MY POSSESSIVE STALKER #7:

2729 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ XAVIEL POV: ¤¤¤ "Sigurado ka bang hindi mo ito pineke?" Kunot ang nuong tanong ko sa kanya ng hiningan ko siya ng impormasyon about his educational backround. Graduated siya ng Summa c*m Laude at isa na siyang Licenced Engr. Kaya ba hindi na siya nagtratrabaho dahil may maibubuga naman pala siya? Malamang. Dahil ang pagkakaalam ko sa isang engr. ay hundred of thousand na ang kikitain sa isang sketch lang nila. "No! Totoo lahat iyan. Kahit tawagan mo ba ang Licensor na nakalagda dyan." Nakangiti niyang sagot sa akin na hindi naman sa papel na bigay niya siya nakatingin kundi sa akin. "Okay! But I told you, you don't need to do this. Mayroon na akong personal assistant." Inilapag ang mga papel na hawak ko at itiniklop ang envelope. "But I insist." Balewalang sagot niya. "By the way." "What?" "Here." At sa isang kurap ko lang ay may isang tangkay ng rosas na siyang hawak. "What are you? A magician? And Where did you get that?" Magkakasunod na tanong ko dahil hindi ko naman inaasahan iyon. "Haha! So cute." Bago pa man ako makahuma ay pinisil na niya ang pisngi ko. Niyuko at ginawaran ng halik sa labi. "Hey! What are you doing?" Pasitang tanong ko sa kanya. Nakagiliwan na yata niyang halikan ako. "Uhmmm! Just giving you a good morning kiss." Nakangiti niyang sagot at hindi pinansin ang pagsita ko. "At ayaw mo bang kunin to?" Sabay abot ng bulaklak sa akin. Tinanggap ko na lang iyon mula sa kanya. "Basta huwag mo akong halikan na lang." Saad ko sa pananitang tuno. "Hmmm, how about in the cheeks?" "No!." "Forehead?" "Still no! Pinapasok kita dito sa opisina ko at hinayaang makalapit sa akin kaya huwag mong abusuhin ang pagbibigay ko sayo ng pagkakataon." "Uhm." Tanging narinig ko mula sa kanya na tila nalungkot sa sinabi ko. At bakit kailangan niyang malungkot gayong tama naman lahat ng sinabi ko. Hindi kami magkasintahan kaya wala siyang karapatang halikan ako ng wala akong pahintulot. "I will hire you if that what you like pero tulad ng sabi ko. Don't just kiss me if you like." Ngumiti siya na sinabayan ng pagtango. "Atleast makikita kita minu-minuto." Nasinabayan din ng pagkindat at flying kiss. Nailing na lang ako. "So..." napasandal ako sa upuan ko at pinagalaw habang nakatingin sa kanya. "I will wait there." Itinuro sa sofa sa gilid. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. "Whatever." Ikinumpas ang kamay ko na manatili na nga lang siya sa gilid dahil sa totoo ay marami pa nga akong tatapusin sa mga trabaho ko. Lihim na lang akong napangiti ng hindi na siya nagreklamo at sumunod na lang na parang bata. Hindi naman ako nanibago sa presensya niya habang nakaupo lang siya sa sofa at patingin-tingin sa akin kapag nagsawa sa mga magazine na binabasa. Matuling lumipas ang mga oras ng mapansin kung tumayo na siya at lumapit sa akin. "Time is up." Narinig kong saad niya na nakapagpaangat sa mukha ko mula sa binabasa. "What? I told you to stay at huwag mo akong istorbohin."sita ko sa kanya pero hindi niya iyon pinansin bagkus kinuha mula sa akin ang mga binabasa ko at maayos iyong itiniklop. "Hey." "Mag aalauna na. Kailan mo balak kumain ng tanghalian. That won't work on me. You need to eat on time." Sabi niya sa tunong kailangan ko siyang sundin. Kunot ang nuo kong mas napatitig sa kanya. Nakipagsukatan ng tingin kung gaano katatag ang kanyang paninindigang manduhan ako sa kung anong oras ko gustong kumain. "Sanay akong late kumain. Kaya wala ng bago doon. Kung gutom ka na. Go and eat." "No! You hired me, kaya kailangan kong i check ang mga bagay na makakabuti sayo at hindi makakabuti. At isa na iyang late mong pagkain sa tanghalian. Now, stand up and lets go grab some food." Mahaba niyang saad. Lumapit pa sa mismong kinauupuan ko at bago pa man ako makasagot ay nahawakan na niya ang isang kamay ko at hinilang palayo. "Huwag kang magreklamo, this is for your own good." Dagdag pa niya hanggang sa tuluyan na akong makalayo sa kinauupuan ko. Gusto ko siyang sitahin na naman pero tanging nagawa ko ay ang mapailing na may kasamang buntong hininga. Hired ko nga siya at ako ang boss niya pero mas nasusunod naman siya kaysa sa akin. "Okay! Just let my hand go." Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. "Go! Mauna ka at susunod ako." Utos ko sabay turo ng pintuan. "No! You go first. I will follow you." Sagot naman niya at ginaya ang pagturo ko sa pinto. "Who are you? Are you my boss?" Kunot ang nuo kong hindi ko na napigil na tanong sa kanya. "No! Pinangungunahan lang kita baka kapag nauna akong lumabas ay pagsarhan mo ako ng pinto. Kaya mauna ka." Kampanteng sagot niya at binaewala lang ang pang uutos ko. "Ugh! Okay." Tanging sagot ko at naunan na nga akong naglakad palabas maayos kung ayusin ang bahagyang nagusot na damit ko. Akin na lang ang pagpapakawala ng magkakasunog na buntong hininga. Hindi ko na siya kinailangang lingunin dahil nakasunod lang siya sa akin hanggang sa tuluyang umagapay sa akin sa paglalakad. "Ano pala ang gusto mong kainin? Malayo naman kasi dito ang karinderya ni mama. Doon sana tayo kakain ng masigurado kong healthy ang kakainin mo." Sabi niya habang naglalakad. "Healthy naman ang pagkain sa baba ah." Sagot ko na tila ba ini-small lang ang mga chief cook ng restaurant. "Hindi naman sa ganun. Natikman ko na din ang mga recipes nila at talaga naman masarap. Pero iba din iyong lutong pinoy talaga." Pagdadahilan niya na halatang ayaw magpatalo. "Never mind. Simula ngayon magluluto na lang ako. Total nasa taas lang ang condo unit ko. We can eat at my unit." "Hindi mo kailangang gawin iyan." "I insist. No more buts. Okay." At talagang nakimagmatigasan pa. "Whatever." Tanging sagot ko na lang at nagpatangay na lang sa kanya hanggang sa marating namin ang restaurant sa baba. ¤¤¤ "Did I miss something?" Tanong na nakapagpalingon sa akin. Na kahit hindi ko sana lingunin ay alam ko kung kaninong boses iyon. "Papa." Agad akong tumayo and give him a quick hug. Sa pagtawag ko ng papa ay mabilis naman na tumayo si Mandy at agad na lumapit sa amin. "Magandang tanghali po." Pagbati dito sabay lahad ng kamay. "I'm Mandy Selvester, Xaviel sui-.." "A friend of mine papa." Putol ko sa gusto sana niyang sabihin pero alam kong natunugan na iyon ng papa. "I'm Xaviel's father. Just call me Tito Kanye total KAibigan ka naman ng anak ko." Sagot naman ni papa na tumingin sa akin ng makahulugan ng maipagdiinan ang katagang KAibigan na sinabi matapos makipagkamayan sa kanya. "And I'm pleasure to meet you dahil ngayon lang may ipinakilala ang anak kong ito sa akin." "Me too tito Kanye. Mailap at mahirap kaibiganin si Xaviel kaya maswerte ako dahil binigyan niya ako ng oras na makilala pa siya." Agad naman niyang sagot na hindi ko man lang nakitaan ng pangingilag habang ako ay umiiwas ang mga ganitong tagpo. "By the way papa... why are you here?" Pagpapagitna ko sa kanila ng hindi na lumalim ang usapan nila at baka kung saan pa sila dalhin. "Napadaan lang ako hijo. Inihatid ko kasi ang daddy niyo sa bahay ng isa sa kaibigan niya kaya naman nag stop by na ako." Nakangiting sagot ng papa pero hindi maitatago doon ang isang katanungan. "Pero tingin ko hindi na ako magtatagal." "Well, wanna join us papa." Pagbabalewala ko na lang sa tingin ng papa sa akin. "Uhm.. No need hijo. Just enjoy your lunch." Pagtanggi nito. "And you young man.. pay us a visit when you have free time. Our home is open for a new member." Binalingan si Mandy na nakangiti ding tumugon. "I will tito. Sasabay na lang ako kay Xav kung kailan siya uuwi sa inyo." magalang niyang sagot na makahulugan ding tumingin sa akin. Na sa tingin pa lang niya ay sinasabi na niyang magkakasundo sila ng papa. Nailing ako. Muling pumagitna. "Then, drive safely papa." "Okay then hijo, and you.. we are looking forward for your visit." "Thank you, tito. Drive safe." Isang pagtango na lang ang isinagot ni papa bago ito tuluyang umalis. Isang tagumpay naman na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ni Mandy. Also his eyes. Hindi maitatago na masayang nakilala ang papa ng wala sa oras. "What is thay smile for?" Hindi ko parin mapigilang tanungin kahit na alam ko na kung para saan iyon. I just want to know his own answer. "I think your family will like me." Sagot niya. "Hmmm." At muli na naman niyang pinisil ang pisngi ko na palagi niyang ginagawa. Nagmumukha tuloy na mataba ang pisngi ko dahil doon. "Stop doing that." Walang lakas na paninita ko sa kanya. Aware naman ako na kanina pa nakatingin ang mga mata ng mga tao na nasa paligid namin o halos lahat na ng taong mapapatingin sa aming dalawa. Samahan pa ng palagi niyang panakaw na hawak sa akin. Hindi ko na sana iyon iintindi dahil sanay na ako na nakasunod lahat sa akin ang tingin nila pero iba ngayon dahil kay Mandy. Hindi maiiwasan talaga na isipin ng iba na may something na sa aming dalawa. Hindi naman kasi ako dati nagsasama ng kasamang kumain maliban sa PA ko na ngayon ay naetsapwera dahil nga sa kanya na kasama ko. Nagpakawala na naman ako ng isang malalim na paghinga. "C'mon. Lets go back to eat." Aya na niya sa akin. Isa pa ay pinaghila na naman niya ako ng upuan. Ginagawa niya akong babae sa ikinikilos niya. "Set down." Nakangiti pa niyang utos sa akin. Hindi na ako nagreklamo at umupo na lang para matapos na ang tanghalian namin na parang hindi nga umiikot ang oras. "Mayroon akong business meeting mamaya sa labas." "I'm your driver now." Sagot naman niya na balewala lang ang trabaho niyang iyon gayong ang taas naman ng pinag-aralan niya. "Yeah. So hurry up." Saad ko sabay tingin sa kinakain namin. Ngumiti siya na may bahagyang tango. "Okay. Then eat." Sabay lagay naman ng ulam sa pinggan ko na gusto ko na namang sitahin pero hinayaan ko na lang. Wala din naman saysay iyon at baka mas matatagalan pa kaming kumain kung lagi ko siyang sisitahin. ¤¤¤ "I can give you a hand if you like." Napalingon ako kay Mandy na nakalapit na pala matapos umalis ang kameeting ko. "You look tired. This, drink some water." "Thank you." Kinuha ko mula sa kanya ang bottle ng tubig at deretsong itinungga. "Lets go." Ibinalik ko sa kanya ang bottled water bago tumayo. "Marami pa akong gagawin sa opisina." "Okay." Mabilis naman niyang kinuha at binitbit ang mga gamit ko na parang siya na mismo ang PA ko. Hindi man siya nagsasalita kaninang nag uusap kami ng kleyente ay kapansin pansin ang masusing pakikinig niya na tila inaaral ang bawat paksang napag-usapan. "What can you say about his proposal?" Kuway tanong ko ng nakasakay na kami ng kotse. "For real? Hmmm, I don't like it." "Huh! Why?" "Bawat negosyante ay may kanya kanyang istratihiya para makahikayat ng mga pupundo sa kanila. At ang isang iyon.. magaling siyang magbitaw ng salita pero kapansin-pansin na plantado iyon. Hindi mapagkakatiwalaan. Maybe his offer was big enough to courage the other party to accept his proposal pero alam ko naman na napansin mo ang ibig kong sabihin." Mahaba niyang paliwanag. Nagkibit balikat ako. Hindi ko akalaing napansin din niya iyon na parang ang tagal na niya sa mga iba't ibang klaseng negosyo. "Am I wrong?" Kuway tanong niya ng hindi agad ako nakasagot sa kanya. "No! You are right." "Kaya mo siya binigyan pa ng ilang araw para mapagisipan mo. Hmmm, bakit hindi mo agad tinanggihan para hindi ka na magsasayang ng oras at panahon." "How about you? Tatanggapin mo ba kapag sinabi kong tinatanggihan ko na ang proposal mo?" balik tanong ko na ikinatigil niya sa pagmamaneho. "No! Dahil determinado ako." "So! What can you say about that guy?" "Hindi siya determinado. Dahil mabilis niyang sinangayunan ang pagbibigay mo sa kanya ng second chance." "You say so?" "Yes, iyon na lang ang tangi niyang paraan para mapapayag ka niya." "Okay." Tanging tugon ko. Inerelax ang likod sa pagsandal ko ng upuan at kampanteng pumikit na hindi ko naman dating gawain. Kahit nga lasing ako at susunduin ako ni Frances ay hindi ko magawang matulog. But now... I feel safe.. ¤¤¤ MANDY POV: ¤¤¤ Pinagmasdan ko siya habang mahimbing sa pagkakatulog. Hindi ko siya magawang isturbuhin para gisingin dahil napakapayapa niyang tignan. "I will make you mine, my Xaviel." Bulong ko at maingat na dinampian ng halik sa mga labi. Gumalaw siya pero hindi nagising bagkus sa paggalaw niya ay umayos siya ng higa paharap sa akin. "Ganito ka ba ka-vulnerable sa tuwing natutulog ka? Kahit gaano mo man itago sa kaseryusuhan mo sa tuwing na gising ka ang kahinaan mo. Hindi mo maitatago iyon kapag ganitong tulog ka." Pabulong kong muli na may ngiti sa aking mga labi. "But don't worry, I will protect you.. no matter what." Masuyong humaplos ang palad ko sa pisngi niya. Doon na siya nagmulat ng mga mata. "What are you doing?" And as usual. Iyon ang lagi niyang tanong sa akin pero nabawasan na ang pagkamailap niya. "I was trying to wake you up. And I did." Nakangiti kong sagot. "Kanina pa ba tayo nakarating?" "30 minutes ago." Sagot ko. "What? Bakit di mo ako agad ginising?" Mabilis ang pagkilos niya. Inalis ang seatbelt pero agad ko siyang pinigilan. "Hapon na. You need to rest. Makakapaghintay naman siguro ang iba mong trabaho bukas." "I need to finish....." "That can wait." "Hindi ikaw ang magdidisesyon sa kung paano ko gustong magtrabaho." Pagalit na sagot niya sa akin at iwinaksi ang kamay niyang hawak ko. Hindi ko naman siya pinansin at hindi nagpatinag. Noon pa siya galit sa mga bagay na pinakikialaman ko pero para sa kanya din ang ginagawa ko. Kaya hindi niya ako madadaan sa galit niya. "Yeah! But this is for your own good. So.. no more works today." Sagot ko. Ako na ang bumitaw sa kanya at mabilis akong kumilos pababa ng kotse. Inikot kung saan siya naroon at pinagbuksan ko siya ng pinto. Hindi na nga sa building ng kompanya niya ko itinigil ang kotse bagkus sa building kung saan siya nakatira. "Lets go." Kunot ang nuo niya. Pinid ang labi na nanggigil dahil hindi ko pagpansin ng galit niya. "C'mon. Hindi ko naman ginagawa ito para pigilan ka sa mga gusto mong gawin. Para manduhan ka. Gusto ko lang na pagpahingain mo naman ang sarili mo. Hindi iyong sinasagad mo talaga." Mahaba kong paliwanag. Nilahadan ng kamay para umalalay sa kanya sa pagbaba niya. Hindi niya pinansin ko ang pag alok ko ng kamay. Basta na lang siyang bumaba at walang imik na nauna ng naglakad. Naiiling na lang na isinarado ang kotse niya at sumunod sa kanya. Hindi naman niya ako sinita sa pagsunod ko hanggang sa marating namin ang palapag ng unit niya. "Just take a rest. Hindi naman maapektuhan ang kita ng negosyo mo sa maikling oras lang ng pagpapahinga mo. Sige na." Saad ko ng tumigil siya mismo sa pintuan ng unit niya. "Uuwi na din ako. I will order you dinner later okay." Mahinang tinapik ang pisngi niya. Humaplos at isang mabilisang damping halik sa nuo niya. This is what I really like. To take care of him. "Order? Hmmm, how about cook something for dinner. My fridge has a lot of food to cook." Mahina man pero malinaw pa iyon sa pandinig ko. Hindi lamang iyon kundi he is allowing me to enter his house. Isa na namang matagumpay na ngiti ang hindi ko mapigilang sumilay sa mga labi ko. "Of course. So.." sabay tingin ng pinto na agad naman niyang binuksan gamit ang card niya. Magaan ang mga paa kong sumunod na lang sa kanya. Napakasaya ko sa mga sandaling ito. Even he got so angry a while ago. Hindi na.maipagkakailang.. pinapayagan na niya akong pumasok sa buhay niya. At iyon ang hindi ko sasayangin na pagkakataon. Habang may oras ako na mas mapalapit sa kanya ay gagawin ko. Hanggang sa tuluyan na niyang hahanap-hanapin ang presensya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD