bc

Touch of Vengeance (R-18)

book_age18+
124
FOLLOW
1K
READ
adventure
revenge
powerful
confident
billionairess
twisted
mystery
city
betrayal
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

This story is participating in Yugto Writing Contest - Ang Paghihigante ng Babaeng Sawi

[FILIPINO NOVEL]

[ON-GOING]

Letizia Escareal was perplexed when the kidnappers asked her what she did to make her boyfriend, Daxton Fabellon, pay them to kill her. She realized they were telling the truth when Daxton called to confirm if she was already dead. Letizia offered the kidnappers a double p*****t in exchange for her freedom. They also gave her the evidence that would put Daxton in prison because Letizia would hide for a few years.

After five years of hiding in Manila, she thought her peaceful life would last until she saw the man she despised in a coffee shop. When their gazes locked, the man ignored her. Letizia’s suspicion that Daxton would never recognize her was right since her appearance had changed dramatically in the last five years.

As a result, Letizia has decided to begin her plan of vengeance against Daxton, who now goes by the name Dwight Fabellon. She will crush him and guarantee that he’ll never recover.

chap-preview
Free preview
Prologue
NAGISING ako nang may tumapik sa mukha ko. Bumungad sa akin ang isang lalaki na nakaupo sa aking harapan. Nakasuot ito ng itim na mask at iwinawagayway sa mukha ko ang baril na hawak nito. Nagpumiglas ako ngunit masyadong mahigpit ang lubid na nakapulupot sa buong katawan ko. Hinawakan ako ng dalawang lalaki upang tumigil ako sa pagpiglas. Sa sobrang pagpupumilit ko na makawala sa lubid ay gumigewang ang de-motor na bangka na sinasakyan namin. Susubukan ko pa sanang sumigaw ngunit napagtanto ko na wala ring silbi iyon. Bukod sa nasa kalagitnaan kami ng karagatan ay nakatakip din ng panyo ang bibig ko, kaya’t wala akong ibang ginawa kung hindi manahimik at maghintay. “Miss, matanong nga kita. Ano ba kasing nagawa mo sa nobyo mo para ipadakip at ipapatay ka sa amin?” seryosong tanong nito habang nakatingin sa mga mata ko at naghihintay ng sagot. Napakunot ang noo ko at tila hindi ma-i-proseso ng utak ko ang narinig. “Sumagot ka! Baka maawa pa ako sa iyo at papuslitin kita. Hindi lang kasi kami makapaniwala dahil saksi ang mga residente ng isla sa pagmamahalan niyong dalawa. Mukha naman kayong masaya. Bakit kayo humantong sa ganito?” dugtong pa ng lalaking nakaupo sa harap ko. “Boss, iyong panyo sa bibig,” sabat ng isang payat na lalaking may hawak sa akin, “tanggalin ko po ba?” tanong nito sa lalaking kaharap namin. Mabilisan itong tumango upang bigyan ng permisyon ang payat na lalaki upang tanggalin ang panyo na nakatakip sa bibig ko. “Sinungaling!” sigaw ko rito. “Ano ba ang gusto niyo at kailangan niyo pa akong dakpin? Idadamay niyo pa si Daxton sa kasamaan niyo!” angil ko. “Sino pa ba sa tingin mo ang gagawa sa iyo nito?” tanong nito habang inaangat ang baba ko gamit ang nguso ng baril na hawak nito. Dahil sa galit ay dinuraan ko ang lalaki. “Aba’y gago ito, ah!” pasigaw nitong sambit habang ikinakasa ang baril na hawak niya. Handa na akong saluhin ang putok ng baril nang mapatigil ang lalaki dahil sa pagtunog ng kanyang telepono. Tiningnan nito kung sino ang tumatawag at bago pa man niya sagutin ito ay nilingon muna niya ako. “Kung gusto mo na kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi namin o hindi ay manahimik ka at makinig nang mabuti,” aniya at ‘saka lamang sinagot ang tawag at pinindot ang loudspeaker. “What? Have you finished your job? Patay na ba ang pesteng Letizia na iyon?!” tanong ng lalaking nasa kabilang linya na dahilan ng pagpantig ng aking tainga at pagguho ng aking mundo. “Opo, boss. Naitapon na po namin sa dagat,” pagsisinungaling ng lalaki habang nakatingin sa mga mata ko na dahilan ng aking labis na pagkagulat at pagtataka. "What a bunch of scumbags! What if her body floats?! Didn't I tell you to get rid of her without leaving a trace?” bulalas ni Daxton na bago lamang sa pandinig ko. Ni minsan ay hindi ko narinig ang mahal kong si Daxton sa ganitong tinig. Unti-unti ay naging malinaw sa akin ang mga nangyayari. Tila lahat ng tubig sa aking katawan ay nailabas na ng mga namumugto kong mga mata. Kasabay ng pagkatuyo ng pisngi ko ay ang pagsibol ng estrangherong emosyon sa aking dibdib--- emosyon na hindi kayang pahupain ng kahit na anong bagay. Matinding pagkamuhi ang tanging emosyon na malinaw sa akin sa mga oras na ito. Ang simpleng paghihiganti lamang ay hindi kayang pahupain ang pagpupuyos ko. “Sa oras na lumutang ang bangkay ni Letizia ay ako mismo ang maghahatid sa inyo sa kanya-kanya ninyong hukay!” pagbabanta ni Daxton sa lalaking nasa harap ko. Matapos bitawan ang mga linyang iyon ay pinatay na nito ang tawag. “Gago rin talaga itong Fabellon na ito, ano? Ang lakas ng loob magbanta. Hindi nga niya madispatsiya ang babaeng ito, kami pa kaya?” ani nito kasabay ng kanyang paghalakhak na mas malakas pa kaysa sa motor ng bangka. Hinarap ako muli ng lalaki. Tinapik-tapik nito ang pisngi ko na agad ko namang iniwas sa kanya. “Naniniwala ka na ba ngayon, Letizia?” tanong nito sa akin, “anong pakiramdam na ang taong mahal mo ay nais kang ipapatay?” panunuya pa nito. “Magkano ba?” tanong ko gamit ang malamig kong tinig. “Do-doblehin ko,” alok ko habang patuloy muling pumapatak ang mga traydor na luha kong akala ko ay nailuha ko na kanina. “Kapag tinanggap namin ang alok mo. Makasisiguro ba kami na hindi mo kami ipapahanap, Letizia?” tanong nito na may halong pagdududa, “tingin mo ba ay basta lamang kaming magtitiwala sa iyo?” dugtong pa niya. “Parang awa niyo na. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakikitang bumagsak ang lalaking iyon! Kung aayon kayo sa gusto ko at hindi ninyo ako sasaktan ay wala akong rason para idamay kayo. Maniwala kayo sa akin,” pangungumbinsi ko. Walang bakas ng kasinungalingan na makikita sa aking mukha. “Alam mo masuwerte ka at buhay ka pa ngayon, Letizia. Tama nga ang kutob ko na mapapakinabangan kita. Hindi ko na masikmura ang ugali ng Daxton na iyon kaya’t papayag ako sa gusto mong mangyari,” ani niya na dahilan kung bakit ako nagkaroon ng bagong pag-asa. “Ngunit sa isang kondisyon.” “Kahit anong kondisyon ay wala akong pakialam. Gagawin ko iyon sa abot ng makakaya ko!” pangungumbinsi ko pa sa mga ito. “Lumayo ka sa isla at magtago ng ilang taon hanggang sa makaalis kami sa lugar na ito. Kung mangangako ka na gagawin mo iyon ay papalayain kita at ibibigay ko sa iyo lahat ng ebidensiya na makakapagpakulong sa Daxton na iyon. Alam ko ang ugali ng gagong iyon, Letizia. Oras na malaman niyang buhay ka ay lahat kaming nandito ngayon ay ipapapatay niya at kasama na doon ang pamilya namin,” paliwanag nito sa kondisyon na nais niya. “Alam kong sugal itong pagkakasundo ko sa iyo. Ngunit kung layunin mong pabagsakin ang gagong Fabellon na iyon ay itataya ko na pati pato,” ani niya na nakikipagkasundo sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.9K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

His Obsession

read
92.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook