KAHIT anong pagmamakaawa ko kay Drew na isama na lang ako sa kanya, hindi pa rin ako nito pinakinggan at iniwan pa rin ako.
Dalawang araw naman akong nanatili sa loob ng kuwarto na pinagdalhan sa akin ni Drew, kahit papaano ay napahinga ko ang aking lamog na katawan, humilom ang mga sugat at pasa na natamo ko. Hindi ako lumabas sa kuwarto dahil sa takot na makita ko pa muli si Tred. Tiniis kong mag-isa sa loob at tubig lang sa bathroom ang ininom ko para pantawid gutom. Pero makalipas ang dalawang araw ay may pumasok sa kuwarto, hindi si Tred or Drew, kundi isa sa kanilang kasamahan, 'yung Aze naman ang pangalan. May hinanap ito sa kuwarto, nagtago naman ako sa ilalim ng kama, pero dahil may hinahanap ito ay nakita ako nang sumilip. At nang makita ako ay agad akong kiladkad palabas. Nanginig ako at agad na nagmakaawa na huwag niya akong sasaktan. Hindi naman ako nito sinaktan, bagkus ay tinanong ako kung bakit ako nasa kuwartong 'yun. Sinabi ko ang totoo, at tinanong ulit ako nito kung gusto ko bang mananatili na lang sa loob ng kuwarto o sasama sa kanya. Dahil sa takot ko na mabalikan ni Tred ay pinili kong sumama.
Sa isang linggo kong pananatili sa mansyon ni Aze ay naging miserable pa rin naman ang bawat araw at gabi ko, dahil tuwing gusto nito ay ginagamit pa rin ako sa kama, at hindi ako puwedeng tumanggi dahil ayokong magalit ito sa akin at pagmalupitan ako lalo. Pero para sa akin ay ayos na, may bayolente naman itong ginagawa sa akin pero hindi naman malala katulad ng kung anong ginagawa sa akin ni Tred. At hindi na rin masama dahil pagkatapos ako nitong gamitin ay pinapakain ako ng masasarap na pagkain at nakakatulog ako sa malambot na higaan. Kaya hindi na rin masama para sa akin. Puwede ko nang pagtiisan, at least, alam ko na magiging safe ako basta sumunod lang ako sa kanyang gusto; ang gamitin ang katawan ko kapag gusto niya. Sa madaling salita, alipin niya ako sa kama.
Ngayon ay kasalukuyan kaming nagbe-breakfast dito sa labas ng malaking mansyon ni Aze, nasa swimming pool area kami. Dalawa lang kami ni Aze na kumakain pero napapaligiran naman kami ng kanyang mga armadong tauhan.
“Boss, narito na lahat ng pera na pinagbentahan ng droga sa Malaysia sa loob ng isang linggo,” wika ng isang tauhan ni Aze na bagong dating at inilapag ang dala nitong dalawang suitcase sa ibabaw ng table.
Sinenyasan naman ni Aze ang kanyang isang tauhan, at agad naman nitong na-gets; lumapit ito at binuksan ang suitcase na naglalaman ng maraming pera. Nang mabuksan ay in-scan na nito gamit ang isang itim na bagay na naglalabas ng kulay pulang lazer, tingin ko ay tiningnan kung peke ba ang pera o totoo.
“Good job, Waren, talagang maaasahan ka. Ngayon gusto kong sabihan mo ang mga tauhan natin na umalis na muna ng Malaysia. Palipatin mo sila sa China at doon magbenta ng two weeks bago lumipat ng Brazil.”
“Copy, boss!” sagot ng lalaki at umalis na ito.
Dumating naman ang tumatakbong katulong na may dalang telepono.
“Sir, tumatawag po ang inyong ama, gusto raw kayong kausapin,” mahinahon na wika ng katulong pagkalapit at inabot kay Aze ang telepono. Agad naman nitong kinuha.
“Yes, Dad? Casino?” Isang marahan na pagtawa ang pinakawalan ni Aze habang nakikipag-usap sa ama nitong nasa kabilang linya. “Don't worry, Dad, ako na ang bahala. Hindi ko maipapangako na matatalo ko ang Mr. Haruko na 'yan, pero nasisiguro kong gagawin ko ang aking makakaya para malibang siya at magtagal pa sa ating casino.”
Matapos makipag-usap ni Aze sa ama nito ay ibinalik na sa katulong ang telepono at napunta na sa akin ang atensyon, pinagmasdan na ako nito.
Ibinaba ko naman ang tingin sa plato ko at hindi mapigilan ang kabahan.
“Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo... na kapag tinitingnan kita, gusto kong tingnan mo rin ako, huwag mong iiwas ang tingin mo sa akin,” maawtoridad nitong wika sa akin dahil sa pag-iwas ko.
Napalunok ako at walang nagawa kundi mag-angat muli ng tingin.
Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Aze dahil sa pagsunod ko. “Gaano ka kasuwerte, aking Hazel?” tanong nito sa akin.
“Huh?” Napalunok na ako. “M-Malas po ako, sir,” mahina kong sagot.
Isang marahan na pagtawa naman ang pinakawalan ni Aze. “Orlando, ipatawag mo ang stylist mamaya. Gusto ko na ang lucky charm ko ang pinakamaganda mamaya sa lahat ng mga babaeng nasa casino na 'yun.”
“Yes, boss!” agad na sagot ng isang lalaking nakatayo sa may likuran nito.
Ngumisi na sa akin si Aze at binigyan ako ng kakaibang tingin. “Aalis ako ngayon at mamaya pa ang balik ko sa alas otso. Pero gusto ko pagbalik ko ay nakahanda ka na, magpaayos ka sa tylist na darating. Naiintindihan mo ba?”
Agad naman akong tumango. “N-Naintindihan ko po, sir.”
“Good. 'Yan ang gusto ko sa 'yo, madaling makaintindi sa mga gusto ko.” Tumayo na ito at lumapit sa akin. “I'll be right back.” Hinalikan pa ako nito sa pisngi bago umalis kasama ng kanyang mga armadong tauhan.
Naiwan naman akong mag-isa sa may swimming pool area kasama ang dalawang katulong na nakatayo lang, naghihintay na matapos ako. Agad ko na rin tinapos ang almusal ko, pero nang matapos ay naisip kong maligo na lang sa swimming pool.
Hinubad ko ang suot ko at tanging two piece lang ang tinira sa aking katawan. Hindi naman ako marunong lumangoy kaya tamang lublob lang ako sa tubig at hawak sa bakal na hawakan ng swimming pool.
Kahit papaano ay parang nagkaroon ng konting saya at kaginhawahan sa dibdib ko dahil sa paglublob ko sa tubig. Nakakarelax. Buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan maligo sa isang ganitong kalaking swimming pool, dahil nga anak mahirap lang naman ako at ulila pa, sa maliit na kubo lang din nakatira.
Pero sa aking pagsasaya sa tubig ay nang may bigla na lang lumapit na dalawang katulong na mas matanda lang yata sa akin ng konti. Agad itong humalukipkip sa tabi ng swimming pool, sa mismong harap ko at binigyan ako ng masamang tingin.
“Hoy, ikaw, halika nga rito. May sasabihin kami sa 'yo!” agad na utos sa akin ng isa. Pareho na silang nakangisi, 'yung klase ng ngisi na para bang may binabalak gawin.
Umahon naman ako. “Ano 'yung sasabihin niyo sa akin?” nagtatakang tanong ko nang makaahon.
Pero bigla na lang akong dinuro ng malakas sa dibdib ng isang katulong. “Ang kapal din ng mukha mong maging feeling reyna rito sa mansyon ni Sir Aze! Parausan ka lang naman! Pokpok!”
Dinuro na rin ako ng isa. “Isa ka lang puta! Kaya matuto kang lumugar sa mansyon na ito dahil pare-pareho rin tayong alipin ni Sir Aze, sa kama ka nga lang!”
Napaatras naman ako. “M-Mali ang pagkakaintindi niyo, h-hindi naman ako nagrereyna-reynahan dito—”
“Shut up, b***h!” Bigla na lang nila akong itinulak nang sabay na siyang kinilaki ng mga mata ko sa gulat at biglang kinasinghap.
Hindi ko na nabalanse pa ang katawan ko at malakas na akong bumagsak sa ilalim ng swimming pool. Sinubukan ko pang igalaw ang mga paa at braso ko, pero dahil hindi naman ako marunong lumangoy ay hindi ko magawang umahon kahit anong galaw ko. Hanggang sa unti-unti na akong nanghina at nubusan na ng hangin, saka ko lang naramdaman ang biglang pagyapos ng isang braso sa baywang ko at hinila na ako paahon mula sa ilalim ng tubig.
Ubong-ubo naman ako nang makaahon at agad na napahilamos sa aking mukha para makahinga ng maayos. Pero pagmulat ko ay siyang pagkagulat ko nang bumungad sa akin ang mukha ng isa sa mga lalaking lumapastangan sa akin sa yate, walang iba kundi 'yung nagngangalang Nick.
Parang bigla akong namutla sa takot. Nagtama ang mga mata namin nito at napatitig ito sa akin, hanggang sa unti-unti nang kumunot ang noo.
“You look familiar. Have we met before?” tanong nito habang nakatitig pa rin sa buong mukha ko.
“P-Pasensya na po, sir, h-hindi po ako nakakaintindi ng english,” sagot ko nang pautal-utal dahil sa panginginig.
“Tinatanong ko kung nagkita na ba tayo dati? Napakapamilyar kasi ng mukha mo sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita.”
Napalunok ako at iniwas na ang aking tingin.
Ibig sabihin ba nito ay hindi ako maalala ng lalaking 'to? Siguro ay dahil marami na silang nabiktima kaya nakalimutan na nila ang mga itsura ng mga nilapastangan nila.
“K-Kailangan ko na pong umahon, sir,” mahina kong usal habang nakapulupot pa rin sa leeg nito ang isa kong braso. Hindi ako puwedeng bumitaw para umahon mag-isa dahil nasa kalagitnaan kami ng swimming pool at hindi ko naman kaya lumangoy papunta sa gilid para makaahon.
Hindi ako nito sinagot, pero ramdam kong pinagmasdan ang mukha ko habang ang mga braso nito ay nakapulupot sa baywang ko sa ilalim ng tubig.
Natakot na ako na baka makilala ako nito at kung ano pa ang gawin sa akin.
“Are you Aze's girlfriend?”
“H-Hindi po, sir…”
“Then why are you here in his mansion?”
Nanginig na ako sa mga tanong nito. Hanggang sa isang malakas na boses ang narinig ko.
“Ma'am Hazel!”
Nang mapatingin ako ay 'yung matandang mayodorma ang tumakbo papalapit.
“Naku, ma'am, ayos ka lang ba?”
“M-Manang…”
Wala nang nagawa si Nick kundi dalhin ako sa gilid ng pool, at tinulungan naman ako ng mayodorma na makaahon.
“Salamat po sa pagtulong niyo, Sir Nick,” pagpapasalamat ng matanda sa lalaki at mabilis na ako nitong binalot ng tuwalya bago niyaya nang umalis ng swimming pool.
Hindi na ako lumingon pa at sumunod na lang sa katulong paakyat sa kuwarto ko.
“Ayos ka lang ba, ma'am? Narinig kong nagtatawanan sina Minerva at Alyza dahil sa pagkahulog mo sa swimming pool, kaya dali-dali akong pumunta dahil naalala kong sinabi mo nung isang araw na hindi ka marunong lumangoy. Mabuti na lang ay dumating pala si Sir Nick at niligtas ka,” wika ng matandang mayodorma pagdating namin ng kuwarto ko na katabi lang ng kwarto ni Aze.
“S-Salamata po, manang.”
“Oh siya, magbihis ka na roon. Hayaan mo, isusumbong ko ang dalawang 'yun mamaya kay Sir Aze. Siguradong malalagot 'yun.”
Tumango na lang ako at dali-dali nang pumasok ng room ko. Para akong nakahinga ng maluwag nang makapasok, ni-lock ko agad ang pinto. Natatakot ako na baka bigla akong akyatin ng lalaking Nick na 'yun kapag naalala nito na ako ang babaeng napanalunan nila sa larong 'yun at nilapastangan sa taas ng yate.
Naligo na lang ako sa loob ng shower room ko at nagbihis pagkatapos. Hindi na ako lumabas pa ng kuwarto ko. Pero makalipas ang ilang oras ay kumatok ang mayodorma at may dalang pagkain para pananghalian ko.
“Sabayan mo na lang po akong kumain, manang. Hati na lang po tayo rito sa pagkain.”
Napatawa ang matanda sa sinabi ko at naupo sa gilid ng kama. “Naku, kumain ka lang, ma'am. Busog na busog pa ako, huwag mo akong alalahanin.”
Tipid akong ngumiti at inumpisahan nang kumain. “Salamat po talaga rito sa pagkain, manang. Pasensya na po kung kinailangan niyo pa akong ipagdala rito sa kuwarto ko.”
“Walang ano man, ma'am. Tungkulin kong magsilbi rito sa mansyon ni Sir Aze. At huwag kang mag-alala, pinagsabihan ko na rin ang dalawang 'yun sa pagtulak sa 'yo sa swimming pool. Mabuti na lang talaga ay niligtas ka ni attorney.”
Napatigil ako sa pagngiwa ng pagkain at muling napatingin sa matanda. “S-Sino pong attorney, manang?”
“Si Attorney Nicolo Gomez, 'yung lalaking tumulong sa 'yo kanina, ma'am.”
“Isa po siyang attorney?” Literal na nagulat ako.
“Oo, attorney siya ni Sir Aze, at judge ang kanyang ama. Bale attorney siya ni sir pero matalik silang magkaibigan kasama ang anak ni Mayor at anak nina General.”
Natigilan ako at hindi mapigilan ang mapahigpit ang hawak sa tinidor.
“Ibig sabihin po ay marami rin kaibigan si Sir Aze?” muling tanong ko para makakakuha ng ilang impormasyon.
“Oo, medyo marami naman, pero madalas pumunta rito ay 'yung apat. Kilalang-kilala ko na sila; si Sir Cloud isang pulis, siya ang anak ng heneral ng kapulisan. Si Sir Nick, anak ng isang judge. Si Sir Aze ay anak ng negosyante na nagmamay-ari ng malaking pasugalan dito sa bansa. Ang anak ng mayor ay si Sir Drew na isa namang doktor. Meron pang isa, si Sir Tred, ang balita ko ay anak ng isang Mafia Boss naman ang isang 'yun.”
Para akong muling nanginig sa mga narinig. Kaya naman pala napakagago nilang lima dahil mga anak pala sila ng mga makapangyarihang tao, kaya kahit anong gawin nilang krimen ay alam nilang hindi sila mapaparusahan. Ibig sabihin lang nito ay kahit makatakas ako at magsumbong sa mga pulis ay baka mapahamak lang ako lalo.
Matapos akong kumain ay lumabas na rin ang mayodorma dala ang pinagkainan ko. Muli ko na lang ni-lock ang pinto.
Dumating ang hapon mga bandang alas singko ay may dumating na dalawang babaeng make-up artist at stylist. Inayusan nila akong dalawa katulad ng utos sa kanila ni Aze. Matapos akong ayusan ay umalis din agad ang mga ito.
Ngayon ay nakaupo lang sa aking kama at nakatingin sa reflection ko sa salamin. Hindi ko halos makilala ang sarili ko dahil ibang-iba ako nang maayusan. Suot ko ang red evening dress na may slit sa hita at hapit na hapit sa aking baywang, labas din ng konti ang cleavage ko. Napaka-elegante kong tingnan, sa suot ko ngayon ay masasabi kong nagmistula akong isang kagalang-galang na tao. Parang hindi ako, malayo sa akin ang mukha ko ngayon, nakakapanibago.
Nang marinig ko ang tunog ng pagdating ng sasakyan ay tumayo na ako at sumilip sa labas. Nakita ko ang paghinto ng isang black limousine sa baba.
Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pagkatok ng mayodorma sa pinto.
“Ma'am, nariyan na si Sir Aze, aalis na raw kayo!”
Kaya naman wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto.
“Wow, ang ganda mo naman, ma'am!” mangha na wika ng matandang mayodorma pagkakita sa akin, tila hindi makapaniwala ang mukha nito na saglit pang napanganga ang bibig. Pero agad na nagkaroon ng pag-aalala nang makita ang ekspresyon ng mukha ko. “Oh, bakit parang nakasimangot ka? Ayos ka lang ba?”
“K-Kasi po, manang, hindi po ako sanay magsuot ng may takong. Pakiramdam ko po kasi ay ano mang sandali maaaring madadapa po ako.”
Napatingin naman ang matanda sa bandang paa ko, sa suot kong high heels.
“Ay naku, ma'am, huwag kang mag-alala. Aalalayan na lang kitang bumaba. Halika rito.”
Kaya naman napakapit na lang ako sa braso nito habang pababa kami ng mataas na stairs.
“Ang ganda-ganda niyo po talaga, ma'am. Sigurado ako kung saan man kayo mapunta ngayon ni Sir Aze ay mapapalingon sa 'yo lahat ng taong madadaanan niyo.”
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Ang totoo ay kinakabahan ako at natatakot dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Aze, pero tingin ko ay sa casino base sa narinig ko kanina sa kausap nito sa telepono.
Marahan lang ang bawat hakbang ko sa pagbaba ko ng hagdan habang nakakapit sa braso ng mayodorma. Pero kung kailan ilan palapag na lang pababa ay siya namang paghinto ko nang makita kung sino ang tatlong lalaking nakaupo sa couch; si Aze, Nick at 'yung isang nagngangalang Cloud. At lahat sila ay nakatingala sa akin.
Para akong kinain na naman ulit ng takot. Ni hindi ko na maihakbang pa ang mga paa ko dahil parang bumigat na. Parang gusto ko na lang tumakbo pabalik sa kuwarto at mag-lock ng pinto.
Pero nang hindi na ako makaalis sa palapag ng hagdan ay namalayan ko na lang ang pag-akyat ni Aze at ang paglahad ng kamay nito sa akin pagkahinto sa harap ko.
“You're so beautiful tonight. Shall we go, my beautiful lucky charm?”