MY POSSESSIVE STALKER #1:

2463 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ XAVIEL POV: ¤¤¤ Magandang tindig. Magandang porma. Ginagalang ng lahat. "Magandang umaga sir." Halos sabay sabay na pagbati sa akin ng mga empleyedong madadaanan ko sa unang palapag ng gusali ng kompanya ko. Tinitingala ng karamihan. Hindi na bago iyon dahil isa akong Anderson. Ang kilala at tanyag na angkan ng Anderson na siyang patuloy na pumapayagpag ngayon kasalukuyan. Isa na ako ngayon sa namamahala sa isang negosyo ng aming papa. Isang tanyag din na Anderson na kabilaan ang mga kawang gawa sa mga mahihirap. Ako na ang isang magpapatuloy sa mga nasimulan ng aming angkan na sinimulan pa noon ni lolo. Kami ni Frances ang mga naunang apo sa tuhod ng lolo. Naikwento nga sa amin kung paanong naging Anderson parin si papa kahit na natabunan ng ang apelyedong iyon sa kanya. Na ngayon ay dala na din namin. Sinabi ng lolo na hindi dapat mawala sa amin ang apelyedong Anderson kahit na anong mangyari. Pero paano ako? Paano ko iyon ipapamana sa magiging anak ko sa kasalukuyan? Damn! Hindi sa ikinakahiya ko ang pagiging ganito.. pero bakit ako? Bakit ako ang kailangang magmana ng kalagayan ng nagsilang sa amin. Yes, I admit that... namana ko ang kalagayan ni daddy na siyang mismong nagsilang sa aming dalawa ni Frances. At sa kambal pa naming nakakabatang kapatid. "Sir... Sir.. Narito na po tayo." Napakislot ako at napatingin ako sa assistant ko. Tinignan kong saang floor na kami. Tumango ako. Muli akong tumindig ng tayo bago naglakad palabas ng elevator. Dumeretso sa opisina. Habang naglalakad ay sinasabi na sa akin ng assistant ko ang mga naka schedule na gagawin ko ngayon araw na ito. Magiging abala na naman ako maghapon. Iyon na lang ang tangi paraan na ginagawa ko para maalis sa isipan ko ang isang mabigat na katutuhanang pilit kong kinakalimutan. "Thank you." Kinuha ko mula dito ang mga papeles na kailangan kong ng permahan. "Makakabalik ka na sa lamesa mo." "Yes sir." ¤¤¤ ¤¤¤ Overtime na naman. Parang ayaw ko pang umuwi pero gusto ng sumuko ang mga mata ko. Gusto ng pumikit kaya naman itinigil ko na ang trabaho ko. Pasado alas diyes na ng gabi. Ako na lang ang natira maliban sa mga guard na magbabantay magdamag. Naging abala na ako maghapon at nawala na sa isip ko ang ilang mga agam agam pero ngayong tapos na naman ang oras ng trabaho ay muli ko na namang naisip ang kalagayan ko. "Damn!." Kuyom ang kamao ko na naisuntok iyon sa ibabaw ng lamesa ko. Pitong taon na din ng malaman ko sa sarili ko na namana ko ang kalagayan ng daddy. Na noon lang din kinumperma ng papa iyon na matagal na pala nilang itinatago sa akin. Alam ko na para kay daddy ay isang biyaya ang pagkakaroon ng sariling matress dahil naisilang niya kami ni Frances at ang dalawa pang kambal na kapatid ko. Pero para sa akin.. Hindi ko alam kung kailan ko matatanggap iyon sa sarili ko. "Hmmm." Isa na namang buntong hininga ang pinakawalan ko. Menasahe ang sumasakit na sintido dahil sa kakaisip ko. Madali ko na lang sana iyong tanggapin kung sa simula pa lang ay nalaman ko na. Kung hindi iyon itinago sa akin. Mabuti sana kong makakabuntis ako pero hindi dahil ako mismo ang mabubuntis kung sakaling papayag ako. Damn it again. Sinubukan ko na noong makipagtalik sa babae para lamang patunayan na kaya ko. Gusto kong patunayan na hindi lang dapat ako ang mabuntis kundi ako mismo ang makakabuntis pero.. sadyang mapagkait ang tadhana sa akin. Wala akong kakayahang magbuntis ng babae dahil hindi gumagana ang spermcell ko dahil mas malakas ang tulak ng eggcell na mayroon ako. "Ahhhhhh." Mahinang hiyaw na sinabayan ng pagsabunot ng buhok ko. Marahas na napayuko sa ibabaw ng lamesa ko. "Huuuh..." malakas ang bawat paghingang pinakawalan ko. Magpaganun pa man. Nanatili parin akong isang magandang imahe sa likod ng kalagayan ko. Isang Xaviel Anderson. Maganda ang pangangatawan na hinahangaan ng mga kababaihan. Magkasing tangkad kami ni Frances na parehong batak ang katawan sa gym. Sinong mag aakala na sa likod ng magandang pangangatawan ay posebleng mabuntis. Hindi na matapos tapos ang pagmumura ko. Ilang beses na ba? Umabot na siguro sa isang milyon simula noong nalaman ko. Kring! Kring!. Tunog ng Red line sa gilid ng lamesa. "Good Evening lolo. Napatawag kayo?" "Magandang gabi din hijo. Hindi ako nagkamali na tumawag sa linya mo. Apo naman.. pinapagod mong masyado ang sarili mo sa trabaho." Matikas parin ang boses ng lolo kahit na nasa 90 plus na ito. Dala na din ng mga herbal suplement na patuloy nitong iniinum ay malakas parin ang lolo. Hindi na nga lang masyadong nakakalabas ng bahay nito sa A. Place dahil matandang matanda na nga ito. Kahit na matanda na ang lolo ay patuloy parin ito sa magkakabilang mga kawang gawa para sa mga nangangailangan. Kaya siguro patuloy na ginagabayan at bibigyan ng May Kapal ng lakas ang lolo dahil marami pa itong mga matutulong habang nabubuhay ito. And we are here.. mga apo niya na magpapatuloy ng mga sinimulan niya at hindi namin siya bibiguin sa bagay na iyon. Iniiwasan na lang namin na bigyan ito ng sama ng loob o di kaya naman mga balitang hindi na kayang dalhin ng puso nito. "Pauwi na din ako lolo. Kayo? Bakit gising pa kayo.. gabing gabi na? Magpahinga na kayo para may lakas na naman kayo bukas." "Alam ko iyon apo. Tinawagan ko din si Frances at iba pang mga pinsan mo. Nangungumusta lamang ako." "Maayos lang ako lolo. Huwag niyo akong alalahanin. Ang kalusugan niyo ang pagtuunan niyo ng pansin para patuloy parin namin kayong makakasama." "Oo naman apo. Malakas pa ang lolo niyo. Hindi na nga pang katulad noong una na kaya ko pa kayong ipasyal." "Kami na lang ang dadalaw sayo lolo. Hindi naman kami nagmimintis sa pagdalaw sa inyo para makasama kami." "Salamat apo. Umuwi ka na din. Hindi iyang nandyan ka parin ngayon sa kompanya mo." "Oo lolo. Naghahanda na ako sa pag uwi ko." Sagot ko na lang. Total pauwi naman na talaga ako.. naantala lang dahil sa kakaisip ng kalagayan ko. "Sige na apo. Mag ingat ka sa pag uwi mo." "Yes lolo. Kayo din po." Maayos akong nagpaalam kay lolo. Kahit papano ay naginhawaan ang pakiramdam ko na makausap ang lolo sa pangungumusta nito sa akin. "Mabuhay ka pa ng matagal lolo." Naibulong ko habang naghahanda na sa pag uwi ko. Hindi naman kalayuan ang condo unit ko na pagmamay-ari din ng pamilya ang buliding. "Magandang gabi po sir. Mag ingat po kayo sa pag uwi." Magalang na bati sa akin ng nakasalubong kong guard na nagpapatrol sa paligid ng buildin. "Magandang gabi din.. Keep up the good work." Sagot ko bago ako tuluyang lumabas. Nasa harapan na mismo ng building ang kotse ko kaya naman hindi ko na kinailangang pumunta pa sa parking area. Deretso na sana ako pauwi ng may madaanan akong Night Club. Hindi na ako nagdalawang isip na tumigil doon. Hindi naman siguro kalibasan kong pumasok ako kahit minsan lang sa isang night club. Wala naman sigurong makakakilala sa akin. At kung mayroon man. Hindi naman makakasira sa reputasyon ko ang pag inum lang ng ilang bote ng alak kung sakali. Club, Bar, or Night Club na katulad nito ay wala ni isa mang nakapag isip na magpatayo nito sa amin. Dahil ayaw ng lolo. May Hotel Restaurant naman kung sakaling mayroon sa amin ang gustong uminom. Exclusive lang para sa mga Anderson at malalapit lang talaga na mga kaibigan. Sa counter table ako nagpasyang umupo. Hindi masyadong matao katulad sa mga lamesa na nalagpasan ko. "Martini please." Sabi ko sa bartender na agad namang inasikaso ang order ko. Maingay nga naman sa nightclub. Mga taong gustong magliwaliw sa buhay. Ang iba ay abala na kasama ang ilang mga babeng nagbibigay na din aliw sa makamundong kaligayahan. "Thank you." Mahinang saad ko ng iserve ang alak sa harap ko. Hinawakan, sumimsim ng kaunti. Mabagal na ipinapaitok iyon habang tinitignan ko mismo ang yelong umiikot na dahil sa paggalaw ng basong hawak ko. Ilang minuto din ba akong nakatitig sa baso ng alak na iniinum ko. Paunti unting sumimsim at nagpapatay ng oras. Isa, dalawa, tatlo apat, lima hanggang sa maka anim na baso na ang naiinum ko. Hindi natapos tapos ang pagpapakawala ko ng buntong hininga. "Mojito please." Ani ng isang baritunong boses sa kanang bahagi ko. Umupo sa isang bakanting upuan malapit sa tabi ko. "A moment sir." Sagot naman ng bartender. It takes a extra time to make a mojito drink. "What?" Panitang tanong ko sa lalaki. Hindi ko na sana papansinin pero kaninang naupo siya sa katabing upuan ay hindi na nakaligtas ang patingin-tingin nito sa akin. Hindi ko naman ugaling manita dahil sanay naman akong nakakahatak ng pansin ng marami. "Dalawampo.. no! 30 times ko na yatang nabilang ang pagpapakawala mo ng buntong hininga." "None of your business." Nilagok ko ng minsanan ang may karamihan pang laman na alak sa baso ko at marahas iyong inilapag sa counter table bago ako tumingin dito ng deretso. "Mind your own business." Muli ay sita ko na patuloy ito sa pagtitig sa akin Mabilis na naglabas ako ng cash at inilapag iyon sa tabi ng baso na ininuman ko. "Your tip." Sabi ko sa bartender bago ako tumayo. Sobra pa sa labis ang perang himugot ko kaya nakitaan ko ng kagalakan ang bartender. Dahil sa may tama na ang nainum ko ay bahagya akong nahilo. Napakapit sa binabaan kong stool. "You okay?" Tanong ng lalaki na mabilis na umalalay sa akin. Tumingin akong muli dito pero di ko ito sinagot at marahas na tinanggal ang kamay na humawak sa braso ko. Muli akong tumindig. Naipilig ang ulo ko at pilit na inilalagay sa tamang huwesyo ang isip ko bago ako nagpasyang lumabas na ng club. "Hey! Bulag ka ba?" Hindi ko na nabalanse ang katawan ko dahil sa pagtulak sa akin ng isa pang lalaking nabangga ko na nagsasayaw sa gitna. Pabagsak na sana ako ng bumangga ang likod ko sa isa pang lalaki. Nilingon ko kaya napagsino ko ito. Ang lalaking iniwan ko kanina sa counter table. "You okay?" Muli ay tanong nito na umalalay sa akin ng pagtayo. Hindi ako sumagot pero tumango ako. "C'mon. Ihahatid na kita sa labas." Sabi nito. Isinabit ang braso ko sa balikat niya at paalalay na naglakad na kami palabas. Matino naman ang isip ko kaso hindi nakisabay ang katawan ko dala ng alak na nainom ko. Nahihilo nga ako at hindi ko na din masyadong mailakad ng maayos ang mga paa ko. Bihira kasi ako uminom ng alak. Kung iinum man ay isa o hanggang dalawang baso lamang. Naturuan kasi ng papa na kapag iinum ay iyong tama lamang. Hindi iinum na hindi kayang dalhin ng katawan. Lalo na kapag ganito. Walang kasama na maghahatid pauwi ng bahay. Nasa tama parin naman ang isip ko kaya nga lang sadyang mahina ang katawan ko sa alak. "Give me you key." Narinig kong saad nito ng makalabas kami ng club. Lumingon pa sa paligid. "In my pocket." Mahinang sagot ko. Hindi ko na din maimulat ng maayos ang mga mata mo. Mabilis na kinapa nito ang susi sa bulsa ng suit ko na agad naman nitong nakuha. "Halika ka na. Ihahatid na kita." Sabi pa nito ng lapitan na namin ang kotse ko ng mapatunog iyon. "No need. I can manage." Sagot ko at bahagyan itong itinulak ngmapasandal ako sa sa pinto ng kotse ko. "Really? How? Hindi mo na nga kaya ang tumayo ng maayos." Hindi ko na ito sinagot. Kumilos ang kamay ko at kinuha ang CP sa bulsa ko. "Give me a ride." Iyon ang agad na sinabi ko kay Frances ng sagutin ang tawag ko. "Hey! Are you drunk? Where are you?" "Just a little. Mmm." Tumingala ako at tinignan ang pangalan ng club. Kahit malabo na iyon sa paningin ko ay nasabi ko parin naman ng tama ang pangalan kay Frances. "Okay! Hang on bro. Papunta na ako." Ng maibaba ko anh cellphone ko ay binalingan ko ang lalaki na nanatiling nakatayo sa harapan ko. "Thank you. This.." sabay abot dito ng ilang libong pera. "Salamat sa paghatid dito sa akin." "Yeah! Thank you." Walang pag aalinlangan kinuha sa akin ang pera. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang ilapit ang mukha sa tainga ko. "See you next time." Bulong nito. Nagulat pa ako ng bahagya nitong kagatin ang dulo ng tainga ko. Sisitahin ko sana ito ng mabilis itong lumayo sa akin. Isang ngisi ba ang nakita ko sa mga labi nito bago mabilis na tumalikod. Ikinaway pa ang ilang libong perang bigay ko. Napamura na lang ako ng mawala na ito sa paningin ko. Ang lakas naman ng loob ng isang iyon. Binigyan ko na nga ng pera may gana pa itong gawin iyon sa akin. Damn him. "Ugh!." Nasapo ko ang nuo ko ng makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Pinilit ang sarili na sumakay ng kotse para makapahrelax kahit papaano habang naghihintay ako kay Frances. Katok sa bintana ang nakapagpaangat sa pagkakasubsob ko sa manobela. "Hey! Bro." Ngumiti ako pero nakita ko ang pagkakakunot ng nuo nito. Napalingon pa ako ng makita kung sino ang nasi likod nito. "Hi, Lance. My twin always drag you anywhere." "Sinabi kasi niya na walang magmamaneho ng kotse mo pauwi kaya sumama na ako, sir." Sagot naman nito. Anak si Lance ni yaya Arlyn na naging matalik na kaibigan ng kambal ko. Malapit naman ako dito pero sadyang mas malapit lang ito kay Frances. At ayon kay papa.. Carrier din si Lance katulad ko. Pormal itong makipag-usap sa akin. "Yeah!." "Mag ingat ka sa pagmamaneho." Baling ni Frances dito. "Oo, ikaw din." Nauna ng sumakay si Lance sa kotse ni Frances bago naman ako balingan. "Move." Kumilos naman ako para lumipat sa kabila. Halos sumubsob pa ako ulit sa dashboard dahil muli akong nahilo. "Anong problema mo at naglasing ka? At dito sa night club pa talaga?" Paninirmon nito sa akin ng pausad na ang sinasakyan namin. Hindi ako sumagot. "Hayst." Narinig ko ang pabuntong hininga nito at hindi na din naman ako kinulit pang tanungin. Naturingan pa naman ako na sa aming dalawa na mas malawak ang aking pang unawa. Pero simula nga noong nalaman ko ang kalagayan ko ay nagbago na ang lahat. "Were here." Pinagbuksan ako ng pinto at umalalay sa akin sa pagbaba ng kotse. Dalawa na sila ni Lance na umalalay sa akin at inihatid ako mismo sa condo unit ko. Hindi ko na halos matandaan pa ang sumunod na mangyari. Dahil ng makahiga na ako ng kama ko ay mabilis akong ginupo ng antok at nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD