Pagkalapit ni Aze ay agad nitong itinutok ang baril sa dibdib ni Nick at idiniin pa ang dulo sa kung saan banda ang puso nito. “Ano, Nick, tataniman na ba natin ng bala ang dibdib mo?” Napalunok naman ako sa sinabi nito at bahagya akong napaatras sa takot. Parang gusto ko na lang tumakbo palayo para tumakas kung puwede lang sana, pero alam kong mas lalo akong mapapahamak kung tatakbo ako sa ganitong sitwasyon. Baka mamaya pagtakbo ko ay barilin na lang ako bigla, siguradong mamatay ako. “Bakit, ano bang halaga sa 'yo ni Hazel para taniman mo ng bala ang dibdib ko?” kalmadong sagot ni Nick na tila balewala lang ang nakatutok na baril sa dibdib. Umigting naman ang panga ni Aze at mas lalong idiniin ang dulo ng baril nito. “She's my woman, Nicolo. Alam mong sa lahat ng pinakaayaw ko... ay