Kabanata 1

1081 Words
“Congratulations! Sinasabi ko na nga ba, sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy niyo ni Jack!" Natutuwang bati sa kanya ng kaibigang si Lyn.  Isang malaking ngiti ang pinakawalan ni Maxine sa mga kaibigan. "Thanks, Lyn. Noon pa man, alam ko na kami talaga ang para sa isa't-isa ni Jack. Kaya naman bakit pa namin patatagalin, kung sa kasal din naman ang hahantungan namin?" Natawa sa kanya ang mga kaibigan. Niyaya siya ng mga ito umupo sa couch. Hinandaan kasi siya ng mga ito ng isang bachelorette party. Sa isang linggo na gaganapin ang pag-iisang dibdib nila ni Jack. At alam ng mga kaibigan niya na matagal-tagal pa ang susunod nilang pagkikita. Sa condo unit lang ni Anna ginanap ang pa-party na ito sa kanya. Pero bumabaha ng inumin at mga pulutan.  Wild na wild ang datingan ng party. Bigla siyang napasimangot. "Hindi alam ni Jack na may ginawa kayong ganito sa akin. Tiyak na magaalburoto 'yon kapag nalaman ito," Natawa ang mga kaibigan. Iwinasiwas ni Anna ang kamay sa ere. "Ay sus, ginoo! For sure, meron din siyang bachelor party. Impossibleng hindi siya bibigyan ng mga kaibigan niya ng party. Kilala ko ang mga 'yon! Tiyak na susulitin ng Prince Charming mo ang party niya. Kaya naman quits lang kayo,"  "How sure are you?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Sinalinan siya ni Lyn ng alak sa shot glass. "Normal sa mga mayayaman na tulad ni Jack ang ganoong party once na malapit na itong ikasal. Baka nga hindi pa sabihin sa'yo eh. Kaya huwag ka na nga masyadong magalala. Wala namang rated SPG na mangyayari ngayon. Meron lang kaming kinuhang stripper. But that's all. We can't touch those hot guys," Napailing na lang si Maxine sa mga kaibigan. Hindi naman kalakihan ang unit ni Anna kaya naman halos sumakit na ang eardrums niya sa lakas ng background music. Kulob kasi. Madilim at tanging neon lights lang ang nagsisilbing ilaw nila upang magkakitaan.  "I-enjoy natin ang huling gabi ni Maxine bilang dalaga!" Nagsitaasan ang mga ito ng baso at nagcheers sila. Naging masaya at maharot ang gabing 'yon. Painom siya ng pinainom ng mga ito. Hilong-hilo na siya at umiikot na ang paningin niya. Hindi naman kasi siya sanay uminom ng alak.  Muli siyang inabutan ng kaibigan ng isa pang shot glass. Umiling na siya. "Pass na ako, hindi ko na kaya. Dalawa na ang tingin ko sayo," she chuckled.  "Ang hina mo naman, Maxine! Ganyan ba talaga kapag ikakasal na? Come on! Hindi naman malalaman ito  ni Jack!" Hindi naman 'yon ang pinagaalala niya. "Uuwi pa ako. Baka nakalimutan niyong wala naman akong driver para ihatid ako ng ligtas sa apartment?" "Ibo-book ka nalang namin ng grab. Huwag ka nang magdrive," Nanlaki ang mga mata niya. "Ayaw kong ipagkatiwala si Max. Mahirap na lalo't madaling araw na at lasing ang babaeng ito," iling ng isang kaibigan nila. "Dito ka na lang kasi matulog, bukas ka nalang ng umaga umuwi," ungot ni Anna. Pinanlakihan niya ang mga ito ng mata kahit nahihilo na talaga siya. "Hindi pwede. Alam niyo namang katabing unit ko lang ang kapatid ni Jack, eh. Magsumbong pa 'yon sa kapatid niya na hindi ako umuwi, edi nalintikan na. Tiyak magaaway kami," "Hay, bahala ka nga! I-shot mo nalang 'to. Last na," ungot pa ulit sa kanya ng mga ito. Napahinga nang malalim si Maxine. Kung bakit ba naman kasi napakahina ng alcohol tolerance niya! "Pero alam mo, opinyon ko lang 'to, ha? Huwag ka magagalit, Max," Napatingin siya kay Lyn. "Hindi ko gusto si Jack para sayo. Hindi naman sa pagiging kontrabida. Mama's boy kasi ang tingin ko sa kanya. Wala siyang sariling desisyon sa buhay. Parang hindi nagbe-blend 'yung personalities niyo. Mas gusto ko sayo 'yung lalaking kaya kang itama at kontrahin. Si Jack kasi hindi ganoon," Tumango si Anna bilang pagsang-ayon. "Korek. Isa pa, parang walang kalatoy-latoy ang lovestory niyo. College days niyo pa lang eh kayo na. Alam niyo nang balang araw kayo ang ikakasal. Wala man lang 'yung lovestory na nababasa natin sa mga libro," Napasinghap si Maxine. Hindi niya alam na may ganoong interpretasyon sa love life niya ang mga kaibigan. Buong akala niya ay botong-boto ang mga ito kay Jack para sa kanya. May basehan naman ang sinasabi ng mga ito. Matalik na kaibigan ng kanyang papang at mamang ang magulang ni Jack. Kaya naman bata pa lamang sila ay nagkasundo-sundo na ang mga ito na ipakasal sila.  Nagkataon lamang na talagang na-inlove siya kay Jack kaya wala siyang problema sa arranged marriage nila. Pabor pa nga iyon sa kanya kung tutuusin. "Galit ka ba, Max?" Nagaalalang tanong ng mga ito.  Nahinto siya sa pag-iisip. Ngumiti siya. "Of course, not. Alam kong nagaalala lang kayo para sa akin. But really, you don't have to. Jack is a nice guy. Gagawin niya ang lahat para mapasaya ako," Tila hindi pa kuntento ang mga kaibigan sa sinagot niya ngunit wala nang nagawa ang mga ito.  Sinaid na niya ang laman ng shotglass at pinilit ang sarili na tumayo kahit parehas na ang mga paa niya.  "Salamat sa party. I truly enjoyed this night. Pati ang mga stripper, sobrang sexy!" Humalakhak siya. "But I need to go home. Good girl na ako. Ayaw kong ma-bad shot sa kapatid ni Jack," "Alright, ihatid ka nalang namin sa labas. Pauwi na rin kami maya-maya," Hindi na siya umangal pa at hinayaan na ang mga ito na ihatid siya sa kotse niya. "Bye, guys! Magkita-kita nalang tayo sa kasal ko!"  Binuhay na niya ang makina ng sasakyan. Huminga siya nang malalim. Kailangan niya maging maingat. First time niyang uuwi ng lasing at nahihilo. Madilim at mahamog ang daan. Kakaunti lamang ang poste at tanging ang ilaw lang ng kanyang kotse ang nagbibigay liwanag. Antok na antok na siya. Bumibigay na ang kanyang mga mata. Wala naman siyang nakakasabay o nadadaanang sasakyan. Labis na ang antok at hilo na nararamdaman niya kaya hindi niya na napigilan ang paghikab. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakapikit habang nagmamaneho kaya naman nagulat siya nang may malakas na impact siyang naramdaman. Kasunod n'yon ay paglikha ng napakalakas na tunog.  Gilalas na napadilat siya. Kitang kita niya kung paano umiikot ikot sa ere ang kotseng nabangga niya! Habang siya ay tuloy tuloy sa pagbangga sa isang poste, sinubukan niya pang iliko ngunit napakabilis ng pangyayari. Bumangga sa poste ang kotse niya at nabasag ang windshield nito.  Ang mga sumunod na sandali ay naging kadiliman na lang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD