Chapter 11

1318 Words
Motherfuckers Huminga ako nang malalim atsaka matapang na pumindot sa payphone. Matapos ang ilang araw mula nang umalis ay naipon ko na ang lakas ng loob na tawagan si Kuya. I know I have to. I have to atleast tell him that I'm safe. He might be so worried until now. Pinili ko ang oras na alam kong wala pa sa bahay si Kuya para hindi siya marinig ni Papa na kausap ako sa telepono. Kasabay ng tunog ng pag-ring ang mabilis na t***k ng puso ko. "Hello?" halos maiyak agad ako nang marinig ang boses niya. Pinigilan kong manginig ang boses. "Kuya.." "N-nari?" I felt urgency in his voice. "Nari ikaw ba 'yan, Nari?!" "Kuya, I'm sorry.." pinatatag ko ang boses dahil alam kong mas mag-aalala lang siya pag-nahimigan ang panghihina sa akin. "Where are you? Just tell me where you are, Nari. Kuya's going to fetch you." nagulat pa 'ko sa munting pagpiyok niya. "Kuya, no. I'm safe, alright. I just called for you to know that I'm safe." matapang na sabi ko. "But Nari-" pinutol ko agad siya. "Please, Kuya. I just have you to trust me okay? Please believe in me. I have things.. that I want to achieve by myself too.."  Narinig ko ang paghinga niya. "Damn, I hate Papa for letting this happen." "No! Please don't hate him" I softly said. "Just think that.. this is also what I wanted after all. It's my personal decision." I heard him sigh, surrendering. "Okay, bunso. But please, please call me whenever you have time, alright?" he sounded desperate. Napapikit ako nang mariin. "Okay. I miss you." He heaved another sigh. "I love you and I miss you too." Nagbigay pa siya ng ilang paalala tungkol sa pag-iingat at iba pa bago hinayaang ibaba ko ang tawag. Somehow, that tiny hole that I've been feeling on the side of my heart kinda feels like it's filled now.  Magaan ang pakiramdam ko buong araw. Feeling ko ay nasa tamang desposisyon ako dahil sa mga nangyayari sa buhay ko lately. I'm thankful for the energy though since ako na ang nakatoka sa paga-assist sa mga customers ng clubhouse ngayon. Mabuti nga at hindi weekend ngayon kaya hindi naman masyadong matao.  "Nari, halika nga rito." nakapa-mewang na sabi ni Jen sa may counter. Ipinatong ko muna ang ibabalik na tray atsaka agad na ring lumapit sa kanya. "Hindi naman ganun kaabala ngayon kaya kapag gustong makipag-usap ng customer,  i-entertain mo naman kahit papaano! Wag kang bastos. Nakita ko kanina, may sasabihin pa ata sana sayo yung lalaki tas nagpaalam ka na agad." may diin na sabi niya. Hindi naman ito ang unang beses na pinagsabihan ako ni Jen kaya hindi na ko nagulat. Tumango na lang ako para hindi na humaba. Nang tumalikod ako'y narinig ko pang nagsalita ang katrabaho naming si Brandy na may lollipop pa sa bibig. "Hoy ano na naman yun Jen pinag-iinitan mo na naman si Nari. Insecure ka ghuorl?" Lumapit agad ako nang may pumasok na mag-inang customer.  Nang makuha ang order nila ay tumalikod ako para bumalik sa counter ngunit bago pa man makahakbang ay nahagip ng mata ko ang pagpasok ni Sir Colton sa pinto. Agad na nahanap ng mata niya ang mata ko. Ngumiti siya at hindi ko alam kung bakit napaiwas ako ng tingin. Ngayong nagtatrabaho ay parang nahihiya ulit ako na ewan. Nakita ko sa gilid ng mata ko na umukupa siya ng lamesa. "Shet si Sir Colton nandito na naman, di naman 'yan pala punta dito noon ah?" narinig kong takang tanong ni Brandy. Napansin ko ang agad na pagkuha ni Jen sa menu at inipit muna sa likod ng tenga ang takas na buhok bago lumapit.  Pumasok ako sa kusina para ibigay ang order. Paglabas ay nanatili ako saglit sa may counter habang naghihintay.  Natanaw ko ang pabalik at nakabusangot na si Jen. "Oh?" agad tanong ni Brandy. "Mamaya na raw siya oorder." yamot na sabi nito. Sa narinig ay tinapunan ko ng tingin si Sir Colton at naabutan siyang nakatingin na rin. Nagulat ako nang bahagya siyang nagtaas ng kamay at tila pinapalapit ako. Napalingon pa ko sa likod ko para siguraduhin kung ako ba ang kausap niya. Nang walang makitang tao sa likod ko ay lumapit na rin ako sa kanya nang medyo kinakabahan pa. "Hi." nagulat pa ko sa bati niya. Nakangiti siya at tumaas ang kilay, "where's the menu?" biglang dugtong niya. Uminit ang pisngi ko nang mapagtantong lumapit ako sa kanya nang walang dala non. Agad akong tumalikod para kumuha sa counter. Naabutan ko pang naka-ngisi si Brandy at bumulong, "Si Nari pala ang nais.." panunuyang sabi niya at halos makita kong umusok ang tainga ni Jen. Pagkakuha ng menu ay agad akong bumalik para iabot sa kanya iyon. Sinalubong niya ako ng halakhak. "I was just kidding.. Hindi ka na dapat kumuha pa." medyo natatawa pa ring sabi niya. "Hmm.. so what food do you like here?" tanong niya. Sinabi ko ang best seller na karaniwan ding sina-suggest sa mga customer na nagtatanong. Umorder siya ng dalawa at napatingin pa ko sa kanya sa pagtataka kung bakit. "The other one's for you." tila nabasa niya ang iniisip ko. "H-huh? Hindi pwede dahil oras ng trabaho." naiilang na sabi ko. Nagsabi pa siya na ayos lang daw yun pero tumanggi pa rin ako. Sa huli ay umirap siya at sinabing -itake out ko na lang daw mamaya yung para sa akin. Pagbalik sa counter ay agad akong sinalubong ng tiim-bagang na si Jen. "May bagong dating, Nari. Asikasuhin mo at ako na ang bahala sa order ni Sir Colton." galit na bulong niya. Agad na inagaw niya ang papel at lumapit naman ako sa mga bagong dating na pumwesto sa katabing lamesa ng kay Sir Colton. Grupo ng mga lalaking tila nasa early 20s ang dumating. Maingay sila at nagtatawanan. Tingin ko'y magkakabarkada. Napatingin sila sa akin nang tanungin ko  ang order nila. Tila may narinig pa kong bumulong ng woah sa di malamang kadahilanan. Ang isa'y lumipat ng upuan sa malapit sa kinatatayuan ko at pinausog ang mga kasama. "Hi, Miss! I'm Vince, and you are?" aniya sa maligayang tinig. Nagulat ako't wala sanang balak tanggapin ang kamay nang maalala ang bilin ni Jen kanina. Wala naman sigurong masama kung ibibigay ko ang pangalan. "Uh, Nari." naiilang na sabi ko atsaka tinanggap ang kamay niya. Lumawak ang ngiti niya at nabalisa ako nang maramdaman ang bahagyang paghimas niya sa kamay ko. Nahagip ng tingin ko si Sir Colton na madilim ang tingin at nakakuyom ang kamao sa ibabaw ng lamesa. Agad kong binawi ang kamay. "Anong order niyo?" tanong ko na lang ulit. "Ikaw." mabilis na sagot nung Vince, malaki pa rin ang ngiti sa akin. Agad siyang sinaway nung isang kasama nila at tumingin sakin. "Number mo na lang, Miss, pwede?" at nagtawanan sila. May isang mukang matino na pinagalitan sila at nagsabi na ng order. Napabuntong hininga ako nang ibigay ang order nila sa counter. Maya-maya'y iniabot sakin ni Jen ang tray. "Oh, serve mo dun." turo niya sa magbabarkada. Nadaanan ko pa si Sir Colton na galit na nakatulala sa lamesa. Sinalubong agad ako nang nakangiting mukha nung Vince paglapit. Habang nilalapag ko ang mga order nila ay bigla itong nagsalita. "Ooh, mukang masarap to ah." sabi nya habang nakatingin sa pagkain. Nagulat ako nang dumapo ang kamay niya sa kamay ko. "Pero tingin ko mas masarap ka." ngisi niya. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Pagkurap ko ay nakahandusay na sa sahig ang lalaki at hila-hila ako ni Sir Colton palabas ng clubhouse. "Tangina." hinihingal na sabi niya habang dire-diretso pa rin ang lakad. Sinubukan kong kalasin ang mahigpit na hawak niya sa kamay ko. "T-teka, sandali."  Lumingon siya sakin na galit pa rin. "What? You wanna stay there and let those motherfuckers touch you again?" singhal niya. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam din ako ng inis sa sinabi niya. "Bat ka ba nagagalit ha?" sigaw ko rin. "Damn because I like you!" my lips parted in his sudden outburst. His eyes turned soft and he looks guilty for shouting. I saw his ears turning into pale pink.  Yumuko siya at bahagyang kumalma. "It's just that I like you.. and I don't want people treating you like that.." mahinahong sabi niya. "So please.." tumingin siya sakin at nagtama ang mga mata namin. "..let me court you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD