Third Person Point of View
Nanlalamig ang mga kamay na animo ay mga pasmado ang mga ito at ang ang mga mata ay malikot na kung saan saan napa padpad ang tingin.
Tila nakikipag habulan sa karera ang kanyang puso na kulang na lamang ay lumabas sa dibdib niya.
Hindi normal ang kanyang pag- hinga at mas mabilis ito kaysa sa normal.
Sa kabila ng malamig na aircon ay pinagpapawisan si Sicily sa kanyang noo.
“Sigurado ka ba rito Nota?” mahinang bulong ni Sicily sa kaibigang babae na sinusuri ang mga folder sa kanyang kamay ngunit wala naman talaga roon ang focus nito. “Baka naman makulong tayo sa gagawin natin.”
“Ano kaba, Sicily,” mahinang ani ng kaibigan. “Mag - tiwala ka lamang sa akin at huwag kang masyadong magalaw diyan. Baka mamaya ay mahagip pa ng cctv ang gagawin ko. Humarang ka lang ryan at sumenyas ka pag may paparating.”
“B-basta bilisan mo ha,” kabadong ani ni Sicily sa kaibigan.
Mabilis naman na kumuha si Nota ng mga flash drive galing sa box saka inilagay ito sa kanyang bag.
Agad na umubo si Sicily noong makita niya ang isang staff na patungo sa kanilang kinalalagyan. Halos iubo na niya ang buo niyang lalamunan.
Nahulog pa ni Nota ang isang flash drive sa sahig. Agad niyang isinarado ang bag saka pinulot ang nahulog na flash drive.
Napakunot pa lalo ang noo ng lalaking staff ng malaking tindahan habang si Sicily ay hindi tumigil sa pag ubo na may ka oa yan na ang ginagawa dahil sa sobrang kaba.
Hinampas siya ng kaibigan sa likuran ng mahina saka hinagod ito.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Nota habang hinahagod ang likod ng kaibigan.
Tumango tango naman si Sicily rito.
“Anong hinahanap niyo?” tanong ng lalaki sa dalawa pagka’t kanina niya pa napapansin ang dalawa na nakatayo lamang sa isang pwesto mag tatatlumpung minuto na. Kapansin pansin din naman kasi ang tindig ni Sicily dahil matangkad ito at tila pang modelo ang katawan.
Mahaba ang maalon alon nitong itim na itim na buhok na hanggang beywang. Ang mga mata nitong kulay amber ay talaga namang kaakit akit. Matangos pa ang ilong na dinaig pa ang isang artista at maging ang mga labi nito ay mapula pula kahit wala namang lipstick.
Ngunit sa kabila ng kagandahan ay mababatid mo rito ang kahirapan.
Hindi naman makapagsalita si Sicily. Hindi niya alam ang dapat sabihin o kung paano idedepensa ang sarili. Siguradong magkakanda bulol siya kapag nagsalita. Ngayon pa nga lamang ay nanunuyot na ang kanyang lalamunan.
“Naghahanap kami ng flash drive na kulay pink,” sagot ni Nota habang nakatingin sa staff. Sinusuri nito kung nag hihinala sa kanila ang staff ng store.
Tinignan naman ng lalaki ang lalagyan ng flash drive saka tumingin kay Sicily.
Sinuri nito ang kabuuan ng dalaga.
“Kala ko pa naman ako ang hinahanap,” sabi ng lalaki saka ngumiti kay Sicily. “Ano pangalan mo ma’am?”
Kumunot naman ang noo ni Sicily sa inasta nito.
Kinuha naman ni Nota ang pagkakataon na iyon upang paikutin ang lalaki.
“Bakit type mo siya?” tanong ni Nota. “Single yang kaibigan ko. Available nga siya ngayong hapon sa date.”
Nanlaki naman ang mga mata ni Sicily at tinignan ang kaibigan. Hindi siya makapaniwala na ibinugaw siya nito sa isang lalaki hindi naman nila kilala.
