NAPAKAINGAY, nakakabingi ang malakas na sigawan, tila mayroon nagpapatayan, kaya lang hindi ko makita dahil bukod sa nakapiring na ang mga mata ko, ay nakatali pa ang mga kamay ko sa likuran ko na konektado sa kadena na nasa leeg ko. Pakiramdam ko ay mas malala pa ako sa isang hayop. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin pagkatapos ng sandaling ito, pero takot na takot ako.
Rinig na rinig ko ang pagdaing ng mga boses na tila nasasaktan at tunog na parang may nabaling buto. Hanggang sa muling lumakas ang sigawan ng maraming mga boses na tila nasisiyahan sa kung ano man ang kasalukuyang nangyayari.
Nasaan na ba ako? Anong klaseng lugar 'to? Bakit may nagsisigawan na parang may nagpapatayan? Kanina ay narinig ko ang malakas na anunsyo ng boses na tila nagmula sa isang speaker, English ang salita kaya hindi ko masyadong maintindihan pero parang may narinig akong binanggit na word ‘fighter’.
Gustong-gusto ko nang alisin ang blindfold sa mga mata ko para makita ko kung ano ang kaganapan, pero dahil nakakadena ang mga kamay sa likod ko ay hindi ko magawa.
“Huwag! Ayoko! Ayokong sumama sa inyo!” sigaw ng boses babae sa tabi ko na tila nagpumiglas dahil rinig ko ang kalansingan ng kadena.
“You are my slave now, b***h!” galit na wika ng boses lalaki, at kasunod nito ay narinig ko ang tunog ng malutong na sampal.
Pero mas nagulat ako nang bigla na lang may humablot ng blindfold ko. Bumungad sa akin ang lalaking hindi ko makita ang mukha dahil nakasuot ng nakamaskara, at para akong kinilabutan nang haplosin nito ang pisngi ko.
“Napakaganda mo,” sabi nito sa akin at kita ko ang pagdila mula sa butas ng suot na maskara nang mapunta ang tingin sa katawan ko.
“Baste, huwag 'yan, ayoko ng morena. Itong kunin natin, mas gusto ko ng kulay gatas!” wika ng isang lalaki na agad na kinaladkad ang isang maputing babaeng nakakadena rin tulad ko.
“Pero mas maganda ang isang 'to,” sagot naman ng lalaking nag-alis ng blindfold ko.
“Ganda lang ang meron diyan, pero mas masarap ang isang 'to, tingnan mo, dibdib pa lang tiba-tiba na tayo.”
“Oo nga, 'no. Oh siya sige, 'yan na lang. Sayang, dapat sana dalawang babae ang premyo natin,” reklamo ng lalaki at umalis na sa harap ko para sumunod sa kasama nito.
Para naman akong nakahinga ng maluwag. Pero nang mapatingin ako sa harap ko ay nagulat ako nang makita ang mga patay na katawan at mga dugo na nagkalat. Para akong namutla na hindi nakapagsalita, at nang mapatingin naman ako sa paligid ay napakaraming taong nakaupo sa kanilang komportableng upuan, at saka ko lang na-realize na nasa loob pala ako ng ring. Pero bakit ganito? Bakit lahat sila ay nakasuot ng maskara?
Pinanginigan na ako sa takot, parang naging blangko na ang isip ko. Kitang-kita ko ang pagbukas ng maliit na bilog na parang bakal na sahig ng ring, at may apat na lalaking naka-black suit ang pumasok, hinulog nila ang mga patay na katawan sa butas, at pagkatapos nu'n ay saka sila lumabas ng ring, at muli nang nagsara ang butas, pero may tubig naman ang biglang lumabas mula sa maliliit na butas ng bakal na sahig at nilinis nu'n ang napakaraming dugo hanggang sa walang natira.
Nang matapos malinis ang loob ng ring ay may malakas na speaker ang nag-anunsyo gamit ang boses ng robot.
“The next fighter is Hellish Men vs. The Joker Gang!”
Nagsipasukan na ang mga kalalakihan sa loob ng ring; unang pumasok ang mga anim na lalaking naka-costume ng joker at maskara, at kasunod nito ay pumasok naman ang limang lalaking naka-black suit at suot ang itim na maskara.
Sa pagpasok nilang lahat sa ring ay nagsigawan muli ang mga nanonood. Hanggang sa bigla na lang silang naglabanan. Natigalgal ako sa aking nasaksihan nang mabilis silang naglabanan at natalo ng mga naka-black suit ang naka-joker costume, mabilis itong nakorner at parang may mga hawak na dagger dahil pagkakorner sa leeg ng mga naka-joker na mask ay binutas ang tiyan at pinalabas ang laman loob; ang isang isang lalaki, pagkakuha sa large intestine ng naka-joker mask ay iyon ang ginamit na panakal sa leeg nito, at ang iba naman ay inalisan ng mga mata, pinag-aralan ang mga duguan na mukha nang bumagsak na. Parang pinaglaruan lang nila ang mga anim na naka-joker mask, kahit lima lang sila ay madali nilang natalo. Para silang mga demonyo na nag-e-enjoy sa pagpatay, at gano'n din ang mga audience na lumakas ang sigawan, tuwang-tuwa silang lahat sa kanilang napapanood.
