Chapter 12: Final Chapter

1953 Words
Chapter 12: Final Chapter "HANDA ka na ba?" tanong iyon ng puting bampira. Sinalubong niya ako pag-alis ko ng hospital na 'to. Halata pa ang pagkabagot niya dahil sa tagal ko. "Alam ba ni Ginny na isa kang bampira?" tanong ko sa kaniya. Ngumisi lang siya sa akin. "Wala siyang alam tungkol sa aking pagkatao. Matagal na akong huminto sa pagpatay ng mga kagaya mo at napagdesisyonan kong libutin na lang ang mundo at mamuhay ng normal. Nagpapanggap ako bilang isang tao para mapalapit sa kaniya at makasama ko siya. Huwag kang mag-alala, 'di ko naman pinaabot sa puntong lumalim nang sobra ang nararamdaman niya sa akin. Hiniwalayan ko na siya matagal na," sabi niya sa akin at saka siya umalis sa pagkakasandal niya sa sasakyan niya. "Hindi dapat magmahal ng isang mortal ang mga kagaya natin na isang bampira, Kwangyeon. Isang bagay iyan na natutunan ko mula nang maging bampira ako," saad niya sa akin. "Mas matanda ka sa akin kaya dapat alam mo 'yan." "Kapag nahulog ka na at napagtanto mong nagmamahal ka ulit, hindi mo na 'yon mapipigilan. Hindi ko na napigilan ang puso ko," sagot ko naman sa kaniya at saka ako napangiti. "Nakapagpaalam ka na ba sa kaniya?" tumango ako bilang sagot sa kaniya at napatingin ako sa sugat kong malapit nang gumaling. "Sinaktan ko siya," sagot ko sa kaniya marahan siyang ngumiti sa akin. "Mas masasaktan mo siya kung itutuloy mo 'to. Gusto mo bang maulit ang nangyari sa inyo ni Miri?" tanong niya pabalik sa akin. "Kung talagang nag-aalala ka sa kaniya at mahal mo siya, hindi mo pagsisihan ang desisyon mo. Huwag kang mag-aalala parehas niyo namang malilimutan ang isa't isa matapos nito. Hindi siya masasaktan at hindi ka rin masasaktan," saad niya sa akin. "Makakalimutan ako ni Ginny?" tanong ko sa kaniya at tumango siya sa akin. "Ngunit bakit kailangan no'ng mangyari sa aming dalawa? Kapag nangyari iyon ay mawawalan ng silbi ang lahat. Siya ang nagdala ng kahulungan sa buhay ko tapos makakalimutan ko lang siya," sagot ko sa kaniya pero tumawa lang siya sa akin. "Sa tingin ko naman ay hindi kawalang silbi ang kaniyang buhay. Nang dahil sa 'yo ay hahaba ang buhay niya at hindi na siya magkakasakit," sabi niya sa akin at saka siya umikot sa akin. "Nawawalan na tayo ng oras. Kailangan mo nang umalis," saad niya sa akin at saka siya naglakad pero may pumigil sa akin. Ang mga alaala namin ay nais kong mabalikan ulit kahit saglit lang. "Sandali lang, may gusto lang akong kunin sa bahay niya," sabi ko sa kaniya. "Fine, bilisan mo lang diyan! Huwag kang magda-drama nang matagal," sagot niya sa akin at saka niya iniba ang daan at pumunta sa bahay ni Ginny. Pumasok ako doon mula sa bintana. At parang isang malaking telebisyon, nakita ko ang mga pinagsamahan namin dito, ang madalas na away, ang unang halik, pati ang mga bagay na simple lang ngunit tumatak sa alaala ko. Umupo ako saglit sa kama niya at inamoy ko ito. "Hindi ko makakalimutan ang amoy mo. Sisiguraduhin kong magiging pamilyar pa rin ako dito," sabi ko sa sarili ko. Sunod kong ibinaling ang tingin ko sa lamesa niya at nakita ko pa ang payong na binigay niya sa akin. "Ang nag-iisang tao na binigyan ako ng payong para hindi ako masunog. Salamat, mahal ko. Huwag kang mag-alala. Aalagaan ko ang sarili ko pagbalik sa Joseon. Alam ko kasing mag-aalala ka sa akin," bulong ko at saka ako naghandang umalis. "Bilisan mo na, Kwangyeon. Huwag ka na ngang mag-drama diyan!" sigaw ng bampira na iyon sa akin. Inikot ko na lang ang mga mata ko at agaran na akong umalis habang papunta kami sa liblib na lugar. Hindi mawaglit sa isip ko si Ginny. "Si Ginny, gagaling naman siya, 'di ba?" tanong ko sa kaniya. "Kahit isa lamang akong ilusyon sa mundong 'to. Gumana naman sa kaniya ang aking kapangyarihan diba?" dagdag ko pang tanong sa kaniya. Mahina s'yang ngumiti sa akin. "Gagaling siya kaya huwag kang mag-alala," sagot niya sa akin at narating