NAGISING akong mag-isa sa kama, kumikirot ang ulo, at pagkabangon ko ay diretso ako agad napatakbo sa loob ng bathroom at sumuka nang sumuka. Nahapo pa ako matapos sumuka at napatitig na lang sa sarili ko sa salamin. Nang maalala ang mga pinagsasabi ko kagabi ay bigla na lang nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod na napalunok. Tila bigla akong kinabahan at kinain na naman ng takot. Paniguradong nagalit na naman sila sa akin dahil ang sasama ng mga salita na lumabas mula sa bibig ko. “P-Paparusahan nila kaya ako?” hindi ko mapigilang tanong sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Ilang sandali pa akong nagpalakad-lakad sa loob ng bathroom bago ko napagpasyahan nang maligo na lang muna. Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng isang simpleng floral dress na sleeveless at hangga