ARESTADO

2001 Words

NAGISING ako, umaga na, maliwanag na sa loob ng kuwarto dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa salaming bintana. Marahan na akong bumangon, pero nang mapatingin ako sa may bintana ay agad akong napahinto nang makita si Aze na nakatayo at naninigarilyo habang tahimik na nakatanaw sa labas, tila ba malalim ang iniisip. Parang gusto ko lang mahiga ulit at magpanggap na lang na tulog pa. Pero nang akmang mahihiga na ako muli ay parang bigla na lang may humalungkat sa sikmura ko, bigla akong nakaramdam ng pagkaduwal. Napatakip na ako sa aking bibig at dali-daling bumaba ng kama. Pero pagtayo ko ng mga paa ko ay tila ito nawalan ng lakas kung kaya muntik na akong bumagsak, mabuti na lang ay may mabilis na braso ang humapit sa baywang ko. Pag-angat ko ng tingin ay agad na nagtama ang mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD