Chapter 12

916 Words
Buong pangalan "Yung artista ba yun?" Mabilis akong napalingon ng makarinig ng bulong sa kung saan. Pagtingin ko sa kaharap ay wala lang siyang reaksyon doon. "Shit." pagpa-panic ko. Nasa madilim na parte naman kami kaya hinila ko na lang siya patalikod para maiwala namin sila. "Where's your car?" tanong ko habang hinihila pa rin siya. Tamad na tamad ang mga hakbang niya. "I don't care. Let them see us." aniya at umirap pa. "Colton!" hindi ko alam pero kusa iyong lumabas sa bibig ko. Sa immature na lagay niya ngayon ay parang hindi ko siya matawag na Sir. Parang bata. Sa kabila ng dilim ay nakita kong nanlaki ang mata niya at napalunok. Kalaunan ay naglakad na rin sya patungo sa sasakyan niya. Sumakay at nanatili lang kami roon para maging ligtas mula sa mata ng iba. Nakasandal ang ulo niya sa upuan at ang kamay ay nakahawak sa manibela. "I'll drive you back to your dorm." sabi niya kalaunan na nagpagulat sakin. "No! Hindi pwede." sabi ko agad. "Hindi pa tapos ang duty ko." Umikot na naman ang mata niya. "And what if those bastards try to do something stupid again?"  Tila hindi mapanatag ang pagkakasabi niya rito. Sandali akong nag-isip ng masasabi na makakapagpa-kalma sa kanya. Napadpad ang mata ko sa kamao niyang nakahawak sa manibela. Napansin kong namumula ito sa pamamaga at tila may mga gasgas pa. Kinagat ko ang labi.. "I'll... text you once I get home." marahang sabi ko na lang nang maalalang meron akong numero niya. "Tss, as if. You never text me." he said in an accusing tone. Naging mahaba pa ang gabi sa pangungumbinsi ko sa kanyang umalis na at magpalamig. Kaya't hanggang sa sumunod na araw ay nagfa-flashback pa rin sa akin ang mga nangyari ng gabing iyon. "Rafa, anong ibig sabihin kapag sinabihan ka ng 'let me court you'?" tanong ko sa kaibigan habang nasa dorm pa kami at nag-aayos. "Hmm? Ibig sabihin nun liligawan ka nya kasi gusto ka niyang maging girlfriend." sabi nya at saka pa lang nanlaki ang mata. "Teka sino yan? Yung crush mo? Ay hindi. Malabo, walang time sa love life si Kier. Wag mong sabihing si Andrew or Jay? Wag kang papatol sa mga yun!" tuloy-tuloy na sabi niya. Naningkit ang mata nya, "Or... si Sir Colton?" tanong niya Kahit sa loob ng kusina na-assign si Rafa kahapon ay marahil nabalitaan niya pa rin ang nangyaring gulo. Bumuntong-hininga lang ako at nanlaki na nang todo ang mata ni Rafa. Kilig na kilig siyang nagtatanong kung paano raw kami na develop. Habang papunta na kami sa hotel ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa. Colton Jace: eat your breakfast Yun ang kauna-unahan niyang mensahe sa akin dahil hindi naman na siya nagreply ng sabihin kong nakauwi ako nang ligtas kagabi. Habang nag-iisip ng irereply ay naalala ko ang sugat sa kamao niya. Nayeli: your knuckles are wounded. Make sure to treat those Nang masend ay ibinulsa ko na ito. Hindi pa man kami nakakarating sa hotel ay naramdaman ko na ulit ang pag-vibrate ng telepono dahil sa reply niya. Colton Jace: pa-fall tss Kunot-noo akong napatitig sa reply niya. "Anong meron?" tanong ko kay Rafa nang ipatawag kaming lahat. "Meeting para sa foundation day ng resort." Napatango ako at tumingin sa head ng maintenance team nang magsimula itong mag-salita. "Para naman dun sa new face of The Lodge, magkakaroon daw ng pageant this year na gaganapin din sa foundation day. Kailangan ng magkapares na lalake at babae dun. Sinong representative natin?" Mabilis na nagtaas ng kamay si Jay. "Sa babae si Nari na syempre." Nanlaki ang mata ko at agad na umiling habang kinakaway ang kamay. "H-hala hindi ako marunong.. Wala kong alam sa mga ganun." sunod sunod na sabi ko. Nakita ko pa ang pag-ismid ni Jen sa kabilang gilid. "Sige na, Nari! Ikaw ang pag-asa ng department natin." natatawang sabi pa ng isa. Sumang-ayon ang iba at sunod-sunod na pang-gagatong pa ang narinig ko. Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa sitwasyong hindi ko na alam kung pano tatanggihan. Napabuntong-hininga na lang ako at sinabing sana ay wag silang magalit kapag natalo ako. Naghiyawan naman sila. "Sa lalaki sino?" "Ako!" sigaw ni Andrew. Ilan pang lalaki ang nag-volunteer pero tinawanan lang ng iba at hindi sineryoso. "Si Kier." biglang sabi ni Rafa na nagpatahimik sa lahat. "Oo nga gwapo si Kier. Sya na lang." pag-sang-ayon ng isa. Lumingon lahat kay Kier at blangko ang ekspresyon na umiling ito. "Abala ko sa ibang bagay." simpleng sabi niya. Nadismaya ang lahat pero nagsalita ulit ang head. "Malaki ang cash prize sa mananalo, Kier. At may sigurado nang consolation para sa mga sasali." Gumatong pa ang iba at sinubukan ulit siyang kumbinsihin. Tahimik lang ito na tila nag-iisip at maya-maya'y sumang-ayon na rin. "O sya, bukod naman ang pagmamarka sa inyo dun bukod sa talent portion na dapat ay magkasama niyong gagawin. Iyon ang ang dapat niyong pagplanuhan. Pag kailangan niyo ng tulong sa kahit ano ay sabihan niyo lang kami. Dumaan na rin kayo sa registration room." Nagdismiss na rin pagkatapos noon. Agad akong lumapit kay Kier para kausapin. "Uh, may ideya ka ba kung anong pwede nating gawin?" tanong ko. Umiling siya. "Ngayon pa lang ako sasali sa ganto." Tumango ako. "Ako rin kasi eh.." problemadong sabi ko. "Siguro ay subukan na lang muna nating kumuha ng ideya sa internet." Agad kong sinang-ayunan ang sinabi niya. "Magregister na tayo." Tumitig siya sakin at tumango. Pagdating namin doon ay agad na kaming dumiretso sa lamesa kung nasan ang papel na susulatan habang wala pang nakapila. Nauna na siyang mag-sulat. Tahimik akong nakatitig sa papel na sinusulatan niya at napaawang ang labi nang magsimula na rin siyang isulat ang pangalan ko. Nayeli Reese P. Eusebio Buong-buo. Walang kulang o anumang mali sa spelling. Nang matapos at umangat na siya ay namamanghang tumingin ako sa kanya. Sinalubong niya ang mata ko pero agad ding umiwas ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD