Date

1092 Words
THIRD PERSON POINT OF VIEW Inayusan ng buhok ni Nota ang kaibigan. "Ayan dapat, maganda ka. Alam mo nagugutom na ako. Siguro dapat ay pumunta tayo ng mas maaga ng sa ganoon ay makakain na tayo agad ng chicken joy!” Mula sa salamin ay tinignan ni Sicily ang kanyang kaibigan, “Paano kung may masamang mangyari sa atin?” tanong ni Sicily. “Lalaki siya at babae lamang tayo, ano ang laban natin sa lakas niya? Baka mamaya ay ikapahamak pa natin ang gagawin nating panggagamit sa kanya. Paano pag nalaman niya na gagamitin lang natin siya?” Napahagikgik si Nota sa nakikitang reaksyon ng kabigan. Natatawa kasi siya sa mukha nito na mukhang takot na takot. “Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin,” ani Nota sa kaibigan. “Eh paano kung mapansin niya?” agad na tanong ni Sicily. “Magpapahuli ka ba?” seryosong tanong ni Nota rito. “Hangang hindi ka umaamin ay mananatiling haka haka lamang to kahit mapansin niya pa. Hindi ka niya pwedeng pagbintangan. At wala rin namang kaso ang pangagamit.” “Ang sa akin lamang ay baka bweltahan niya tayo sa isang malupit na paghihiganti,” bakas ang pangamba sa mukha ni Sicily. Hinawi ni Nota ang mukha ng kaibigan. “Ang sabi ko naman sa iyo ay wag kang mag alala,” ani ni Nota. “Subukan niya lang na hawakan niya ang kahit isang hibla ng ating buhok o pagbagsakan niya tayo ng kanyang kamay ay mananagot siya. Isusumbong ko kaagad siya sa mga kakilala ko sa amin para ipabugbog.” “Hindi ba dapat ay sa pulis natin siya isumbong?” Napaiwas ng tingin si Nota sa sinabi ni Sicily at napabitaw sa hawak hawak niyang buhok. “Tsk,” reaksyon ni Nota sa sinabi ni Sicily. “Hindi patas ang mundo, hindi ako naniniwalang na sa kamay nila ang hustisya. Ang hawak nila ay pala. Binabaon nila sa lupa ang hustiyang hinihingi nating mga mahihirap, Sicily. Kapalit ng libo libong pera. Huwag kang magtitiwala sa kanila. Malinis man ang kanilang uniporme, ngunit sa likod niyo ay may bahid ng kadumihan.” Pinagdikit ni Sicily ang kanyang dalawang kamay, kasabay ng kanyang pagkuskos ng hintuturo at hinallalaking kuko na kanya nang nakasanayan sa tuwing nakakaramdam siya ng pag-aalala o kaya naman ay tense siya. “Kapag ako naging pulis, hindi ko hahayaang mabahiran ng dumi ang aking uniporme at dignidad,” hinawakan ni Sicily ang kamay ng kanyang kaibigan. “Ipaglalaban ko ang hustisya na ipanagkait sa atin.” Ngumiti naman si Nota sa kaibigan. “Pulis? Handa ka bang gupitan ang mahaba mong buhok?” tanong ni Nota rito. “Baka umiyak ka. Isa pa ay matatakutin at mahina ang loob mo. Tigasan mo muna ang puso mo.” “At anong hindi mabahiran ng kadumihan, sira ka,” natatawang dugtong ni Nota. “Nagnakaw nga tayo kanina at…” Napatigil ito sa kanyang pagsasalita at narealize niya ang kanyang mga ginawa na dinamay pa ang kaibigan. “I mean, ako pala ang nagnakaw at manggagamit,” ani ni Nota saka tumawa ng malakas. “Sige, kapag naging pulis ka ay handa akong sumuko sa presinto upang pagbayaran ang mga kasalanan ko.” Naiiyak naman si Sicily. “Makasalanan na pala ako, Nota.” ani ni Sicily dito. “Hinayaan kitang gumawa ng mga bagay na hindi dapat. Paano pa ako magiging taas noo na magpulis?” “Hay nako, Sicily,” ani ni Nota na kumukulo na ang tiyan. “Flash Drive pa lang ang kinuha natin ngumangawa ka na. Yung mga politiko nga bilyon na ang ibubulsa nakangiti pa rin. Hindi sa kalinisan mo makukuha ang hustisya. Hindi isang diretsong linya ang tatahakin mo. Madumi, magulo, madugo at mapanganib. Saka matagal pa iyon. Saka mo na isipin. Ang mabuti pa ay tara na at baka hinahanap na tayo ng kadate mo.” Hinatak na ni Nota ang kaibigan paalis roon. *** Umaliwalas ang mukha ni Noah noong makita ang dalawang babaeng patungo sa kaniyang kinalalagyan. Ayos na ayos siya ngayon at nakapang formal pa para sa date nila. Ang akala niya kasi ay hindi siya sisiputin dahil kanina pa sya nakasandal sa poste ng palengkehabag naghihintay. “Akala ko ay niloko niyo lamang ako,” ani ni Noah. “Sabi ko naman sa iyo ako na ang bahala,” sabi ni Nota sa lalaki. Napatingin naman si Noah kay Sicily. Malakas ang kabog ng dibdib niya habang nakatingin siya sa dalaga. Mas lalo itong gumaganda habang tinititigan mo. Habang si Sicily ay agad na napaiwas ng tingin dahil sa nahihiya siya sa titig ng lalaki. “Itigil niyo na yan at kumain na tayo,” ani ni Nota noong mapansin ang pagtitigan ng dalawa. “Maaga pa kami uuwi kaya huwag ka pong matulog sa pansitan. Agad na napatingin si Noah kay Nota. “Kasama ka?” tanong ni sa dalaga. “Aba ay malamang. Ako ang kupido niyong dalawa tapos hahayaan mo akong magutom?” tanong ni Nota rito. “Kung hindi mo ako isasama ay huling kita mo na ito sa kaibigan ko.” “Sandali lamang,” ani ni Noah habang nakataas pa ang kamay. “Nagtatanong lamang ako. Hindi ko naman sinasabi na hindi kita ililibre. Tara na bago pa magbago ang isip niyo.” Naglakad naman sila patungo sa fast food resto na nasa tawiran lamang. Tumabi si Noah kay Sicily habang tumatawid at nakaaktong nakahawak ito kay Sicily upang alalayan sa pagtawid sa dami ng sasakyan ngunit hindi ito nakahawak ng diretso. “Ano nga pala ang panagalan mo?” tanong ni Noah sa dalaga. “Hindi mo naibigay sa akin ang pangalan mo kanina.” “Sicily..” mahinang sagot ng dalaga na hindi naman naulinigan ng lalaki dahil sa hina at parang namamalat na boses. “Ano ulit yon?” tanong ng lalaki. Tumikhim naman si Sicily saka inulit ang sinabi. “Sicily!” “Sabi ko na nga ba at maganda rin ang pangalan mo tulad mo,” ani Noah sa dalaga habag hindi inaalis ang tingin dito. “Ngunit sa tingin ko ay mas gaganda pa ang pangalan mo kung idudugtong natin ang apilido ko.” Nagulat naman si Sicily sa sinabi nito na sa isip isip ay unang date pa lamang nila ay kasal na agad ang naiisip. Hindi naman niya pinansin ito, tanging katahimikan lang ang natanggap ni Noah sa dalaga. Napahawak ang binata sa kanyang ulo, pagka’t alam niya na mahihirapan siyang sungkitin ang matamis na oo nito upang maging kanyang kabiyak.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD