YAKAP-YAKAP ko ang aking mga paa habang nakayuko sa dalawa kong tuhod at nanginginig sa takot.
Mula rito sa loob ng aking maliit na kulungan ay rinig na rinig ko ang pagsigaw ng boses babae na kasalukuyang tinutorture sa kabilang kuwarto, napakalakas ng sigaw nakaka-trauma pakinggan.
Limang araw na ang lumipas mula nang dukutin ako ng mga lalaking naka van at ikinulong dito sa loob ng kulungan na ito na parang kulungan ng isang aso, hindi kayang tumayo dahil mauuntog ang ulo, kaya dapat nakaupo lang, at kung matulog ay nakasandal lang. Napakalansa rin ng loob ng bartolina na 'to, parang amoy kalawang dahil sa mga tuyo na dugo na nagkalat sa bawat pader at sahig.
Mula nang dumating ako rito ay para na ako naging baboy, naaamoy ko na ang sarili ko, napakadungis ko na rin, sa sobrang takot ko ay hindi ko na namalayan na nakaihi na ako, naihian ko na ang suot kong jogging pants na hindi pa rin napapalitan mula nang makidnap ako.
At hanggang ngayon ay parang hindi pa rin mawala-wala sa akin ang nakita kong bangkay ng kaibigan kong si Jerry kahapon na nakahiga sa ibabaw ng mahabang mesa at wala ng mga organs.
Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw, pero talagang natatakot ako. Takot na takot. Ayokong sapitin ko ang sinapit ni Jerry, dahil kahit naman walang nagmamahal sa akin ay mahal ko pa rin naman ang buhay ko.
Mula sa pagyuko sa dalawa kong tuhod ay bigla akong nabahala nang marinig ang mga papalapit na yapak, mukhang may paparating.
Mabilis akong humiga at nagpanggap na tulog. Ilang sandali pa ay huminto na ang mga yapak, hanggang sa narinig ko na ang tunog ng pagbukas ng pinto ng kulungan ko.
“Bumangon ka riyan at lumabas dito!” maawtoridad na utos sa akin ng boses lalaki.
Pero hindi ako gumalaw at nagkunwari pa ring tulog.
“Kapag hindi ka pa bumangon, malilintikan ka na sa amin!”
Natakot naman ako nang marinig ang pagbabanta ng lalaki. Kaya naman kahit ayaw ko ay napilitan pa rin akong bumangon at lumabas mula sa loob ng maliit kong kulungan. Pero paglabas ko ay bigla na lang sumalubong sa pisngi ko ang malakas na sampal ng isang lalaki. Sa sobrang lakas ng sampal ay halos namanhid ang mukha ko at namingi ang kabilang tainga ko.
“Kapag sinabihan ka ng isang beses, sumunod ka na agad! Bawal dito ang pabingi-bingi at matigas ang ulo!” wika ng lalaking sumampal sa akin at pinakaladkad na ako sa dalawa nitong kasama.
Dinala nila ako papasok sa loob ng isang room kung saan may mga babaeng nakatayo at nanginginig sa takot, tingin ko ay mga bihag din tulad ko. At pagkapasok namin sa loob ng room ay malakas akong itinulak ng dalawang lalaki na kinabagsak ko sa matigas na sahig.
“Narito na ba lahat ng mga bihag na babae?” tanong ng babaeng nakasuot ng red sexy dress na tingin ko'y nasa mid-40s na ang edad. May umuusok na sigarilyo itong hawak.
“Yes, Madam Leng, narito na lahat ng mga bihag nating babae,” sagot ng isa sa mga lalaking kumaladkad sa akin.
Napatango-tango naman ang babae at sinenyasan akong tumayo. Sa takot ko ay agad akong tumayo kahit na masakit ang balakang ko dahil sa malakas kong pagbagsak.
“Pumunta sa banda rito ang mga virgin pa, at tumayo naman doon sa kabila ang mga hindi na,” utos ng nagngangalang Madam Leng sa amin na may kasamang pagsenyas gamit ang kamay na may sigarilyong hawak.
“Bakit, anong gagawin niyo sa amin? Papatayin niyo rin ba kami? Kukunin ang mga laman-loob namin?” matapang na tanong ng isang babaeng gray ang kulay ng buhok na hanggang balikat.
Napangisi naman si Madam Leng, humithit muna ito ng sigarilyo bago ngumisi sa babae. “Hindi ko na kailangan pang sagutin 'yang tanong mo, malalaman niyo rin naman mamaya kung ano ang mangyayari sa inyo. Sige na, pumuwesto na kayo! Huwag na huwag kayong magtatangkang manlinlang dahil mapapahamak lang kayo!”
“Mayaman ang pamilya ko, tawagan niyo sila at humingi ng pera na kailangan niyo, basta ibalik niyo lang ako!” naiiyak na wika naman ng isang babaeng naka-white dress, mukhang mayaman base sa ayos at kutis.
Humakbang na si Madam Lim palapit dito, at pagkalapit ay muli itong humithit sa kanyang hawak na sigarilyo at binugahan ng usok sa mukha ang babaeng naka-white dress. “Mayaman nga ang pamilya mo, kaya lang isang police general naman ang ama mo.” Napasatsat ito at umiling-iling, pero nagulat na lang ako nang malakas nitong hinablot ang buhok ng babae. “Kaya huwag mo na akong utuin pa dahil bihag ka na namin! At hindi ka na makakabalik pa sa pamilya mo, depende kung ibabalik ka ng bibili sa 'yo!” Marahas na nitong binitiwan ang buhok ng babae at tiningnan kaming lahat. “Sige na! Pumuwesto na kayo kung ayaw niyong ipalatigo ko kayong lahat!”
Sa takot ko ay ako na ang naunang pumuwesto sa itinuto kung saan dapat tumayo ang mga virgin. At sa pagpuwesto ko ay agad namang sumunod sa akin ang ibang mga babae; pumuwesto naman sa kabila ang iba, sa puwesto ng mga hindi na virgin.
“Very good!” Pumalakpak na si Madam Leng bago sumenyas sa mga lalaking nakatayo. “Sige na, isakay niyo na sa sasakyan ang mga hindi na virgin at i-deliver niyo na sa ating mga client!”
“Yes, madam!” sagot ng mga lalaki na agad na nilagyan ng mga posas ang mga babaeng nasa mahigit sampo yata.”
“At kayo naman, sumunod kayo sa akin!” utos naman sa amin ni Madam Leng bago ito lumabas ng pinto. Napasunod na lang kaming apat dito.
Bawat madadaanan namin ay may mga lalaking armado. Pangisi-ngisi pa ang iba sa kanila at binigyan kami ng tingin na puno ng kamanyakan, talagang inilabas pa ang dila at pinalandas sa labi na akala mo'y nakakita ng masarap na putahe. Iniwas ko na lang ang tingin ko. Nanginginig pa rin ako sa takot.
Dinala kami ni Madam Leng sa loob ng isang lumang room na may mga gripo at timba, kumpleto rin sa mga gamit pampaligo.
“Sige na, maligo kayong apat. Linisan niyo ng mabuti ang mga sarili niyo para maging mabango kayo!”
Sa takot naming apat ay agad kaming sumunod sa utos nito. Mabilis kaming naligo gamit ang mga tubig sa timba; nang muling magsalita si Madam Leng.
“Mga tanga! Hubarin niyo 'yang mga suot ninyo para maalis ang mga dumi sa katawan niyo! Dahil oras na maamoy kong mabaho pa kayo pagkatapos niyo sa inyong pagligo riyan, makakatikim kayo ng maraming sapak sa akin at latigo!”
Mabilis naman naming hinubad ang aming mga suot bago muling pinagpatuloy ang pagligo.
Nang matapos sa pagligo ay isaisa pa kaming sininghot-singhot ni Madam Leng na para bang inaamoy kami kung mabango na, hanggang sa binigyan na kami nito ng tig-iisang tuwalya matapos kaming amuyin.
Paglabas sa paliguan ay dinala naman kami ni Madam Leng sa loob ng isang maaliwalas na kuwarto kung saan may mga iba't-ibang kulay ng two piece ang nakalatag sa ibabaw ng kama. Lumapit si Madam Leng sa kama at dinampot ang mga two piece, binigyan kami nito isaisa.
“Isuot niyo 'yan, dalian niyo at nang maayusan ko na kayo!”
Napalunok ako at napatingin sa kulay pulang two piece na binigay sa akin. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakapagsuot ng ganito, at hinding-hindi ko gugustuhin na magsuot ng ganito kalaswa na kasuotan.
“Ito lang ba ang isusuot namin? Wala bang iba?” tanong ng babaeng anak ng pulis na naka-white dress kanina.
“Tama, 'yan nga ang isusuot niyo para makaakit kayo ng mga lalaki mamaya, at nang sa gano'n ay mapakinabangan kayo.”
Hindi ko mapigilan ang mapalunok sa takot dahil sa narinig.
Pero nagulat na lang ako nang biglang itinapon ng babaeng anak ng pulis ang hawak nitong two piece papunta sa mukha ni Madam Leng.
“Ayoko maging pokpok! Isaksak mo na lang 'yan sa baga mo!”
Nanlaki naman ang mga mata ni Madam Leng sa galit, inis nitong inalis ang two piece sa mukha at inis na itinapon. Hanggang sa bigla na lang nitong sinampal ng malakas ang babae. Pero hindi ko inaasahan na lalaban ang babae; gumanti rin ito ng sampal.
“Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa gawin niyong pokpok! Mga hayop kayo!” nanggigil na sigaw ng babae at sinabunutan na ang kulot na buhok ni Madam Leng.
“Ah gano'n? Pwes pagbibigyan kita! Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo!” Malakas itong sinipa ni Madam Leng, tumama iyon sa pagitan ng mga hita ng babae.
Nanlaki ang mga mata ng babae at nabitiwan ang buhok ni Madam Leng, bigla itong namilipit sa sakit, hanggang sa hinablot na ni Madam Leng ang buhok nito at pinagsasampal na ang mukha.
“Boys! Come here!” malakas na pagtawag ni Madam Leng sa kanyang mga tauhan sa labas.
Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok ang mga lalaki.
“Yes, madam?”
“Itong babae, sa inyo na; pagsawaan niyo hangga't gusto niyo!”
Nang marinig iyon ng mga lalaki ay agad na nagsilakihan ang mga mata nito at nag-unahan na sa pagpasok; pinag-agawan na nila ang babae.
“No! Bitiwan niyo ako! Mga walanghiya kayo! Ipapakulong ko kayo! Nasisiguro kong papatayin kayo ni daddy oras na mahuli niya kayo!” Malakas na nagpumiglas ang babae, dahilan para mabaklas ang nakatapis nitong tuwalya at bumulaga ang hubad na katawan.
Para namang naging hayok ang mga lalaki na agad na nilamas ang hubad na katawan ng babae habang pilit na kinakaladkad.
“Amin ka na ngayon!” Humalakhak ang mga lalaki at kinaladkad na nito ang babae palabas ng room. Nasa mahigit sampo yata ang mga lalaki dahil nagsidatingan pa ang iba.
Para naman akong namutla at nanginig sa aking kinatatayuan, ganoon din ang dalawa ko pang kasama.
“Kayong tatlo! Bilisan niyo nang magbihis kung ayaw ninyong matulad sa kanya!” sigaw sa amin ni Madam Leng sa amin.
Sa takot naming tatlo ay mabilis kaming sumunod at isinuot nga ang two piece na binigay sa amin. Pero nang masuot ko ang akin ay muli kong tinapos ang tuwalya sa katawan ko; dahil sa totoo lang, napaka-revealing ng two piece, n****e at butas lang ng puwet ang kayang takpan dahil sa liit ng tila.
Pero nagulat na lang ako nang isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko at kasabay nito ang malakas na paghablot sa tapis kong tuwalya.
“Bawal ang paarte-arte!” sigaw sa akin ni Madam Leng matapos akong sampalin at alisan ng tuwalya.
Napayakap na lang ako sa aking sarili para takpan ang aking katawan. Hindi ako komportable, pakiramdam ko ay parang hubo't hubad pa rin ako kahit na sabihing may konting tilang nakatakip sa masisilan na bahagi ng aking katawan.
Matapos namin magbihis ay isa-isang nilagyan ni Madam Leng ng pulang lipstick ang aming mga labi, at nang matapos kaming lagyan ng lipstick ay ngumisi pa ito bago nilabas ang phone nito at may tinawagan. Ilang sandali pa ay nagsipasukan na ang tatlong lalaki na may dala-dalang mga kadena na may leather. Napaatras pa kaming tatlo nang magsilapitan ito sa amin. Pero wala na kaming nagawa nang lagyan na nito ng kadena ang aming mga paa, kamay, at pati na rin leeg. Ramdam kong hinipuan pa ako sa aking pang-upo ng lalaking naglagay sa akin ng kadena.
“Sayang, ang sarap mo sana,” nakakakilabot pa nitong bulong sa likod ng tainga at nakuha pang dilaan. Gusto kong mapaiyak sa sobrang takot pero kinagat ko na lang ang ibaba kong labi para pigilan ang pag-iyak ko.
Nang matapos kaming kadenahan ng mga lalaki ay isaisa pa kaming tiningnan ni Madam Leng nang nakangisi bago nito may tinawagan na naman sa kanyang phone.
“Hello, my lord, papunta na kami ngayon sa isla. Tatlo lang ang dala kong bihag dahil sila lang ang virgin sa lahat ng mga babaeng nahuli ng ating mga tauhan. Pero kung hindi pa ito sapat, sabihan ko na lang ang mga tauhan natin na manghuli pa.”
“No, wala na tayong oras pa, come here right now. Dalawang oras na lang at magsisimula na ang laro!” sagot ng malaking boses lalaki sa kabilang linya.
“Yes, my lord!”
Nang natapos ang tawagan ay lumapit si Madam Leng sa isang drawer at binuksan iyon, nilabas ang tatlong itim na tila bago sinenyasan na naman ang mga lalaki. Agad naman kinuha ng mga ito ang nila at muling lumapit sa amin, nilagyan ng piring ang mga mata naming tatlo.
“T-Teka, anong gagawin niyo sa amin?” nanginginig na tanong ng isang babae sa tabi ko na ngayo'y napaiyak na naman.
“Sa impyerno, doon namin kayo dadalhin. At doon niyo makikilala ang mga demonyo na magiging amo niyo!” halakhak na sagot ni Madam Leng at hinila na ang mga kadenang nakakabit sa aming mga katawan. “Tara na aking mga bihag! Bilisan niyo ang inyong lakad kung ayaw niyong malatigo!”