Chapter 13: Fragments of Memories

2323 Words
Chapter 13: Fragments of Memories GINNY ALMAZAN ANG BILIS lumipas ng panahon. Matagal na rin pala mula ng gumaling ako. Everything seems so different nang gumaling ako. Akala ko noon magagaya na talaga ako kay Papa e pero hindi. I lived Nabuhay pa ako para makasama si Mama, para matupad ang mga pangarap namin. I can live and enjoy life, and I'm thankful to God, I'm blessed to have this second chance. Pero 'di ko maintindihan kung bakit may mga oras na nalulungkot ako sa hindi ko malamang dahilan. May kung anong bigat sa puso ko. Na tila ba may isang alaala akong pilit na kinalimutan. Minsan may napapaganipan ako na iniiyakan ako'ng lalaking nakatalikod sa akin. Pakiramdam ko sobrang sakit nung iniiyakan ko. May mga oras din na may bigla akong naalala, parang isang panaginip na imposible naman na mangyari. Isang panaginip na tila ba ayaw ko ng iwan. Minsan naiisip ko sumusobra na yata ako sa kakapanood ng Korean dramas at pag replay sa Music video ng Monster at Lotto kaya kung ano- ano ang naiisip ko. Katulad nang tuwing may humahawak sa kamay ko. Hindi ko hinahanap ang init nito, lamig ang hinahanap ko. Pakiramdam ko kasi mas mainit kapag malamig, pakiramdam ko mas buo ako pag malamig. "Hey, kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka naman pala nakikinig." Padabog na nilapag ni Luke ang ballpen sa harap ko. "Iniisip ko lang 'yung mga napapaganipan ko mula ng magising ako. Pakiramdam ko kasi totoo sila e." Sagot ko sa kaniya. "Ang sabi ng doctor normal lang ang managinip dahil sa mga meds na iniinom mo to fully heal. Don't think too much about it." paliwanag niya sa akin. "Pero Luke..." "Lahat ng tao nanaginip, at ang mga panaginip dapat panatilihing na lamang na panaginip." Sagot niya sa akin. "Alam ko Luke, I'm not making a big deal about it but it feels real. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi ang laki ng kulang sa akin, Luke. Parang may nakalimutan ako kahit wala naman and my dreams are telling me something about it." pagdadahilan ko ulit sa kaniya. Hinawi naman ni Luke ang buhok ko at saka niya hinalikan sa pisngi ko. "Siguro ganyan talaga ang nangyayari sa babaeng kagagaling lang sa cancer pero nanonood na naman ng bulto - bultong k-drama. Alam ko na ang kulang na hinahanap mo, ito siguro ang kailangan mo." Sabi niya sa akin at saka siya may kinuha sa kaniyang bagpack. "Ano naman 'yan ha?" tanong ko habang sumisilip sa plastic na hinuhugot niya sa kaniyang bag. "Alam kong ikakabuhay 'to ng sistema mo." Sagot niya sa akin at may inilabas siyang mga pirated copy ng mga korean drama mula sa Plastik. "Ano ba 'yan, bibili ka na nga lang ng regalo pirated pa!" natatawang reklamo ko sa kaniya. "Anong gusto mo yung original? Sobrang mahal n'on, eh itong pirated CD 50 lang tapos madami pang drama sa loob..." sagot niya sa akin. "Grabe ka talaga, kahit kailan talaga 'di mo sineryoso ang pagiging drama addict ko. Huling album na niregalo mo sa akin, third hand tapos may c***k pa yung CD," sagot ko sa kaniya."Hindi ko pa pwedeng i-display kasi sira yung cover," dagdag ko pa sa kaniya. "Ikaw, hindi man lang marunong mag pasalamat sa akin." "Kuripot!" "Manahimik ka dahil hindi ako mahuhulog sa harot mo!" napalingon ako ng marinig ko ang malalim na boses na iyon. "Napakabalahura mo talaga! Hindi ka tuloy elegante at desente tingnan!' Naririnig ko na naman siya, pakiramdam ko totoyoin na ang utak ko dahil sa boses na ito e. "Ginny!" napatingin muli ako kay Luke, natulala na pala ako dahil sa boses na iyon. "Ano na namang problema?" tanong niya muli sa akin. Umiling ako sa kaniya bilang sagot. "Wala naman." Sambit ko sa kaniya at saka ako umupo sa gilid ng kama. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "May isang bagay akong napagtanto noong may sakit ka." sabi niya sa akin. "Ano naman 'yon?" "Yon ay... ayokong mawala ka sa akin sa akin ulit." Sambit niya sa akin. We had a rough relationship before, teen hormones siguro dahil popular si Luke at ako, nerd na mahilig sa Kpop at Korean drama. I just can believe na madali kaming nagmature ng dahil sa nangyari sa akin. Kung madrama lang ako baka nagpost na ako ng mahabang status sa f*******: kung paano nanatili si Luke sa aking-- natigil ako sa aking iniisip ng mahagip ang utak ko ang isang alaala. May iba akong kasama sa hospital, at 'di siya 'yon. Isang lalaking nakahawak sa kamay ko habang nahihirapan ako. All I know is that Luke is with me. Siya at si Mama ang nag-alaga sa akin pero bakit... Bakit may iba akong naalala? Napatitig ako sa kamay ni Luke, hindi ito ang kamay na naalala ko. "Anak, may ibibigay ako sa'yo." Biglaan sumulpot sa pintuan si Mama kaya naman nagulat kami ni Luke. "Ay gulat na gulat? Gumagawa ba kayo ng milagro?" Napakunot ang noo ko. "Hindi po Mama. Nagulat lang kami kita mong naghaharutan kami dito e. Ano po ba 'yan?" Inabot niya ang libro ng Midnight Romance. "Nakita ko yan sa mga inuwi nating gamit mula sa hospital." Ito? Tama, ibinigay ito sa akin ni Terri para daw may basahin ako pero 'di ko naman ata nagalaw ito. Wala akong maalala na binasa ko ito o ano pa man, pero parang napakapamilyar ng librong ito sa akin. Baka binasa ko s'ya pero nakalimutan ko lang dahil sa tumor ng utak ko. Ito yung book version nung pinapanood kong drama dati na natigil sa pagpapalabas dahil sa na-comatose si Jonghyun. "Ano yan?" tanong ni Luke sa akin. "Binigay ni Terri nung nasa hospital pa ako." Sagot ko sa kaniya at binuklat ko ang libro nakita ko ang drawing ng isang lalaking bampira. "Kwangyeon..." mahinang bulong ko sa pangalan niya. Napangiti ako nang makita ko ang magandang sketch n'ya. Bakit sobrang pamilyar sa akin ng pangalan niya?At saka bakit parang ang totoo ng drawing n'ya? Bakit sobrang pamilyar nang character na si Kwangyeon sa akin? HINDI ako makapagfocus habang nanonood kami ni Luke, naiisip ko kasi talaga si Kwangyeon at 'di ko alam kung bakit.Hindi mawala ang attensyon ko sa libro na 'yun. Si Luke naman nakatulugan na ang panood at nakatulog pa habang nakahiga sa hita ko. Ayoko naman siyang gisingin kaya hinayaan ko na lang siya. Pasimpleng kinuha ko ang libro na iyo'n at saka binuksan. Natagpuan ko ang sarili kong nagbabasa ng mga eksena at pahina mula rito. Parang totoong totoo ang mga drawing at pakiramdam ko nakatingin talaga sa akin yung character na Kwangyeon. Hinawakaan ko ang papel. "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dahil ba sa masyadong gwapo ang pagkaka-drawing sa'yo?'' bulong ko sa sarili ko habang hinahawakan ko ang drawing. Nagbasa pa ako saglit at nakaramdam ako ng iba. Pakiramdam ko mali ang mga bagay na nababasa ko tungkol sa kaniya. Pakiramdam ko hindi talaga siya masama at namimis-understood lang. Si Kwangyeon, bakit ganito ang sympathy ko sa isang manhwa character? Sinara ko ang libro at tiningnan ko ang cover. Midnight Romance Written by: Breanna Jeon Ang galing naman niyang magsulat at magdrawing, sobrang makatotohanan pakiramdam ko totoo sila, lalo na si Kwangyeon. Para akong natutuwa sa character ng number one na kontrabida ng story na 'to. Pakiramdam ko hindi siya masama, pakiramdam ko misunderstood lang siya, parang si Loki diba? Kinagabihan, umalis na rin si Luke dahil may practice pa sila para sa varsity games. Naiwan naman ako sa bahay dahil wala akong klase tuwing Wednesday. Sa sobrang inip ko ay napagdesisyunan ko na lang na basahin ang Midnight Romance dahil nakalimutan ko na rin ang story nito. Ang sabi lang ni Mama pinapanood ko daw ito dati, surprisingly hindi ko naman naalala na pinanood ko 'tong drama na 'to. Pero mayro'n nga akong file nito sa aking laptop, pakiramdam ko nabura ang memories ko with this drama. Ang sabi ni Mama baka dahil daw 'yon sa naging sakit ko. It caused some of my memories to be deleted. Kaya bilang naturally curious, tiningnan ko kung maganda ang story niya. At surpisingly, maganda nga ito lalo na yung pagkakasulat nila sa Villain na si Kwangyeon. Ayon kasi sa pagkakasulat sa kaniya, 'di naman talaga siya totally masama. Matapos kong mabasa ang ilang chapter ay binuksan ko naman ang laptop ko upang mag-research tungkol sa Midnight Romance, na Manhwa version, kasi naman yung drama ay 'di pa rin tuloy dahil sa comatose pa rin si Lee Jonghyun. Ito ako ngayon, natutuwa masyado sa manhwa version, maging mga fan fictions ay binabasa ko na. Ang pinagtataka ko naman ay kung bakit parang naiba ang istorya sa manhwa, sobrang iba nito. Kwangyeon NAKAUPO ako sa aking trono habang iniisip kung ano ang gagawin ko sa batang ito, ngayon lang ako nakakita ng batang mangloloob na nga ng kuta ng bampira e napaka-ingay pa. Nahuli ko siyang pagala-gala sa loob at ginagalaw ang mga gamit ko. Maging ang mga antigong palamuti ko mula sa panahon ng Goryeo ay ginalaw niya rin at nakabasag pa ito ng antigong pigurin. Ngunit imbes na matakot ay tumawa lang s'ya at sinabing luma na kaya wala nang halaga. Pinakilala niya ang sarili niya bilang mensahera mula sa Moon Hwa Gwak at pinakita niya ang liham na pinadala ni Sungmin sa akin. Liham ng pagbabanta galing sa mga kalaban. "Alam mo naman siguro na sa akin ka papapuntahin ni Sungmin hindi ba?" tanong ko sa kaniya. "Opo alam ko," sagot niya sa akin. Walang bahid ng takot sa kaniyang mga mata at payapa siyang nakatingin sa akin na tila ba hindi niya alam na delikado akong uri ng tao. "Kilala mo ba ako?" tanong ko sa kaniya. "Kayo po ang bampirang nanahan sa ilalim ng palasyo, si Kwangyeon, pogi na maganda pa ang katawan. Bagay na bagay tayo paglaki ko," sagot niya sa akin. Aba ang batang 'to, binola pa ako. Talagang hindi siya natatakot sa akin at nagagawa pa niyang magbiro. Sinamaan ko siya ng tingin dahil do'n. "Nagsasabi lang po ako ng totoo." Sabi niya sa akin at saka siya gumawa ng nakakatuwang mukha. Mahina akong napangiti dahil do'n, sinusubukan niya ang pasensya ko pero natutuwa ako sa kaniya. "Hindi ka ba natatakot sa maari kong gawin sa'yo? Wala akong patawad bata, lahat ay pinapatay ko." Sabi ko sa kaniya habang hawak hawak ko ang sulat na iyon. Papatayin ko ang batang ito bilang babala kay Sungmin. "Ngunit gusto kitang makita ginoo kaya pumayag akong maghatid ng mensahe sayo." sagot niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya. "Hinahangaan kasi kita dahil napakamisteryoso mo." Pagpuri niya sa akin, humawak siya sa pisngi niya at bahagya itong namula. "Saka alam ko naman na hindi mo ako sasaktan eh," dagdag pa niya. 'Kung masama ka talaga tulad ng sinasabi mo sa akin, sana matagal mo na akong sinaktan.' 'Naniniwala akong mabuti ka talaga.' Napahawak ako sa sentido ko ng biglaang pumasok sa isip ko ang eksenang iyon. "Ginoong Kwangyeon, may problema po ba kayo?" tanong ng bata sa akin masama ko siyang tiningnan dahil doon at nagulat naman siya sa paglabas ng tunay kong anyo. "Pasensya na po, may nasabi po ba akong masama?" tanong niya sa akin. "Wala naman, may naalala lang ako na parang hindi ko mawari at maintindihan. Ano ba'ng pangalan mo bata?" tanong ko sa kaniya. "Jeon Minah po!" sagot niya sa akin at saka siya ngumiti. "Jeon Minah napakagandang pangalan. Paano kung hindi na kita ibalik kay Sungmin at panatilihin na lang dito bilang tagasilbi ko papayag ka ba?" tanong ko sa kaniya. "Sigurado po ba kayo na gusto niyo akong maging tagasilbi?" tanong niya mula sa akin at ngumiti ako sa kaniya. "Mamili ka, gagawin kitang tagasilbi o uubusin ko ang dugo mo?" tanong ko sa kaniya. "Ah, tagasilbi na lang po mabilis naman po akong kausap at mabilis din po ako matuto. Marunong po akong magmasahe at magaling rin po ako magluto ng dinuguan!" sagot niya sa akin at saka siya ngumiti. "Kung gayon, humanap ka na ng pwesto mo dito sa palasyo ko," sagot ko sa kaniya at saka ako bumalik sa trono ko. "Ano bang pumapasok sa isip ko, dapat ay papatayin ko ang batang ito!" panenermon ko sa sarili ko at saka ako napatingin sa pananggalang sa araw na hawak ko noong makarating ako matagal na. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa ito tinatapon. Kinuha ko ito at saka binuksan, nagtaka ako kung bakit alam ko kung paano gamitin ito at kung bakit alam ko na pipindutin ito para mabukas.Napunta ang atensyon ko sa maliit na imahe na nasa gilid na payong. Nilikha ito gamit ang pagsusulat sa sobrang itim na tinta at imahe ito ng tao at nakalagay sa gilid ng imahe ang pangalan ko na Kwangyeon. Nakasulat ito sa hangul at iba ang diin ng pagkakasulat. Parang walang etiketa ang nagsulat nito at maraming patong. Hinawakan ko ang bawat guhit nito at sa hindi maipaliwanag na dahilan, napangiti ako. "Ano po 'yang hawak n'yo ginoo?" napatingin ako sa bata na halos nasa tabi ko na ngayon at nakikisilip. "Huwag kang lumapit sa akin kung ayaw mong masaktan," sagot ko sa kaniya at sinara ko ang payong. "Ang galing! Pinindot mo lamang ang maliit na bilog na iyan at sumara ang pananggalang," sabi niya sa akin. Napatingin ako sa payong na 'yon, kakaiba nga ito pero kahit na nakakatakot ang pagiging kakaiba nito ay gustong- gusto ko ito na hawakan. Ayokong mawala ito sa aking tabi, pakiramdam ko mayro'n akong kinauulilaan ng dahil sa payong na ito. "Pero teka lang Panginoon, diba hindi kayo lumalabas sa araw bakit may pananggalang ka?" tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. "Bakit parang may nakasulat doon sa gilid?" tanong sa akin ng bata at tinuro niya ang maliit na piraso ng tela na parang panali sa pananggalang. Hindi ko maintindihan dahil 'di naman karakter ng intsik ang pagkakasulat rito, mas lalong hindi ito hangul. "Kwangyeon, huwag mong kalimutan itong payong kapag lalabas ka. Mag-ingat ka ha? Tandaan mo mahal kita kaya dapat bumalik kang hindi sunog sa akin. Love, Ji-Ni." Tinitigan ko ang nakasulat at napansin ko ang iilang karakter na nakasulat sa hangul. "Ji- Ni? " tanong ulit ni Minah sa akin matapos niyang basahin ang sulat na andoon. Sino si Ginny at bakit may ganitong sulat siya sa akin? "Hindi ko siya kilala pero kung sino man siya. Siguro ay nagkamali siya," sagot ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD