The Birth of Sicily

1023 Words
Third Person Point of View Napahawak si Yelena sa kanyang siyam na buwang tiyan.Kasalukuyan siyang naghahanda ng pagkain nila ngayong gabi. Ramdam niya ang paghilab nito. Kapos ang kanyang hininga habang hawak hawak ang kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay lalabas na ang batang nasa kanyang sinapupunan. Mas lalo siyang nagulantang noong pumutok na ang kanyang panubigan. “ROMAN!!!! ROMAN!!!!” Sigaw ni Yelena habang hirap na hirap ang kanyang paglakad patungo sa pintuan. Napabalikwas naman ng tayo si Roman noong marinig ang sigaw ng kanyang asawa na animo ay hirap na hirap. Agad niya itong pinuntahan sa kanilang kusina.   Nakita niya ang naghihikaos na kanyang asawa at ang tubig na dumadaloy pababa sa mga binti nito.   “ROMAN! MANGANGANAK NA AKO!” sigaw ni Yelena sa kanyang asawa. “LALABAS NA ANG ATING ANAK!!!”   Mas lalo naman nataranta si Roman. Hindi niya alam kung ano ang kayang uunahin. Napatulala siya ng ilang segundo.   “SANDALI SANDALI,” ani ni Roman. “HAHANAP AKO NG TRICYCLE SA LABAS! DITO KA LANG. HAHANAP LANG AKO NG MASASAKYAN NATIN PATUNGONG HOSPITAL.”   “BILISAN MO ROMAN! BILISAN MO!” utos ni Yelena sa kanyang asawa. “ANG SAKIT!” Halos mapasigaw na si Yelena sa kanyang nararamdaman. Tila binabali ang buto niya sa bandang baywang. Masakit din pati ang kanyang likuran at ibang kirot ang nararamdaman sa kanyang katawan. Agad namang tumakbo palabas si Roman ng kanilang bahay upang humanap ng kanilang masasakyan ngunit mag aalas dose na rin ng gabi at nagbabadya pa ang langit ng malakas na ulan ay halos wala na siyang makitang mga tao sa kalsada.   Ilang minuto na siyang nakatayo sa gilid ng daan ngunit walang tricycle na dumaraan. Napalingon siya ng marinig ang sigaw ng asawa sa loob ng kanilang kubo.   Agad siyang tumakbo pabalik dito.   “ROMAN!!!” sigaw ni Yelena na puno ng pawis ang mukha. “HINDI KO NA KAYA!!! MANGANGANAK NA KO!!” Agad na nilapitan ni Roman ang asawa at hinawakan ang kamay nito.  “Kumapit ka lamang sa akin, mahal ko,” ani ni Roman na puno ng pag aalala. “Lilipas din ito. Huwag kang bibitaw! Ilabas mo ng ligtas ang anak natin. Konting tiis lamang!”   Binuhat ni Roman ang kanyang buntis na asawa saka lumabas ng bahay. Kung walang daraan na tricycle ay itatakbo na lamang niya ito patungong hospital. Medyo malayo layo nga lamang ito at aabutin siya ng trenta minutos.   Hindi naman alam ni Yelena ang gagawin at nawawalan na siya ng focus sa sakit na nadarama. Ang tanging pinahahawakan niya na lamang ngayon ay ang kamay ng asawa.  Ni hindi niya nga rin alam kung bakit sila tumatakbo. Basta ayaw niyang bumitaw dito.   Hindi pa sila nakakalayo ay nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan sa kasagsagan ng gabi. Madilim din ang kanilang dinaraanan. “Bakit ngayon pa?!” inis na sabi ni Roman noong maramdaman na niya ang patak ng ulan. Sinalubong din sila ng malakas na hangin. Pakiramdam pa nga niya ay bagyo itong parating.   Agad niyang ibinaba ang asawa at hinubad ang damit. Saka niya itinalukbong sa ulo ni Yelena at matapos ay muli niya itong binuhat upang itakbo sa hospital. “Ay jusko po!!!” sigaw ng isang matanda na nakakita sa kanila. Napatigil si Roman at napatingin dito. “Bakit tumatakbo kayo sa ganitong kasamang panahon?!”   “Tulungan mo kami nanang!!!” balisang ani ni Roman. “Manganganak na ang aking asawa! Mukhang hindi na kami aabot sa hospital.” Napatingin ang matanda kay Yelena na hirap na hirap na. “Halikayo at pumasok sa aking bahay,” ani ng matanda. “Kumadrona ako. Dito na natin siya paanakin.”   Dali dali namang binuksan nito ang kahoy na gate at pumasok naman ang mag asawa roon. Agad na pinahiga ng matanda si Yelena sa isa sa mga higaan sa loob ng bahay. “Mag painit ka ng tubig!” utos ng matanda kay Roman. “Kunin mo rin ang mga sapin riyan sa may aparador.”   Pinunasan ng matanda ang basang basang babae dahil sa ulan at binalot na ng kumot ang katawan.   Matapos ay sinilip nito ang labasan ng bata. “Nanay nakikita ko na ang ulo ng iyong anak,” ani ng matanda. “Kailangan mo nang umiri! Kailangan ko ng tulong mo para maitulak ang bata palabas!”   “Halika ka na rito at hawakan mo sa kamay ang iyong asawa,” tawag ng matanda sa asawa ni Yelena. Dali dali namang lumapit si Roman dala ang maligamgam na tubig at lampin.   Malakas ang hangin sa labas na mariring sa loob ng bahay. Maging ang malalaking patak ng ulan ay rinig na rinig sa yero sa kabila ng malakas na pag iri ni Yelena.   “Hindi maganda ang panahon,” ani ng matanda kay Roman. “Hindi rin magandang pangitain ito para sa batang ipapapanganak ngayon.”   Napalunok si Roman sa sinabi ng matanda at sa pagpatak ng alas dose ng gabi ay narinig na sa kabuuang bahay ang iyak ng bagong silang na sanggol. Ang iyak na ito ang tila pumawi sa lahat ng sakit at pagod ni Yelena. Napangiti naman si Roman habang nakatingin sa sanggol na kalalabas lamang ng sinapupunan ng kanyang asawa ngunit hindi siya matuwa ng masyado dahil sa sinabi ng matanda sa kanya.   Nakatingin naman ang matanda sa sanggol na dala dala. Nagmulat saglit ang mga mata nito at tila hinatak ng mga mata ang matanda sa kung saan.   “Jusko,” mahinang amang ng matanda habang nakatingin sa sanggol. “Nagkamali  ata akong tulungan ang iyong ina na ilabas ka mas makakabuti atang hinayaan ko na lang na namatay kayo sa lamig sa labas.”   Ibigay ng matanda ang sanggol kay Yelena. “Isang magandang prinsesa ang iyong anak,” ani ng matanda.   Nakangiti naman si Yelena habang nakatingin sa supling na yakap yakap.   Napatingin ang matanda kay Roman at nakatingin din ito sa kanila. Hindi maganda ang naiisip ni Roman sa reaksyon na lamang ng matanda ngunit isinawalang bahala niya na lamang ito dahil ang mahalaga ay ligtas ang kanyang mag ina.   Tinikom na lamang ng matanda ang kanyang bibig.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD