Nevermind
Colton Jace:
im here
Napasilip ako sa bintana nang mabasa ang mensahe. Nakita kong nakasandal si Sir Colton sa sasakyan at nakatingin sa cellphone.
"Nasa labas na si Sir?" tanong ni Rafa habang pinupusod ang buhok.
Tumango ako bago siya muling nagsalita. "Sya nga pala, di na ko sasabay sa inyo ngayon may dadaanan pa kasi ko eh." sabi nya.
Halos isang linggo na itong ginagawa ni Sir Colton. Sinusundo ako at hinahatid. Madalas din siyang magtext at magbigay ng kung anu-ano.
Ganito pala ang panliligaw. Naramdaman kong uminit ang pisngi.
Sabay kaming lumabas ni Rafa at binati niya muna si Sir bago nagpaalam na rin.
"Hey.." ngiti niya nang kaming dalawa na lang ang maiwan.
Pagpasok namin sa loob ng sasakyan, as usual ay may kinuha na naman siya sa likod.
Inabot niya sakin ang paper bag na may lamang almusal, pandalawang tao iyon gaya ng madalas dahil dinadamay niya rin sana si Rafa.
"Eat."
"Ikaw?" tanong ko.
He eyed me with a curve on his lips. "I'm done."
Dati ay sanay akong nagkakape bago umalis sa dorm pero simula nang gawin niya ito ay di na ko kumakain nang kahit ano dahil hindi naman sya pumapayag na hindi ko kinakain ang dala niya.
Sinabihan ko siya na hindi niya naman kailangan gawin 'to pero ayaw nyang magpapigil.
"Here." napatingin ako nang may inabot pa siya.
Taka kong kinuha 'yon at sinilip ang laman. Ang nasa loob ay mga vitamins, ilang meds, at body patches.
Inangat ko ang tingin sa kanya.
"You've been working non-stop so I thought you'd be needing those.." sabi niya atsaka nagsimula na rin paandarin ang sasakyan.
Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. I smiled inwardly. Hindi ko maiwasang titigan siya nang matagal.
"Stop staring." he said like a shy boy.
Natawa ko. "Your ears are turning red." I blurted.
I can't believe that it even turned darker because of what I've said.
"You're teasing me." inis na sabi niya.
Napuno ng halakhak ko ang sasakyan.
Damn when did I even learn to laugh this hard?
After a while, I saw him suppressing a smile too.
Nagpaalam na ko at palabas na sasakyan nang magsalita siya.
"Nayeli.." I turned to him.
"Hmm?"
It was as if he's going to say something but decided not to.
He eventually shook his head.
"Nothing. Please take care."
Bahagyang tumaas ang kilay ko pero tumango at ngumiti rin.
Sa presidential suites ako na-assign ngayon kaya talagang nakakapagod.
"Nari, gusto raw makita ng head at ng ibang staff yung napractice nyo. Mamaya raw, ok lang ba?" tanong ng isang katrabaho namin.
Nagulat ako. "Ha? Pano yun may duty pa sa clubhouse?"
"Excuse na raw kayo ni Kier. Mga 5pm pa naman daw sila manonood."
sabi nito.
Tumango ako at naisip na kailangan naming gamitin ni Kier ang nalalabing oras sa pag-eensayo at paglilinis ng performance para hindi naman nakakahiya.
Interpretative dance ang napili naming gawin ni Kier at simula nang buohin namin ito ay pinagamit na sa amin ang staff room bilang practice area.
Naabutan ko siya dun na sineset-up na ang music at mukang naabisuhan na rin ng tungkol sa mangyayari mamaya.
Binati ko siya at tinanguan niya naman ako.
Sa ilang araw na nakakasama ko si Kier ay narealize ko na hindi talaga siya palangiti. Kaya ang simpleng pag-acknowledge nya sakin at pag-tango ay malaking bagay na.
Bago kami magsimula ay sinaksak ko ang charger ng cellphone ko dahil deadbatt na.
Nagsimula na kaming mag-practice. Ang balak namin ay pareho kaming nakaputing damit sa araw ng performance. Intimate ang tema ng sayaw.
Tanda ko pa nung una kung gaano ko kahiyang-hiya at naiiilang.
Pero tuwing sinasabi ni Kier na, "Gawin na lang natin para matapos na.." ay tila nawawala ang inhibitions ko at nagpapadala na lang sa saliw ng tugtugin.
"Teka.." medyo hinihingal na tumigil ako sa pang-apat na rehearse namin.
"Yung sa ganto.." sabi ko at gumalaw sa harap niya para ipakita ang tinutukoy na step.
"Parang nahihirapan tayo i-synchronize yung katawan natin.." sabi ko habang nag-iisip.
"Siguro mas okay kung gagawin nating ganito na lang." sabi ko at sumayaw ulit sa harap niya para ipakita.
Late ko na narealize na baka mukha akong tanga sa ginagawa ko.
Napanganga na lamang ako nang biglang may sumilay na ngisi sa mukha ni Kier.
Ngumisi. si. Kier.
Take note, hindi ngiti kundi ngisi. Yung parang nang-aasar.
Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.
"Kung panget wag na. Hindi naman kita pinipilit." napatuwid ako ng tayo at umiwas ng tingin.
"Subukan natin. Mukang maganda naman." hindi ko na tinignan ang ekspresyon ng mukha nya dahil nahihiya pa rin.
Inabot kami ng hanggang alas-kwatro y medya sa pagfa-finalize ng steps bago napagdesisyonang magpahinga saglit.
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang head kasama ang ilan pang staff para manood.
Kabadong kabado na ko habang nakatayo sa tabi ni Kier at hinihintay na ma-ready ang music.
First time kong gagawin to na may nanonood at hindi ko maiwasang isipin kung anong iisipin ng iba.
Baka magkamali ako.
Baka makalimutan ko yung steps.
Baka pagtawanan lang nila ko.
Nakarinig ako ng buntong-hininga. "Magaling kang sumayaw, Nari... Wala kang dapat ipag-alala." sabi ni Kier at agad na tumalikod.
Nakangangang sinundan ko ng tingin ang likod niyang naglalakad na patungo sa gitna.
Pagkarating nya dun ay saka humarap. Bumaling siya sakin at tinaasan ako ng kilay.
Huminga ako nang malalim at saka lumapit na rin.
Kung magaling na si Kier tuwing practice, masasabi kong performance level talaga siya ngayon.
Sa bawat pag-alon nang magkadikit naming katawan ay tila talagang mararamdaman mo ang mensahe ng kanta.
Pati ang mga ekspresyon na nakikita ko sa kanya tuwing magkakatitigan kami habang sumasayaw ay nagpapadala ng libu-libong emosyon.
Ang galing niya. Sa ipinakita niya ay mas ginanahan lang akong gawin din ang lahat ng aking makakaya.
Sa dulong bahagi ay pinaglapit namin ang aming mga mukha hanggang sa magdikit ang noo gaya ng nasa plano. Parehong mabilis ang paghinga namin dahil sa hingal.
Nang marinig ang palakpakan ay humiwalay kami sa isa't isa.
Biglang nahagip ng mata ko si Sir Colton sa may pinto ng staff room na may hindi mabasang ekspresyon ang mukha.
Nang magtama ang tingin namin ay kumurap siya at agad na tumalikod bago naglakad paalis.
Aktong tatawagin ko siya nang magsalita ang head ng team.
"Grabe ang chemistry! Ang galing niyo!"
Nagpaulan pa ng mga positibong kumento ang iba at nagpapasalamat naman kami.
Nang magpaalam na sila ay kinuha ko na rin ang cellphone para buhayin ito.
Nagulat ako nang makitang may mga texts pala roon si Sir Colton.
Colton Jace:
hey im thinking, do u have time later
Colton Jace:
are u free
Colton Jace:
u see, it's actually my birthday today
Colton Jace:
im hoping i can spend my day w u
Colton Jace:
where r u? you're not at the clubhouse
Colton Jace:
ure not replying
Colton Jace:
whats wrong
Colton Jace:
Nayeli im worried sick
Parang may kumukurot sa puso ko dahil sa mga nabasa nang makita ang kakapasok lang na mensahe.
Colton Jace:
nvm my texts. didnt know u already have things to do with ur crush
Akala ko'y dun na ito matatapos nang tumunog ulit ito,
Colton Jace:
just pls be safe on ur way home.
Shit.