Chapter 11: Fight for Existence
"Sa mundong 'to hindi ka totoo, Isa ka lang iluson..."
BUONG araw akong 'di matahimik dahil sa mga salitang ito ng bampirang nakaharap ko. Hanggang ngayon na nagsasagutan kaming dalawa ay ito pa rin ang naiisip ko. Hindi ko magawang ibigay nang buo ang atensyon ko kay Ginny ngayon dahil sa mga sinabi ng bampirang iyon.
Hindi ko siya maitindihan pero sigurado ako na sa akin niya sinisisi ang nangyari kay Ginny.
Umalis ako sa kwarto ni Ginny kahit nagsasalita pa siya.
"Sinusundan mo ba ako, Knight?" tanong ni Terri sa akin.
Tumingin ako sa kaniya. Magkasabay pala kaming naglakakad at 'di ko man lang napansin iyon."Nagkataon lang na isang direksyon ang pupuntahan natin," sagot ko sa kaniya.
"Okay, maniniwala ako sa palusot mo. Kunyari coincidence lang 'to," sagot niya sa akin at muli siyang tumahimik.
"Pero gusto ko sanang humingi ng tawad sa inasal ni Ginny," sagot ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at saka bumuntong-hininga.
"Hindi mo naman siya masisisi dahil nawala na ang tiwala niya sa akin. Hindi lang minsan kundi maraming beses na," sagot niya sa akin.
"Kanina ko pa napansin na parang tulala ka. May problema ka ba?" tanong niya muli sa akin.
"Wala naman, may mga iniisip lang ako," sagot ko sa kaniya.
"Tungkol ba ito sa sakit ni Ginny?"
"Pakiramdam ko dahil sa pagdating ko kaya nagkasakit si Ginny. Maayos naman siya dati. Pero nang dumating ako, nagkasakit na siya," sagot ko sa kaniya.
"Matagal na siyang nakakaramdam ng sakit ng ulo pero hindi niya pinapansin. Dumating ka man o hindi, magkaka -cancer din siya dahil na rin siguro sa madumi niyang lifestyle at two hours a day lang na tulog para lang makapanood ng Korean dramas," sagot niya sa akin.
Napansin kong nakalabas na kaming dalawa at napansin kong humarap siya sa akin. "Huwag mong isisi sa sarili mo 'yon," dagdag pa niya.
"Gusto mong mamasyal muna para makapag -relax nang kaunti?" tanong niya sa akin at tumango ako sa kaniya.
"Kailangan ko rin siguro ng sariwang hangin. Mamaya na ako babalik 'pag hindi na siya naiinis sa akin," sagot ko sa kaniya.
Naglakad-lakad kaming dalawa sa parke. Tahimik lang siya. Parang iba sa Terri na kilala ko at mukhang may iniisip rin siyang malalim.
"Sa likod mo!" bigla niyang sigaw at saka ako umilag.
Nakita ko na lang na may patalim na tumusok sa puno sa likuran ko. Dinama ko ang hangin at naamoy ko na naman ang bampira na iyon.
"What the hell! Saan galing ang knife na iyan?" tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot dahil agad kong hinanap kung sino ang nagtapon ng patalim sa akin. Pero hindi ko agad siya nakita.
"Are you okay?" tanong ni Terri sa akin.
"Umalis ka na," sagot ko sa kaniya tumingin siya sa
paligid.
"Hindi, aalis tayo dito," sabi niya sa akin at hihilain na sana niya ako pero hindi ako nagpahila sa kaniya.
'Dumating na siya,' sa isip ko.
"Tatakas ka na ba, Kwangyeon? Tila nawala na ang tapang mo kahit na makapangyarihan ka." Kasunod nito ay ang mahinang tawa na nadinig ko galing sa kaniya.
"Umalis ka na, Terri, pakiusap!" saad ko at malakas ko siyang tinulak para matakot siya at umalis. Nagtagumpay naman ako dahil tumakbo nga siya paalis na nanginginig pa.
"Ang tagal kong hinintay na magkita tayo kaya hindi kita tatakasan," sagot ko sa kaniya.
"Nakakakilig ka naman, Kwangyeon. Minsan lang may ma-excite na makita ako, e," sagot niya sa akin.
Nakita ko ang pigura niya pero hindi ang kaniyang mukha. "Ano ba'ng kailangan mo sa akin at binabagabag mo ako?" tanong ko sa kaniya.
"Wala akong kailangan sa 'yo. Sa totoo niyan, ikaw ang may kailangan sa akin, Kwangyeon." sagot niya sa akin.
Agad kong inilabas ang matatalas kong kuko at saka ko siya sinugod. Pero nawala siyang bigla. Sobrang bilis niya.
"Dahan-dahan lang, Kwangyeon. Hindi ko naman nais na makipag-away sa 'yo," sabi niyang muli sa akin.
Muli ko siyang sinugod pero naharang niya ako at nahagis ng malakas. "Arghh!" sigaw ko dahil sa sakit.
"Sabi ko, 'di ba? Dahan-dahan. Masasaktan ka niyan," sagot niya sa akin.
"Ano ba'ng kailangan mo sa akin?"
"Ano'ng alam mo tungkol sa pagpunta ko sa hinaharap?" tanong niya sa akin. "Dahil sa hindi ka naman napunta sa hinaharap gaya nang naiisip mo," natatawa niyang sagot niya sa akin
"Ano'ng sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya.
"Isang kang ilusyon, Kwangyeon. Isa ka lamang character sa isang libro at 'yong paniniwala mo na kakayanin mo na magbago," sabi niya at tuluyan na siyang lumapit sa akin. May itim na takip ang kaniyang mukha. Inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko at mahigpit na hinawakan iyon, dahilan upang magkasugat ako.
"Hindi mangyayari iyon, dahil isinulat kang masama. Mananatili ka lang na masama. Ang pagiging bad mo ay forever," sabi niya sa akin.
"Hindi ako naniniwala sa 'yo!" sigaw ko sa kaniya pero tumawa lang siya. Agad ko siyang sinugod muli pero mas malakas siya sa akin.
"Sa tingin mo bakit mas malakas ako sa 'yo? Dahil sa ating dalawa, ako ang totoo," muli niyang pagkwento sa akin.
Para akong nanlumo sa mga naririnig ko galing sa kaniya.
Hindi ako totoo, ang mga pinagdaanan ko, ang mga ginawa ko.
Ginagawa ko lang iyon dahil sa dikta ng panulat at papel.
"Hindi pa rin ako naniniwala sa 'yo," bulong ko sa kaniya at tinangka ko siyang baliktarin pero nasugatan lang ako sa braso ko dahil sa patalim na hawak niya.
"Kwangyeon, sa tingin mo ba bakit maraming alam tungkol sa 'yo si Ginny, ha?" tanong niya sa akin. "Kasi alam niyang ilusyon ka lang," dagdag pa niya sa akin. "Kaya kung sa 'yo ay layuan mo na siya bago siya mamatay nang dahil sa 'yo," sabi niya sa akin.
Nagkunot ang noo ko dahil doon. "Ano'ng sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Kinukuhanan mo ng lakas si Ginny kaya siya mas nanghihina. Ikaw ang dahilan kung bakit mawawala si Ginny" sagot niya sa akin at saka siya mahinang tumawa.
"Pinapatay mo si Ginny, Kwangyeon," pag-ulit niya na hindi matanggap ng sistema ko.
Hindi. Hindi pwedeng mamatay si Ginny. Hindi ako papayag!
"Hindi totoo 'yan!" sigaw ko at inilabas ko ang pulang mata ko, ang lakas na meron ako. Hindi. Wala akong ibang ginusto kundi ang maging masaya si Ginny. Hindi ko gustong mamatay siya.
"Gusto mo ito, Kwangyeon. Lahat ay gusto mo dahil sa makasarili ka. Hahayaan mo lang na mamatay si Ginny," sabi muli ng bampirang iyon.
"Hindi!" pagtanggi ko at saka ako humawak sa ulo ko. Nakaramdam ako ng sakit ng ulo dahil sa mga nararamdaman ko. "Hindi ko gustong mapahamak si Ginny. Hindi ko inisip na ipahamak siya. Gusto ko siya na mabuhay dahil mahal ko siya," mahina kong bulong.
"Kahit na kailan 'di ka na magkakaroon ng abilidad na magmahal dahil isa kang masamang bampira. Nilikha kang makasarili at walang kakayahan na magmahal," saad niya sa akin.
"Tumigil ka!" sigaw ko muli at saka ako naglakad paalis. Hindi ako totoo, ang lahat ng tungkol sa akin ay pawang ilusyon lang. Ang nararamdaman ko ngayon ay hindi rin totoo dahil hindi ako pwedeng magmahal.
Ang tagal kong naghintay ng pagkakataon para magbago. Ang tagal kong binuo ang tiwala ko sa sarili ko hanggang sa dumating siya pero balewala rin pala.
Nanatili ako sa itaas ng puno kung saan kita ko ang buwan. "Kaya pala di ako makakuha ng tamang sagot kung bakit ako masama," sabi ko sa sarili ko at saka ako napatingin sa sugat na nakuha ko.
Hindi pa rin ito gumagaling. Marahil siguro dahil sa mahina na si Ginny kaya humihina na rin ang kapangyarihan ko. Ngunit, kung magpapatuloy pa ako at mananatili sa mundong ito, baka tuluyan nang bawian si Ginny ng buhay niya. Mas hahaba ang kaniyang buhay kung makababalik ako sa Joseon Dynasty at hahayaan na lang na matapos ang istorya ko ayon sa gusto ng lumikha sa akin.
"Makasarili ka, Kwangyeon... dahil wala kang kakayahang magmahal... isa ka lamang karakter na nilikha mula sa kawalan. Mananatili ka sa kung paano ka ginawa. Isa kang hamak na dumi sa piraso ng papel." Nadinig ko na naman ang boses ng bampira na iyon.
Napahawak ako sa puso ko na tumitibok nang sobrang bilis ngayon. Tumakbo ako para hanapin si Ginny. Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon lamang.
'Gusto ko siyang mabuhay.'
"Ginny!" halos baliktarin ko na ang hospital na ginagalawan ko kakahanap sa kaniya. Biglaan siyang nawala sa kalagitnaan ng panibagong pagtatalo namin at hindi ko man lang siya hinanap agad. Masyado akong nag-isip tungkol sa mga nalaman ko at nakalimutan ko siya
"Pwede bang magmahal ang pirasong dumi sa papel?"
Ngunit sabi ng bampira na iyon ay isa lang akong ilusyon at hindi totoo. Wala talaga akong kakayahang magmahal dahil sa hindi naman ako binigyan ng kakayahang magmahal ng lumikha sa akin.
"Ginny!" muli kong sigaw pero iba ang nakita ko. Si Terri iyon na hindi pa rin pala umaalis sa hospital. "Bakit ka bumalik?" tanong ko sa kaniya.
"'Yong mga narinig ko kanina totoo? Ikaw ba talaga 'yong dahilan kung bakit mamamatay na si Ginny?" tanong niya sa akin.
"Hindi ako papayag na mawala si Ginny. Gagawin ko lahat maligtas lang siya kahit ang ibig sabihin pa noon ay iiwanan ko siya," sagot ko sa kaniya.
"Hindi pwedeng basta na lang na iwanan mo si Ginny. Kwangyeon! Kailangan ka niya," sabi niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
"Alam ko. Pero gusto ko siyang mabuhay, Terri," sagot ko sa kaniya at saka ako ngumiti. "Ginagawa ko ito kasi mahal ko siya," sabi ko sa kaniya at saka tumulo ang luha ko.
'Mahal ko siya. Mahal ko si Ginny.'
Hinanap ko muli si Ginny hanggang sa napunta ako sa rooftop. Dito kami unang pumunta nang pumayag akong maging kasintahan niya. Napangiti ako nang makita ko ang buwan. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at nakita ko siyang nakaupo sa may gilid ng bubong.
"Nandito ka lang pala," sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako nilingon. Tumabi ako sa kaniya at nanatili akong tahimik ng ilang minuto.
"Bakit mo ba naisip na mahalin ang isang tulad ko?" tanong ko sa kaniya.
"Kailangan pa bang tanungin iyon, hindi pa pwedeng nainlove na lang ako sayo" sagot niya sa akin.
"Ginny, hindi ako totoo," sagot ko sa kaniya.
"Ano'ng ibig sabihin mo?" tanong niya pabalik sa akin.
"Alam mo ang ibig sabihin ko, Ginny. Alam mong isa akong karakter sa isang sikat na nobela," sagot ko sa kaniya at saka ako tumingin sa kaniya.
"Alam mo na pala 'yon," tanging sagot niya sa akin.
"Hindi ako totoo. 'Di ako tunay na bampira. Isa lang akong kathang-isip. Buong buhay ko tinatanong ko kung bakit 'di ko magawang magbago.
'Yon pala sinulat kasi akong masama. Hindi pala ako totoo," sabi ko sa kaniya.
"Kung hindi ka totoo, hindi kita matutunang mahalin," sagot niya sa akin.
"Hindi ka isang karakter sa manhwa. Para sa akin, ikaw ang realidad na matagal ko nang hinahanap. Ang kasiyahan sa paghihirap ko, ang nagpapatibok sa puso ko at ang dahilan para mabuhay ako," sunod-sunod niyang sabi sa akin at tumulo ang kaniyang luha.
"Hindi ko kayang magmahal, Ginny. Isa lamang akong dumi sa piraso ng papel. Ginawa at dinikta ng isang tao lahat ang naging desisyon ko," sagot ko sa kaniya.
"Dinikta ba ng papel noong niligtas mo ako?" tanong niya pabalik sa akin at saka ako umiling sa kaniya.
"Sariling desisyon ko iyon," sagot ko naman sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko nang sobrang higpit.
"Sobrang lamig ng kamay mo," sagot niya sa akin at saka siya sumandal sa akin.
"Ginny, nais kong hiwalayan mo na ako," sabi ko sa kaniya habang nakatuon ang atensyon niya sa buwan. Nilingon niya ako at nabakas ko ang biglaang lungkot sa kaniyang mga mata. Nagsimula na ring manginig ang luha niya pero pinigilan niya 'yon.
"Bakit, dahil ba sa may sakit ako? Nagsasawa ka na bang alagaan ako? Dahil ba kay Terri? Bakit, mas gusto mo ba siyang kasama kaysa sa akin?" tanong niya sa akin.
"Ginny, ayokong maging dahilan kung bakit ka nahihirapan," sagot ko sa kaniya.
"Hindi mo naman ako pinapahirapan, Kwangyeon. Ikaw na nga lang ang dahilan ko para mabuhay, e," sabi niya muli sa akin at saka tumulo ang luha niya.
" Ayokong pahirapan ka at paasahin pa na kaya kitang mahalin. Kaya iiwanan na kita," sagot ko sa kaniya. Para siyang batang umiling at ayaw pumayag sa gusto ko.
"Mamamatay na nga ako, 'di ba? Bakit hindi mo na lang hintayin na mamatay ako o kaya magsinungaling ka na lang na mahal mo ako?" sabi niya sa akin. Kasabay no'n ay ang tuluyang pagtulo ng luha niya.
'Mahal naman kita, pero ayoko nang lumala pa ang nararamdaman ko para sa 'yo. Gusto ko nang kalimutan ka habang maaga. Gusto ko lang na makaalis na upang mabuhay ka.'
"Ang sama mo," sabi niya sa akin at nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"Tama ka. Sobrang sama ko. Kahit kailan hindi ko kayang maging mabuti at hindi ko kayang magmahal gaya ng nais mo. Patawarin mo ako, Ginny pero hindi ko na matutupad ang pangako ko sa 'yo," sabi ko sa kaniya at saka na naglakad palayo sa kaniya.
Nasigurado ko na ang desisyon ko. Kung ito lang ang paraan para mabuhay pa siya ng matagal, gagawin ko ito. Handa akong kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya pero mananatili pa rin siyang importante at parte ng aking buhay.
Ipinikit ko ang mata ko at pinakinggan ko ang t***k ng puso niya. Ang t***k ng puso niya na tila ba musika sa aking pandinig. Sisiguraduhin kong maalala ko ito habang-buhay.
"Bakit kailangan mo akong iwanan bigla pagkatapos kong sabihin na mahal kita? Dapat magtatampo pa ako tapos magpabebe ako tapos makikipagbati ka sa akin!" muli niyang sigaw sa akin.
"Mahal din kita, Ginny at ginagawa ko ito para sa 'yo. Pasensya na kung hindi mo man lang maririnig na manggaling sa akin ang mga bagay na ito. Basta ang alam ko mahal kita at hindi ako magsisi na kalimutan mo ako. Huwag ka lamang mawala nang tuluyan sa akin," mahinang bulong ko. Nakadinig na lang ako ng sigaw mula sa kaniya. Kasunod noon ay ang paghingi niya ng tulong sa akin. Nilingon ko siya at agad na nilapitan.
"Ginny," bulong ko sa kaniya.
"Huwag mo akong iwan," pakiusap niya sa akin sa pagitan ng iyak niya.
"Hindi kita iiwan, Ginny. Mananatili ako sa puso mo," sagot ko sa kaniya.
Mas lumakas ang kaniyang iyak at nakiusap pa ulit sa akin. Masakit marinig ang pag-iyak niya pero mas masakit ang walang magawa para mabuhay siya.
"Ito na ang huling beses na mararamdaman mo ang sakit mo. Hindi ako papayag na aalis akong hindi ka magaling," sabi ko sa kaniya.
Ang sabi kasi ng bampira ay kapag umalis ako, mapapabagal lang no'n ang pagkamatay niya ngunit may sakit pa rin siya. Gagamitin ko ang dugo ko para tuluyan siyang gumaling. Susubukan ko lang naman at baka sakaling hindi ilusyon ang abilidad kong ito.
"Ginny, mahal din kita." bulong ko sa kaniya at hinalikan ko ang ulo niya.
Nakita ko siyang nawalan ng malay. At sa unang pagkakataon, sinugatan ko ang sarili ko ay pinainom ko siya ng aking dugo.
'Hanggang dito na lang ang kaya kong gawin para sa 'yo. Kahit na alam kong malaking pagkakamali ang bigyan ka ng dugo ko. Hindi ko na lamang papansinin iyon. Ang mahalaga ay mabuhay ka kahit wala ako. At kung sakaling malimutan mo man ako, sana maramdaman pa rin ng puso mo ang pagmamahal ko sa 'yo. Sana kahit di mo na ako maalala matapos nito, maging mas malakas ka pa at hindi na magkasakit pa. Mahal kita, Ginny at hindi magbabago ang nararamdaman kong ito. Makabalik man ako sa panahon ng Joseon.