namin ang lugar. Nakita ko na binuksan niya ang isang manhwa at binuklat niya sa pahina kung saan may nakaguhit na balon. "Ibabalik kita sa lugar kung saan ka niya kinuha," sabi niya sa akin at nagliwanag ang manhwa nang nakakasilaw. "Ibalik mo na ako bago pa magbago ang isip ko," sabi ko sa kaniya. "Masyado ka 'atang nagmamadali?" tanong niya pabalik sa akin at may inilabas siyang libro. Luma ito at binuksan niya sa harap ko. "'Wag ka ng maraming satsat at ibalik mo na lang ako bago magbago ang isip ko," sabi ko sa kaniya. "Kung iyan ang nais mo," sabi niya sa akin at biglaang umilaw ang libro, katulad ito ng ilaw noong nasa balon ako. "Lumapit ka na kung gusto mo talaga makatulong," sabi niya sa akin. Hinawakan ko nang mahigpit ang payong ni Ginny at saka ako pumikit. "Patawarin mo ako. Hindi mo man lang nalaman na mahal din kita," bulong ko sa sarili ko at saka ako napaluha nang kaunti. Ayokong makalimutan si Ginny. Siya ang nagbigay sa akin ng pag-asa ngunit kailangan ko na siyang bitawan. "Mauubos na ang oras mo, Kwangyeon." paala-ala niya sa akin. Tuluyan na lang akong pumikit at naramdaman ko ang malakas na hangin. Kasunod no'n ang mga alaala namin na paunti-unti nang naglalaho. "Mahal kita..." Iyon na lamang ang nasambit ko hanggang sa pinakahuling saglit na nagpakita ang imahe ni Ginny sa paligid ko. Ang sunod ko na lang na nalaman ay nasa harap na ako ng balon kung saan ako nanggaling dati. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na may isang tao na naglalakad pauwi. Lihim akong napangiti dahil ang uhaw na nasa lalamunan ko ay malapit nang mapatid. **** UMUWI si Kwangyeon sa kaniyang tagong palasyo na parang walang nangyari, walang naalala sa kung anong pinagdaanan nila ni Ginny at kung sino ba si Ginny sa buhay niya. Bumalik din sa dati ang 'istura niya bilang bampira na tila ba hindi siya napunta sa realidad. Balot ng itim ang kaniyang awra at nawala ang liwanag na minsang bumalot dito. Puno ng dugo ang kaniyang labi dahil sa pumatay siya ng sampung tao pauwi dahil sa inip at gutom na nararamdaman niya. Parang sa isang iglap nakaramdam muli siya ng saya sa pagpatay. "Saan po kayo galing, Mahal na Panginoon?" tanong ng isang babae na nagngangalang Suji,.Siya ang nakatakdang maging bagong reyna ng Joseon. Ang babaeng nagsisilbi sa kaniya lingid rin sa kaalaman ni Kwangyeon, si Suji, ay isa sa mga taong may malaking takot sa kaniya ngunit walang katapatan. "May inasikaso po ba kayo sa labas ng palasyo?" tanong ni Suji sa kaniya ngunit hindi niya pinansin ito at naupo lang siya sa mahiwagang trono niya. "Namasyal lang ako saglit, Suji. Pero mukhang napatagal 'ata ang pamamasyal ko dahil nag-alala ka, aking alipin," sagot niya sa dalagang nagsisilbi sa kaniya. "Hindi n'yo po maalis sa akin ang mag-aalala, Panginoon. Sa inyo nakaatang ang aking buhay kaya para sa inyo ako ay mabubuhay," sagot nito sa kaniya. "Marunong kang sumagot at alam mo kung paano kunin ang aking loob. Nababagay nga sa 'yo ang maging reyna ng palasyong ito. Huwag kang mag -alala. Nakareserba na sa 'yo ang tronong minimithi mo. Saglit na lang ang pagpapanggap na dapat mong ipakita sa akin." Yumuko si Suji at lihim na napangiti kay Kwangyeon. Pero nagtaka ito dahil may dalang payong na pambabae ang kaniyang amo. "Panginoon, bakit po kayo may dala na pananggala sa araw?" tanong nito sa kaniya. Napatingin si Kwangyeon sa payong at sa 'di niya malamang dahilan ay hindi niya ito mabitaw-bitawan. Inilapag niya ang payong sa tabi ng trono niya at tumingin kay Suji. Nakakatakot ang mga tingin nito at sumunod ang isang ngiti na magpapaalala sa 'yo kung sino ba talaga si Kwangyeon. Nagbalik na ang Joseon's hottest evil badass vampire. **** SA isang dako ng istorya, kausap ng Mama ni Ginny si Terri dahil nakita nila itong walang malay at nagkukumbulsyon sa rooftop. "Umayos naman na ang kondisyon niya at kinunan ng tests daw sabi ng mga doktor. We almost lost her a while ago, Terri. Pakiramdam ko mamamatay ako sa takot no'n." Sabi naman nito kay Terri dahil sa nakita nila ito sa rooftop na walang malay at kinukumbulsyon. Ang buong akala nila ay mamamatay na si Ginny. Maging si Terri ay napadasal na sana walang mangyaring masama sa kaniyang matalik na kaibigan. "I can't afford to loose my daughter," dagdag pa nito sa kaniya. "She's a fighter, Tita. We don't need to worry about her. She'll be okay," sabi naman ni Terri dito. 'Di nagtagal dumating si Luke na mukhang pagod na pagod at agad na hinanap si Ginny. "Nandito ka na. Mabuti naman naalala mo ang girlfriend mo," sabi ni Terri kay Luke. " At mabuti hindi ka dumaan sa bintana," dagdag pa ng Mama ni Ginny rito. Marahang ngumiti si Luke dahil do'n. "Sorry po. Busy po kasi ako, eh," sagot naman ni Luke at kinumusta nito ang lagay ni Ginny. Napangiti si Luke nang makita si Ginny na nahihimbing. "Sigurado naman akong gagaling na si Ginny," dagdag pa nito kay Terri na hinawakan ang pisngi ni Ginny. "Hindi na siya babalik pa sa buhay natin, Miri," mahina nitong bulong at saka hinalikan ang ulo nito. 'Hindi ka na niya makukuha sa akin. Hindi ako papayag na maalala mo pa siya ulit dahil hindi ka na niya maagaw pa sa akin.' Makalipas ang tatlong araw ay nagising na rin si Ginny. Nagising siyang may mabigat na nararamdaman sa puso at isip niya. Pakiramdam niya mayroon siyang napakahabang panaginip na nakalimutan. "Babe, are you feeling well?" tanong ni Luke sa kaniya. Binaling ni Ginny ang atensyon niya kay Luke. "Weird lang ang nararamdaman ko pero okay na ako," sagot naman ni Ginny habang nakatingin dito. Nakakaramdam si Ginny ng kakaiba dahil parang may kulang. Alam niyang may kulang ngunit hindi niya maalala kung ano. Mula no'ng umalis si Kwangyeon, napalitan ang mga alaala niya rito ng katauhan ni Luke kaya ang alam ni Ginny ay boyfriend niya si Luke at nagka-ayos nga sila nang tuluyan ni Terri. Walang kahit na anong ala-ala o bakas man lang ni Kwangyeon sa utak niya. Parang katulad lang ni Kwangyeon na wala ring naalala. Natigil sila sa pagyayakapan nang pumasok ang doktor na puno ng ngiti sa labi nito. "Doc, lumabas na po ba ang resulta ng test ng anak ko?" tanong ng Mama ni Ginny sa doktor nito. "Yes, Mrs. Almazan and I think we had a miracle on her condition," sabi ng doktor sa kaniya. "Ano'ng klaseng miracle naman po iyan?" tanong ni Ginny hinawakan ni Luke nang mahigpit ang kamay niya. "The tumor in your brain disappeared, Ginny." "Magaling na po ako?" malakas na tanong ni Ginny sa doktor at tumango naman ito bilang sagot. Nayakap ng ina ni Ginny ang kaniyang anak nang sobrang higpit. "Salamat sa Diyos at hindi ka na niya kukunin sa akin," sabi ng Mama ni Ginny. "Oo nga po, Mama. Siguro sinigurado ni Papa na gagaling ako," sagot naman ni Ginny sa kaniya habang si Luke ay nakangisi sa isang gilid sa pag-aakalang nasa kaniya na ang matagal niyang minimithi. Hindi nagtagal, tuluyan nang nakalabas ng hospital si Ginny. Nakabalik na siya sa bahay niya at sa eskwelahan. Naging magaling muli siya sa klase at nagkaroon na rin siya ng oras sa kaniyang sarili, nakikipag-socialan na siya sa mga kaklase niya at naeenjoy na niya ang pangalawang buhay na binigay sa kaniya. Pero alam niyang may kulang sa kaniyang buhay ngayon. May isang tao siya na laging hinihanap pero hindi niya makita, hinihintay niya ito na dumaan sa bintana o kaya bubong. Alam niya na meron siyang nakakalimutan na isang bagay, sa tuwing pinipikit niya ang mga mata at nagpapahinga siya may panaginip siya na hindi niya mapakawalan. Isang blangkong imahe na pakiramdam niya sobrang laki ng kinalaman sa kaniyang buhay. Sa pagkawala nila sa alaala ng isa't isa doon pa lamang magsisimula ang tunay na pag-iibigan, sapagkat nabubuhay sa puso nila ang pag-ibig na handang suungin maging ang oras makasama lang nila muli ang isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD