May panginginig kong tinanggap ang nakalahad na kamay ni Aze at sumunod na ako rito pababa ng hagdan. Pero sa pagbaba namin ay siyang pagtayo naman ng dalawang lalaking nakaupo sa couch habang ang tingin ay hindi pa rin inaalis sa akin. “Who is she, Aze?” tanong ni Cloud matapos ako nitong pasadahan ng tingin at parang napalunok pa dahil pansin kong gumalaw ang adam's apple nito. “She's my lucky charm,” sagot ni Aze at huminto na kami sa harap nilang dalawa. “She looks familiar. Nagkita na ba tayo dati, miss?” muling tanong ni Cloud sa akin at bahagya nang kumunot ang noo habang pinagmamasdan ang mukha ko, tila ba nagtataka. Ngunit hindi ako sumagot, bagkus ay mabilis kong iniwas ang tingin ko, itinuon ko sa baba at hindi ko mapigilan ang mapalunok sa sobrang kaba. Hanggang sa nagsalit