Chapter 10: Jealousy
SA tinagal-tagal ko dito sa hospital, nababagot na ako kaya madalas ay dinadaan ko na lang sa pag-aaral ang pagkabagot ko. Paano kasi bawal naman ako manood ng TV dahil sa radiation na makukuha ko dito. Bored na bored rin siguro si Papa no'ng nagka-cancer siya. Mabuti na lang ay nagdala si Hera ng mga notes para daw 'di ako mahuli sa school. Pero wala nagsasasawa na rin akong magbasa ng notes kasi nakakainip naman.
Gusto ko sanang mamasyal pero kakatapos lang ng treatment ko. Medyo mahina pa ako. Pero ayoko namang ipakita kay Kwangyeon na nahihirapan ako. "Kwangyeon," tawag ko sa kaniya pero nanatili ang atensyon ni Kwangyeon sa hangin na para bang may iniisip siya.
"Boyfie..." tawag ko muli sa kaniya at binaba ko na nang tuluyan ang libro. "Kwangyeon, may problema ka ba?" tanong ko sa kaniya nang tuluyan ko nang nakuha ang atensyon niya.
"Ano'ng sinasabi mo?" tanong niya sa akin. Tuliro talaga si Kwangyeon ngayon. Baka naii-stress na siya sa pag-aalaga sa akin dito sa hospital.
"Tinatanong ko kung may problema ka. Lagi ka kasing tulala nitong nakaraang araw," sabi ko sa kaniya at tiningnan ko ang mukha niya.
"Wala naman," sagot niya sa akin.
"Ay sus, wala daw. Pinag- iisipan mo kung paano ako aakitin, ano?" tanong ko sa kaniya at saka ako nagpa-cute.
"Hindi ko iniisip na akitin ka kasi ikaw talaga ang akit na akit sa akin," sabi niya sa akin.
"Heh! Never akong maakit sa 'yo!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
"Talaga? Eh, ano 'tong nakita ko sa cell phone mo?" tanong niya sa akin. Pinindot niya ang button sa gilid sa phone ko tapos nakita niya ang wallpaper, yaong picture niya na nagbibihis at kita ang abs niya.
"Inspirasyon ang tawag diyan," sagot ko sa kaniya at iniwasan ko ang tingin niya sa akin. Ang tagal kong tinago ang picture niya na iyan tapos nakita niya.
'OMG! Nakakahiya. Kailan ba siya natutong gumamit ng cell phone, ha?'
"Pagnanasa ang tawag dito, Ginny," sagot niya sa akin at saka siya umakyat sa kama, dahilan para mapahiga ako sa gulat.
"Gano'n ba ako kakisig para sa' yo?" tanong niya sa akin at dinikit niya ang labi niya sa pisngi ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya.
"Kwangyeon, huwag natin dito gawin baka may nurse na pumasok tapos mahuli tayo. Shy, shy, shy pa ako." Pero mas inilapit niya talaga ang mukha niya at mas dinikit ang katawan niya sa akin. "Emegesh, don't be too excited," bulong ko sa kaniya.
Hanubayan. 'Di pa ako prepared. Baka mamaya para siyang Edward Cullen at lumabas akong bugbog sa hospital. O, baka naman pagkatapos namin, eh kinagabihan manganak na ako gaya ng nangyari kay Bella sa Twilight.
"Oh, baka naman hinuhubaran mo na ako sa isip mo? Sabihin mo lang. Madali naman akong kausap. Pwede ko namang tanggalin lahat ng damit ko, at 'yong damit mo na rin," sabi niya sa akin at kinuha niya ang kamay ko. Aktong hahalikan na niya iyon pero biglaan siyang natawa nang malakas.
"AAAHH!' sigaw ko sa kaniya at tinulak ko siya. Pero 'di siya nagpatinag dahil tawa pa rin siya nang tawa. Humawak pa siya sa tummy niya at kulang na lang, e mautot siya!
"Kung nakita mo lang 'itsura mo, Ginny. Nakakatawa ka!" sabi niya sa akin. Napa-poker face na lang ako.
"Hindi nakakatawa," sagot ko sa kaniya at ikinuros ko ang mgabraso ko.
"Para kang bata," pangbubuyo niya sa akin at saka niya ako niyakap pero pumalag ako. Kunyari nagtatampo ako sa kaniya.
"Ayoko sa 'yo kasi pabitin ka," sabi ko sa kaniya.
"Sige ka, baka totohanin ko tapos magsisi ka," sagot niya sa akin.
"Heh!" sagot ko sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
"Bitawan mo ako. Kung hindi, susunugin kita sa araw," banta ko sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
"Ayoko. Dito lang ako hanggang sa 'di ka pa lumalambot muli sa akin," sagot niya sa akin at saka niya ako tinitigan. Napangiti na ako dahil doon. "Sige na lumambot na ako kaya huwag mo na akong titigan nang ganyan," sabi ko sa kaniya pero parang bumalik na naman siya sa lalim ng iniisip niya.
****
"HEY, lovebirds." Napatingin kami sa pintuan. Nakita namin na pumasok si Terri na may dala-dalang mga prutas.
Ngumiti ako sa kaniya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.
"Dinadalaw ka, ano pa ba?" She asked me at tumingin siya kay Kwangyeon. "Hi, Knight!" sabi niya dito. Tumayo naman si Kwangyeon para kunin ang basket ng prutas na dala nito.
"No, it's okay. Ako na lang ang maglalapag," sabi naman ni Terri.
"Ako na," sagot ni Kwangyeon at pinilit kunin ang basket.
"Hindi, ako na lang talaga," pamimilit naman ni Terri.
"E, 'di ikaw," sagot ni Kwangyeon at hindi na nagpumilit pa at bumalik siya sa tabi ko.
"Well, I brought fruits and stuff. Iyon lang ang pwede mong kainin, 'di ba?" tanong ni Terri sa akin at naglabas siya ng mansanas sa harap ko. "I'm going to slice for you," sabi niya sa akin at pumunta siya sa left side ng kama at nagsimulang magbalat.
"Salamat sa pagdalaw, ha?" sabi ko sa kaniya.
"No need to be thankful about it. I am pro-humanitarian kasi kaya nag-cha-charity talaga ako for the sick people," sagot niya sa akin at saka siya tumawa.
"Kahit na. Salamat pa din sa ginawa mong pagdalaw. Kahit pala papaano importante pa rin ako sa 'yo," sagot ko sa kaniya pero ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagbabalat.
"So, how did you guys meet?" tanong ni Terri sa akin at tumingin siya sa amin ni Kwangyeon.
"Ah, mahabang kwento," sagot ko sa kaniya.
"Come on, I'll stay for the whole evening kaya tell me how this guy fell for you. Head over heels," sabi niya sa akin at tumingin siya kay Kwangyeon.
Namula naman ako bigla. "Paano nga ba? Ano... Hindi ko alam, eh. Basta ang alam ko importante siya sa akin. Ikaw, Kwangyeon. Paano ka nahulog sa akin?" tanong ko sa kaniya.
"Ouch!" daing ni Terri na nakakuha naman ang atensyon namin. Nakita ko na lang na dumudugo ang kamay nito.
"Aray naman. Nahiwa ko sarili ko! Ang tanga ko talaga sa slicing," saad niya sa amin habang hawak niya ang daliri niya na dumudugo. Napatingin naman doon si Kwangyeon at mabilis na nagpalit ng kulay ang mga mata niya. From brown to red, his eyes changed real quick.
"Punasan mo agad baka maubusan ka ng dugo," sabi ko kay Terri at inabutan ko siya ng tissue. Agad naman na umiwas ng tingin si Kwangyeon.
"Grabe ka naman. Ang liit ng hiwa ko tapos lost of blood agad?" tanong niya sa akin at saka niya pinunasan ang sugat niya.
"Lalabas lang ako," paalam ni Kwangyeon sa amin at agad itong lumabas ng kwarto.
"Okay, he's weird but he's hot at the same time," sabi naman ni Terri habang pinupunasan ang sugat niya. "Where are we again?" dagdag niyang tanong sa akin at saka ako nagsimulang medyo magmanipula ng kwento tungkol sa unang pagkikita namin.
"Alam mo, Terri. Noong una kaming nagkita, nabigla ako kasi may isang gwapong nilalang na lumapit sa akin. Sa sobrang bigla ko nga nahimatay ako. Mula noon hindi na niya ako tinigilan kasi love na daw niya ako. Ang sabi niya nabighani siya sa aking ganda," sabi ko sa kaniya. Nakita ko na lang na napa-poker face si Terri sa akin.
"Pagbibigyan kita ngayon kasi may sakit ka," sabi niya at saka siya mahinang tumawa. "But be careful. Guys like him ay madaling maagaw. He's good looking, and you're sick. Alagaan mo rin siya habang inaalagaan ka niya," sabi niya sa akin at kumuha siya ng piraso sa mansanas na hiniwa at binalatan niya kanina.
Hindi nagtagal nakaramdam ako ng kaunting lagnat kaya nagpahinga na muna ako. Sabi naman ni Terri ay babantayan niya ako. Pero hindi ako makapagpahinga nang tuluyan. Iniisip ko kasi ang naging reaksyon ni Kwangyeon kanina nang makakita siya ng dugo.
Na-kontrol kaya niya nang maayos iyon? Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako sa pagod. Nakatulugan ko na si Terri habang nanonood siya ng videos sa phone niya.
"She's funny, right?" nadinig ko ang tawanan ni Kwangyeon at Terri sa gilid, dahilan para magising ako.
"Ano? Hindi kita naiintindihan," tanong pabalik ni Kwangyeon sa kaniya.
"Si Ginny, nakakatuwa siya, 'di ba? Ang cute niya before," sabi naman ni Terri. Napamulat ako ng mga mata ko at nakita kong nagkakatuwaan sila. Nakabukas ang laptop ni Terri at may pinapakita siya kay Kwangyeon.
"Tingnan mo 'to. Ito siya noong high school," sabi muli ni Terri.
Lumapit naman si Kwangyeon sa screen. 'Yong lapit na tipong nakakainis dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Kwangyeon sa leeg ni Terri. "Ang bango mo," sabi ni Kwangyeon kay Terri. Nakita ko naman na namula ito.
"Thank you. Victoria's Secret ang gamit ko," sagot naman ni Terri at nanatili lang si Kwangyeon sa ganoong posisyon.
Dahan-dahan naman akong bumangon dahil busy naman sila sa pagkukwentuhan. "Ano yan?" tanong ko para parehas silang mapalingon.
"Ah, nagpapakita si Terri ng ano ba 'yon? Pic-pictures mo nang bata ka pa," sagot ni Kwangyeon at sinilip ko nga ang ginagawa nila.
"Aahh... so bakit kailangan sobrang magkalapit? Ang laki ng laptop na iyan," sabi ko sa kaniya at inirapan ko si Kwangyeon.
"Ginny, huwag ka nang magalit. Wala naman kaming ginagawang masama ," sagot ni Terri sa akin, napairap naman ako dahil sa mga dahilan niya.
"'Yan din ang sinabi mo sa akin bago mo agawin si Luke sa akin," sagot ko sa kaniya at saka ako bumalik sa higaan ko. Natigil si Terri at saka sinara ang laptop niya.
"I guess I need to leave," sabi ni Terri at kinuha na niya ang bag niya. Nanatili naman akong nakakunot ang noo.
"Ginny, alam kong mali ako na inagaw ko si Luke sa 'yo para mawala ang atensyon mo sa studies mo. And I'm sorry. 'Di naman kita masisisi kung isipin mo na baka agawin ko rin si Knight sa 'yo. Pero hindi ko iyon gagawin kasi sobrang saya mo kapag kasama mo siya. Ang gusto ko lang ay bumawi sa 'yo kasi nakita mo ako bilang matalik na kaibigan at hindi bilang karibal mo. Sorry," sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa kaniya. "Pase—" pero umalis na si Terri at mukhang nasaktan talaga siya sa mga nasabi ko. Binaling ko ang tingin ko kay Kwangyeon at nakita ko naman ang mukha ng pagkabagot.
"Talaga bang ganyan ka?" tanong niya sa akin at kitang-kita ko ang inis niya.
"Bakit ka ba nagagalit, eh tama naman ako. Ang lapit-lapit niya sa 'yo kanina, tapos ikaw naman kung makailig sa kaniya ay wagas. Nasa harap n'yo lang naman ako. Tulog at may sakit," sabi ko sa kaniya.
Maiintindihan n'yo naman ako, 'di ba? Wala na akong tiwala kay Terri nang dahil kay Luke.
"Hindi ka pa rin dapat kumilos nang gano'n!" sita niya sa akin at saka siya tumalikod paalis.
"Teka, saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya.
"Nawalan ako ng gana," tanging sagot lang niya sa akin at saka siya lumabas ng kwarto ko.
Kung tutuusin, tama siya. Nag-overreact ako, pero kasi 'yong mga kinikilos niya sa tabi ni Terri kanina tapos 'yong reaksyon pa niya no'ng tinanong ko siya kung mahal ba niya ako... para akong natutulala dahil doon.
DALAWANG araw na ang lumipas pero hindi bumalik si Kwangyeon sa hospital matapos noon. Hinihintay ko siya pero walang Kwangyeon na dumating para alagaan ako.
"Nag-away ba kayo ni Knight?" tanong ni Mama sa akin habang inaayos niya ang mga damit ko.
"Medyo po, Mama," sagot ko sa kaniya.
"Parang ang tagal 'ata ng away n'yo ngayon, ha? Dapat hindi n'yo pinapatagal ang mga ganyang away," sabi naman ni Mama sa akin.
"Nag-over acting kasi ako, Mama, eh. Pinagselosan ko si Terri. Nainis si Kwangyeon kaya iyon hindi na siya bumalik."
"Ikaw naman bata ka. Possesive ka, alam mo ba iyon?" tanong ni Mama sa akin.
"Eh, kasi mama. Gusto ko ako lang ang kasama niya," sagot ko sa kaniya.
"Pero, anak may buhay din si Knight. Paano kung nakakasundo lang pala niya si Terri? Dapat maniwala ka lang kay Knight, ha?" sabi niya sa akin at saka ito ngumiti.
Lumipas pa ang ilang oras at wala pa ring Kwangyeon na dumating para sa akin.
Mamaya-maya pa ay nakarinig ako ng tawanan malapit sa aking pintuan na parang papasok na. Kay kwangyeon ang isang tawa at ang isa naman ay kay Terri. Lumabas ako at nakita kong nagtatawanan sila sa harap ko at bitbit pa ni Kwangyeon ang dalang basket ni Terri.
"Oh, Ginny!" sabi ni Terri sa akin at saka siya ngumiti.
"Bakit kayo magkasama?" tanong ko kay Terri.
"Nakasalubong ko lang siya sa labas, since may dala akong food ulit. Dahil kay Mama tinulungan na niya ako, 'di ba, Knight?" tanong ni Terri sa kaniya. Tumingin ako kay Kwangyeon na naka -poker face sa harap ko na para bang wala siyang nagawang nakakainis sa harap.
"So, aalis na ako, ha? Hinatid ko lang kasi talaga iyan. Pinapabigay ni Mama," sabi ni Terri at tumingin siya kay Kwangyeon. "Remember what we talked about," sabi ni Terri sa kaniya at saka ito kumindat at umalis ngunit hindi ko na pinansin pa.
"Dalawang araw kitang hinihintay. Alam mo bang para akong tanga dito na nag-aalala sa 'yo tapos makikita kita nakikipagtawanan lang sa babaeng 'yon?" tanong ko sa kaniya.
"Ano na naman ba ang masamang nagawa ko, ha?" tanong niya sa akin at inikot niya ang mata niya.
"Hindi ba halata kung anong ginawa mo, ha?" Pero hindi siya sumagot. Parang sobrang init ng ulo niya at nagtitimpi lang siya.
"Nakikipaglandian ka kay Terri habang ako nandito sa hospital, nahihirapan! Malapit na akong mamatay, Kwangyeon!" sigaw ko sa kaniya dahilan para magtinginan ang mga nurse sa amin.
"Pumasok ka na sa loob," utos niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko papasok sa loob.
"Ano ba?!" sigaw ko sa kaniya.
"Ginny naman! Wala ka bang tiwala sa akin at ganyan ka na lang magselos kay Terri?" tanong niya pabalik sa akin.
"Sige aaminin ko, sinasadya ko 'yong paglapit sa leeg niya kasi naamoy ko ang dugo niya at gusto kong inumin. Oo, nagtawanan kami habang tulog ka dahil pinakitaan niya ako ng litrato mo noong mga bata pa kayo. At oo, nagtatawanan kami ngayon dahil kinukwento niya sa akin kung paano ko kukunin muli ang loob mo. Kung anong mga hilig mo siguradong makakapagpawala ng inis mo sa akin. Pero nagkamali 'ata ako dahil isa ka rin pala doon sa mga taong hindi nagtitiwala sa akin," sabi niya sa akin.
"Kwangyeon, hindi naman sa gano'n," sabi ko sa kaniya.
Nakaramdam ako ng pagkakonsensya dahil doon."Natakot lang ako na baka mabilis mo rin akong maipagpalit kay Terri," sagot ko sa kaniya at saka ko na siya tiningnan.
"Gusto ko lang naman malaman kung mahal mo talaga ako, eh." Saka ko hinila ang sleeves ng damit niya pero mahinang ungol ang nadinig ko. Para siyang nasaktan at nakita ko na may dugo na bumakat sa puting polo na suot niya.
"Ano 'to?" tanong ko sa kaniya at agad kong inangat ang sleeve ng polo niya pero pinigilan niya ako. Shunga din kasi ako kahit iangat ko ang sleeves 'di ko naman makikita iyon.
"Wala lang 'to. Huwag mo nang pansinin ang sugat ko. "Maliit lang na sugat 'to. Na hindi mo dapat ipag-alala." sabi niya sa akin.
"Kwangyeon, kapag nasusugatan o napapaso, nawawala din siya after ng ilang seconds. Pero ito, dumudugo pa siya at parang hindi gumagaling. Ano'ng nangyari dito?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin. "Hindi mo na kailangang alalahanin iyon. Tapos na at nangyari na. Magpahinga ka na lang ulit," sagot niya sa akin.
"Nakuha mo ito noong umalis ka at matagal na 'di nagpakita, 'no? Ano ba'ng ginawa mo para masugatan ka nang ganito?" tanong ko muli sa kaniya. Umiinit ulit ang ulo ko sa pagbalewala niya sa concerns ko sa kaniya.
" Ginny, huwag ka nang makialam. Kaya ko ang sarili ko. Hindi mo na kailangang mag-alala sa akin," napataas ang boses niya sa pagsagot niya sa akin.
"Hindi kailangan? Kwangyeon, hindi mo maalis sa akin na mag-alala sa 'yo!" saad ko muli sa kaniya at pumunta ako sa lamesa para kunin ang First Aid kit.
"Ginny, sumusobra ka na!" napagtaasan na niya ako ng boses.
"Bakit ako sumusobra, ha? Nag-aalala lang naman ako, ah!" sagot ko sa kaniya.
"Pinagmumukha mo akong bata na hindi kaya ang sarili ko, na ipapahamak ang lahat ng nasa paligid ko! Ginny, bampira ako. Malakas ako at walang kinakatakutan!" sabi niya sa akin at lumabas ang kulay-pula niyang mga mata. Kitang-kita ko ang panggigil sa kaniyang mukha, maging sa veins ng katawan niya.
"So para sa 'yo nakikialam lang ako at babalewalain mo na lang ang pag-aalala ko?" saad ko sa kaniya.
"Ayaw kong balewalain. Pero, Ginny sumusobra ka na!' sabi niya sa akin.
Sumusobra na ako, masyado ba akong possesive? Normal lang naman iyon, ' di ba? Masama ba na mag-aalala ako sa kaniya dahil sa mahalaga siya sa akin? Masama ba na alagaan siya kasi ngayong may sakit ako hindi ko kayang maging functional na girlfriend para sa kaniya?
"Pasensya ka na, Kwangyeon, ha? Mahal kasi kita, eh kaya ako nag-aalala sa 'yo. Natatakot akong mawala ka," sagot ko sa kaniya at saka ako lumabas ng aking kwarto at nagtatakbo sa paligid ng hospital.