Chapter 2

1861 Words
“GIVE me your slippers,” utos sa akin ni Daxton. Nakapiring pa rin ang mga mata ko at nakahawak ito sa aking baywang upang alalayan ako. Nagtataka man ay ibinigay ko na lamang sa kaniya ang pares ng tsinelas ko. Patuloy kaming naglalakad habang nakaalalay siya sa akin. Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang malamig na alon na humahampas sa aking mga paa. “What are we doing here, Daxton?” puno ng pagtataka kong tanong. “Ngayon pa lang sinasabihan na kita na itigil mo iyang kapilyuhan mo!” banta ko sa kaniya. “Shh! Trust me, Letizia,” ani niya habang patuloy pa rin akong inaalalayan patungo sa malalim na parte ng dagat. Noong nasa bandang tuhod ko na ang tubig ay nagulat ako nang buhatin ako na parang pangkasal ni Daxton at dahilan para mahampas ko ang matigas na dibdib nito. “Ano ka ba! Baka mamaya ay parte na naman ito ng kalokohan mo at bigla mo akong bitawan!” suspetsiya ko sa kaniya. “I said trust me, Letizia. Gusto mo bang mabasa ang dress mo?” tanong nito na nagpatahimik na lang sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang kumapit na lang sa leeg niya. “Good girl,” bulong nito at nagpatuloy na sa paglalakad. Isinampa ako ni Daxton sa hindi ko malaman kung ano. Naramdaman ko rin ang pagsampa niya nang bahagyang umalog ang kinatatayuan ko. “We’re here. Are you ready?” malumanay na tanong nito na tila hinehele ako ng kaniyang tinig. Napakagat ako ng labi dahil sa epekto ni Daxton sa sistema ko. Halos lumabas na sa dibdib ang puso ko dahil sa pagkabog nito. “Mm-hmm,” tugon ko kasabay ng pagtango ng ulo ko. Dahan-dahang inalis ni Daxton ang panyo na nakatakip sa aking mga mata. Nang masanay ako sa liwanag ay bumungad sa akin ang isang malawak na yate. Nalaglag ang panga ko dahil sa pagkamangha. Nilingon ko si Daxton at nahuli ko itong nakangiti at nakatitig lamang sa akin. “Surprise! You like it?” tanong niya sa akin at inakbayan ako. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa main deck. “It’s for me to know and for you to find out,” ganti ko sa kaniya at sabay labas ng dila para asarin pa ito lalo. Umiiling-iling itong umirap sa akin habang ngumingisi. “Are you hungry?” tanong nito. Pumunta ito sa harap ko at naglakad patalikod, tila hinaharangan ang puwede kong makita sa harapan. Tumango-tango ako na parang bata. “How about breakfast on my yacht?” tanong niyang muli kasabay ng pag-alis niya sa harapan ko. Bumungad sa akin ang open deck pool na may floating breakfast. “Sounds good?” dugtong pa nito. “Daxton, this is too much!” ani ko na hindi makapaniwala. “I like it! I like it so much!” masayang sabi ko kasabay ng pagyakap sa kanya. Agad naman akong napabitaw ng yakap dito na tila napaso sa bisig nito. “Nakatsansing ka, ah. Hmp!” pagmamaldita ko. “Seems like it,” tugon nito na may ngisi sa labi, “tara na. Gutom na rin ako,” aya nito sa akin. Nang umandar na ang yate ay tinanggal na ni Daxton ang butones ng kaniyang polo at naunang lumusong sa pool. Napaiwas ako ng tingin nang bigla muli siyang humarap sa direksyon ko, iniiwasang mahuli na nakatitig ako sa malapad na likod nito. Hinubad ko na rin ang bestidang suot ko. Tanging kulay puting pangloob ko na lamang ang naiiwang saplot sa katawan ko. Hindi ko maiwasang mailang sa titig ni Daxton, kaya’t nang mapansin nito na hindi ako gumagalaw sa posisyon ko ay niyaya na ako nito. “Come on, Letizia. Breakfast is waiting!” hikayat nito. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa direksiyon ni Daxton at dali-daling lumublob sa tubig. “Careful. Matatalsikan ang pagkain natin,” ani niya. “Hindi mo ako masisisi. Nahihiya ako,” pabulong kong sabi. “What do you mean? Your body is perfect, Letizia,” pagpapalakas nito sa loob ko. “Palibhasa kasi ay sanay na sanay kang nakakakita ng katawan ng iba’t ibang babae,” pagsusungit ko. Lumayo ako ng bahagya at umupo sa kabilang dulo ng pool. “Ayan ka nanaman, Letizia. Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka na ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko?” pag-aalo nito sa akin. “Ikaw ang pinili ko at ikaw ang nililigawan ko. I don’t care about the other girls,” dagdag pa niya gamit ang mapanuyong tinig. “Ikaw naman, masyado kang seryoso. Binibiro lang kita!” tugon ko at itinatago ang kilig na nararamdaman. Marahan akong lumangoy patungo sa direksyon ni Daxton at umahon sa harap niya. Ipinulupot ko ang mga kamay sa leeg niya at mabilis na hinalikan ang pisngi niya. “Let’s eat!” pagyaya ko sabay bitaw sa kaniya at humarap sa floating breakfast na nasa gilid namin. “What was that for, huh?” tukso nito sa akin habang pinipindot-pindot ang tagiliran ko. “Thank you kiss,” inosente kong sagot. Kumuha ako ng ubas mula sa floating breakfast at isinubo ito sa kaniya. “Eat,” ani ko sabay matamis na ngumiti. Nagsimula na kaming kumain dahil sa sobrang gutom. Nakahain sa harap namin ang dalawang egg benedict, ham, sausage, soup, at garlic rice. Mayroon ding mga tinapay tulad ng croissant at toasted bread. Iba’t ibang prutas tulad ng pakwan, pinya, ubas at saging. Mayroon ding dalawang klase ng inumin, ang isa ay cucumber juice at ang isa naman ay orange juice. Kahit madaming pagkain ang nakahain sa harap namin ay maganda ang presentasyon nito at hindi magulong tingnan. Dahil dito ay lalo kaming ginutom at mas naparami pa ang kain. Hindi ko malaman kung ano ang uunahin na pagtuunan ng pansin. Ang napakagandang tanawin ba o ang masasarap na pagkaing nakahain? Kasalukuyan kong nililinga-linga ang ulo ko nang may kutsarang tumapat sa bibig ko. “Say ah,” utos ni Daxton na balak akong subuan. Salubong ang kilay kong tinanggap ang pagsubo nito ng pagkain sa akin. “I’m not a child, Daxton!” reklamo ko. “Just enjoy the view. I’ll feed you,” ani niya, “and by the way, you did the same thing with the grapes a while ago,” pagpapaalala ni Daxton sa pagsubo ko ng grapes sa kaniya. Nang mabusog ako ay hindi pa ako nakuntento at kumuha ng saging. Binalatan ko ito at isinubo nang bigla akong tawagin ni Daxton. “Letizia,” tawag ni Daxton sa akin. “Hmm?” tugon ko nang lingunin ko ito. Subo ko pa rin ang saging na binalatan ko kanina. Napalunok si Daxton at hindi agad makapagsalita. Nang makabawi ito ay inagaw nito sa akin ang saging. “Eat this watermelon instead. It’s healthier,” utos nito at inilagay sa kamay ko ang pakwan na hindi makatingin sa akin. “What? Gusto ko iyang saging!” reklamo ko. “God! This woman is so naive!” bulalas nito. “Here,” inabot nito sa akin ang saging at tumalikod sa akin sabay luminga-linga sa paligid. “Don’t mind me. Just enjoying the view,” depensa nito habang nakatalikod pa rin sa direksyon ko. Nagkibit-balikat na lang ako at muling kumain. Nang huminto ang yate sa malalim na parte ng dagat ay naisipan naming tumalon. Naglaro pa kami ng paunahan--- kung saan lumangoy kami palayo sa yate at paunahan kaming makabalik. Paminsan ay umaakto itong pating at hinahabol pa ako. Hindi ganoon kalakas ang alon kaya naman na-enjoy namang dalawa ang paglangoy. Nang malingat akong sandali ay hindi ko na makita si Daxton na kanina lang ay nasa tabi ko. Nagtampo pa ako rito dahil buong akala ko ay nauna na itong bumalik sa yate. Ngunit nang hanapin ko siya sa yate ay wala ni isang bakas niya kaya’t kumabog ang dibdib ko. Paulit-ulit kong isinigaw ang pangalan niya ngunit walang sumasagot. Hindi na napigilang tumulo ng mga luha ko nang sumagi sa isip ko na baka nalunod ito. Dali-dali akong tumalon pabalik sa dagat at lumangoy pailalim para hanapin si Daxton. Ngunit napaahon din ako agad nang pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga. “Daxton!” sigaw ko habang tumutulo ang mga luha ko. “Daxton, nasaan ka ba?! Nag-aalala na ako sayo!” sigaw ko bago sumisid muli. Napakalakas na ng hagulgol ko nang lumipas ang sampung minuto at wala pa akong nakikitang Daxton. Babalik na sana ako ng yate para humingi ng tulong ngunit biglang may yumakap sa akin patalikod at ginulat ako. “Boo!” paggulat ni Daxton sa akin. “You’re such a crybaby,” biro pa nito. Hinarap ko siya at pinagsusuntok ang dibdib nito. “Loko-loko ka talaga. Akala mo ba natutuwa ako sa mga biro mo, ha?!” pahagulgol kong sigaw. “Akala ko mawawala ka na sa akin. Akala ko wala nang susundo sa akin sa mansiyon tuwing umaga!” ingit ko, “sino na lang ang maglilibot sa akin sa isla sakay ng kabayo, ha? Sinanay mo ako kaya hindi ka puwedeng mawala!” dugtong ko pa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko para pigilan ito sa pagsuntok. Isinandal niya ang mukha ko sa dibdib niya at pinapatahan ako. “I’m sorry, okay? Hindi na mauulit at hindi ako mawawala,” pag-alo nito sa akin. “Stop crying and don’t punch me, again. Gusto mo bang malunod tayo?” ani niya. Doon ko lang napansin na nakasandal na pala ako sa likod ng yate. Nasa gitna ako ng dalawang kamay ni Daxton na nakakapit sa yate upang hindi kami lumubog sa tubig. Hindi rin nagtagal ay nahimasmasan na ako kaya’t hinarap ko siya at tumingin sa mga mata niya. Nakakapit ang dalawang kamay ko sa leeg niya. “Itigil mo na ang panliligaw mo sa akin, Daxton,” seryosong sabi ko sa kaniya. “Wait, why? Is it because of what I did a while ago?” naguguluhan niyang tanong. “Look, Letizia. I’m sorry. Promise, I will not do it again. Please, just give me a chance,” pagsusumamo nito at nagpipigil ng mga luha. “Itigil mo na ang panliligaw mo sa akin,” panimula kong sabi. “Itigil mo na ang panliligaw mo sa akin dahil sinasagot na kita, Daxton,” sambit ko habang nakatingin sa mga mata niya. Dahil sa nangyari ay napagtanto ko na hindi ko na kayang mawala pa sa akin ang lalaking nasa harap ko ngayon. Ang kaninang luha na pinipigilan ni Daxton ay tuluyang tumulo. “Tama ba ang narinig ko?” paninigurado nito na sinagot ko ng tango. “Yes! I love you, Letizia. I really do!” napasigaw ito sa galak at niyakap ang isang kamay sa akin dahil ang isa pa ay nakakapit pa rin sa yate upang hindi kami lumubog sa tubig. “Pero hindi ako titigil sa panliligaw, Letizia,” seryosong sambit ni Daxton na nagpakunot sa noo ko. “What do you mean?” inosenteng tanong ko. “Dahil kahit sinagot mo na ako ay araw-araw pa rin kitang liligawan, Letizia,” sagot nito bago tuluyang sakupin nito ng halik ang aking mga labi.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD