Chapter 6

881 Words
Crush "Huy!" halos mapatalon ako sa biglang pagsulpot ni Rafa sa gilid ko.   "Tulala ka na naman, ano ba kasi yun?" tanong niya bago sumipsip sa iniinom na fruit shake.   Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala na naman ang nangyari kahapon.   Mula sa lantad na katawan ni Sir Colton, sa nalanghap kong bango niya paglapit sakin, ang mabilis na pagdampi ng kamay niya sa kamay ko, ang nag-aalab na mata niya at ang galit na boses.   Stay away.   Kinilabutan ako nang tila narinig ulit siyang magsalita. Lumayo raw ako sa kaniya.   Sa galit at tila pandidiri niya nang makita ako ay naalala ko lang ang dahilan kung bakit ako umalis sa amin.   Parang napakahirap para sa kaniya ang makita ako. Ayoko nang makaperwisyo pa ng ibang tao kaya't mabuti pa nga siguro'y pangatawanan ko na lang ang maanghang na salita ni Sir Colton.   Hindi naman mahirap umiwas at huwag magpakita sa kaniya. Tama. I just have to do my best to stay out from his radar to keep my job.   "Hi Nari!"   Nawala ako sa iniisip nang batiin ni Jay, kasamahan namin sa trabaho. Malaki ang ngiti niya habang dumadaan sa table namin.   Sinuklian ko naman iyon ng tipid na ngiti at nakita kong tinukso siya ng mga kasama niya bago makalagpas sa amin.   Pumangalumbaba ako nang bumalik na naman ang iniisip kanina.   "Mabenta ka talaga sa mga katrabaho natin no?" biglang sabi ni Rafa habang nginunguya ang pagkain niya.   Napatingin ako sa kanya, "Huh?"   Inayos niya ang suot na salamin bago sumagot. "Ayun o sila Jay, tingin pa rin nang tingin sayo." natatawang sabi niya at ngumuso sa kabilang dako ng kainan.   Sinundan ko ang tinuturo niya ngunit iba ang nahagip ng tingin ko.   Iyong lalaking nakapulot ng ID ko noon.   Mag-isa lang siya sa lamesa habang kumakain. Nang maramdaman na may nakatingin sa kanya ay napalingon siya sakin.   Nagulat ako at agad umiwas ng tingin. Matapos ang ilang saglit ay sinubukan kong ibalik ang tingin sa kaniya. Nanlaki ang mata ko nang maabutan siyang nakatingin pa rin, ngayon ay salubong na ang dalawang kilay at parang galit.   Binawi kong muli ang tingin sa kaniya at napapikit nang mariin.   "Bat ganun, may galit ba sakin yun?" mahinang bulong ko sa sarili na narinig naman ni Rafa.   Lumingon siya sa tinitignan ko kanina. "Ha? Sino?" medyo malakas na sabi niya.   Agad ko siyang hinawakan para bumalik sa pagkakaharap sakin dahil nakakahiya.   "Sino jan? Si Kier?"   "Kier?"   Tumango siya. "Hindi yan galit, masyado lang talagang seryoso sa buhay."   "Aah.. bakit naman?" hindi ko maiwasang itanong.   Medyo sumingkit ang mata niya pero sumagot pa rin naman.   "Ang alam ko panganay kasi siya sa pitong magkakapatid. Patay na ang tatay niya at may sakit naman ang nanay kaya siya na halos ang bumubuhay sa buong pamilya nila." kibit-balikat niya.   "Ganun ba..." ang tanging nasabi ko   "Marami pa nga raw ibang pinagkakaabalahan yan eh. After ng duty nya dito sa resort balita ko ay nangingisda pa yan at tumatanggap ng iba pang trabaho.."   Namamangha akong tumango nang dahan-dahan, hindi maiwasan tignan ulit saglit ang lalaki.   "Bakit crush mo?"   Mahinang sabi ni Rafa kaya't agad akong napalingon sa kanya pabalik.   Sunod-sunod na umiling ako habang nararamdaman ang pag-init ng pisngi.   Naalala ko bigla yung sinabi sakin ni kuya nung 16th birthday ko na kahit dalaga na raw ako bawal pa kong magka-crush at magka-boyfriend. Saka na raw pag-40 na ko.   "Yiie ikaw ah." nantutuksong dagdag ni Rafa at tila ayaw paniwalaan ang pag-iling ko.   Pinaalalahanan ko na lang siya ng oras at sinabing matatapos na ang lunch break para ilayo ang usapan.   Mapayapang lumipas ang mga sumunod na araw. May mga pagkakataong nagkukrus ang landas namin ni Sir Colton ngunit ginagawa ko ang best ko para umiwas.   Sa ilang beses na nakasalubong namin siya habang naglalakad ay hindi ako nangahas tumingin sa mata niya.   May isang pagkakataon din na papasok na sana ako sa elevator ngunit nang matanaw na nandun siya ay agad umatras at naghintay na lang ng susunod.   Tuwing sabado't linggo ay talagang dagsa ang tao sa resort. Kaya't halos buong araw din puno ang clubhouse.   "Hoy, Nari ikaw sa paglilinis ng tables ngayon diba? Dalian mo andaming bagong customer na naghihintay." pa-asik na sabi sakin ni Jen.   Tumango naman ako at agad dinaluhan ang mga lamesang tapos nang kainan ng ibang customers.   Hindi lang naman ako ang naka-assign sa gawain na to pero sadyang abala lang talaga ngayon kaya hirap kami.   Ramdam ko na ang pagod matapos linisin ang maraming lamesa pero halos hindi maubos ang mga dumadating para mag-dine-in.   "Miss wala na bang ibibilis yan?" mataray na tanong ng Pinay na customer na naghihintay kasama ang pamilya niya.   Sunod-sunod ang pagpaparinig niya tungkol sa kabagalan ko. Halos maiyak na ko sa panic at kaba nang maramdaman ang isang pigura na dumikit sa tabi ko at mabilis na tumulong.   Tumingala ako at nakita ang seryosong mukha ni Kier. Tinignan niya lang ako saglit at tinuloy ang ginagawa.   Sa gilid ng mata ko ay nakita kong lalapit din sana si Andrew sa banda namin ngunit pinigilan ito ni Rafa.   "Oh oh wag ka nang umepal. Moment na yan ni Nari at ng crush nya eh." walanghiyang sabi nito.   Kahit hindi naman totoo ay halos gusto kong magpakain sa lupa dahil sa hiya.   Hindi ako sigurado kung narinig iyon ni Kier pero dahil narinig ko, siguro ay narinig niya rin.   Kaya't nang tingin ko'y ayos na ang nalinis ko'y agad akong umalis dun at tumungo sa kusina.   Bago pa makapasok ay narinig ko pang nagtanong ang nakasalubong na taga-serve.   "Oh nasan na si Sir Colton?"   Simangot na sumagot si Jen, "Biglang umalis eh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD