Stay away
Buong araw akong tuliro dahil sa nangyari.
Hanggang sa mag-duty sa clubhouse ay medyo natutulala pa rin ako.
"Hayaan nyo muna, bago eh. Baka naninibago lang." isang beses ay narinig kong bulong ng kapwa ko crew na si Andrew sa kasama niya habang nagma-mop at nakatingin sakin.
Nang mapatingin ako sa kanila ay mabait na ngumiti naman siya habang medyo tinaasan lang ako ng kilay ng kausap niyang babae na si Jen.
Pinilig ko na lang ang ulo at nag-simulang mag-focus sa gawain. Sa araw na ito ay taga abot lang muna ako ng mga pagkain galing sa kusina patungong counter. Habang ang iba naman ay naka-assign sa pagkuha ng order ng customers at pagseserve sa mga table.
Napapatingin ako sa pinto tuwing may papasok sapagkat iniisip kong anumang oras ay dadating si Mrs. Paz para kausapin ako at sisantihin sa trabaho dahil sa kapalpakan ko sa unang araw. Ngunit natapos na ang araw ay wala namang Mrs. Paz na nagpatawag sa akin. Maginhawa akong napabuntong-hininga habang pa-uwi na kami ni Rafa.
"Napagod?" nakangiting tanong sakin ni Rafa nang marinig ito. Sumang-ayon na lang ako at sinabi niya namang masasanay rin daw ako.
Kung hindi ako matatanggal sa trabaho matapos ang nangyari, ituturing ko talaga 'tong malaking biyaya at sisiguraduhing hindi na gagawa ng katangahan. Tama, siguro nga kailangan ko lang bantayan ang bawat galaw at pag-isipang mabuti ang bawat kilos. Less talk, less mistake. Less interactions, less errors.
Kabado pa rin ako nung sumunod na araw habang nakahilera na kami at hinihintay ang room assignments.
"Nari, room 301 to 305. Alex room-" tuloy-tuloy na sabi ni Mrs. Paz habang nakatingin sa kaniyang iPad. I sighed in relief nang mapagtantong sa iba na ko natapat maglinis ngayon. Hindi ko alam ang gagawin pagnakita si Sir Colton after what I've done yesterday.
Sabay kaming sumakay ni Rafa sa elevator. "Buti na lang sa parehong floor tayo na-assign ngayon." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Oo nga eh! Medyo nagtaka nga ko kahapon kasi yung offices sa last floor hindi naman madalas nililinisan. Once a week lang halos, eh nung isang araw lang nalinisan na 'yon tas binigay pa ulit sayo kahapon." kibit-balikat niya.
Ganon pa rin ang naging kalakaran sa mga sumunod na araw. Wala akong nakita ni-anino ni Sir Colton at ipinagpapasalamat ko iyon. Akala ko nga ay bumalik na ito sa Maynila pero nalamang hindi dahil naririnig kong kilig na kilig na nag-uusap ang ilang staff na nakasalubong nila ito.
Unti-unti na kong nasasanay sa mga gawain at gusto kong isipin na medyo natututo na rin nga akong makisalamuha nang normal sa mga kasamahan sa trabaho pati na rin sa ilang customers.
Hindi maiiwasang magkaroon ng mga aburidong foreigner customers sa clubhouse tulad ngayon. Laking pasasalamat ko na sa pag-wawalis lang ako na-assign ngayon at hindi sa pagse-serve pero hindi ko kasing swerte si Rafa para sa araw na to.
"I said this is not what I ordered!" malakas na sabi ng matabang Amerikano sa kanya atsaka halos ibalibag ang mangko ng mainit na sabaw.
Napanganga ako nang matapon ito at bumuhos sa kamay ni Rafa. Kitang-kita ko ang mariing pag-ngiwi niya sa paso na naramdaman.
Mahinahon siyang humingi ng tawad dito at sinabing papalitan na lang.
Agad ko siyang sinalubong nang lumapit siya sa counter. "Bwisit talaga yang mga attitude na kano na yan." inis na sabi niya.
Hanggang kinabukasan ay iniinda pa rin ni Rafa ang sakit ng kamay niya.
"Umabsent ka na lang kaya muna?" alok ko sa kanya, hindi rin sigurado kung pwede ba iyon.
Umiling siya at sinabing kaya niya pa rin naman daw.
Nang ibigay na sa amin ang mga silid na lilinisan ay napadaing nang malakas si Rafa. "Kamalas-malasan talaga ba't sa luxury suite pa ko ngayon?!" problemadong litanya niya matapos magsalita si Mrs. Paz. Malawak ang mga luxury suite kumpara sa ordinary bedrooms ng hotel kaya't mas mahirap linisan.
"Gusto mo palit na lang tayo?" tanong ko dahil mga normal na silid lang ang ibinigay sa akin. Lumiwanag ang mata ni Rafa.
"Hindi nga? Sure ka?" tanong niya na parang medyo nahiya. Napangiti naman ako at sinabing oo dahil ako rin ang naaawa sa kalagayan niya.
Niyakap niya pa ko at nagpasalamat bago kami naghiwalay. Nang makarating sa takdang palapag ay mabilis kong tinulak ang mga gamit panlinis.
Nasa ikatlong silid na ako nang wala ring hotel guest na naabutan gaya ng kadalasang nadadatnan sa ibang kwarto. Sinimulan ko sa pag-aayos ng magulong bedsheet at kumot. Pagkatapos ay inumpisahan ko na ring maglinis ng sahig.
Pagkarating sa may bandang bedside table ay may napansin akong nakakalat sa sahig na parang hindi naman mga basura. Pumulot ako ng isa at tinignang maiigi.
Parisukat na paketeng kulay asul at may nakalagay na salita.
durex
Nakakunot ang noo ko habang iniisip kung ano iyon nang makarinig ng pagbukas ng pinto. Lumingon ako sa CR ng silid at bumungad si Sir Colton na bagong ligo at tanging puting tuwalya lamang ang nakatakip sa may bandang bewang.
Bakas din sa kanya ang gulat nang makita ako. "What are you..." itatanong niya ata kung anong ginagawa ko sa silid niya nang lumipat ang tingin niya sa hawak ko at nanlaki ang mata.
Dali-dali siyang lumapit sa akin at mabilis na inagaw ang hawak ko.
"Get out." hinihingal na sabi niya.
Ang mata niya'y parang napapaso at hindi tumitingin sa akin.
"f**k, just..." inis na ginulo niya ang basang buhok "stay away."