MY POSSESSIVE STALKER #4;

2728 Words
Typos and grammatical error ahead! ¤¤¤ MANDY POV: ¤¤¤ Hindi ko mapigilan ang lihim na mapangiti habang pinagmamasdan ko siya sa malayo. My Xaviel. Kumuha na naman ako ng larawan dahil sa ganda ng anggulo kung saan ako nakapwesto habang pinagmamasdan ko siya. Napacute niya sa paningin ko na siyang lalong nakakapagpahulog ng loob ko sa kanya. Sa pagsunod ko lamang sa kanya ng ganito ay mas lumalalim ang damdaming nararamdaman ko sa kanya. My Precious Xaviel. Isa, dalawa, tatlo at higit pa ang nakuha kong larawan niya. May maidadagdag na naman ako sa mga collection ko at ilalagay sa mga photo album na ang mga larawan lang niya ang laman. Walang ibang magagandanf tanawin ang makakahigit sa ganda ng tanawing natatanaw ko sa kanya. My one and only Xaviel. "I will make you mine, Xaviel." Bulong ko habang patuloy parin akong nakamasid sa kanya. Sa bawat paggalaw ng kamay niya. Nabibilang ko ang bawat pagkurap niya. Kung paano kumibot ang mga labi niya habang nagsasalita. Nanatili lamang ako sa kinauupuan ko habang naghihintay na matapos siya sa pakikipagdeal na naman sa mga negosyo niya. Napakahard working niya at hindi ko pa nakitang nagsayang siya ng oras. Lagi siyang busy sa trabaho. Trabaho sa opisina at sa bahay lang ang routine ng buhah niya. At iyon ang isa sa babaguhin ko sa kanya. Gusto ko ding iparanas sa kanya ang saya sa kabilang mundo na nakasanayan niya. Kung paano ang ganda ng buhay ng may nagmamahal sa kanya. At kung magkakaroon ako ng pagkakataon ay ako anh magpaparanas sa kanya ngkaligayahang iyon. Pupunan ko ng pagmamahal ang buhay niya ng magkakulay naman. Hindi lang sa negosyo niya dapat umiikot ang buhay niya. Dapat bigyan din niya ng pansin ang makakapagpaligaya sa kanya. "My Xaviel." Naibulong ko. Nakikita ko kasi lagi sa mga mata niya ang kalungkutan na itinatago lamang niya sa pagkaabala sa trabaho. Alam ko. At nararamdaman ko na may mabigat siyang problemang dinadala. At isa iyan sa mga aalamin ko para matulungan siya. Napakurap ako at nawala ang ilan sa mga iniisip ko ng makitang tumayo na siya at nakipagkamay sa kausap. Matagumpay na ngiti ang napaskil sa kanyang mga labi matapos itong makipag usap sa kaharap. "Good for you." Muli kong bulong. Kahit man lang sa ngiti ng tagumpay na iyon ang makita ko sa kanya kahit hindi abot iyon sa kanyang mga mata na may nagtatago paring lungkot doon. Palaging ganito ang nakikita ko sa kanya. "Why?" Pero sa tanong kong iyon ay wala naman akongmaisasagot maliban sa tanungin ko iyon mismo sa kanya. Pero paano kung sa tuwing tatangkain kong lumapit sa kanya ay wala na siya o di kaya naman ay lagi siyang umiiwas at hindi man lang umaabot sa isang minuto para makausap siya. Palabas na siya ng restaurant kaya naman mabilis akong kumilos para muli siyang sundan. Hindi dapat siya mawala sa paningin ko kahit na ilang sigundo lamang. Gustuhin ko pa sana na kahit sa gabi ay nakikita ko siya pero imposeble pa iyong mangyari ngayon dahil hindi ko pa nakukuha ang loob niya. Pagtitiyagaan ko na lang muna ang mga larawan niyang nakukuha ko sa araw araw na pagsunod ko sa kanya. Sinundan ko na naman siya. Dahil sa pagmamadali ko sa pagsunod sa kanya ay hindi ko napansin na nakatigil pala siya sa labasan kaya naman bumangga na ako mismo sa kanya. "Hi! Xaviel." Tumayo ako ng tuwid. Ngumiti ako sa kanya pero tanging kasertusuhan lang ang nakita ko aa mga tingin niya sa akin. "Why are you here?" Mababang tinig na tanong niya. Kunot ang nuo na iginala pa ang paligid. "Just hanging out. How about you?" Sagot ko sa kanya. "Hanging out?" Pang uulit niya? "Hanging out alone?" "Yeah! Pero kung gusto mo akong samahan hindi na ako mag iisa." Nakangiti ko pang sagot. Hindi siya sumagot. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang paghihinala sa akin. Kung tatanungin naman niya kung sinusundan ko siya ay sasabihin ko ang totoo pero sa ngayon.. hindi na muna dahil iba naman ang tinanong niya. "Wanna hangout with me?" Tanong ko pa na nagpakurap sa kanya pero hindi na nga siya nagsalita bagkus tinalikuran na ako na parang hindi ako nakita. "Hey!." Hinuli ko ang kamay niya kaya muli siyang napatingin sa akin o mas tamang sabihin ko na sa kamay ko siya napatingin. Hindi din nagsalita, iwinaksi ang kamay kong humawak sa kanya at muling ipinagpatuloy ang paglayo sa akin. "Nakita ko na hindi mo ginalaw kanina ang kinakain mo. Gusto mo bang sabay na tayong kumain ng lunch. Sagot ko. Ilelebre kita." Sabi ko ng sumunod ako sa kanya. "Kaya kong bumili ng pagkain ko." Balewalang sagot niya. "Pero maganda din ang minsan nalelebre diba." Pangungulit ko. "Hindi ako nagpapalebre sa taong alam kong walang ibang alam na trabaho maliban sa pagsunod sa akin." Natigilan ako sa sinabi niya. Kung ganun hindi ako nagkamali. Napapansin na niya ako sa pagsunod sunod ko sa kanya. "Di magtratrabaho ako." Sagot ko naman sa kanya kahit hindi ko naman kailangan ng trabaho kung kaya ko namang bilihin ang lahat ng mga nais ko. Kahit na bahay at lupa ay kaya kong ibigay sa kanya kung iyon ang gusto niya. Ipagawa siya ng palasyo kung iyon ang makakapagbigay ng puwang ko sa buhay niya. "Kung gusto mong magtrabahi dapat noon pa. Saka wala ka bang ibang alam gawin maliban sa pagsunod sa akin? Sino ka ba talaga?" Taning niya na tumigil sa paglalakad at humarap sa akin kaya naman napatigil din ako sa pagsunod sa kanya. "I'm Mandy. Mandy Selvester. Nagpakilala na ako sayo noong una tayong magkita sa parking lot ng gusali mo diba?" Sagot ko sa kanya. "Alam ko. Pero hindi iyan ang gusto kong ipahiwatig. Sino ka at bakit mo ako laging sinusundan? Huwag kang magsinungaling dahil matagal ko ng napatunayan iyan." Seryusong tanong niya na para bang malaking kasalanan ang pagsunod ko sa kanya. Sino nga ba ako? Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang buo kong pagkatao? No! Not now. Kailangan ko munang mapalapit sa kanya. Makuha ang loob niya. "Huh! Never mind. And from now on. I don't want to see you again where ever I go. At tigilan mo ang pagsunod sunod sa akin." "Why? Gusto ko lang naman maging malapit sayo." Pinigilan ko siya sa kamay ng tatalikuran na naman niya ako. "For what? Wala kang mahihita sa akin. If you need money. Here." Sabi niya sabay kuha ng libo-libong pera sa wallet niya at ibinigay iyon sa akin. "Just leave me alone." At walang lingong likod na niya akong iniwan. Napatingin na lang ako sa perang ibinigay niya sa akin. Pangalawang beses na niya akong binigyan. Una ay sa bar noong nalasing siya at hindi na niya iyon naalala pa dahil sa kalasingan niya. Ng gabing iyon ay hindi ko naman siya iniwan. Nakamasid lamang ako sa malayo hanggang sa may sumundo na sa kanya. Ng gabing iyon ay sinundan ko na siya at simula noon ay hindi na ako nagmintis ng isang araw na hindi siya sundan. "Hayst." Nagpakawala ako ng buntong hininga. Pera lang ba ang alam niyang kapalit ng lahat. Idinadaan ba niya lahat sa pera para lamang masunod lahat ng gusto niya. Pero ibahin niya ako. Hindi ko kailangan ng pera niya para tigilan ko siya. Hindi magiging hadlang ang pera niya sa kagustuhan kong makuha ang loob niya. At buong pagkatao niya. "My Xaviel." Muli ay naibulong ko habang nakasunod parin ang tingin ko sa papalayong imahe ng kotseng sinakyan niya. ¤¤¤ ¤¤¤ Inabangan ko siya sa lobby ng gusali kung saan siya madalas manatili para sa trabaho niya. At malaya ko na naman siyang mapagmasdan. Pauwi na naman siya sa tinitirhan niya. Kung alam ko lang nuong una na sa kabilang gusali siya naglalagi ay doon ako umupo pero nakapirma na ako ng pang isang taon ko sa condo ko ngayon. Nakakainis, bakit ba kasi sa iba pa siya nanirahan gayong may iba pa namang condo sa gusali ng kompanya niya na pwedeng tirahan para hindi na siya mapalayo sa akin. Naglalakad na siya papunta sa kotse niya. Ganito lang naman ang lagi kong ginagawa. Hinihintay na lumabas siya sa kompanya niya at ihahatid ko siya sa condo niya kahit manang sa tanaw ko na lang siya maihahatid. Ang akin lang ay ang makita siyang ligtas sa lahat ng oras sa labas ng kompanya niya. Napatago ako sa isang haligi dahil napalingon siya sa gawi ko. Nararamdaman niya na may sumusunod sa kanya kaya nag iingat ako na hindi niya ako makita sa gabi. Okay lang sa tanghali kahit na makita niya ako. Pero sa gabi ay ingat na ingat ako na hindi niya ako maramdaman baka mas lalo siyang magpanic. Hindi naman kabaliwan ang sundan siya diba? Sinisigurado ko lang naman ang kaligtasan niya. Hinintay ko na siya na makasakay ng kotse niya bago naman ako sumakay sa sarili kong sasakyan. Hindi na niya mapapansin mamaya kapag susundan ko siya. Ligtas lamang siyang makauwi ay masaya na ako para sa buong magdamag ko. Mabagal ang naging takbo ng kotse niya kaya hindi din ako makapagmaneho ng mabilis. Mukha yatang napansin na sinusundan ko siya. Pero diba dapat bilisan niya dahil my sumusunod sa kanya? Nanlaki na lang ang ulo ko ng bigla siyang umatras at balak yata akong banggain. Iaatras ko na din sana ang kotse ko para makaiwas pero tumugil na ito sa harapan ko. Napalunok ako ng makitang bumaba siya ng kotse niya at kinatok na mismo ang bintana sa tapat ko. Napaskil ang ngiwing ngiti na ibinaba ko ang salamin ng bintana ko na napatingala sa kanya. "Are you going to stalked me all day?" Galit na tanong niya. Akala ko ba malinaw na ang sinabi ko sayo kaninang umaga na huwag mo na akong susindan. Hindi ka pa nakakaintindi?" Nag echo pa sa buong parking area ang lakas ng boses na paninita niya sa akin. "No! I didn't." Sagot ko sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko pero pinigil niya. "Stay where you are. Stop following me. Do you understand?" May gigil na sabi niya na sinabayan pa ng paghampas mismo sa taas ng kotse ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Okay! Just allow me to send you home. Kahit ngayon na lang." Sagot ko na lamang para matigil na ang galit niya. Pero ang sinabi niya titigilan ko siya. Hmmm.. hindi iyon mangyayari dahil wala iyon sa deksyonaryo ng buhay ko. "Makakauwi ako mag isa at hindi ko kailangan ng maghahatid sa akin. Kaya pwede ba. Tumigil ka sa kakasunod sa akin." Mas nanggigil pa nga siya kaysa sa inaasahan kong titigil siya. Ngumisi na ako. Mukhang kakailanganin ko ng baguhin ang estratihiya ko para makuha siya. "What are you...." hindi na niya naituloy ang sinabi niya ng umangat ang kamay ko at hinuli ang batok niya saka ko siya hinila dahila para mapayuko siya. "Ihahatid lang naman kita, Xaviel. Hindi naman masama iyon diba?" At inilapit ko naman ang mukha ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpupumiglas niya mula sa pagkakahawak ko sa batok niya pero hindi ko siya hinayaang makawala. Kumilos pa ang isang kamay ko at hinawakan naman ang necktie niya. "f**k! Bitawan mo ako." Kunot ang nuo. Matalim ang naging tingin. Nanggagalaiti ang mga ngipin. "Hindi kita bibitawan kung hindi ka papayag na ihatid kita." Ngumisi pa ako. Mas inilapit ang mukha ko sa kanya. Iyong halos malanghap ko na ang hininga niya. Kung hindi siguro kinukontrol ang sarili ko ngayon ay kanina ko pa siya hinalikan sa lapit ng mukha ko sa kanya. Akin na lang ang magkakasunod na paglunok dahil doon. "Damn you. Let me go." Hinawakan ang kamay ko na nasa batok niya at sa nakahawak sa necktie niya. Ginamitan ng lakas para tuluyang makawala sa akin. Minasahe pa ang batok bago ako binalingan. "f**k off. Stay away from me." Gigil na muling bumalik sa kotse niya at pinasibad na iyong paalis. Nakangisi akong muling binuhay ang makina ng kotse ko at sinundan na siya. Nakangisi habang binabasa ng dila ko ang labi ko. Napapalunok habang naiisip ko ang lapit ng labi niya kanina sa akin. Damn! Anong kayang pakiramdam ang halikan siya. "Soon, my Xaviel. Soon. Matitikman ko din ang mga labi mo." At patuloy ako sa pagsunod sa kanya hanggang sa makauwi na siya sa gusali kung saan ang condo unit niya. ¤¤¤ XAVIEL POV: ¤¤¤ Tinapunan ko ng tingin si Mandy ng makababa ako ng kotse ko na ngayon ay nakatingin sa akin. Nakangiti siyang kumaway pa. "What's wrong with that guy?" Gigil na pabulong kong tanong. Marahas ang ginawa kong pagtalikod at hindi na ako lumingon pa. Deretso ako sa pagpasok ng building. Ano ang dahilan ng lalaking iyon bakit palagi siyang nakabuntot sa akin. "Damn that guy." Gigil na gigil parin ako habang nakasakay na ako ng elevator. Sa pagsara ng elevator ay tumunod na naman ang snapchat ko na nadadalas ng naging active dahil sa ibat ibang account na nagmemessage sa akin. Siguro buburahin ko na lang ang apps na ito para tumigil na. Nangunot ang nuo ko ng buksan ko ang huli sanang message na babasahin ko bago ko burahin ang naturang application. Mandy❤Xaviel ang nakalagay na username ng nagmessage sa akin. "Hi, big wolf." Si Mandy nga iyon na nakavedio. May ngiti sa labi na sinamahan ng isang kiss. "Goodnight." Damn this guy. Napapamura ako ng wala sa oras dahil sa lalaking iyon. Hindi ba siya aware sa pinaggagawa niya ngayon? Hindi ba niya kilala ang inistalk niya araw araw? O sadyang kilala ako na maraming pera para sundan ako. Pera ba ang gusto niya sa akin kaya niya iyon ginagawa? Isa na namang message ang natanggap ko. "See you tomorrow big wolf." Deleted agad ang mensahe niya. Gigil na isinilid ko ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko at hindi na lang iyon pinansin. Kulang lang siguro siya sa atensyon kaya naghahanap ng atensyon at ako ang napagtritripan niya. "Walang kwenta." Naibulong ko. Bigla ko kasing naisip na sa tanda niya ay wala man lang magawang maganda sa buhay. Walang trabaho at mas napagtutuunan ng pansin ang buhay ng ibang tao. Mabuti at kinaya ang renta sa condo unit na inupahan nito ng isang taon. "Marahil ay nakuha niya ang pang upa sa mga nagiging sugar mommy o sugar daddy nito." Ako din naman ang sumagot sa katanungan ko. Hindi naman maipagkakaila. Magandang lalaki din naman siya at hindi ko iyon itatanggi. At sa kagaya niya ay marahil marami na itong naging mga sugar mommy o sugar daddy na bumubuhay sa kanya. "What a waste." Naiiling na lang ako. Kung anu-ano na tuloy ang naisip kong hindi maganda sa kanya dahil sa inaakto niya. Hindi naman kasi maitatago dahil parang ang hanap niya ay ang taong kaya siyang buhayin para hindi na niya kailangang magtrabaho. At ako pa talaga. Pero nagkamali siya ng taong napagtritripan. Ako si Xaviel. Isa yata akong Anderson na hindi malalamangan ng kahit na sino. Never. No one. And not him. ¤¤¤ ¤¤¤ Tunog naman ngayon sa messenger ko ang naringgan ko kinaumagan at nakapagpagising sa akin. Kusot pa ang mga mata ko na kunuha ang cellphone ko na nasa ulunan ko lang at tinignan kung sino ang nagbigay sa akin ng mensahe ng ganito kaaga. Isa iyong message request. Nawala ang antok ko at nagising agad ang diwa ko ng mabasa kung sino ang nagpadala sa akin ng message. And as usual. Si Mandy Selvester. Kunot na naman ang nuo ko. Gusto ko sanang idelete iton agad ng hindi nababasa ang mensahe niya pero nausisa ako kung anong laman ng mensahe niya. "Damn you." Naihagis ko ng wala sa oras ang cellphone ko ng makitang vedio iyon habang naliligo siya. Kuyom ang kamao ko na gusto kong isigaw ang pangalan niya and curse him into hell. Nagpakawala ako ng sunod sunod na malalalim na paghinga. Nawala na ng tuluyan ang antok ko. Tumayo sa kama at pinulot ang cellphone ko at agad na binura ang vedio na pinadala niya. I also blocked him. "Wala bang matinong maisip ang isang iyon?" Tanong ko na naman na parehong tanong ko din kagabi. Ahhhh! Napapamura na lang ako ng wala sa oras habang naiisip ko ang isang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD