Chapter 9

946 Words
Get cold I woke up feeling excited the next day. The feeling was so refreshing and... new to me.   Buong buhay ko noon ay pare-pareho lang naman ang nangyayari sa bawat araw.   Gigising. Tutulala saglit sa bintana ng kwarto ko. Kakain. Maliligo. Magbabasa-basa. At makikipag-kwentuhan kay Kuya pag may pagkakataon.   Hindi ko pa naranasang makaramdam ng ganitong excitement sa isang bagay. Yung tipong may nilu-look forward.   Ngayon pa lang.   Hindi tuloy mabura ang maaliwalas na ekspresyon ng mukha ko. Kahit sinong makita ko ay nginingitian ko.   Miski si Jen na lagi namang naka-ismid sa akin ay nginitian ko nang makasalubong sa hotel. Kahit si Kier nga na nakasabay ko lang magbalik ng mga gamit panlinis ay bahagyang tumaas ang kilay sa pag-ngiti ko.   "Uy, uuwi nga pala muna ko samin ngayon. Antagal na nung huling day off kaya ngayon na lang ulit.." sabi ni Rafa habang naglalakad na kami para maghanap ng makakainan.   Tumango naman ako. Aniya, dapat ay buong araw talaga ngayon ang off namin pero dahil sa paglakas ng turismo sa resort ay ginawa lang half day.   "Ikaw ba? Uuwi ka rin?" inosenteng tanong niya sa akin.   Tipid na ngumiti ako at umiling. Hindi maiwasang bahagyang malungkot ng maalala ang pamilya. Kumusta na kaya sila? Si Kuya?   Nang makahanap ng makakainan ay ako naman ang nanlibre sa kanya. Nakuha na kasi namin ang unang sweldo at sa wakas ay nakabawi naman ako kay Rafa.   Sabay kaming bumalik sa dorm ngunit agad na rin namang nagpaalam si Rafa matapos kumuha ng ilang gamit.   Tinanaw ko pa saglit ang pag-alis niya bago nagdesisyong pumasok at maghanda na rin.   Nahirapan pa kong magdesisyon kung anong susuotin. Sa pananatili ko sa resort ay halos puro uniporme pa lang ang naisusuot ko.   Pinili ko ang isang flowy na puting bestidang hawig sa mga nakikita kong beach dresses ng ilang turista. Sa may bandang gitna ng hita ko lamang ito umabot dahil sa katangkaran.   Simple lamang ito ngunit nagustuhan ko naman ang itsura nang isuot ko at tignan sa salamin.   Hinayaan kong lumadlad ang umaalon kong buhok. Ang dulong bahagi ay bahagyang nagningning na parang ginto nang matapatan ng sinag ng araw mula sa bintana.   Napatitig ako sa repleksyon sa salamin. Ngayon na lang ulit ako nakapaglugay ng buhok dahil lagi kaming nagtatali sa trabaho.   Medyo napatalon pa ko nang makarinig ng marahang katok sa pinto. Huminga muna ko bago buksan ang pinto.   Sumalubong sakin si Sir Colton na kaswal din ang suot para sa araw na ito. Iba sa suot niyang pormal na suit and tie araw-araw. Wala ring bakas ng pomada ang buhok niya.   He looks so... natural and... soft. Tila anlambot lambot ng medyo magulo niyang buhok. Parang ang lambot niya mismo in general.   Nahiya ako sa iniisip. Lalo na nang maramdaman ang tumatagal niyang tingin.   I saw him swallowed first before trying to clear his troath. "Let's go?" tanong niya.   Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Hindi ko alam pero wala na ngang kaba at takot pero parang hiya naman ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.   Nang makalapit sa sasakyan niya ay nagulat pa ko nang pagbuksan niya ko ng pinto.   "Do you have somewhere specific where you'd wanna go to?" tanong niya nang makapasok ako at nanatili siya sa may pinto ng sasakyan sa gilid ko.   Nag-isip ako saglit. "Uh, wala naman. Hindi ako pamilyar sa mga lugar dito."   Tumango siya na parang inaasahan na ang sagot ko atsaka pumasok na rin sa sasakyan.   It wasn't really a silent drive since he turned on the stereo. Na-enjoy ko ang pakikinig lalo na sa ibang awiting kinakanta namin ni Kuya.   Nang huminto ang sasakyan ay namangha na agad ako nang matanaw ang nasa labas.   Ang humahampas na alon sa mga nakakamanghang rock formations ay talagang napakagandang tignan.   "Hindi ko alam na may gantong bahagi pala ang resort.." sabi ko pagkalabas namin sa sasakyan habang bakas pa rin sa mukha ang pagkamangha.   "Yeah.. not a lot of people knows about this." marahang sabi niya.   Napansin ko ngang halos wala talagang tao rito. Bilang lang sa isang kamay.   Naisip ko na ayos nga rin na dito pumunta dahil baka dagsain sya kapag sa mataong lugar.   Dinala ako ng mga paa ko sa may dalampasigan. Tila hinihila ng tubig ang mga paa ko. I wanna feel the water against my skin. Hindi naman sapatos ang suot ko kaya't hindi mahirap iyon.   "Hey.." narinig ko pang marahang sabi niya nang makita ang ginagawa ko.   Mula sa mga paang dinadaanan na ng alon ay inangat ko ang tingin sa kanya nang may ngiti sa labi.   "This feels good.." sabi ko at tinignan ulit ang mga paa na ngayon ay basa na. Bahagyang umabot hanggang sa may ilalim ng aking tuhod ang hampas ng alon.   Amusement was evident on his face.   "My whole life.. I've never had a chance to swim..." mahinang sabi ko.   He's not asking but I don't know why I had the urge to say it.   I saw something flash in his eyes with my sudden confession. Ibinaba ko ang tingin.   "I wonder how it feels like.." mahinang dagdag ko.   I saw him gently taking a step closer.   "Then we'll swim." natigilan ako. I turned my gaze on him.   He's looking at me very carefully. "But not now. You don't have extra clothes with you.."   Marahan ang pagkakasabi niya. His voice is full of concern. I didn't know that a voice can be this... comforting.   Iniangat niya ang isang kamay.   "Come here, you'll get cold..."   There was something in his eyes that made me slowly walk towards him, putting my hand on top of his without further questions.   It feels warm and welcoming.   He pulled a handkerchief from his pocket and my knees almost weakened when he kneeled in front of me.   My lips parted when when he held my ankle and started wiping my feet up to my calves.   The cloth absorbed every drip of the cold water.   His touch is filled with so much care.   I stood there, shivering with his every move.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD