The smile
"Unless you already have prior plans with your crush or something.." dagdag niya nang hindi kaagad ako nakapagsalita.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na may crush ako dahil wala naman.
Normal lang naman sigurong mag-ayang kumain ang boss sa empleyado paminsan-minsan kaya pumayag na rin ako.
Tumaas pa saglit ang kilay ni Sir Colton sa matagal na pagsang-ayon ko.
"You might have to inform someone first, perhaps?" mapanuring tingin niya sakin.
Sa sinabi niya ay bigla kong naalala si Rafa dahil ang alam niya'y umaga lang ako mawawala at sabay kaming kakain ngayong tanghali gaya ng nakasanayan.
Mabilis kong nilabas ang cellphone dahil sa naisip. Nagtype ako ng mensahe kay Rafa na hindi ako makakasama sa kanyang kumain ng lunch.
Pagkasent ng mensahe ay inangat ko na ang tingin.
"Okay na, Sir."
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakita ko pa siyang umirap bago pinasibad ang sasakyan.
Sa isang beachfront restaurant napiling kumain ni Sir Colton. Halos wala kaming kasama doon pagpasok nang mapansin kong kokonti lang ang tao.
Homey ang ambiance ng kainan at halatang mahal ang mga pagkain. Maaliwalas at maganda pa ang napiling pwesto ni Sir Colton.
Umupo kami sa may lamesa kung saan tanaw na tanaw ang bughaw na dagat.
May lumapit samin para kunin ang order at pumili lang ako ng pinaka-mura. Napakarami naman ng pinalista ni Sir Colton at iniisip ko kung paano niya kaya mauubos iyon.
Dumapo ang mata ko sa kamay kong nakapatong sa lamesa at napangiti nang malaki nang makita ang bracelet.
"So you know how to smile after all.." nagulat ako nang biglang magsalita ang nasa harap.
Nakaalis na pala ang waitress at ngayo'y nakatuon na siya sa akin.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Palangiti naman talaga ako kung tutuusin.
"Ikaw nga jan sir ang hindi ko pa nakikitang ngumiti eh." sabi ko na medyo natatawa.
Hindi ko alam kung saan ko biglang nahugot ang tapang na kausapin sya nang ganito.
He looked amused by what I said.
"The bracelet could have mean so much for you to be that happy." sabi nya pa habang nakatitig sa kamay kong humahaplos sa bagay na nakakabit sa palapulsuhan ko.
I smiled warmly. "Yup, regalo sakin ng kuya ko."
Matagal siyang tumitig sa akin. "Seems like he treasures you alot." napatingin naman ako sa kanya.
"He does.." marahang sabi ko
All of a sudden, the moment felt surreal for me.. It felt genuine and.. heartfelt.
Ibinaba ko ang tingin. "All my life, he did nothing but protect me.."
From my peripheral vision, I saw him slightly leaning forward.
"I see.." I heard him saying silently.
I brought back my gaze to him and it was welcomed by his eyes staring intently into me.
"But i know that deep with in him, he also wishes for me be to be able to protect myself as well.."
I don't know what went different that time. Walang kaba, walang inhibitions, walang boundaries. All I can think of was the way he warmly looks at me.
Words keep on naturally coming out from my lips like they were meant to be said.
"And if stepping outside my comfort zone is the only way to do so, I'd be willing to take all the risk."
Something in his eyes glimmer. I was almost drowning into it if he didn't say something.
"He'd be proud, I'm sure." he said with a hoarse voice.
Naputol ang titigan namin nang sakto namang dumating ang mga pagkain.
Eventually, we started eating.
We ate in silence.
But oddly, it was a comfortable silence for me.
I enjoyed eating while looking at the beautiful view in front of us.
I stole a glance at him and there's still that spark in his eyes while now staring into the sea. I don't know why I smiled inwardly.
On our way back, we started talking casually as he would ask some random questions about work.
It would just be short questions and brief answers but none of it felt awkward.
Pinakiramdaman ko ang sarili at sinubukang hanapin ang kaba at pagkabalisang nararamdaman tuwing nasa paligid si Sir Colton... pero wala.
Sa dorm na ako nagpababa dahil kailangan ko pang magpalit ng uniporme namin sa clubhouse. Hindi naman ito malaking abala dahil madadaanan lang din bago makarating si Sir sa hotel.
"Salamat, Sir." sabi ko habang tinatanggal ang seat belt.
"Thank you too." sagot niya naman.
Napatingin ako sa kanya. Walang kunot-noo o salubong na kilay. Achievement.
Binigyan ko siya ng ngiti bago binuksan ang pinto at bumaba.
Naglalakad na ko patungo sa pinto ng dorm nang marinig ang pagsara ng pinto ng sasakyan.
"Nayeli."
Lumingon ako at awtomatikong tumaas ang dalawang kilay nang nakita si Sir Colton na nakatingin sa akin at tila may sasabihin.
"I heard you guys are half-day tomorrow.." mahinang sabi niya.
Tumango naman ako nang maalala iyon.
"I figured.. you may not have been anywhere else here yet other than The Lodge.." bahagya niyang hinimas ang batok saglit.
"I... can somehow tour you.. if you like," dahan-dahan akong napangiti nang makuha ang sinasabi niya.
Kusang tumango ang ulo ko.
His lips slowly curved into a smile and -- I was taken aback. Wow.
Nginitian ako? Ni Sir Colton?
"So... I'll see you?" paninigurado niya.
I nodded with a big smile on my face.