“Ayos pala. Mamayang mga ala singko ng hapon,” sabi ng lalaki habang ang tingin ay nakapako kay Sicily. “Pwede ka ba? Kain tayo sa labas. Libre ko naman wala ka nang gagastusin. Ako na ang bahala sa iyo.”
Sasagot sana si Sicily na hindi siya pwede at hindi siya nag eentertain ng mga lalaki ngunit naunahan na siya mag salita ni Nota.
“Call! Available ang kaibigan ko diyan. So kita na lang mamaya sa harap ng bayan?” ani ni Nota na tinatapos na ang usapan.
“Good tayo dyan,” ani ng lalaki. “Baka naman indyanin niyo lang ako.”
“Basta pumunta ka na lang doon. Ako na ang bahala maghatid dito,” sabi ni Nota.
Matapos ang kasunduan ay agad na hinatak na ni Nota ang kaibigan.
Noong magkalayo layo ay hinatak pabalik ni Sicily ang kamay niya sa kaibigan. Malungkot at disappointed ag mukha nito. Hindi niya inaakala na gagawin ng kaibigan niya ang bagay na iyon sa kanya.
“Bakit mo ko binugaw sa lalaking iyon,” sabi ni Sicily. “Hindi naman natin siya kilala. Mamaya kung ano pa ang gawin noon sa akin.”
“Ano ka ba,” ani ni Nota. “Hindi pwedeng ibagak mo lang ang ganda mo riyan. Gamitin mo rin minsan mare ko. Hindi mo naman siya papatulan. Gagamitin mo lang siya, okay? Dapat alam mong gamitin ang ganda mo kung hindi ay masasayang lang yan. Beauty privilege ba.”
Nilabas naman ni Nota ang apat na flash drive na nanakaw nila sa tindahan.
“Kitams, nakalusot tayo ng walang kahirap hirap,” ani niya sa kaibigan habang winawagayway ang flash drive sa mukha ng kaibigan na animo ay nanalo sila sa lotto. “May pang thesis na tayo at may pang benta pa sa mga kaklase natin. Mamaya pag uwi natin galing sa klase ay dumiretso tayo sa palengke.”
“Huy!” gulat na sabi ni Sicily. “Akala ko ba ay hindi ko siya papatulan?”
Itinago naman ni Nota ang flash drive sa kanyang bag.
“Hindi nga pero kung kaya mo pa siya gamitin ay gamitin mo,” ani ni Nota. “Kung nasa akin lang ang ganda mo ay baka mayaman na ako ngayon gamit yan. Isip isip din mare. Mamayang hapon makakalibre ka ng pagkain. Piliin natin yung jabee para naman matikman natin yung chickenjoy don. Isang beses ko pa lang natitikman yon dahil ang mahal at take note. One year ago pa since nakakain ako roon. Tapos uwian mo na rin yung kapatid mo.”
“P-parang hindi ko naman kayang mang gamit ng tao, Nota. Kukunsenyahin lang ako pag ginawa ko iyon,”
Napahinga ng malalim si Nota dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya.
“Sicily,” tawag niya rito. “Hindi patas ang mundo. Kung hindi ka mang gagamit ay ikaw ang gagamitin. Kung hindi ikaw ang magnanakaw ay ikaw ang nanakawan. Kung hindi ka lalaban ay ikaw ang kawawa. Kung mananatili kang mangmang ay hindi ka makaka alis sa putikan. Payo ko ito sa iyo bilang kaibigan mo. Wala kang pera kaya gamitin mo kung anong meron ka.”
“Natatakot ako,” sabi ni Sicily na kinakabahan sa kanilang ginawa at gagawin pa lamang.
“Kung hindi ikaw ang katatakutan ay ikaw ang matatakot,” sagot ng kaibigan. “Nasa tabi mo ako, Sicily. Ako ang bahala sa iyo.”