MY POSSESSIVE STALKER #6:

3224 Words
Typos and grammatical error ahead! ¤¤¤ XAVIEL POV: ¤¤¤ Wala na akong ibang alam na paraan kung paano ba pagsasabihan si Mandy na tumigil na siya sa pagsunod sa akin. Nasasanay na din ako sa presensya niya na bigla na lang susulpot sa akin kung nasaan ako. Kakausapin na para bang magkakilang magkakilala kami kahit na ang totoo ay halos wala naman akong ibang alam tungkol sa kanya maliban sa ang hilig ay ang sundan ako. "What?" Balewalang tanong ko habang nakasunod lamang siya sa akin. "Anong nginingiti mo dyan?" Palabas na din ako ng gusali at tulad ng inaasahan ko ay nakaabang siya sa akin sa labasan. Nakangiti pa talagang naghihintay sa akin. "I just happy to see you. Where to go? Want to have snack?" Tanong niya na feeling close lang ang dating. "Hindi ako gutom." "Just give it a try. C'mon, mayroon akong lugar na pwede nating kainan." Kunot ang nuo ko na tumingin sa kamay niya na humawak sa pulsuhan ko. Ngumiti na naman siya ng tignan ko siya pagkatapos pero hindi niya pinansin ang pagbabanta ko bagkus mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko. "Ipagmamaneho kita. Tara." At walang babalang hinila ako hanggang sa may parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko. Binuksan ang pinto at pinasakay. Kunot ang nuo ko na tumingin sa kanya. Kahit na ayaw ko sana ay wala akong nagawa dahil sinabayan niya ng pagtulak ang pagsakay ko. Mabilis na inikot ang kotse at sumakay na din. "Hang on. Sigurado magugustuhan mo doon." Sabi pa niya. Inilahad ang kamay sa akin. Kahit na gusto kong magreklamo ay kumilos naman ako para ibigay sa kanya ang hawak kong susi. Hindi na ako umimik pa ng paandarin na ang kotse ko. May kasama pang mahinang pagkanta habang nagmamaneho siya. "Gusto mo bang kumain ng dinner sa unit ko mamayang gabi. Tinuruan akong magluto ng mama kaya marunong akong magluto." Ayaw ko man sana siyang tapunan ng tingin pero napalingon parin ako sa kanya. Bahagya din siyang lumingon sa akin bago ulit itinuon ang paningin sa kalsada. "Minsan tumutulong ako kay mama magluto sa karenderya niya." Pagpapatuloy niya sa pagsasalita. Kunot na naman ang nuo ko? Ang tanong ko, paano siya nakakatulong sa mama niya kung halos lahat ng oras ay nakasunod siya sa akin. "Halos 24 hours kasi ang kainan na iyon ni mama. Kapag nasiguro kong nakauwi ka na ng maayos ay saka ako pumupunta doon. Tumutulong ako." Nabasa ba niya ang nasa isipan ko kaya niya sinasabi iyon. "Di mas maganda sana kung mas ibubuhos mo ang oras mo sa pagtulong sa mama mo kaysa sa ubusin ang oras sa pagsunod sa akin." Pakontra kong sagot sa kanya. Lumingon na may ngiti parin sa labi. "Sabi naman ng mama na kahit hindi na ako tumulong sa kanya dahil kaya naman na kaya nga kahit hindi na ako kailangan sa gabi ay pumupunta parin ako. At.. mas nangunguna ka sa priority ko." Nailing ako sa naging sagot niya. "Kahit na paulit ulit mo akong iwasan.. hindi parin ako susuko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon." "Bakit mo pa kailangan ng pagpayag ko. Kahit anong pagtataboy ko sayo hindi mo naman pinapansin." "Kaya nga huwag mo na akong itaboy dahil hindi ko din naman iyan papansinin. Saka iba din kung bigyan mo ako ng pagkakataon. Nakakagaan ng loob." "Whatever." Muli kong binawi ang tingin ko sa kanya. Para tuloy akong walang magawa para ipagtabuyan siya. Ang isip ko na gusto siyang bigyan ng leksyon para ipakitang hindi ako basta isang ordinaryong tao lamang o di kaya naman na basta na lang papatol sa isang relasyon na gusto niya. Pero para saan pa nga ba ang pagtataboy ko sa kanya kung wala namang epekto sa kanya. "Iisipin ko na ang tugon mong iyan ay pupumayag ka ng magkaroon ako ng puwang sa buhay mo." Saad niya. Huli na ng makapagreact ako ng itigil niya ang kotse sa gilid ng kalsada at hinarap ako. "Anong balak mo? Umayos ka, Mandy." At sa unang pagkakataon ay natawag ko siya sa kanyang pangalan. "Ang gandang pakinggan ang pagkakabigkas mo sa pangalan ko." Nakangiting sabi niya. Umiwas ako ng tangka niya akong hawakan sa pisngi. "Binabalaan kita, Mr. Selvester." "Hmmm, tinawag mo na ako sa pangalan ko kanina. Why now?" Tila namamangha pa habang ainasabi iyon na hindi pinansin ang pagbabanta ko. Muling umangat ang kamay at dumapo sa pisngi ko. Nakangiting hinuhuli ang tingin ko na pilit naman iniiwas sa kanya. "Isa." "Count to three? Then what?" At bago pa man ako makasagot ay walang babalang inilapit ang mukha sa akin at hinalikan. Kumilos ang mga kamay ko para itulak siya na agad nahuli ng isa niyang kamay ang isa kong kamay habang magkaugpong parin ang labi namin. Di ko alam kung ano ang kakaibang pakiramdam na biglang bumalot sa aking pagkatao. Natigilan ako dahil sa naramdaman ko ang pagtaas ng lahat balahibo ko sa katawan. Damn! Pahmumura ko sa loob-loob ko. Lalo ko pang naramdaman ang pagtaas ng buhok ko sa may batok ng magsimulang gumalaw ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko habang ang mga mata niya ay nakapikit na. Kinakareer ang paghalik sa akin. Sa paglunok ko ay tuluyang nakapasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at nagsimulanh maglumikot. Akin na lang ang pagtanggi pero di ko magawa ng maayos dahil tuluyan ng tinalo ng kakaibang pakiramdam ang paghalik niya sa akin. "Hindi bat mas masarap lasapin ang halik kong pareho nating nagustuhan." Doon na ako napakurap. Tinapos na pala niya ang paghalik sa akin ng hindi ko namamalayan dahil nilukuban ako ng kakaibang sensasyon dala ng halik niyang iyon. Para akong nawala sa mundong ginagalawan ko dahil doon na hindi ko man lang natanggihan. Hinayaang halikan niya ako kahit wala naman siyang karapatan. "My Xaviel, hayaan mo akong iparamdam sayo kong paano ako magmahal." Isa na namang masuyong haplos sa pisngi ko. Dinaanan pa ng daliri ang labing kanina lang na hinaikan niya. "Hindi mo kailangan ipagkait sa sarili mo ang kaligayahang kaya kong ibigay." Muli akong napalunok. Nasaan ang isang Xaviel na napakataas ng expectation ko sa sarili. Na sa isang masuyong halik. Isang magagaang salita ng mga pangako ay nawala na iyon. Para akong nakaramdam ng kahinaan sa sarili na hindi ko kailanman naramdaman. Napakurap na naman ako ng makita ko kung paano nagsusumamo ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ang mga ngiting nakikiusap na bigyan ko ng daan ang kanyang pagpapahiwatig. Isang matalim lang na tingin ang alam kong maisasagot ko sa kanya. Hindi naman uubra ang mga salitang pangtaboy sa kanya kaya para saan pa ang nais kong pabalang na pagsagot sa kanya. "Hmmm, so cute." At isang mahinang pinong kurot sa pisngi ko ang iniwan niya bago niya muling hinarap ang kanyang pagmamaneho. "Bukas na lang kita dadalhin sa lugar kung saan sana tayo magmemeryenda. Mamalengke na lang tayo para sa lulutuin para sa dinner mamaya." Kuway sabi niya habang nagmamaneho na ulit siya. "Hindi pa ako pumapayag." "Papayag ka din naman diba. Hehe." Na may kasamang mahinang pagtawa. Parang gusto ko na lang talaga siyang batukan ng magising siya ng tuluyan pero tanging pag-iling na lang ang nagawa ko. Hindi ko na siya sinagot. Basta hinayaan ko na lang siya. At hindi lang siya susobra sa mga ginagawa. Huwag lalampas sa mga limitasyon ko. Pag iisipan ang bagay na hinihingi niya. Total sabi niya na wala sa bukabularyo niya ang salitang tumigil sa ginagawang pagsuyo sa akin. Tignan kung hanggang saan siya magtitiyaga. Kung hanggang saan aabot ang paghihintay niya. ¤¤¤ Kahit na alam ko kung gaano kalawak ang isang unit sa gusaling pinapaupahan ko ay hindi ko akalain na may igaganda pala ang loob nito ngayong nandito ako mismo sa unit na inuupahan niya. Maayos ang pagkakaayos ng mga gamit na makikita pa lang sa mga design ay galing iyon sa ibang bansa. Kunot ang nuo kong nasaisip kung saan siya kumuha ng halagang pinangbili sa mga gamit niya gayong wala nga siyang trabaho at sa isang maliit na restaurant lang lamang kumikita ang kanyang ina. "Pasensya ka na hindi kagandahan ang mga gamit na inilipat ko dito." Kuway sabi niya na nakapagpalingon sa kanya. "Maupo ka. Aayusin ko lang ang mga pinamili natin kanina." Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang hindi kagandahan ang mga gamit niya dahil wala iyong katutuhanan. Mas maganda pa nga ang mga iyon kaysa sa mga gamit ko sa sarili kong unit. "I can help." Saad ko na nauna na akong tinungo ang kusina niya. Marunong din akong magluto dahil nasanay naman talaga akong magluto para sa sarili ko kaysa ang kumain sa labas. Kahit na late na akong umuwi ay nagagawa ko paring magluto. "Pero bisita kita dito." "So?" Patanong na tinapunan ko siya ng tingin matapos ilapag ang mga hawak sa ibabaw ng mesa. "Uhm, okay. Tulungan na lang tayo." Kuway pagpayag niya. Hindi na naman ako umimik. Inayos ko na lang ang iba sa mga binili namin at inilagay sa ref niya na mas malaki pa sa double door na ref ko sa unit ko. "Madalas ba ang mama mo dito?" Hindi ko mapigilang magtanong dahil punong puno ang laman ng ref niya. Hindi ko ipagkakaila na halos ang laman ay ang mga paborito ko. The chocolate, the fruits, kahit na ang softdrinks ay ang madalas kong iniinum. "Why?" "Wala lang. Ang dami mo kasing stock ng mga pagkain dito sa fridge mo." "Ahh.. hindi naman pumupunta dito si mama." Sagot niya. "And about that, para sayo ang mga iyan. Diba, mga paborito mo ang lahat ng mga iyan?" Muli akong napatitig sa kanya. Kunot na naman ang nuo pero nabahiran ng pagkamangha dahil sa sinabi niya. At kailan pa niya pinaghandaan ang mga ito at kasiguradong makakapunta ako dito sa bahay niya. "Naglalagay lang ako ng mga iyan incase na maisasama kita dito sa bahay. Sa bawat pagsunod ko sayo ay nakikita ko ang mga bagay na gusto. Lalo na sa mga pagkain. Kaya bumibili ako." Dinagdagan pa niya ng kaunting paliwanag. Nailing na naman ako na muling ipinagpatuloy ang pagsasaayos ng mga pinamili namin. Hindi na din naman niya sinundan ng anong salita ang naging usapan namin at ipinagpatuloy din ang naudlot na ginagawa. Hindi naman nakakailang o naninibago ako sa kilos ko sa loob ng bahay niya bagkus naging magaan ang kilos ko habang tumutulong sa paghahanda ng mga lulutuin para sa dinner. Nagkukwento siya habang abala kami pareho. Hindi naman nakakaboring ang mga sinasabi niya kaya hinayaan at nakinig na lang din ako. At sa kaunting usapan sa pagitan namin ay natapos niya ang pagluluto ng hindi namin namamalayan. ¤¤¤ Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita. Nagpaalam kasi siya para magshower matapos kaming kumain dahil pinagpawisan daw siya sa pagluluto kanina at baka hindi ko daw magustuhan ang amoy niya. Gusto ko sanang sabihin kanina na wala akong pakialam kung ano man ang amoy niya kapagpinagpapawisan pero pinigil ko lang ang sarili ko. Saka kahit naman pagpapawisan siya ay hindi naman ako didikit sa kanya so what for diba. But then.. hinayaan ko na lang siya kaya heto ako ngayon.. sinabi naman niya na pwede kong ikutin ang bawat sulok ng bahay niya. Dahil na rin nagustuhan ko ang mga display niya at mga furniture niya ay nawili akong pagmasdan ang mga iyon. Pero.. ang hindi ko inaasahan ay ang magawi ako sa mismo sa silid niya at hindi ako makapaniwala sa mga nakita. Mga larawan ko ang nagkalat sa bawat sulok ng silid. Masasabi ko na bang nakakatakot na ang ginagawa niya? Hindi lang pala ang pagsunod niya sa akin ang hilig niya kundi ang pagkuha niya ng larawan ko at ngayon ay siyang nakikita ng mga mata ko. "Xaviel." Hindi ko naman nahimigan sa boses niya ang pagkagulat kaya nilingon ko siya na agad ko ding binawi ang paningin ko sa kanya. Nakatapis lang ito ng isang maliit na tuwalya na halos hindi naman natakpan ang dapat takpan sa katawan niya. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko kung paano kaganda ang build ng katawan niya. Agh! Damn! Mayroon din akong abs pero bakit iba ang naging dating nun sa akin. Ahh! Nevermind. "Hindi ko sinadya ang pagpasok ng silid mo." Saad ko bago ako nagmamadaling lumabas ng silid niya. Nakalimutan ko na tuloy ang mga larawang nakita ko sa silid niya dahil mas nanaig sa isip ko ang pagkakita ng magandang build ng katawan niya. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga ng tuluyan akong nakalabas at nag stay sa sala habang hinihintay na ang paglabas niya. Ilang minuto din bago siya lumabas ng silid niya. Nakabihis pangbahay na lang siya. Walking short at sandong puti ang suot na bumakat na naman sa katawan ang damit. "Pasensya ka na sa nakita mo." Narinig kong sabi niya bago umupo sa kabilang bahagi ng sofa kung san ako nakaupo. "Kailan mo pa ito ginagawa?" Pilit akong nagfucos sa bagay na iyon kahit na nadidistract ako sa kanya dahil sa katawang nakita ko kanina. Nakakainis mang aminin pero aaminin kong naapektuhan ako dahil doon na hindi naman nangyayari sa akin kahit na kabilaan pa ang mga nakapaligid sa akin na naglalakihan muscle sa katawan kapag nasa gym ako. Pero sa kanya... Naipilig ko ang ulo ko dahil doon na naman natungo ang usip ko. "Simula noong araw na nagkita tayo sa bar." "Bar? At kailan naman ako pumasok sa bar?" Balik tanong ko na tanong ko na din sa sarili ko. Hindi ko matandaan na nagkasalubong ang landas namin sa bar. "Lasing ka. Inihatid pa nga kita hanggang sa kotse mo. At hinintay hanggang sa may sumundo sayo. Kambal mo at kaibigan ba niya ang isang iyon." Napatitig ako sa kanya at inaarok kung gaano katotoo ang mga sinasabi. Inaalala na din ang araw na sinasabi niya. Ilang sigundo o umabot ba ng ilang minuto. "That night.. yeah! Naalala ko." Kuway saad ko ng sumagi na sa utak ko ang gabing iyon. Mga panahong palagi kong pinuproblema ang kalagayan ko. But wait.. ngayon ko lang ulit sumagi sa utak ko ang bagay na iyon. Simula kasi ng palagi niya akong sinusundan na halos mag aapat na buwan na simula noon ay hindi na kailanman sumagi sa isipan ko ang palaging bumabagabag sa akin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi ko na din naramdaman ang bigat sa puso ko ang bagay na iyon. "Talaga?" Tumango ako. "Yeah! A little." Totoong sagot ko dahil hindi naman masyadong malinawa sa alaala ko. "Good. Atleast naalala mo ang pangalawa nating pagkikita." "Pangalawa?" "Yes. Dahil kahit bata ako noon.. malinaw sa alaala ko ang unang beses kitang makilala." Nakangiti niyang sagot sa akin na nakikinita ko pa sa kinang ng kanyang mga mata ang pagkakaalala ng kabataan niya. Nagpakawala na naman ako ng buntong hininga. Hindi ko na talaga yata mababago ang isip niya na itigil na ang ginagawa. Napakislot pa ako ng bigla siyang kumilos at lumapit sa pagkakaupo sa tabi ko. Nakasanayan ko na din ba ang paghaplos niya sa pisngi ko dahil hindi na ako umiwas. Hindi din ako nakaramdam ng pagkailang ngayon. Ramdam ko ang init ng palad niya na may masuyong haplos. "Hindi naman masama kung susubukan mo akong papasukin sa buhay mo. Hindi ako nangangako sa mga bagay bagay tulad ng iba pero sinabi ko sayo.. wala sa bokabularyo ko ang tumigil.. lalo na ang saktan ka." Isang masuyong mga salita na sa bawat tao ay gustong marinig. Hindi man deretsang pangako iyon pero masasabi na ding ganun iyon. Pangako ng isang taong nanliligaw sa taong nagugustuhan para lang sagutin siya. Mag aapat na buwan na simula ng sumusunod siya sa akin at sa apat na buwan na iyon ay dalawang buwan naman doon ang simula ng tuluyan niyang pagpapahiwatig sa nararamdaman. Ipinaalala ang panahon ng kabataan namin. Sa isang pangako na walang kasiguraduhan na kanyang pinanghawakan. "Xaviel." Ang lambing ng boses niya dahilan para hindi ko mapigilang mapapikit at namnamin pa ang init ng kanyang palad na nakakapagparamdam sa akin ng kakaibang kaginhawaan. "Hmmm." "Allow me to be part of your life. To love you. I love you, my Xaviel." At sa pagmulat ng mata ko ay huli na ng mapagtanto kong wala ng isang pulgada ang layo ng mukha niya sa akin hanggang sa tuluyan niyang binigyan ng katuparan ang paglalapat ng labi namin. Muli akong napapikit. Kusang kumilos ang labi ko para tuguin ang halik niya. Hindi ako nakaramdam ng pagilag habang hinahalikan niya ako bagkus nakaramdam ako ng kakaiba. Iyong tipong nawawala ang bigat ng mga problema. "Uhm.. I love you.. I really love you." Bulong niya matapos ang isang mainit na halikang pinagsaluhan namin. Kulong na ng dalawang palad niya ang magkabilang pisngi ko. Pinagdikit ang mga nuo namin. "I can't answer that now." Mahinang sagot ko na sinamahan ng pagpiksi para makawala sa pagkakahawak niya. "Yes." Nabigla pa ako ng bigla siyang napasigaw. Kunot ang nuo ko na napatitig sa kanya. At para saan ang yes niyang iyon? "What?" "Sa sinabi mo ay nangangahulugan na may mahihintay ako." Sagot niya na hindi na wala sa mga labi ang ngiti niya. Isa pang mabilis na damping halik sa labi ko ang iginawad niya. "I love you." At isa na namang damping halik. "Hey! Wala pa akong sagot na pumapayag ako o sinasagot ko na ang panliligaw mo." Pagkontra ko sa kanya. Sa reaksyon at kilos niya ay para namang sinagot ko na siya. "Ganun na din iyon. Hinahayaan mo na akong halikan ka. Hmmm." And he slightly pinch my cheeks and kiss me again. Nailing na lang ako at bahagya siyang itinulak na sinabayan ng pagtayo. "Whatever. Uuwi na ako." Pang iiba ko ng usapan. Baka kung saan pa humantong abg usapan namin at tuluyan na akong makapagbitaw ng salitang inaasahan niya. But to think of that matter.. hindi na ako nakaramdam ng pangingilag.. oo, tama naman siya.. bakit hindi ko subukang bigyan siya ng puwang sa buhay ko. Total, wala namang mawawala at saka hindi ko malalaman ang kalalabasan kung hindi ko suaubukan. "You're smiling." "Huh." Ngumingiti ba talaga ako? "Nag iimahinasyon ka lang. Ano? Ihahatid mo ba ako o uuwi na lang akong mag isa." Muli kong inilihis ang usapan. "Uhmm, I will send you home." Nakangiti niyang sagot. Napatingin pa ako sa kamay ko ng pinagugpong niya ang mga palad namin. "From now on. Susunduin at ihahatid na kita sa bahay mo. Pagpunta at pagkagaling sa trabaho." Sabi pa niya ng igiya na niya akong palabas ng bahay niya. "Hmmm, how about... magtrabaho na lang ako sayo para double time. Ako na lang ang magiging personal driver mo. Personal assistant.. don't worry about the wage. Makasama ka lang sapat ng kabayaran iyon." Mahaba niyang sabi. "Nonsense." Hindi ko iyon pinansin nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang magkahawak kamay. Pero parang gusto ko namang subukan. Ahh! Nevermind.. saka ko na lang iyan iisipin. "Uhmm.. papasok na ako bukas bilang driver mo. PA. Okay." Muli niyang saad ng makarating na kami ng parking area. "Do what you want to do." Tanging sagot ko na lang. Ngumiti siya. Isa na namang mabilis na damping halik ang iginawad niya. Akin na lang ang pag iling. Mukhang tutuhanan na ang mangyayari sa pagitan namin dahil hindi ko na siya sinisita sa malayang paghalik sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD