Kabanata 2

1001 Words
Nakangiting tinignan ni Dimitri ang mag-ina niyang si Grace at Jessie. Tulog na ang pitong-taon na gulang niyang anak sa passenger seat. Si Grace naman ay halata ring naaantok na, ngunit pinipigilan lang huwag makatulog.  "Kung hindi mo na talaga kaya, pwede ka namang matulog," natatawang sambit niya. Lumabi ang asawang si Grace. 30 anyos na ngayon ang asawa, mas matanda siya rito ng tatlong taon. "Nahihiya ako sayo, atsaka, sabi nila huwag daw matutulog sa biyahe kasi mahahawa 'yung driver,"  "Nah. Sanay ako lagi sa mahabang biyahe, Grace. Alam mo 'yan. Sa trabaho ko, hindi lang iisang beses na kinailangan kong mangibang bansa o mag out-of-town. Kaya sige na, matulog ka na. Alam kong napagod tayo ngayon," masuyong aniya.  Siya na ngayon ang bagong CEO ng Finnegan Group of Companies. Nag-retire na ang kanyang ama at sa kanya na nito pinasa ang trono. Aaminin niyang napalaking obligasyon ng pagiging CEO. Kaya naman madalas ay nawawalan siya ng oras sa pamilya niya. Iyon din ang dahilan kung bakit muntik nang masira ang pamilya niya. Maunawain na asawa si Grace. Pero hindi na yata nito nakayanan na lagi na lang siyang wala sa bahay at hindi na niya magampanan ang pagiging ama kay Jessie. Pati ang anak ay nagtatampo na rin sa kanya. Kaya naman sinikap niyang isarado ang mga kontrata nitong nakaraang linggo para makapag-bakasyon silang pamilya. At ngayon nga ay pauwi pa lang sila galing sa Batanes. Humingi pa siya ng isang chance kay Grace. Nagpakumbaba siya at humingi ng tawad. Ayaw niyang mawala sa kanya ang pamilya niya. Mahal na mahal niya ang mga ito. Ito ang buhay niya. Para sa kanyang pamilya kung bakit nagsisikap siya. At dahil may mabuting puso talaga si Grace, binigyan nito ng second chance ang pagsasama nila. Pinaintindi niya rin dito ang responsibilidad na nakaatas sa kanya at sa kanya nakasalalay ang libo-libong kabuhayan ng mga empleyado ng Finnegan Group of Companies. Sa huli, nagkaunawaan silang mag-asawa. Sinabi lang nito na ipangako niyang maglalaan siya ng oras para rito at sa anak.  Kinuha niya ang kamay ni Grace at dinala sa kanyang labi. Pinakatitigan niya ng punong-puno ng pagmamahal. "I love you, Grace. Thank you," Ngumiti nang matamis sa kanya ang asawa. "I love you too, Dimitri. Kayo ng anak natin," "Sa totoo lang, hindi ko inaakala na papatawarin mo pa ako. Marami akong naging pagkukulang sayo at sa anak natin. Lumalaki na siya. At matalinong bata. Alam kong nagtataka siya bakit laging wala ang ama niya,"  Long-time girlfriend niya si Grace. 15 years na silang magkarelasyon. Disiotso anyos pa lang siya at sophomore noong College ay naging girlfriend na niya ito. Parehas sila ng school na pinasukan ng babae. At simula noon ay wala ng ibang naging babae sa buhay niya. Faithful siya kay Grace at kahit kailan ay hindi siya natukso o tumikim ng iba. Itinatak niya sa isipan na si Grace na talaga ang babaeng laan para sa kanya. Nagpakasal sila ni Grace noong 24 anyos siya, at ito naman ay 21. Biniyayaan sila ng isang babaeng supling pagkatapos ng dalawang taong pagiging mag-asawa. Hindi naman niya masasabing perpekto ang marriage nila ni Grace. Pero isa lang ang sigurado siya: mahal na mahal nila ang isa't-isa.  Siya lang din ang naging nobyo ni Grace dahil kinse anyos lang ito noong magkaroon sila ng relasyon. Kaya naman para kay Dimitri, si Grace lamang ang kaya niyang mahalin habang siya'y nabubuhay. Walang makakapalit dito. Inilagay niya ito sa pedestal na kahit sino ay walang makakatibag.  Huminga nang malalim si Grace at tumingin sa kanya. "Mabait na bata si Jessie. Mahal na mahal ka niya at kahit sa murang edad niya ay naiintindihan niyang hindi sa lahat ng oras ay pwede ka naming makasama. Iniisip mo kami at ang future niya. Sorry kung naging selfish ako. Ngayon mas naintindihan na kita," "Hindi mo kailangan humingi ng pasensiya, Grace. You're a wonderful wife and mother. Wala na akong mahihiling pa. Dapat kitang alagaan at panatilihing masaya," seryosong saad niya. "I'm sure na sobrang proud si Jessie at ikaw ang naging daddy niya," Napangisi siya. "Talaga ba? Si Jessie lang ba ang proud?" Humalakhak si Grace, ngunit hindi naman nagising ang bata. "Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dimitri. Maloko ka pa rin talaga," Ngumuso siya. "Sasagutin mo lang, eh. Parang napakahirap namang aminin sayo ang totoo,"  Lumapit sa kanya ang asawa. Naamoy niya pa ang mabangong halimuyak nito. Hinalikan siya nito sa kanang pisngi niya. "What was that for?" Namula ang pisngi nito. "Hindi mo ba gets?" Inasar niya ito. "Hindi eh," Inirapan siya nito. "Silly. Ibig sabihin n'yon na hindi lang si Jessie ang sobrang proud sayo. Siyempre, number one ako. Sobra sobra akong thankful kay Lord dahil binigyan ako ng isang napakabait, faithful at masipag na asawa at ama ng anak ko..." Parang may kamay na humaplos sa puso ni Dimitri sa sinabing 'yon ng asawa. Kitang kita niya sa mukha nito ang labis na fondness para sa kanya. "Sobrang pangbobola na 'yan, ha?" Nagkatawanan sila. Nang maalala niya ang trabahong naghihintay sa kanya sa Maynila ay bigla siyang napangiwi. "Tapos na pala ang maliligayang araw ko. Sandamakmak na trabaho nanaman ang haharapin ko sa office. Alam mo naman ang papa, masyadong hands-on sa kompanya,"  "Walang ibang aasahan ang papa mo kundi ikaw lang. Nag-iisa kang anak. Basta, gawin mo na lang ang best mo,"  Nakakatuwa na dati-rati ay galit ito lagi sa kanya dahil kompanya lagi ang iniisip niya, ngayon ay nagkaroon na sila nang unawaan. Napakasarap sa pakiramdam! "Of course. Kayo ni Jessie ang rason kung bakit nagsusumikap ako sa buhay," kiming sagot niya. Nakita pa ni Dimitiri ang kuntentong mukha ng asawa at pumikit na. "Sige na mahal ko, matulog ka na nang mahimbing d'yan..." Hindi inakala ni Dimitri na literal na magiging kahulugan nito ang susunod na pangyayari.  Sa madilim, madulas at mahamog na daan ay may isang papasalubong na rumaragasang kotse sakanila. Isang malakas na preno ang pinakawalan niya bago siya nawalan ng malay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD