Kisses
Halos hindi ako pinatulog ng kakaisip kay Sir Colton at sa malungkot niyang mga mata. Ang kakaibang ekspresyon nya bago tumalikod at umalis ay bumagabag sa akin.
Sinubukan ko siyang i-text pero hindi na siya nagreply. Gusto ko pa sana siyang tawagan pero wala naman akong pantawag. Nagu-guilty ako lalo na pag naiisip na birthday niya pala kahapon.
"Nagkita ba kayo ni Sir Colton kahapon?" ani Rafa.
Napabuntong-hininga ako, Tumingin siya sa akin nang nagtataka. "Antagal nun nakatambay sa clubhouse kahapon eh. Hindi ko naman alam na nagpa-practice pala kayo ni Kier kaya hindi ko sya nasagot kung nasan ka. Inaalok nga ng mga crew na kumain pero ayaw. Tingin ko hinihintay ka." kibit-balikat niya.
Halos malunod na ko sa guilt dahil sa mga dagdag impormasyon na sinabi ni Rafa.
Kahit half-day lang ngayon dahil foundation day celebration na bukas ay pre-occupied pa rin ako habang nagtatrabaho.
Hanggang sa pagbabalik ng mga cleaning materials ay tulala ako.
Na-distract ako nang marinig ang matinis na boses ni Jen habang nagkukwento sa kaibigan niya.
"Sa room ni Sir Colton ako na-assign!! Kaso mukang syang may sakit nung nakita ko." simangot niya.
Napaawang ang labi ko sa narinig at napapikit nang mariin saka nabuo ang desisyon na puntahan siya.
Libre naman ako para sa hapong ito dahil napagsang-ayunan na namin ni Kier na wag nang mag rehearse ngayon para maconserve ang energy para bukas.
Panay ang buga ko ng hangin habang nasa elevator at iniisip ang reaksyon nya pagnakita ako. Nang nasa labas na ng unit niya ay ilang beses ko pang itinaas baba ang kamay bago nagkalakas loob na kumatok.
Matagal bago bumukas ang pinto at bumungad sakin ang Sir Colton na walang damit pang-itaas. Naka-itim na jogging pants lamang ito at lantad ang upper body. Magulo ang buhok, malamlam ang mga mata at bahagyang namumula ang ilong.
Bakas ang gulat sa mukha niya nang makita ako ngunit nang makabawi ay iniwas niya ang tingin at nagsalubong ang kilay.
"What are you doing here?" paos na sabi niya bago tumalikod at iniwang bukas ang pinto.
Naglakad siya papasok at nanatili akong nakatayo sa labas nang ilang saglit bago nagdesisyong sumunod sa kanya sa loob.
Nakatihayang humiga na siya sa kama nang magsalita ako.
"Narinig kong may sakit ka.. I'm worried-"
"Tss just say you pity my loner ass and go." bulong niya
"What?" tanong ko.
Tumagilid siya ng higa at ngayo'y nakatalikod na sakin.
"Wala. I said you don't have to be here just because you pity me."
Napamaang ako. "I never said that. I said I'm worried about you."
"Why would you be? I'm not your crush. I'm no one to you." nagulat ako sa pait ng tono ng boses niya.
Umayos ako ng tayo. "What's with you and this whole crush thing? Ano bang alam mo sa kung sinong crush ko?"
Napabangon siya at ngayo'y nakaupo na sa kama.
"Oh I know Nayeli. I know you're smitten with that Kier guy." mapag-akusang sabi niya.
"What? No! Hindi si Kier ang crush ko."
Umirap siya. "So now you're saying that there are other guys too? Tell me Nayeli, sino pa?" mariing tanong niya at tinignan ako nang masama.
Umiling ako. "Hindi ko nga crush si Kier." I said ang paused. "Ikaw. Ikaw lang ang crush ko."
Nakita ko ang gulat na rumehistro sa muka nya dahil sa sinabi ko.
Namula ang tainga niya at pairap siyang umiwas ng tingin bago muling tumalikod ng higa sa kama.
"Stop fooling me. I saw the way you and that guy look at each other yesterday." paos pa rin ang boses niya.
Lumipat ako sa kabilang side ng kama para mahuli ang tingin niya.
"What about it? Why are you mad about it?" takang tanong ko.
"Well if it isn't obvious yet Ms. Nayeli Reese, I'm jealous, alright?" he blurted out at nakita kong gumapang ang pamumula hanggang sa leeg niya.
Kumunot ang noo koo. "Jealous? What's jealous?" takang tanong ko.
Nakita kong napapikit siya nang mariin. "Damn it's so hard to fall in love with you.." problemadong bulong niya.
Napaawang ang labi ko sa bagong salitang narinig sa kanya. "H-huh?"
"Nevermind. Just ask Rafa about it."
Nang maramdamang medyo masama pa rin ang loob niya ay umupo ako para magtapat ang muka namin. "Part lang naman ng performance yung mga titigan namin.." marahang sabi ko thinking that it has to be stated.
"You didn't even tell me about that whole pageant thing.." nagtatampong bulong niya.
I heaved a sigh. "I'm sorry.. I just thought that it wasn't that relevant for you to know.."
He looked me in the eye and I can feel him slowly softening.
"Uminom ko na ba ng gamot?"
"I did." he said with a sigh.
I put may palm on his forehead. He slightly flinched.
"You still have a fever though.." I said.
"Ibang gamot ata ang kailangan ko."
I raised my brow from what he said, wondering what he meant by that.
"I think you have to take away the pain with your magical kisses."
Nanlaki ang mata ko at namula. "What?! But... base from your reaction the last time...akala ko mali iyon..." I said still full of confusion.
He avoided my gaze. "Well.. it's not entirely wrong. I think it's quite effective as long as it's consensual.." he said while his face is turning pink.
Napalunook ako. "S-saan ba masakit?" I asked, still not sure whether I'm doing the right thing.
He turned his eyes on me and I don't know if it's just my imagination or he's really suppressing a smile.
"Here." sabi niya sabay turo sa may noo.
With heated cheeks, I slowly pulled my face closer and let my lips land on his forehead.
I moved back and saw him biting his lip.
"Dito rin." sabi niya sabay turo sa pisngi.
My brows furrowed, "What? Why would your cheeks hurt? Niloloko mo lang ata ako eh!"
He sported a pitiful look. "Okay then. Titiisin ko na lang." sabi niya with full intension of making me feel guilty.
"Fine."
He eyed me with amusement.
I placed another kiss, now on his cheeks. If my lips are warm, then his skin is definitely warmer.
Oddly, the atmosphere suddenly turned hot.
He showed another pained expression. "Aray. Dito pa." mariin siyang pumikit while pointing at the side of his lips.
I looked suspiciously at him. He slightly open one of his eyes to peak a look at me ngunit agad pumikit and groaned as if he's in pain.
I sighed and slowly leaned forward to make my lips touch the side of his lips.
I can feel the fast beating of my heart when I pulled away.
His eyes are still closed but his lips are now curving into a sweet smile.
"Damn, ang sarap namang magkasakit.." he said with such a hoarse voice.