MY POSSESSIVE STALKER #2:

2419 Words
Typos a d grammatical error ahead! ¤¤¤ XAVIEL POV: ¤¤¤ "Salamat sa pgtitiwala Mr. Anderson. Malaking bagay ang pagpapaunlak niyo sa mga negosyo namin." Si Mr. Balubar na ngayon ay hindi na natapos tapos ang paghingi ng pasasalamat sa akin dahil sa pumayag akong makipag share dito ng negosyo. "Nakita ko naman na maganda ang plano ng negosyong inaalok mo sa akin Mr. Balubar. Sana nga hindi ako mabigo para naman magpatuloy itong magandang nasimulan na natin." "Makakaasa ka Mr. Anderson. Hindi ka mabibigo. Ipinapangako ko iyan sayo." Gusto ko sanang sabihin na huwag itong mangako. Basta gawin na lang ang nararapat gawin para maging matagumpay nga ang negosyong pinasok nito. "Bahala na ang tao kong makipag ugnayan sayo Mr. Balubar. Kung may mga kailangan kang sabihin o mga dapat pang pag usapan ay sa kanya ka na lang lumapit at ito na mismo ang magsasabi sa akin ng mga iyon." Sabi ko dito. "Maayos na ang lahat kaya naman ako na ang unang magpapaalam Mr Balubar. Marami pa kasing naghihintay na ibang mga trabaho." "Sige Mr. Anderson. Salamat ulit." Maayos na akong nagpaalam dito. Hindi pa sana ako magpapaalam dito pero nakaramdam ako ng kakaiba na para bang may mga matang nakatingin sa akin. Pero ng tignan ko ang paligid ay wala naman akong kakaibang nakita sa mga tao na kasama namin sa restaurant. O sadyang nagiging paranoid na lang ako kaya ko iyon naramdaman. Ahh! Whatever. Basta may kakaiba. May nakatingin sa akin. Malakas ang pakiramdam ko na parang nakasunod lang ang mga mata kung sino man ang taong iyon. Ilang araw na ba na ganito ang pakiramdam ko na may sumusunod talaga sa akin kahit saan ako magpunta. Pero kapag titignan ko naman ang mga nasa paligid ko ay wala naman akong makitang kakaiba. Binilisan ko ang paglalakad ko palabas ng restaurant para mawala ang mabigat na pakiramdam sa likuran ko. Hindi na ako lumingon pa at deretso na akong sumakay ng marating ko kung saan nakaparada ang kotse ko. Doon na ako nakahinga ng maayos dahil alam ko na wala ng makakakita sa akin sa loob. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Nagmasid muna ako ng ilang minuto sa mga taong lumalabas ng restaurant pero wala talaga akong mapansing kakaiba. "Pagod lamang siguro to." Pangungumbinsi ko na lang sa sarili ko ng wala naman kwenta ang pagmamasid ko. Hindi na nga ako nagtagal at umalis na ako ng restaurant. ¤¤¤ ¤¤¤ "Again." Natampal ko ang nuo ko. Overtime na naman ako sa opisina ko kahit na maagang natapos ang trabaho ko. Wala naman akong gagawin sa condo ko sakaling maaga akong umuwi kaya mas gusto ko pang manatili na lang dito sa kompanya ng hindi ako maboring. Dinudoble check ko na lang ang ibang mga dukomento para may gagawin ako. Buhay negosyante. Dito na lang umiikot ang buhay maliban noong nag aaral pa lang kami ni Xaviel. Hindi naman ako madalas lumabas kasama ang mga barkada ko simula noong nalaman ko ang kalagayan ko. Para ko na ring ibilanggo ang sarili ko sa kulungang ako na din mismo ang nagtatag. "This is much better." Saad ko ng nagpasya na akong umuwi. Para kapag nakauwi na ako ay deretso na ang tulog ko. Katulad na lang noong araw na nalasing na naman ako at inihatid ni Frances. Hindi ko na napasalamatan sa oras na iyon ang kambal ko. He is caring as always. Gentle like the old times. Pero minsan nasabi ko sa sarili ko.. bakit hindi na lang siya ang nakamana ng kalagayan ng daddy. Why me? Pero kahit na hilingin ko pa man iyon ngayon ay hindi na mababago iyon kahit kailan. Hindi ko na maalis ang katutuhanan ng kalagayan ko. Kaya naman doble ang ginagawa kung pag iingat. Dahil kapag nalingat ako ay baka dumating na ang kinatatakutan ko. "Good Evening sir." "Good evening. Just keep up the good work." Ganting bati ko sa guard na parang nag rereplay na lang iyon gabi gabi sa pag uwi ko. "Ahh! Fuck." Natampal ko ang nuo ko ng maalala ko na nasa underground ng parking area ang kotse ko na nakalimutan kong ibilin sa guard dito sa baba. "Kukunin ko na lang po sir." Lumapit si Cardo na siyang laging nagdadala ng kotse ko dito sa harapan ng building. Nagtaka din siguro ito kanina dahil hindi ko naibilin iyon dito. "No need Cardo. Ako na lang." Sagot ko. Bumalik ako sa loob at sumakay ako ng elevator pababa pa ng dalawang palapag hanggang sa underground ng gusali. Iilan na lang ang kotse sa parking kasama na ang kotse ko. Kotse ng mga nag i-stay at nangungupahan sa mga condo unit na nasa tatlo hanggang sa limang palapag ng gusali. Agad kong namataan ang kotse ko kaya naman dumeretso na ako palapit doon. Pero.. Natigilan ako at biglang napalingon sa likuran ko ng maramdaman kong may sumusunod sa akin. "Who's there?" Tanong ko. Kahit na mahina iyon ay mag eecho iyon halos sa buong parking area. Hindi naman sa natatakot ako. Naging alerto lamang ako sa posebleng mangyari dahil sigurado akong may ibang tao dito sa parking area. Isang minuto din ang halos hinintay ko pero walang sumagot o di kaya naman nagpakita sa akin. Gumiguni ko lang ba talaga iyon? Pero imposeble. "Huh! Never mind." Bulong ko ng magsimula na naman akong maglakad palapit ng kotse ko. At bawat hakbang ko ay parang may nakasunod kaya habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan ang mapalingon. Pagtingin sa kaliwa't kanang bahagi ng parking area. Dahil sa parang bumibigat na ang mga hakbang ko dahil nga sa may nakatingin sa akin ay binilisan ko na lang ang paglalakad. At dahil sa hindi ako nakatingin ng deretso sa harapan ko ay may tao akong nakabunguan. "Hey! Are you okay?" Tanong ng lalaking umalalay pa sa akin ng bahagya akong napaatras dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga namin. "Yeah! Sorry for that." Paghingi ko ng tawad dahil alam kong kasalanan ko naman. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Mabilis naman na lumayo ako dito at umayos ng tayo. "Gabing gabi na. Isa ka ba sa nagboboard sa mga unit sa taas?" Tanong ko dahil kung isa itong trespasser ay maari ko itong ipadampot. "Ah! Yes, floor 4. unit 106." Agad naman nitong sagot. Unit 106. Kung hindi ako nagkakamali ay kahapon lamang may lumipat doon. At nakakontrata iyon ng isang taon. "Are you Mr. Selvester" Patanong ko kahit sigurado na ako doon. "Yes. Ako nga. I'm Mandy Selvester. And you are??" "Anderson. Xaviel Anderson." "Ohh! Such a good honor to meet you Mr. Anderson." Naglahad ito ng kamay kaya naman tinanggap ko iyon para hindi naman nito sabihing wala akong galang. "By the way! Nagkita na ba tayo?" "I think no! Ito ang unang beses na nakita kita." Agad kong sagot. "My pleasure to meet you Mr. Selvester. If you don't mind. Mauuna na ako." "How about..." "Bye Mr. Selverter." Hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita. Itinaas ko pa ang kamay ko bago ako humakbang at lagpasan ito. Hindi na ako lumingon pa. Wala na din akong naramdamang kakaiba maliban sa nasa likod ko ang isa sa nangungupuahan sa isa sa condo unit ng gusali. At payapa akong nakauwi ng bahay matapos ang gabing nakapagparamdam sa akin ng kaunting kaba. ¤¤¤ ¤¤¤ Maaga akong pumasok ng opisina ko tulad ng palagi kong ginagawa. Sa mismong gusali na lang ng kompanya ako kumakain. Minsan nga nakikisabay pa ako sa mga empleyado ko na kumakain sa mga mini restaurant na nagkalat lamang sa pangalawang palapag. Gusto kong makisalamuha sa lahat para ipakitang hindi dapat sila mangilag sa akin. Hindi naman ako domenanteng boss katulad ng iba. Basta nagagawa ng tama ang mga trabaho nila ay maayos na iyon sa akin at lagi ko naman silang binibigyan ng pabor lalo na kapag nagkaroon ng increase ang kita ng kompanya. Hindi naman lalago ang konpanyang ipinahawak sa akin ni papa kung hindi sa tulong ng mga empleyadong nagtratrabaho sa akin. Kaya dapat ingatan at alagaan din sila. Katulad ng ginagawa ni papa sa mga empleyado nito na ginagawa parin hanggang ngayon. Hindi na madalas mag stay ang papa sa kompanya dahil mas gusto nitong makasama si daddy. They love each other. Everyminute, everytime. And every single day. Kaya naman may maganda na ding naidulot ang maagang pagtuturo sa amin ni Frances na hawakan ang mga negosyo namin. At ngayon... kaming mga anak nila ang halos humahawak na sa mga negosyo ng pamilya. Walong taon halos ang pagitan ng edad namin sa kambal at kasalukuyang nasa huling baitang na ng limang limang taong kurso nila. May pagkakataon din na tumutulong sila sa amin ni Frances at nakikialam na din sa pasikot sikot ng mga negosyo. Na balang araw ay mahahati iyon para sa amin. "Good Morning sir. Ano pong atin? Katulad pa din po ba ng dati?" Tanong sa akin ni ate Lyka na siyang head ng isa sa mini restaurant na palagi kong kinakainan. Saka lamang naman ako kumakain sa main na restaurant ng gusali kapag may mga kabusiness meeting ako pero kapag ganitong walang mga kameeting ay dito ako kumakain. "Oo ate Lyka. Samahan niyo na rin ng coffee americano." Nakangiti kong sagot dito. Hinintay ko na din ang order ko katulad ng iba. "Hey! Hi!." Napalingon ako ng may tumabi sa akin. Si Mr. Selvester. May hawak ng tray ng pagkain at nakangiti pa itong nakatitig sa akin. "Hindi ko akalain na dito ka din pala nag aagahan." "Yeah!" Tipid kong sagot. "Do you mind having breakfast with me, Xaviel?" Sabay tingin sa sariling tray ng pagkain. Nangunot ang nuo ko dahil sa pagtawag mismo nito sa pangalan ko. Hindi yata't feel ing close sa akin. "Of course, mr. Selvester." Pagsang ayon ko na lang ng hindi naman nito isiping hindi ako makataong may-ari ng gusaling tinitirhan nito. "Heto na po ang order niyo sir." "Salamat." Umagapay ito sa paglalakad sa akin at sa pinakamalapit na bakanteng lamesa na kami umupo. "You can eat now Mr. Selvester. Lumalamig na ang pagkain mo." Sabay turo ng pagkain gamit ang tinidor na hawak ko. Halos nangangalahati na ako sa kinakain ko habang siya ay nasa tinidor parin nito ang unang tusok ng ulam kanina. Hindi ko lang pinansin noong nuo pero nakakailang na dahil nakatitig ito sa akin at para bang aliw na aliw akong pinapanuod habang kumakain. "Yeah! I will." Sabay subo ng ulam na nakatusok sa tinidor na hawak niya. "Uhm.. palagi ka ba dito nag aagahan?" Tanong nito habang sinimulan na nga nitong lantakan ang pagkain niya. "Sometimes." Matipid na sagot ko. Niyuko ang kinakain at muli iyong pinagpatuloy. "Palagi bang hotsilog ang kinakain mo sa umaga?" Tanong nito na muling nakapagpaangat ng mukha ko sa kinakain ko. "Why you ask?" Balik tanong ko. Halata ba na iyon ang paborito kong kainin sa umaga. Well, sabi nga ni ate Lyka kanina kung iyong dati ko bang kinakain sa umaga. And yes. This is my favorate meal in morning. "Nothing.. I also love that hotsilog. Sumubok lamang ako ng iba para naman maiba sa panlasa." "Yeah! At hindi ka naman mabibigo dahil masarap magluto si Ate Lyka." Sagot ko. Si Ate Lyka kasi mismo ang nagluluto ng mga order ko. Ewan ko na lang sa iba dahil may iba namang cooker ang maliit na kainan. "Is that americano?" Para akong masasamid ng bigla na naman niyang tanungin kung ano ang iniinum ko. "I think yes. Sa aroma pa lang niya ay malalaman mo ng americano iyan." At siya din mismo ang sumagot ng sariling tanong. Nailing na lang ako at ipinagpatuloy ang halos hindi matuloy tuloy na pag inom at pagkain ko ng agahan dahil sa kadaldalan ng isang ito. Gusto ko sana itong sagutin ng pabalang pero pinigil ko na lang ang sarili ko dahil ayaw kong masabihan ng bastos. "Dito ka din ba kumakain sa tanghali?" "Depende iyon sa schedule ko." Sagot ko. Binilisan ko na ang pag ubos ng kinakain ko. At pag inum ng kape ko. "Aalis ka na?" Tanong nito ng tatayo na ako hawak ang tray ng pinagkainan ko. "Hindi ka na ba magpapababa ng kinain niyan?" "No need. Hindi naman mabigat sa tiyan ang kinain ko." Sagot ko. "Take your time. Have a nice meal." Sabi ko bago ako tuluyang tumalikod. Nagpapababa naman talaga ako ng kinain ko pero kapag hindi ako aalis ngayon ay baka hindi titigil sa kakatanong ng kung anu-ano pa. ¤¤¤ ¤¤¤ "Hi!." Kunot nuo na naman ako ng mapagsino ko ang bumati sa akin. At ano naman ang ginagawa ng lalaking ito kung saan ako nakipagmeeting sa mga kasyoso ko. "Hi." Tanging sagot ko sa pagbati nito. Hindi sinumbatan ang ngiting nasa labi nito habang nakatitig sa akin. "Nandito ka din pala? Anong ginawa mo dito?" Magkakasunod na naman na tanong niya. "Yeah! Katatapos lang ng meeting ko kaya pauwi na ako." Napilitan kong sagutin ito. "Hapon na din. Gusto mo bang mag early dinner with me?" Kuway pag aaya nito. Kaninang umaga kasabay ko ng agahan ngayon makikisabay na naman ako dito ng hapunan? Saka sandali nga.. hindi naman pwedeng ito lang ang tanong ng tanong. "How about you? What are you doing here?" Tanong ko din sa kanya. "Sasagutin ko iyan kung papayag ka sa paanyaya ko." "No need. Hindi mo na kailangang sagutin iyon. Aalis na din naman ako. Saka may dinner appointment din ako ngayon." Pagtanggi ko kahit na wala naman talaga akong balak na gawin matapos ang meeting ko kanina. "Ganun ba? Sige sa susunod na lang." Nawala ang ngiti sa mga labi nito habang sinasabi iyon. Halatang hindi nagustuhan ang pagtanggi ko sa imbitasyon nito pero wala akong balak pumayag sa paanyaya nito. Kagabi ko lang ito nakilala tapos ngayon.. napapansin ko na sa isang araw pa lang na nakakalipas ay tatlong beses ko itong nakita. Kaninang umaga na nakasabay ko sa agahan... kaninang tanghali na nakita ko sa harapan ng gusali. Hindi naman na iyon bago ngayon dahil nakatira naman siya mismo sa isa sa condo unit ng gusali. Umiwas na lang ako kanina ng mapansin kong kakausapin ako ng makasalubong ako. Tapos ngayon.. nagkita na naman kami. Naisip ko tuloy kung ano ba ang trabaho nito ngayon dahil halata namang walang ginagawang trabaho. "Mauuna na ako. Have a good day." Hindi ko na naman ito hinintay na makasagot dahil mabilis ang naging pagtalikod ko at lumabas na. Hindi na ako lumingon pa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD