Typos and grammatical error ahead!!
¤¤¤
XAVIEL POV:
¤¤¤
Kunot ang nuo ko na pasilip silip sa gilid ng mga mata ko dahil nakilala ko ang lalaking halos araw araw kong nakakasalamuha.
Kung saan man ako naroroon o kung saan man ako magpunta ay palagi siyang nandoon?
Masyado lamang ba akong nag iisip ng kakaiba o sadyang sinusundan niya ako.
"This is great Mr. Anderson. Salamat sa pagtitiwala."
Napakurap ako at muling bumaling sa mga kausap ko.
"Yeah! I"m counting on you Mr. Sabado." Sagot ko. Tumayo na ako at nakipagkamay ulit dito.
Natapos na naman ang halos dalawa't kalahating oras ng negosasyon sa bagong bubuksang negosyo.
"Of course Mr. Anderson. Hindi ka namin bibiguin."
Kaunting investment lamang ay kikita na ako ng malaking halaga ng hindi ko na kailangang mapagod. Hindi naman ako kakapit sa negosyo kong alam kong papalubog lamang kaya naman tiwala ako na hindi ako malulugi sa pag iinvest ko sa kanila.
"Good day Mr. Sabado. Kung maayos na ang ating naging usapan ay mauuna na ako sa inyo." Paalam ko dito.
Hindi naman ako nagmamadali pero naiilang ako sa presensya ni Mr. Selvester na kahit hindi ko ito tignan ay alam kong nakatingin siya sa akin dahil sa bigat ng pakiramdam ko sa may likuran.
Agad akong umalis sa lugar at hindi na ako lumingon pa. Kung hindi ko ito makikita sa pupuntahan ko ngayon ay iisipin kong nagkakamali lamang ako ng hinala.
May isa pa kasi akong kabusiness meeting kaya iyon ngayon ang pupuntahan ko.
Hindi kalayuan kaya agad akong nakarating. Hindi na din nagpaligoy-ligoy ang kabusiness meeting ko at agad na sinabi ang proposal sa akin.
"Pasensya na Mr. Teodoro pero hindi yata't matagal na proseso ang nais niyo. Matutulog ang pera sa negosyong papasukan niyo."
"Pero kapag natapos naman iyon Mr. Anderson at tiyak na kikita tayo ng limpak limpak na salapi."
"Inuulit ko Mr. Teodoro, hindi sa ayaw kong tanggapin ang proposal mo pero naniniguro lamang ako. Again, pasensya dahil hindi ko tinatanggap ang alok mo sa akin."
"Sadya yatang wala kang tiwala sa iba Mr. Anderson."
"Hindi sa wala akong tiwala mr. Teodoro, kahit na masasabing maliit pero sigurado kaysa naman iyong malaki nga pero hindi naman sigurado. Sana sa paliwanag kong iyon ay sapat na para sa magandang pagtanggi sa alok niyo sa akin." Seryuso at hindi nagpakita ng kahit na kaunting pag asa na mapapayag ako.
"Well, hindi ko naman ipipilit sayo ang proposal ko mr. Anderson. Sinubukan ko lang makipag usap sayo ng maayos baka sakaling mapagbigyan mo ako pero nagkamali ako."
"Sa akin ang paghingi ng pasensya Mr. Teodoro. Maaring mapapabigyan kita kung aalukin mo ako ng sigurado ng legal na pagkakakitaan."
"Haha..para mo na ngang sinabi na illegal ang inaalok ko sayo, mr. Anderson."
"Hindi sa akin nanggaling ang katagang iyan Mr. Teodoro. Kung hindi naman kabastusan sayo.. mauuna na ako." Maayos na pagbibigay ko ng huling salita dito.
Hindi ako magsasayang ng oras sa mga taong wala akong mapapalang maganda at sa nakikita ko ngayon dito, mukhang hindi yata nagustuhan ang pagtanggi ko.
Kaya bago pa man ako makarinig ng hindi magandang salita mula dito ay uunahan ko na.
"Sige, mr. Teodoro. Have a good day." Hindi ko na hinintay na makapagsalita ito. Agad akong tumalikod at walang lingong likod na lumabas ng restaurant.
Dahil na rin sa nagmamadali ako ay hindi ko napansin ang lalaking makakasalubong ko. Huli na ng makailag ako kaya naman bumunggo na ako dito.
"Are you okay?" Tanong ng lalaking nakabungguan ko na kahit hindi ko na ito tignan ay kilala ko kung kaninong boses iyon.
And yes, hindi nga ako nagkamali dahil ng tumingin ako dito ay si Mandy Selvester nga.
Mabilis na inalis ko ang kamay nito na umalalay sa baywang ko kanina para hindi ako matumba.
"Yeah!" Tanging sagot ko. Binawi ang tingin mula dito at bahagyang lumayo dahil hindi na ito kumilos pa para layuan ako. "Salamat."
Ipinagpatuloy ko ang pag alis. Nalagpasan ko na ito ng marinig ko ulit itong magsalita. Napakislot pa ako dahil ilang pulgada na lang pala ang layo ng mukha niya sa may tainga ko.
"Tignan mo ang dinadaanan mo sa susunod. I'm thankful dahil ako ang nakabangga sayo."
Napalunok ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko na sinamahan pa ng pagtikhim.
Nangunot na ang nuo ko, kumilos na lumayo at muli itong hinarap.
"Pasensya na, bigla ka din kasing sumulpot sa harapan ko. Ayaw ko sanang maghinala pero... matanong nga kita? Sinusundan mo ba ako?" Lakas loob na tanong ko ng maalala ko na nakita ko siya kanina sa unang restaurant na pinuntahan ko at ngayon nasa harapan ko na naman ito.
Ito naman ngayon ang napakunot ang nuo dahil sa sinabi ko.
"Paano mo naman nasabi iyan, hmmm.. Xaviel?" Tanong nito. Ilang sandali ay nawala ang pagkakakunot ng nuo at napalitan iyon ng isang ngiti sa labi.
"Never mind?" Sagot ko na lang. Hindi ko matagalan ang ngiti niya o mas tamang sabihing isa iyong ngisi.
Hindi ko na sinundan ang sinabi ko. Muling tumalikod at mabilis na naglakad palayo dito.
Hindi na sana ako lilingon pero may kung anong pwersa na nagtutulak sa aking lumingon. At sa paglingon ko ay nandoon parin ang ngisi niya na nakapagparamdam sa akin bigla ng pagkainis.
"Huh! Whatever." Naibulong ko na lang habang palapit sa kotse ko. Tuloy tuloy sa pagsakay at wala ng sinayang na oras at agad na umalis sa naturang lugar.
¤¤¤
¤¤¤
Ayaw ko sanang tumayo para buksan ang pinto ng condo ko pero napilitan ako dahil naulit iyon ng limang beses.
At sino naman ang taong nangahas na magdoorbell ng ganitong oras. Pasado alas diyes na ng gabi. Wala din naman akong inorder na pagkain sa labas kaya paanong may magdodoorbell ng ganitong oras.
Kung sina daddy o di kaya naman ang mga kapatid ko ang darating ay magpapasabi naman sila kaya nagtataka ako kung sino ang nasa labas.
Kunot ang nuo ko ng matignan ko ang door viewer screen at tanging mga pulang rosas lamang ang nakikita ko.
Ayaw ko sanang buksan iyon dahil wala naman akong matandaang inorder na mga bulaklak pero muling naulit ang pagdodoorbell kaya napilitan na akong pagbuksan kung sino ang nasa likod ng mga bulaklak.
"Magandang gabi po sir." Isa sa mga hotel attendant ng gusali na madalas ito ang nakatukang linisin ang conso ko.
"Magandang gabi din? Kanino ang mga iyan?"
"Para sa inyo po sir. Sa inyo po nakapangalan kaya dinala ko na dito."
"Pero wala akong maalalang nag order ako ng ganyan? Kanino galing?" Muli kong tanong.
Hindi ko parin tinanggap ang bulaklak at hinayaan lamang hawak ng attendant."
"Wala pong nakalagay maliban sa MS na name intial, sir."
Kunot ang nuo ko na muling pinagmasdan ang bulaklak. Nagdadalawang isip kong tatanggapin ko ang bulaklak o hindi.
Sino naman kaya ang nangahas na magbigay ng bulaklak? Hindi naman na ito iba dahil marami na akong natatanggap na bulaklak sa mga babaeng humahanga sa akin. Natigil lamang dahil nagbilin ako mismo sa mga hotel staff na kung may mga magpapabigay sa akin ng mga bulaklak o regalo ay huwag ng tanggapin o di kaya naman kanila na lang kung gusto nila.
Pero ngayon? Nakalimutan yata nila ang mga bilin ko sa kanila.
"Hindi bat kabilin bilinan ko sa inyo na huwag tatanggap ng mga regalo?" Hinaluan ko ng galit ang tuno ng boses ko para ipahiwatig dito na hindi ko nagustuhan ang pagsuway nila sa utos ko.
"Sir, pasensya na pero sabi ng nagdeliver ng bulaklak ay nagbanta daw ang nagpapabigay nito sa kanila. Na kung hindi mo daw ito tatanggapin ay mananagot sila."
Mas nangunot ang nuo ko sa sinabi nito? Gaano naman iyon katotoo?
"Whatever. Akina." Kinuha ko na lang ang bulaklak para matapos na. Agad namang nagpaalam ito ng kunin ko ang hawak.
Naiiling akong pumasok sa loob. Tumigil ako sa tapat ng dustbin na malapit lamang sa pinto.
Muli kong pinagmasdan ang bulaklak ng ilang sigundo bago ako nagpasyang itapon iyon sa basurahan.
Walang kwenta ang mga iyon. Pinaglipasan ko na ang mga bulaklak kaya hindi ko na pag iinteresan iyon o bibigyan ng pansin.
"A waste of time." Bulong ko bago bumalik sa sala at ipinagpatuloy ang pinapanuod ko.
Tuluyang nawala sa isip ko ang pagkasayang ng oras ko kanina at inenjoy na lang sa panunuod ng ibat ibang mga palabas sa TV.
¤¤¤
¤¤¤
Tinamad na akong lumabas para mag agahan kaya nagpadeliver na lang ako ng pagkain.
Wala din ako sa mood pumasok ng opisina ko kaya tumawag na lang ako sa secretary ko na ito na muna ang bahala sa lahat habang wala ako. Maasahan naman ito kaya hindi ako mag aalala kung hindi man ako pumasok ng isang araw lang.
Isa ito sa mga ikinakainis ko. Ang mood swing ng mga babae katulad ng pagkakaroon ng dalaw ay nararanasan ko. Hindi man ako totally dinadatnan ay ang pagkakaroon ng pagbabago ng masamang mood ng katawan ko ang katumbas nun.
Sabi ni daddy na ganun talaga iyon. Sa isang buwan ay makakaranas ng pagbabago sa katawan.
Nakakaranas na ako ng ganun noong hindi ko pa alam na namana ko ang kalagayan ng daddy pero ipinagwalang bahala ko lamang pero may dahilan pala ang lahat ng mga iyon.
And now, I hate being like this. Tinatamad.. ang bigat ng katawan ko. Inaantok at gusto ko lang talagang mahiga dahil parang ang bigat ng katawan ko.
Kung pwede ko lang sanang ipatanggal ang namana ko kay daddy ay ginawa ko na pero hindi ko dapat iyon gawin dahil mapuputol na ang isang Anderson sa side ko.
Sinabi ng daddy, na kung makakahanap ako ng lalaking tatanggap sa akin at magmamahal sa akin kahit ganito ako. Kahit na hindi ako kasing ganda ng iba like daddy na maihahambing ang hitsura sa babae.
Pero kung sa akin naman????
Damn! Hindi ko talaga kayang isaisip na mabubuntis ako. Lalaki ang tiyan ko at ako mismo ang magdadala ng magiging anak ko.
"Ahhhhhhh." Napapasigaw na lang ako sa katutuhanang hindi ko mababago ang kapalaran ko.
Dingdong!!!!!
Natigil ako sa pag iisip ng mga bagay na nakakapagpabigat ng dibdib ko.
Agad akong kumilos para pagbuksan ang dumating. Paniguradong ang pagkaing inorder ko na ang nasa labas kaya naman hindi ko na inabalang tignan ang monitor sa gilid ng pinto.
"Come in." Niluwangan ko ang pinto para maitulak ng bellboy ang tray ng pagkain pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang tatlong pulang rosas na nasa gilid ng tray na nakalagay sa isang maliit na vase.
"Enjoy your meal sir." Sabi ng bellboy bago ito lumabas matapos ayusin ang mga iyon sa lamesa.
Tatanungin ko pa sana ito tungkol sa rosas pero hindi ko na natanong dahil mabilis na itong nakalabas.
May nakasabit kasi sa isang tungkay ng bulaklak na initial na M.S na naman katulad ng binigay sa akin kagabi.
Mukha yatang hindi titigil ang nagbibigay sa akin ng mga bulaklak. At ano naman ang mapapala sa akin kung sakali. Dahil itinigil ko na ang makipagkita o ang pakikipagdate sa mga babaeng nagbibigay ng motibo sa akin.
"Again, a waste of time." Sabi ko na lang. Hindi ko na pinansin ang bulaklak. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagkain sa harapan ko at inubos lahat iyon.
Matapos akong kumain ay muli kong ibinuhos ang mga oras ko sa panunuod o di kaya naman ay maglaro lang ng computer games.
Sa ganitong paraan man lamang ay makalimutan ko ang ilang mga mabibigat na problema.
Naging abala ako sa paglalaro ko ng halos isa ng oras ng tumunog ang cellphone ko.
Snapchat!
Taas ang isang kilay ko na tinignan ang cp ko na nasa kaliwa ko.
Kailan pa tumunog ang snapchat ko dahil hindi ko naman halos iyon ginagalaw. Hindi ko iyon madalas buksan. Saka ko na lang siguro iyon mabuksan kung may ipapasa sa akin mensahe si daddy. Sa apps kasing iyon siya mahilig.
Tinignan ko parin naman iyon kahit papaano na inakalang si daddy ang nagpadala sa akin ng mensahe pero requested message iyon galing sa bagong account.
MS143 ang nakalagay na pangalan.
"And who the hell are you anyway." Pabulong ko pang tanong kahit naman walang sasagot.
Tinignan ko ang message nito at ganun na lang ang pagkagulat ko kaya naman nabitawan ko ang cp ko.
Kunot ang nuo kong nakatingin muli sa cp ko na nakataob.
Damn! At sino naman ang lalaking magpapadala sa akin ng vedio nito at ipakita sa akin ang mga abs nito.
What a pervert user. Hindi ba niya alam na isa din akong lalaki at may ganun din ako.
Huh!
Never mind. Hindi ko na lang papansinin iyon. Mabilis ang ginawa kong pagdelete sa naturang mensahe nito. Blocked agad.
Walang kwenta. Hindi ako interesado. Nagsasayang lang ako ng oras sa mga walang kwentang bagay.
¤¤¤
MANDY POV:
¤¤¤
Napangiti ako!
Ang bilis naman. Wala pang isang minuto nakablocked na agad ako sa kanya.
Hindi ko naman siya balak pasaan ng ganun pero nawili lamang ako at naisip ko na baka maakit siya sa ganda ng katawan ko kahit na nakikinita ko na halos magkasingkatawan lamang kami.
I really don't know kung bakit ko ito ginagawa. Halos magdadalawang linggo ko na siyang sinusundan pero talagang napakailap niya at hindi ako magkaroon ng pagkakataong lapitan siya ng maayos.
At kahapon ay sinadya ko talaga siyang banggain para lang mapansin ako pero mabilis na umiwas siya at hindi man lang siya naglaan ng kahit na kaunting oras para kausapin ako.
"Hindi mo ako maiiwasan, Xaviel."
Xaviel is 3 years. So what! I don't care if he is older than me. Basta gagawa ako ng paraan para makuha ang interest niya. Lalo pa at napatunayan ko na siya ang bata ding kinukulit ko noon.
Napalayo lamang ako noon dahil kinuha ako ng tunay kong ama. Doon na ako lumaki sa bansa ng aking ama pero ng magkaroon na ako ng pagkakataon na makatakas dito ay hindi ko na iyon pinalampas pa.
Ayaw ko ng buhay katulad ng aking ama na malaki ang responsibilidad. Hindi iyon ang gusto ko. Gusto ko lang ng simpleng buhay na ipinamulat sa akin noon ng mama at isa na doon ang buhay na makasama ang batang minsan ko ng inalok ng kasal.
Kahit na bata pa ako at wala pang alam sa kasal noong mga panahong iyon ay mapapanindigan ko iyon ngayon. Lalo pa at muli ko siyang nakita. At sa paglipas ng maraming taon ay hindi ko nakalimutan ang seryusong mukha ng niya.
Napapangiti ako sa mga naisip ko. Paano ko kaya mapapangiti ang isang kagaya niya na halos nadoble pa yata ang pagkaseryuso niya sa paglipas ng panahon. Noon nga laging nakakunot ang nuo niya sa kasertusuhan at magpahanggang ngayon ay ganun padin siya.
"Walang matigas na tinapay sa mainit na kape, Xaviel.. mapapalambot din kita." Bulong ko habang pinagmamasdan ko na ang larawan niyang nakalagay sa wallpaper ko.
Ninakawan ko siya ng larawan sa mga araw na nakasunod lamang ako sa kanya at kapag may maganda akong kuha sa kanya ay iyon ang inilalagay ko sa wallpapet ko.
Hindi lamang iyon. Pinapadevelope ko pa iyon at inilalagay sa photo album.
May ipinaframe na din ako. Malaki iyon at inilagay ko sa silid ko para palagi ko siyang napagmamasdan.
"Hmmmm... I will make you fall inlove with me, Xaviel. My one and only love."