalot sa libro at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kilalang kilala ko si Kwangyeon. Natutuwa ako pag nakakagawa siya ng mabuti sa nobela at sa tuwing hinuhusgahan siya ay naiinis naman ako. To the point na pati yung character na ginagampanan ni Heeyeol ay kinakainisan ko na rin dahil sa pinapasok niya sa utak ng mga readers na masama talaga si Kwangyeon.
"Kwangyeon..." mahina kong bulong sa pangalan niya at saka ako napangiti.
"Kwangyeon! Kwangyeon! Kwangyeon! Wala ka na bang ibang sasabihin kung 'di Kwangyeon!" Naiinis niyang banggit sa pangalan nito. Napatingin ako sa kaniya dahil bakas ko ang inis at pagtitimpi sa kaniya boses.
"Ginny hindi na nakakatuwa ang buong araw na pagbanggit mo sa pangalan ng character na iyan. He's not even real!" sita ni Luke sa akin na nakakunot na ang noo niya.
"Ikaw naman parang hindi ka na nasanay, eh mas mahal ko si Hee yeol kaysa sa'yo."
"Kasi hindi na nakakatuwa."
"Luke isa lang siyang fictional character. Hindi siya totoo." Sagot ko sa kaniya pero nung sinabi kong hindi siya totoo para akong saglit na nakonsensya. Parang ayokong sabihin iyon kasi aaminin ko, pakiramdam ko totoong totoo si Kwangyeon.
"Of course you will never understand what I feel," sagot niya sa akin.
"Luke, nagseselos ka ba sa libro?"
"Basta gawin mo na lang ang gusto kong gawin mo Ginny. Huwag mo ng basahin ang libro na ito and don't ever try to call him again!" sabi niya sa akin na may halong pagtaas ng boses, bakas ang pagkainis sa boses niya.
"Bakit ko naman tatawagin si Kwangyeon, may cellphone ba siya?" tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang aking noo.
Wala naman kasing problema kay Luke kung buong araw ko siyang hindi mapansin dahil nanood ako ng korean drama or ng the game of thrones pero kapag itong libro na 'to ang hawak ko nagagalit siya. Nabigla na lang ako ng agawin niya ang libro at tinapon niya iyon sa barusahan ng nabubulok na pagkain.
"Luke!"
"Iyan ang nabagay sa librong 'yan!" sigaw niya.
"Ano bang ginagawa mo ha? Luke ibalik mo sa akin iyan sa akin!" sigaw ko sa kaniya.
"No! Hindi ko to ibabalik sa'yo 'to Ginny, hindi ko hahayaan na magkita kayo ulit!" sigaw niya sa akin at nakita kong naging pula ang kaniyang mga mata saglit. Nanlaki ang mga mata ko ng masaksihan ko ito.
"This book will stay here and it will not destroy what we finally have," sabi niya sa akin ngunit nanatili akong tulala sa kaniya at saka ko napatingin sa librong tinapon niya.
"Nang dahil sa libro Luke, nagiging ganyan ka," sagot ko sa kaniya.
"Sinisira mo ang relasyon natin kung ganyan ka. Sumusobra na itong pagseselos mo, nakakairita na." Dagdag ko pa sa kaniya at saka ko siya nilampasan para muling kunin ang libro ko sa loob ng basurahan. Nabasa na tuloy ito at muntikan pang mapunit.
"Ginny, hindi ka magagalit sa akin dahil sa isang libro,"sabi niya sa akin.
"At hindi mo rin dapat pagseselosan si Kwangyeon na character lang sa isang libro!" sagot ko naman sa kaniya. Napailing na lamang niya na tila ba may nais siyang sabihin pa pero pinipigilan niya ang sarili niya
"Ginny!" sigaw niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin at umalis na ako. Pinagpag ko ang libro na sobrang nadumihan na at medyo nabasa pa ito.
Tumambay ako sa ilalim ng punong Acacia para tingnan kung may nasira bang pahina. Habang iniiscan ko ito nabigla ako ng makita kong walang drawing ang ibang parte ng libro.
Mas lalong lumakas ang curiosity ko ng may purple na ilaw ang nagshine mula dito. Napasigaw ako nang kinain ng liwanag ang libro na iyon. Nahagis ko ang libro at biglang nawala ang ilaw na lumabas mula dito.
Memories of undying love will bring him to his death.
The secret behind his story will unfold as her memories will come back.
And when it happens, they will meet again.
A love that is once full of deception will blossom to a story that will transcend time and reality.
"Kwangyeon." Mahina kong nasambit ang pangalan niya nang makita ko ang drawing niya sa page kung nasaan ako ngayon. Like a great flashback, maraming imahe ang nagpakita sa akin. Sobrang dami nito at nanigas ako sa aking kinakatayuan. Lahat ay naging malinaw sa akin, what I lost is not just a fragment of memories but a memory of someone I love.
"Huwag kang umalis dahil kailangan kita ngayon," sabi ko sa sarili ko at nakakita ako ng imahe ng lalaking nakatalikod. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Pakiramdam ko na-broken hearted ako.
"Ginny, anong nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Luke sa akin pero hindi ako nakasagot sa kaniya.
"Salamat at naniniwala ka sa akin, ikaw ang unang taong naniwala na kaya kong magbago."
"Ayokong iwan ka pero gusto ko na mabuhay ka pa. Ginny, mahalaga ka sa akin. Kaya kahit ayokong iwanan ka, kailngan ko itong gawin para mabuhay ka pa. Ginny, mahal kita at masaya akong aalis sa mundong ito, salamat sa'yo." Parang may isang tape recorder ang nag-play sa utak ko ng mga linyang iyan.
Imahe ng isang lalaking nakatingin sa akin. Gwapo siya at matipuno. Kahawig niya yung nasa drawing. Biglaang nawala ang mga imahe at ang susunod na lang na alam ko nagdilim na ang paningin ko. Si Kwangyeon ang ala-alang nawala sa akin. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang puting kisame.
"Harujusko mabuti gumising ka na, Mygash!" nadinig ko ang boses ni Terri at Hera sa gilid ko at nakita ko silang tumingin. Inabot ng ilang segundo bago naging malinaw ang aking mga naaalala.
"Kwangyeon!" mahina kong bulong at tumulo ang luha ko. Si Kwangyeon, nasaan na siya?
"Sino si Kwangyeon?" tanong ni Terri sa akin.
"Yung kontrabidang may 8 pack abs sa Midnight Romance," sagot naman ni Hera sa kaniya. Mas lalo akong napaiyak ng ma-realize kong wala siya sa tabi ko. Na totoo ang aking mga ala-ala, he's gone. Wala na siya.
"Gwapo ba 'yon ha?
"Gaga, panoorin mo na kasi 'yon para hindi ka tanong ng tanong."
"Hindi ko hilig 'yang mga ching-chong kimchi na 'yan. Mario Cimmaro forever ata 'to!" sagot naman niya kay Hera.
"Nasaan na siya?" tanong ko sa kanila. Muling napunta ang atensyon ni Terri sa akin.
"Bakit mo hinahanap sa amin 'yang Kwangyeon na 'yan?! Mukha ba kaming lost and found agency ng mga Korean drama characters?!" pagalit na tanong ni Terri sa akin.
"Ang sabi niya hindi niya ako iiwanan. Bakit siya umalis?" sabi ko sa kanila habang umiiyak ako.
"Ginny, ano bang sinasabi mo at parang nababaliw ka na? May kapre ba sa puno ng Acacia na nanliligaw sayo?" tanong ni Hera sa akin. Bumangon ako para hanapin siya sa paligid. Tama nandito lang siya. Baka mamaya ay trip niyang mag sun bathing o' di kaya'y nakatulog lamang sa bath tub. Kilala ko si Kwangyeon, hindi siya basta mang-iiwan dahil pinangako niyang sasamahan niya ako.
"Ginny, nakahithit ka ba?" tanong muli ni Terri sa akin. Sinundan niya ako at nakisilip din sa tinitingnan ko.
"Nandito lang si Kwangyeon diba?" umiiyak kong tanong sa kanila.
"Ginny..." sambit ni Hera na may halong pag-aalala.
"Umalis muna kayo, ako na ang bahala kay Ginny."Nadinig ko ang boses ni Luke at napalingon ako sa kaniya.
"Pero si Ginny parang nababaliw na, let's call 911 na kaya," sabi ni Hera sa kaniya.
"Tanga, 8888 na yo'n. Pauso ni Papa Duterte," sita ni Hera sa kaniya.
"Hindi ba sa globe 'yon?" tanong muli ni Terri sa kaniya.
"8080 na 'yung sa globe no! Saka bakit ba napunta dito ang uasapan natin. Basta 8888 na at 'di 911!"
"Parehas lang silang nagbibigay ng government assistance, duh!" sagot naman ni Terri at pumilantik pa ang daliri nito.
"Ako na ang bahala kay Ginny, leave her to me." aniya at tiningnan niya sila Terri sa kanilang mga mata. Parang mga bata naman na umalis ang dalawa at naiwan kaming dalawa ni Luke sa loob ng kwarto. Napahilamos na lang ng kamay sa mukha si Luke at saka prenteng naupo sa kama.
"Naaalala mo na siya?" tanong niya sa akin.
"Si Kwangyeon, nasaan siya?" iyon ang sinagot ko sa kaniya. Napailing siya at napasapo ng kaniyang palad sa ulo niya. Gulong-g**o ako at wala akong ibang gustong malaman kung hindi kung nasaan siya. Hindi ko maintindihan ang mga nangyari pero alam kong mali yo'n. Sobrang mali no'n.
"Iniwan ka niya, maliwanag naman sa mga naaalala mo diba?" tanong niya pabalik sa akin at inilabas niya ang libro sa kaniyang bag.
"Bakit siya umalis?" tanong ko sa kaniya.
'Bakit ko siya nakalimutan? Bakit parang may alam ka tungkol do'n?" tanong ko sa kaniya.
"Kasi kilala ko talaga siya, kilala ko na si Kwangyeon bago pa man siya maging parte ng istoryang iyan." sagot niya sa akin at nanlaki ang mga mata ko.
Jusko Jugigo, hanetwitchigo assads aniyaaa~
"Luke, bampira ka rin ba katulad niya?" tanong ko sa kaniya. Biglaang naging pula ang mga mata niya pero naging itim din naman ito agad. Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa nakita ko, parang katulad ng kay Kwangyeon.
"Isa akong bampira gaya niya, isang scholar mula sa Joseon dynasty at alam ko kung gaano kasama si Kwangyeon kaya hindi ginawa ko ang lahat para makaalis na siya dito." sagot niya sa akin.
"Kailangan mo itong ipaliwanag lahat sa akin Luke," sabi ko sa kaniya na may diin sa bawat salita, para malaman niyang seryoso ako.
"Ginny, alam kong marami kang tanong at gano'n din ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari pa ang mga ito kahit nakabalik na siya sa Joseon," saad niya sa akin.
"Luke, hindi kita naiintindihan at wala akong balak intindihin ka. Ang gusto ko lang ay makita si Kwangyeon!" sabi ko sa kaniya.