Kung kanina puno ng dugo ang loob ng ring, mas malala ngayon, dahil parang bumaha na. Nakakakilabot tingnan, nakaka-trauma.
Nang matapos ang laban ay may boses robot na naman ang nag-anunsyo ng winner, walang iba kundi ang Hellish Men na mga lalaking naka-suit.
Tatlo na lang kaming mga babae ang natira na nakakadena sa loob ng ring. Pagkatapos ng announcement ay pinagdadampot na kami ng mga lalaking nanalo at kinaladkad na palabas ng ring. Hindi ako nagpumiglas dahil sa sobrang takot, pero 'yung isang babae ay nagpumiglas ito at nagsisigaw, kaya naman malakas itong sinampal ng lalaking may hawak dito; nawalan ng malay ang babae.
“Ibibigay ko na lang ang isang 'to sa mga tauhan natin,” wika ng lalaking sumampal sa babae na agad naman sinang-ayunan ng mga kasama nito.
Nanginginig na ang katawan ko sa takot, pero pinilit kong huwag umiyak, gano'n din ang isa pang babae, kitang-kita ko ang takot sa mukha nito habang kinakaladkad katulad ko.
Nakalabas kami ng Isla, hanggang sa nakaladkad kami sa pier ng Isla at isinakay sa isang super yacht na nakadaong.
“Welcome back, boss!” masiglang wika ng mga maraming kalalakihan sa loob ng yacht pagkapasok namin.
“Heto sa inyo na, pagsaluhan niyo,” wika ng lalaking nakamaskara at binigay sa mga tauhan nito ang walang malay na babae.
“Yon oh! Yahoo! Maraming salamat, boss!” tuwang-tuwa na sigaw ng mga kalalakihan at mabilis na dinala ang walang malay na babae sa kung saang sulok ng yate.
Kinaladkad naman ako ng lalaking may hawak sa akin paakyat ng hagdan ng yate, ganoon din ang isa pang babae na nag-umpisa nang magpumiglas.
“Anong gagawin niyo sa amin?” naiiyak na tanong ng babae.
“What do you think? Kung sa tingin mo anong magiging pakinabang mo, pwes 'yun ang gagawin namin sa 'yo, b***h! Ang dami mong tanong!” iritadong sagot ng lalaking may hawak dito at imbes na sa braso hawakan ay hinablot na lang nito sa buhok ang babae at kinaladkad na pataas na parang isang hayop.
Kaya naman ang balak kong pagtanong din sana ay hindi ko na tinuloy pa, basta tanging pagyugyog na lang ng katawan ko ang aking nagawa dahil sa pagpigil ko ng pag-iyak.
Pagdating sa rooftop ng yate ay malakas akong itinulak ng lalaki, kaya bumagsak ako sa sahig, gano'n din ang kasama kong babae, nagkabanggaan pa ang katawan namin dalawa.
Isa-isa nang naghubad ang limang mga lalaki, at pati ang kanilang mga maskara ay hinubad na. Pero hindi ko na nabigyan pa ng atensyon ang kanilang mga mukha dahil naka-focus na ako sa kanilang paghuhubad; nanginig na ako sa labis na takot at kumawala na ang paghikbi. Alam ko na kung ano ang kasunod nilang gagawin.
Napaatras ako kahit nakaposas.
Hanggang sa lumapit ang isang lalaki sa babae kong kasama at marahas itong pinadapa bago pinunit ang maliit na tila nitong suot.
Hanggang sa nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ginawa ng lalaki sa babae.
“Ahh!” ungol ng babae na parang hindi naman nasaktan kundi nasarapan.
Pero agad na napahinto ang lalaki na tila hindi makapaniwala, hanggang sa mabilis nitong binunot ang kanyang p*********i mula sa babae at biglang napatayo.
At nagulat na lang ako nang bigla na lang napasigaw ang babae nang malakas itong hablotin ng lalaki sa buhok nito na kinatingala nito.
“You disgusting b***h! How dare you fool us!” galit na wika ng lalaki at malakas na sinampal sa pisngi ang babae.
Napahiga naman ang babae sa sahig dahil sa malakas na sampal at napaiyak ito.
“What's the matter, Tred?” tanong ng isang lalaki na kasalukuyan pang naghuhubad.
“This b***h is not a virgin!” galit na sagot ng lalaking Tred ang pangalan. “Tawagan niyo ang RG! This is unfair para magbigay ng maruming babae!” wika pa nito sa apat na kasama bago muling dinampot ang babae sa buhok at sinampal muli ng malakas.
Hanggang sa lumapit naman ang isang lalaki na wala nang suot na pang-itaas at biglang sinapok ng malakas ang babae sa ulo.
“Hey, Tred and Aze, hayaan niyo na 'yan. Ibigay na lang natin sa ating mga tauhan,” wika ng isang lalaking nakatayo kasama ng dalawa pa.
“No, Drew, pinainit na ng b***h na 'to ang ulo ko! Alam mong ayoko sa mga maruruming babae! Kaya kailangan niyang pagbayaran ang panloloko sa akin!” sagot ni Tred at inapakan na sa paa ang babae, gano'n din ang isa pa na tinawag na Axe, inapakan naman ang isang paa ng babae na puno ng panggigigil.
“Huwag! Maawa kayo, huwag niyo akong sasaktan! Parang awa niyo na!” nanginginig sa takot na pagmamakaawa ng babae habang umiiyak sa sakit.
Pero mas lalong nagalit ang lalaking si Tred at Aze, dahil mas lalong pinagsisipa na ng malakas ang babae na akala mo'y isa lang itong walang kwentang bagay na kailangan nang sirain.
“Tapusin na nga natin 'yan, let me help you, dude. Ayoko rin sa mga maruruming babae! Mamaya may virus pa 'yan!” wika ng isa pang lalaking blonde hair at may pagkakulot ang buhok. Pagkalapit nito sa babae ay bigla na lang itong sinikmuraan sa tiyan.
Namilipit sa sobrang sakit ang babae. Hanggang sa pinagtulungan na itong bugbugin ng tatlong lalaki; pinagsasampal, pinaghihila ang buhok at pinagsisipa ng malakas. Hanggang sa dumura na ng dugo ang babae at hindi na maimulat pa ng mabuti ang mga mata, parang hindi na ito makagalaw pa gawa ng bugbog sarado na.
Natulala ako sa nasaksihan, parang sandaling namanhid ang aking isipan at buong katawan. Mas lalo akong nanginig sa labis na takot, hanggang sa sobrang takot ko ay hindi ko na napigilan ang maihi sa suot kong panty.
Natauhan lang ako mula sa aking pagkatulala nang maramdaman na may tumabi sa akin, at nang mapatingin ako sa harap ko ay nakahinto na pala sa harap ko ang dalawang lalaki na pareho walang damit na pang-itaas, ang isa ay tanging itim na boxer na lang ang suot, habang ang isa ay naka-slacks pa.
“M-Maawa po kayo, huwag niyo akong sasaktan,” nanginginig kong usal habang nakaupo pa rin sa sahig, hanggang sa napaatras na ako sa aking hulihan gamit ang aking mga nakatukod na braso.
Napangisi ang dalawang lalaki sa akin, 'yung klase ng ngisi na nakakatakot.
Panay pa rin ang atras ko at marahan na pagsunod naman sa akin ng dalawang lalaki. Hanggang sa wala na na akong maatrasan pa dahil tumama na ang likod ko sa railings ng yate.
“Are you still a virgin?” tanong sa akin ng lalaking naka-boxer.
Singbilis ng kidlat na agad naman akong tumango. “O-Opo, birhen pa ako.”
Pumantay naman sa akin ang nakasuot ng slacks na lalaki at pinasadahan ng tingin ang katawan ko, hanggang sa huminto ang tingin sa basa kong panty. Pansin ko ang pagkunot ng noo nito at nag-angat na ng tingin sa akin.
“Did you just pee in your panty?” hindi makapaniwala nitong wika sa akin.
Marahas akong umiling dahil sa takot. “H-Hindi po, pasensya na, hindi ko sinasadya,” sagot ko sa nanginginig na boses at naiiyak na; hanggang sa aksidente akong napatingin muli sa tatlong lalaki, at nagulat ako nang makitang binuhat na nilang tatlo ang duguan na babae na wala nang buhay at malakas na nila itong inihagis sa dagat.
Nahigit ko ang aking paghinga sa gulat at mas lalo akong namutla sa takot.
“What a bad smell,” wika ng isa sa dalawang lalaking nasa harapan ko na kinabalik ko ng tingin dito.
“You disgusting, isa ka pa!”
Napasigaw na lang ako nang malakas na hinablot ng lalaking naka-boxer ang buhok ko at kinaladkad na ako.
“Huwag! Huwag! Bitiwan mo ako! Maawa ka! Bitiwan mo ako!” Nagsisigaw na ako at nagwala na. Pero dalawa magkasunod na sampal ang nagpatigil sa akin.
“Manahimik ka kung ayaw mong mamatay!” sigaw sa akin ng lalaki at muli akong kinaladkad sa buhok paalis ng rooftop. Napasunod naman ang apat nitong kasama, hanggang sa hinawakan ng dalawa pang lalaki ang magkabila kong braso at kinaladkad na nila akong tatlo habang umiiyak at nanginginig sa takot.