Typos and grammatical error ahead!!
¤¤¤
XAVIEL POV:
¤¤¤
As usual, nakita ko na naman siya na nasa gilid lamang ng restaurant kong saan ako nagpa set ng lunch meeting sa mga ka business partner ko.
Wala pa talagang isang araw na hindi ko siya nakita. Lagi siyang nakasunod sa akin. Kung nasaan ako ay nandoon din siya. Halata lang na sinisundan niya ako. Pinapanuod lahat ng kilos ko na siyang ikinakainis ko.
Ano ba kasi ang nakain niya at pinagdidiskitahan akong sundan? Nakakagigil lang dahil hindi ko naman masagot ang tanong ko.
"Ang assistant ko na lang ang magdadala ng kontrata sa susunod Mr. Yoso." Seryuso kong saad matapos naming mabasa ang ilan sa mga plano ng negosyo niya.
"Aasahan ko iyan Mr. Anderson. Hindi ka nagkamali sa pagbibigay ng oras sa negosyong ito."
"Nakita ko naman na maayos ang lahat ng mga plano. Sana hindi ako mabigo."
"Oo naman Mr. Anderson. Kung ganun... mauuna na ako ng maibalita ito sa kompanya ko. Para masabihan na dobleng sipag ang kailangan nilang gawin para di ka mabigo sa amin."
"Sige, Mr. Yoso." Nakangiti at kitang kita kong gaano ito kasaya sa pagpasok ko sa negosyo nila. Maliit lamang na kompanya iyon pero nakitaan ko naman ng magandang record kaya ano na lang ba ang kaunting share na maibabahagi ko para sa ikakaunlad pa ng negosyo nito.
Tingin na lang ang isinunod ko sa palayong pigura ni Mr. Yoso hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.
Tinawag ang waiter na ligpitin na ang pinagkainan namin pero di pa naman ako tumayo.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtayo ni Mandy na ngayon ay palapit kung saan ako nakaupo.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ano na naman ang gagawin ng isang ito ngayon? Sadya yatang sa akin itinutuon o inuubos ang oras.
"Hi!." And as usual. Nakangiti siya na lumapit sa akin. "You don't mind, right?" Na sinabayan na ng pag upo sa binakanteng upuan ni mr. Yoso kanina. "You didn't eat your meal."
Totoo naman iyon. Hindi ko nga nagalaw ang inurder na pagkain kanina kaya nanatili iyon sa harapan ko.
"Waiter." Tawag niya sa waiter na agad namang lumapit. Nanatili akong walang imik. Pinanuod lamang siya kung ano ba ang gustong gawin. "Give me the bill."
"What are you doing?" Tanong ko ng binayaran na niya ang bill ko.
"I will treat you some other place. Lets go." Nakangiti niyang sagot na parang balewala lang ang pagpapakita ko ng pagkadisgusto.
Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila na patayo.
Kunot ang nuo ko na hinila ko ang kamay ko pero hindi niya binitawan. Tinignan lang ang kamay niyang nakahawak mismo sa kamay ko bago deretsong tumingin sa akin.
"Magugustuhan mo dun. Promise." Sabi pa niya. Hindi naman ang lugat kung saan niya ako dadalhin ang inaalala ko kundi ang pagkakahawak niya mismo sa kamay ko. Feeling close lang ba?
"Hey!." Reklamo ko pero huli na ng nahila na nga niya ako palabas ng restaurant.
"Hope in. Balikan na lang natin ang kotse mo mamaya." Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse niya. "Pasensya na. Hindi kagandahan ang kotse ko. Second hand lang to."
Hindi ko naman tinatanong pero bakit kailangan pang sabihin iyon sa akin.
"Hindi pa ako pumapayag. Saka why are you doing this?" Tanong ko. Tumuwid ng tayo at nakipagtitigan sa kanya kaysa ang sumakay ng kotse niya.
"Gusto ko lang mapalapit sayo. C'mon. Saka ka na lang magtanong. I'm also hungry." Sabi niya. Sinabayan ng mahinang pagtulak sa likod ko kaya wala akong nagawa kung ang yumuko ng hindi ako mauntog sabay sakay. "You will like there." Sabi pa niya ng mabilis na umikot at agad na nakasakay.
Namalayan ko na lang na sakay na nga ako ng kotse niyang hindi ko alam kung saan ako dadalhin?
Naipilig ko ang ulo ko na hindi na lang ako umimik. Almost two months na ng malaman ko na sinusundan niya ako na hanggang ngayon hindi parin malinaw kung ano ang pakay niya sa akin at palagi siyang sumusunod sa akin.
He always message me in snapchat. Sending me a vedio. Kahit na ilang ulit ko naman itong i blocked doon ay balewala parin dahil nagkakaroon siya ng panibagong account. Kaya hinayaan ko na lang dahil nakakasawa na ang mag blocked sa kanya. Even in f*******:, messenger sinundan niya ako at palagi akong minimessage.
"We're here." Nilinga ko ang paligid. Isa iyong maliit na fastfood chain. Na nasa gilid lamang ng kalsada. Maraming customer ang maliit na kainan.
"Why here?" Kunot ang nuo kong tanong ko pero bumaba na rin ako ng pagbuksan na naman ako ng pinto.
"Halika." Aya niya kaysa sagutin ang tanong ko. Muli niya akong hinawakan sa kamay na may bahagyang paghila. Nakangiti parin siya na para bang aliw na aliw sa ginagawa.
"Ang daming tao."
"That's why I recommended this place. C'mon." Nagpatangay lang ako hanggang sa salubungin kami ng may katandahang babae.
"Mandy, anak. Nandito ka na pala. Halikayo."
"My mother." Mahinang usal niya ng tignan ko siya. "Sige mama. Halikana." Hinila niya ako pero hindi para umupo sa isang lamesa doon kundi hinila niya ako mismo sa may kusina ng kainan. "Dito na lang tayo para makakain ka ng maayos. Magaling magluto si mama kaya siguradong magugustuhan mo ang mga ulam dito." Madaldal na saad niya. Maliksing kumilos na naghanda ng pagkakainan ng mapaupo niya ako.
Parang wala akong karapatang tumanggi sa bilis ng pangyayari. Ni hindi ko nga siya nasita sa paghila sa akin sa lugar na ito.
"Ayan. Anong gusto mo? Masarap ang luto ni mama na pakbet. Or gusto mo ng sisig? Tinolang native na manok?"
Kunot ang nuo ko dahil hindi pa ako nakakasagot ay lahat naman ng sinabi niyang ulam ay inihanda ng mama niya kaya hindi na ako nakatanggi pa. Palangiti ang mama niya kaya nakakahiya namang tanggihan ito.
Ipinagpaloob ko na lang sa mama niya kaya hindi na ako nagreklamo pa.
"Kumain ka hijo. Pagpasensyahan mo na. Medyo masikip ang kakainan niyo."
"A-ayos lang po." Mahinang sagot ko.
"Kain na." Nakangiti naman niyang nilagyan ng kanin ang pinggan ko. Nilagyan na din ng pakbet na ulam.
"Tama na. Kaya ko." Seryusong pagpigil ko sa kamay niya. Nawala man ang ngiti sa labi niya pero hindi naman tumigil sa paglalagay ng ulam sa pinggan ko.
Hindi na tuloy ako nakatanggi kaya sinimulan ko na lang kainin ang mga iyon.
Habang kumakain ako ay naisip ko ang kalagayan ng kinakainan namin kumpara sa pagtira niya sa condong pinapaupa ko.
Hindi yata't kumakayod ang kanyang ina ng mabuti para mapagbigyan ang luho niya. At nitong mga nakaraang mga araw ay lagi siyang nakasunod sa akin. Walang trabaho.
"Anong trabaho mo?" Hindi ko mapigilang tanungin iyon sa pagitan ng pagnguya ko ng pagkain.
Hindi agad siya nakasagot at kapansin-pansin ang pagtingin niya sa kanyang ina na naging abala na sa pag aasikaso sa mga kakain sa labas.
"I have online business." Kuway sagot niya habang kumakain na din. "Masarap diba. Sige, kain pa." Halata din na ayaw niyang pag usapan ang paksang iyon.
"Why are you doing this?" Muli kong tanong.
"Mahilig ka sa maanghang diba. Ito, tama lamang ang anghang ng sisig ni mama."
Napalakas ang pagkabitiw ko ng kutsara sa pinggan ko kaya gumawa iyon ng ingay na ikinalingon ng mama niya. Seryusong tumingin ako sa kanya.
"Masarap ang ulam." Sabi ko. "Pero huwag mong ibahin ang usapan at sagutin mo ang tanong ko."
Napansin ko na bahagya siyang mahirapan sa paglunok ng pagkain na nasa bungang niya. Sinunsan ng paginum ng tubig bago tumikhim.
"Kumain na muna tayo. Dinala kita dito para maejoy mo ang kumain. Kasi nakikita ko na everytime na lumalabas ka na may kabusiness meeting ay hindi mo man lang ginagalaw ang mga inoorder mo."
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Kaya alam kong hindi lang talaga nagkataon na kung nasaan ako ay nandoon din siya dahil ako talaga ang sinusundan niya. Pero ang tanong bakit?
Hindi ako sumagot. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Masarap nga naman ang timpla ng ulam.na tinda nila. Kaya naman kahit na ang daming tanong sa isipan ko ang gustong masagot ay ipinagpaliban ko na muna para hindi naman mapahiya ang mama niya sa magandang ipinakitang pakikitungo sa akin.
Lumipas ang ilang minuto. Tapos na din kaming kumain. Nakangiting lumapit sa amin ang mama niya.
"Nagustuhan mo ba hijo?"
"O-opo. Salamat po. Magkano po lahat?" Tanong ko na akmang maglalabas ng pera para bayaran ang kinain ko.
"Naku! Bata kang oo. Lebre iyan. Palagi ka kasi naikukwento sa akin nitong si Mandy. At gusto niya na matikman mo ang luto ko. Nakakahiya man dahil nakikita ko na hindi ka sanay sa ganitong kainan pero...."
"Okay lang po." Putol ko sa sinasabi nito. "Hindi naman ako maselan sa lugar. Basta masarap po ang pagkain at malinis ang paligid ay walang issue sa akin ang liit ng kakainan. At nagustuhan ko po ang mga pagkaing naihanda."
"Naku! Salamat naman kung ganun. Pagpasensyahan mo na talaga. Sa susunod ay ipapaayos ko ang pwestong ito para naman kapag dinala ka ulit dito ni Mandy.."
"Huwag na po kayong mag abala. Hindi naman po kasi ako madalas kumain sa labas. Salamat na lang sa magandang serbisyo sa pagkain." Totoo ang ngiting napaskil sa labi ko. "Hindi na po kami magtatagal. May mga trabaho pa kasi akong babalikan pagkatapos nito."
"Sige, hijo. Mag ingat kayo. Mandy. Dahan dahan lang sa pagmamaneho."
"Oo, ma. Hindi ka na ba magpapababa ng kinain." Tanong niya ng palabas na kami ng kainan nila.
"Hindi na kailangan."
"Okay! Hope in." Muli niyang binuksan ang pinto para sa akin. Tahimik lang akong sumakay hanggang sa pabalik na kami kung saan ko iniwan ang kotse ko.
"Lets go again nexttime..."
"That will be the last." Putol ko sa sinasabi niya. Mabilis ang ginawa kong hakbang palayo sa kanya pero mas mabilis naman ang paghawak niya sa braso ko.
"Gusto ko lang naman makipagkaibagan sayo. Bakit ba napakailap mo?"
"I have a lot of friend. I don't need one. Kaya sa iba ka na lang makipagkaibigan. Kung sa pagsunod sunod mo sa akin ay tulungan mo na lang ang mama mo sa negosyo niya mas maganda pa. Hindi iyong sa akin mo inuubos ang oras mo." Sumbat ko sa kanya.
"Mama has a lot of helper. Alam mo naman kung gaano kaliit lang ang kainan. Isa pa ako sa magiging sagabal doon."
"But atleast you help your mother."
"Mama don't need my help. I have my own work online."
"Ugh! Whatever. Saka pwede ba. Tigilan mo na ako. Now, let my hand go." Pagsuko ko. Hindi ko alam kung paano ito kukumbinsihing tigilan ang pagsunod sa akin kung saan man ako magpunta. Nakakailang lang kasi na laging nakasunod ang mga mata niya sa akin.
Ngumiti pa siya kaysa bitawan ang kamay ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko ng hilain niya ako at dinampian ng halik sa nuo.
"Uhm! Mas matangkad ako sayo ng kaunti." Nakangiti pa niyang sabi na parang balewala lang ang ginawa. At para saan ang halik sa nuo na iginawad niya.
Marahas ang ginawa kong pagtulak sa kanya. Pinunasan ang nuo kung saan dumampi ang labi niya.
"What are you..."
Ngiti o ngisi ba ang nakita ko sa mga labi niya na hindi pinansin ang galit ko sa kanya. Bagkus lumapit pa talaga at bumulong sa akin.
"Mas gusto kong mapalapit sayo kapag ganitong pinagtutulakan mo akong palayo. Be good to me, my Xaviel."
Muli ko siyang itinulak dahil sa pagbulong niya sa tainga ko ay hindi ko maiwasan ang hindi mapanindigan ng maliliit na balahibo sa katawan dahil sa hangin na lumalabas sa bibig at ilong niya na dumampi sa may leeg ko.
Nahawakan ko pa mismo ang leeg ko kung saan ako nakaramdam ng pagkakiliti.
"f**k off." Hindi malakas pero may diing banta ko na muling humakbang palayo sa kanya.
Ngumiti lamang siya. Itinaas ang kamay at kumaway.
"Mag ingat ka sa pagmaneho pauwi. Nasa likod mo lang ako. Go! Hope in." Sabay turo pa ng kotse ko.
Kunot ang nuo ko na kumilos nga pasakay ng kotse ko na wala pang ilang sigundo ay pinasibad ko na iyon palayo.
Pero... tulad nga ng sinabi niya. Nakita ko siya sa rear mirror na nakasunod nga siya sa akin.
Napahampas pa ako sa manobela dahil wala akong magawa para pigilan ito sa pagsunod sa akin.
"Damn it.!"
¤¤¤
MANDY POV:
¤¤¤
Kunot ang nuo ko na nakamasid sa kanya ngayon habang masayang nakikipagkwemtuhan sa mga barkada niyo o sino mang mga pontio-pilatong kausap niya ngayon.
Anong nakakatawa?
Nakakainis.
Bakit siya ngumingiti sa iba gayong sa akin ay hindi man lang niya ako mangitian. Nakakagigil na gusto ko na ngayong lapitan sila at sitahin at sabihing huwag siyang ngumiti sa iba. Dapat ay sa akin lang dapat ang mga ngiting iyon.
Mas nangunot ang nuo ko ng mapansin ang paglalandi ng babaeng nasa tabi niya. May pahampas sa braso. Hindi ako bulag para hindi din mapansin ang may bahagyang pagpisil sa mga iyon.
"Aba't." Gigil na tumayo ako sa kinauupuan ko sa isang sulok. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanila.
Hindi na nagulat si Xaviel sa pagsulpot ko na lang bigla sa hara]an niya dahil palagi ko naman siyang nilalapitan pero hindi nakaligtas sa akin ang pagkakakunot parin ng nuo niya sa tuwing nakikita ako.
"You don't mind if I sit here." Sabi ko ng mabilis na pumagitna sa kanila ng malanding babae. Bahagya ko pa itong itinulak para tuluyang lumayo.
"Hey! Don't push me." Reklamo ng babae. Tinapunan mo ito ng seryusong tingin. Kahit babae ito ay kaya ko itong patulan kung patuloy sa paglalandi kay Xaviel. I still don't have the right to act like a jealous boyfriend pero naiinis ako dahil malapit siya sa iba habang sa akin ay patuloy sa pag ilag sa akin.
Wala naman akong ginagawang masama para layuan ako at iwasan. Palagi ko nga siyang inaalala. Palagi ko nga siyang binabantayan para masigurado ang kaligtasan niya pero wala man lang akong karapatang lumapit sa kanya dahil hindi niya ako binibigyan ng pagkakataong maging kaibigan siya.
"What are you doing?" May panggigigil sa inis na tanong niya sa akin.
Nabigla din ang mga kausap niya dahil natigilan ang mga ito at napapatingin sa aming dalawa.
"Hi! I'm Mandy." Pekeng ngiti ang napaskil sa labi ko. Kung kailangang makipagplastikan ako sa mga barkada niya para mapalapit ako sa kanya ay gagawin ko. Huwag lamang niya akong patuloy na ipagtulakan dahil makakagawa ako ng hindi dapat.
"Hello, kakilala mo, Xav?" Tanong ng isa sa mga lalaking kasama niya. Plastikado din ang ngiti sa mga labi na ang sarap lang isubsub sa lupa.
"Nanliligaw ako sa kaibigan niyo." Ako ang sumagot na ikinatitig niya sa akin. Pinanlakihan ang mga mata.
Ako naman ang nangunot ang nuo ng biglang pumailanlan ang tawanan nilang magbabarkada maliban kay Xaviel na natigilan sa sinabi ko.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko." Seryusong tanong ko na tumayo pa ako at nakipagsukatan sa lalaking nagtanong.
"What?" May pag angil na tanong pa nito at parang naghahamon pa ng laban. Kung akala siguro nito ay matatakot sa tinging ipinukol sa akin ay nagkakamali ito. Hindi yata alam ang hinahamon ng laban kung sakali.
"What's wrong with you?" Kuway pumagitna si Xaviel sa amin ng barkada niya.
"Hindi ko nagustuhan ang pagtawan nila ang sinabi ko? Anong mali sa sinabi ko?" Balik tanong ko. Ano bang mali sa sinabi kong nanliligaw ako sa kanya? "Seryuso ako at hindi kailanman ako marunong magbiro."
"This is rediculous." Sabi pa ng isa na muling tumawa. Dahil sa hindi na naging maganda sa pandinig ako ang tawa nila ay sinuntok ko na ang isa sa naunang tumawa.
Sumadsad ito sa semento.
"Piliin mo ang tinatawanan mo. Baka gusto mong mabura ang mukha mo sa mundo." Gigil na banta ko ng yukuin ito at kinuwelyuhan.
Kung sa panggigigil ko sa galit ngayon ay baka ginawa ko nga ang banta ko kung hindi ako pinigilan ni Xaviel.
"Bitawan mo siya." May pagbabanta din sa boses na sabi niya. Mahina iyon pero may katigasan sa bawat kataga.
Lumunok ako. Kuyom ang kamao ko na mas hinigpitan ang pagkakakwelyo ko sa damit nito. Ilang sandali ding nakipagmatigasan ako kay Xaviel na hawak ang kamay kong nakahawak sa barkada niya bago ako nagpasyang bitawan ito ng marahas.
"Umalis ka na. You are not welcome here." Sabi pa niya na mas ikinarebelde ng damdamin ko.
Hindi naman masamang ipagtanggol ko ang sinabi kong panliligaw sa kanya. Bakit pakiramdam ko ay ikinahihiya niya iyon sa mga barkada niya.
Damn it. Pagmumura ko sa isip ko.
Hindi maaring ako ang may mali. Sila ang mali at kulang sa pang unawa sa mga bagay na nagpapakita ng pagkagusto sa isang tao.
Natural lamang na liligawan mo ang isang tao kung gusto mo ito. Ipaparamdam na mahalaga ang taong iyon sa iyo.
Iyon ang ginagawa ko ngayon pero bakit parang naging mali pa sa paningin nila.
Hindi ako makakapayag.
Dahil sa galit ko sa mga barkada niya ay hinawakan ko siya sa kamay at walang babalang hinila siya palabas kung nasaan kami.
"Bitawan mo ako. Ano ba?" Hindi ko pinansin ang pagpupumiglas niya. Malakas man ang bawat paghila sa kamay mula sa akin ay hindi ko siya binitawan. Hinding hindi ko siya bibitawan hanggang sa maiparamdam ang tunay kong nararamdaman sa kanya.
Kahit na kamuhian niya ako. Isumpa pero hindi ako titigil. Hindi ako mabibigo sa kagustuhan kong mapasaakin siya.
Sa pagpupumiglas niya ay mas humihigpit naman ang hawak ko sa kanya. Narating namin ang isang maliit na iskinita sa pagitan ng dalawang shop.
Naging marahas ang ginawa kong pagpapasandal sa kanya sa pader. Diin ang balikat habang hawak parin ang isang kamay niya.
"What?" Gigil na humawak sa kamay kong nasa balikat niya. "What's wrong with you?"
"Ikaw." Sagot ko. "Lagi mo na lang akong iniiwasan. Wala naman akong ginagawang masama pero umiilag ka parin sa tuwing gusto kong lumapit sayo. Anong masama doon? Anong masama sa sinabi ko kaninang nanliligaw ako sayo." Gigil na mahaba kong saad. Nanginginig pa ang kamay ko na patuloy na nakadiin sa balikat niya.
"f**k! Are you out of your mind?" Tanong niya. "Look at me. Do I look like a girl? Huh! Damn it."
"No! Your not. I don't care. Basta gusto kita. That's final. Gusto kita at gusto kong ligawan ka." Pag aamin ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung masyadong mabilis ang pag amin ako. Pero ito na lang ang tanging paraan para hindi niya na ako basta maipagtulakang palayo.
"Huwag ako." Humigpit din ang hawak niya sa kamay ko. Nakipagsukatan sa akin ng seryusong tingin. "Piliin mo ang gusto mong paglaruan dahil nagkamali ka ng taong nilalapitan."
"No! Hindi ako nagkakamali. Remember. Do you remember the day when I told you. I WILL MARRY YOU SOMEDAY. Do you remember the little boy before who always followed you. Ang batang lalaking laging naghihintay sayo sa paglabas mo ng paaralan niyo. Ako iyon. Fo you remember back then?" Pagpapaalala ko sa mga panahong maliliit pa kami.
Ang lagi kong paghabol sa kanya sa tuwing iiwasan ako habang naghihintay nga ako sa labas ng school nila noon. Ang palaging nangungulit sa kanya at sinasabihang gusto ko siya dahil ang cute niya.
Kunot ang nuo niya. Mas napatitig sa akin na parang inaalala ang mga sinabi ko.
"Ako iyon. Remember me. Natatandaan mo din ba ang sinagot mo sa akin noon. Sinabi mo.. kung magtatagpo pa ang landas natin at maalala ko ang lahat ng sinabi ko noon. Tatanggapin mo ang alok ko."
Umiling siya. Sabay tawa ng malakas. Ako naman ngayon ang pinangunutan ng nuo dahil sa pagtawa niya.
"Dala lamang iyon ng kabataan. Hahahah!" At talagang ang lakas ng tawa niya kaya nabitawan ko siya.
Namangha ako kung paano siya tumawa. Ang ganda sa pandinig ko ang mga iyon. Nakakagaan ng pakiramdam.
"You took it seriously. Ang kulit mo noon kaya ko nasabi iyon para tumigil ka na sa kakulitan mo. Then, tumigil ka nga. Hindi ka na nagpakita matapos ang araw na iyon."
"Pero pinanghawakan ko iyon. Kaya ako ngayon narito."
"Nah! Nah! Forget about it. Dahil isa lamang iyong kasinungalingan at gaya ng sabi ko. Dala lamang iyon ng kamusmusan." Saka niya ako itinulak. "At kung iyan ang dahilan mo kaya ka nangungulit. Sinasabi ko sayo ngayon... tigilan mo na ako."
Kibit balikat ako. Muli ko siyang hinawakan at pinasandal sa pader. Nangunot na naman ang nuo niya.
"Pero para sa akin isa iyong pangako. Kaya sa ayaw at sa gusto mo.. patuloy ako sa pangungulit sayo. Hanggang sa muli kang pumayag na magpakasal sa akin."
"What?"
Ngumiti ako. Humaplos ang kamay ko sa pisngi niya na pilit na iniiwasan.
"You belong to me, no matter what." Mahinang usal ko bago ko tinawid ang pagitan ng mga mukha namin at hinalikan ko siya.
Dahil sa hindi ako pumikit nakita ko kung paano manlaki ang mga mata niya. Bahagya kong nilasap ang kalambutan ng labi niya habang nakadikit ang labi ko sa kanya.
"This is how I claim who is mine." Bulong ko ng pakawalan ko ang labi niya. Tinapik ang pisngi niya habang nasa mga labi ko ang isang matagumpay na ngiti.
"f**k offffff." At bago pa ako makaiwas.. isang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi ko dahilan para ako naman ang mapasandal sa kabilang pader.
Hindi sa nasaktan ako pero mas nakaramdam ako ng pagkaexcite sa pagsuntok niya sa akin. Nanggigil ako sa kagustuhang muli siyang halikan. Nakatitig na hindi alam kung ano ang susunod na gagawin kong hakbang.