ISA-ISA kong nilapag sa harap ni Deo ang gamit ng mga kaibigan ko. “What's that for, baby?” Deo asked, wondering. “Gamit 'yan ng mga friends ko, gusto kong pirmahan mo lahat 'yan.” Sa sinabi ko ay napatawa si Deo, pero agad din namang tumango-tango. “Yeah sure, para sa 'yo pipirmahan ko lahat 'yan, baby.” I smiled. “Then what are you waiting for? Pirmahan mo na.” Kumandong pa ako sa kanya. Narito kami ngayon sa may veranda, nagmemeryenda. It's already 4 PM. Isa-isa namang dinampot ni Deo ang mga nilapag ko at pinirmahan nga. “At pagkatapos mo riyan, isulat mo ang kanilang mga pangalan sa isang white board, then pipicturan kita para ma-send ko na sa kanila.” Napahalakhak muli si Deo at niyapos na ang braso sa baywang ko. “Oh baby, I'm not a prisoner,” he said, laughing. And I poute