Dumating kami ni Drew sa ospital. “Doc, kanina pa naghihintay sa inyo ang pasyente! Akala namin hindi ka na darating, kaya sinimulan na ni Dr. Joel ang operasyon!” wika ng isang babaeng nurse pagkakita kay Drew. “What? At bakit mo hinayaan! That's my patient! Ako lang dapat ang mag-opera sa kanya!” galit namang sagot ni Drew na agad na nagmamadali pumasok sa isang room. Napasunod naman ako. Pero pagkapasok sa room ay mabilis na naghugas si Drew ng kanyang mga kamay, at nang matapos maghugas ay dali-dali ding lumabas. Tamang sunod lang ako. Hanggang sa may sumalubong sa kanya na dalawang babaeng nurse; agad siyang sinuotan ng lab gown ng isa, at sinuotan naman ng gloves ang kanyang mga kamay, nilagyan din siya ng isang nurse ng surgical mask. “Anong oras sila nagsimula? Kanina pa ba?”
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books