Chapter 1

2602 Words
Trine's Point of View “Excuse me po, sir!” malakas kong pagtawag at itinaas pa ang isa kong kamay. Napalingon naman ang professor namin at napunta ang tingin sa akin nang makita ang pagtaas ko ng kamay. “Yes, Miss Marques?” tanong nito sa akin. I stood up, kahit namimilipit sa sakit ng tiyan ay agad akong lumapit dito at mahinang bumulong. “Kasi po, sir, sumasakit po ang tiyan ko mula pa kanina. Puwede po ba ako pumunta muna sa restroom saglit?” Napabuntong hininga naman ito at tila naawa sa akin nang makita ang nahihirapan kong mukha. “Sige, mamaya ko na simulan ang exam pagbalik mo. I'll give you five minutes to come back, Miss Marques.” Napangiti naman ako kahit paano. “Sige po, sir. Maraming salamat po!” Mabilis na akong tumakbo palabas ng classroom. Pagkapasok ko sa restroom ay agad kong itinaas ang suot kong palda at ibinaba ang shorts ko bago naupo sa toilet bowl. Saktong pag-upo ko ay siyang pagsabog ng mula kanina ko pinipigilan lumabas. Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag nang makaraos. Kahit papaano ay nabawasan ang pamimilipit ko sa sakit ng tiyan. Wala naman akong naalala na may nakain akong pagkain na hindi ko gusto o maaaring ikasira ng tiyan ko, pero tingin ko ay 'yung pagkain sa cafeteria kanina ang dahilan. Mukhang may naglagay sa pagkain ng kung ano na maaaring ikakasira ng tiyan ko. Now alam ko na kung bakit gano'n na lang ang pagngisi sa akin ng babae sa cafeteria nang iabot nito ang pagkain ko, mukhang siya ang may kagagawan. “Dapat masanay na ako na ganito na ka-miserable ang buhay ko.” I let out a tired exhale. Masasabi kong ang malas ng buhay ko dahil maling magulang yata ang nagsilang sa akin. My mom didn't care about me, siguradong busy sa kanyang mga mayayaman na boyfriend. Si Dad ang nagpapaaral sa akin, pero sekreto lang na anak niya ako, tanging kami lang ang nakakaalam, palibhasa kasi anak sa labas lang ako. My dad is a famous businessman, at may pamilya na, naging kabit lang naman niya si Mom kaya ako nabuo. Okay naman si dad, mabait naman sa akin at tumatawag paminsan-minsan, kaya lang twice a year lang yata kung magpakita sa akin, pinapadalhan niya lang ako ng pera, at siya rin ang nagpasok sa akin sa mamahaling paaralan. Pero kung ako ang papipiliin ay mas gusto kong sa public school na lang mag-aral, dahil sa totoo lang, napaka-miserable talaga ang buhay ko sa university na pinapasukan ko ngayon. They bullied me. Yes, binu-bully ako ng ibang mga classmates ko, dahil kilala nila si Mommy na ang tingin nila ay pokpok at kabit, which is true. Si Dad lang ang hindi nila kilala, ako lang kasi at si Mommy ang nakakakilala sa kanya at sekreto lang namin kasi nga isang kilalang businessman si Dad, at malaking kasiraan sa kanya kapag malaman ng media na may anak siya sa labas, at baka magkagulo pa ang pamilya niya. Pero gayunpaman ay hindi naman nagkulang sa akin si Dad sa pagsuporta, dahil kahit anak lang ako sa labas ay pinaaral niya pa rin ako sa mamahaling paaralan, pinatira sa isang luxury suite. Kaya lang maling paaralan ang napasukan ko dahil puro pambu-bully ang inaabot ko bawat araw, at iyon ay dahil kay mommy na wala namang pakialam sa akin. Matapos mag-cr ay inayos ko na ang sarili ko at pinsan na ang pinto. Pero paglabas ko ay agad din akong napahinto nang makita kung sino ang tatlong babaeng naghihintay sa akin. “Hey loser,” ngising bati sa akin ni Ryza habang nakahalukipkip at agad nitong sinenyasan ang dalawa nitong kasama na may hawak na coffee cup. “Sige na, ibuhos niyo na sa kanya.” Para naman akong nabahala at bahagyang napaatras. “Huwag kayong gumawa ng gulo, may exam pa akong naghihintay. I swear, isusumbong ko na talaga kayo sa Dean.” I warned them. But they just laughed. “Just a moment, girls,” pagpigil ni Ryza sa dalawa nitong kasama bago humakbang palapit sa akin at dinuro ako sa dibdib. “Kahit magsumbong ka pa, wala ring saysay 'yun. Siguradong pagtatawanan lang ng Dean ang sumbong ng isang basurang tulad mo!” Napakuyom ang kamao ko nang magtawanan ulit silang tatlo. Ryza is one of my classmates who always bullied me this past few days, dahil napag-alaman nito na si mommy ay naging kabit ng kanyang daddy, kaya naman sa akin siya nagagalit ngayon, ako ang pinagbubuntungan niya ng galit niya kay mommy. “Alam mo, curious ako kung sino ba talaga ang ama mo, Trine, kasi ang alam ko ay hindi naman gaano kayaman ang mommy mo, kaya imposibleng mapaaral ka niya rito sa mamahaling university na 'to. Pero oo nga pala, nakalimutan kong pokpok pala ang ina mo, kaya hindi na nakakapagtaka na maipasok ka niya sa mamahaling paaralan. Siguro nakukuha niya ang pang tuition mo sa pagbebenta ng dangal niya! Kasi nga pokpok siya!” “Puwede ba, tantanan niyo na ako. Wala akong ginagawang masama sa inyo kaya—” “Shut up!” Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Matapos akong sampalin ni Ryza ay malakas nitong hinablot pababa ang buhok ko. “Hoy anak ng pokpok! Ipagpalagay nang wala ka ngang kasalanan sa akin, pero 'yung mommy mo, marami. Sinira niya ang pamilya ko! Sinira ng malandi mong ina! Nag-aaway ngayon si Mommy at Daddy dahil sa kanya!” Sinabunutan na ako nito. At dahil napuno na rin ako ay agad akong lumaban, hinablot ko rin ang buhok ni Ryza pababa na kinaigik nito at bahagyang lumuwag ang paghawak sa buhok ko. “Girls, help!” hingi ng tulong ni Ryza sa dalawang kasama. Kaya naman mabilis na lumapit sa akin ang dalawang babae hinablot ang buhok ko sa likod ng isa, at sinipa naman ako sa paa ng isa, dahilan para bumagsak ako sa sahig. “Lumaban ka pa, hindi mo naman pala kaya!” Ryza mocked me. Hanggang sa bigla na lang binuhos sa akin ng dalawa nitong kasama ang laman ng kanilang hawak na coffee cup. And they laughed again. “Loser! Anak ng pokpok!” “Yuck! Disgusting!” “Eww! Ang baho! Let's go, girls!” Lumabas na silang tatlo habang tumatawa at takip ang kanilang mga ilong. Napapikit naman ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago marahan na tumayo. Nang mapatingin ako sa suot kong yellow t-shirt ay may bahid na ng dumi at sobrang baho ko na; hindi tubig ang binuhos sa akin kundi bagoong at fish sauce. Pati ulo ko ay sobrang baho na. Kaya naman imbes na lumabas ng restroom ay muli akong pumasok sa cr at hinugasan ang ulo ko, pati dami ko ay hinubad ko muna at hinugasan din ng tubig, nang malinis na ay saka ko sinuot kahit basang-basa. Pero talagang ayaw maalis ang amoy kahit nag-spray na ako ng pabango. Kaya naman kahit gusto kong bumalik sa classroom para ipagpatuloy ang exam, ay mas pinili ko na lang lumabas ng building. Napatakip pa sa ilong mga estudyanteng nadaanan ko at pinagtawanan pa ako ng iba, kasi nga sobrang baho ko. Pero nang akmang lalabas na ako sa gate ng university, ay siya namang may malakas na tumawag sa akin. “Trine, wait!” Nanlaki naman ang mga mata ko nang makilala ang may-ari ng boses. Nagmamadali na akong lumabas ng gate, at tatakbo na sana pero naabutan pa rin ako nito at napigilan sa braso. “Trine, uuwi ka na ba?” Napapikit na lang ako at napahinga ng malalim, wala na akong nagawa kundi humarap. “Uuwi eh, pauwi na,” ngiwing sagot ko. Parang nagulat naman si Aaron nang makita ang itsura ko. “A-Are you okay? Bakit basang-basa ka yata?” Pansin ko ang bahagyang pagngiwi nito na tila nabahuan sa akin. Mabilis ko namang inagaw ang kamay ko. “Napagtripan ako, eh. Sige na, kailangan ko nang umuwi—” “Wait!” Pinigilan ulit nito ang braso ko. “Si Ryza ba ulit ang may gawa niyan sa 'yo? I saw you yesterday in the cafeteria, sinadya ka niyang tapunan ng kanyang pagkain. Now tell me, siya ba ulit ang may gawa niyan?” “Please, Aaron, stop asking. I have to go now, and please don't follow me anymore.” Pagkaagaw ko ng braso ko mula sa pagkakahawak nito ay mabilis na akong lumakad palayo. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman na hindi naman ito sumunod sa akin. Aaron is one of my schoolmates, nasa department ito ng criminology, habang ako naman ay nasa nursing department, dahil nga nursing ang kinuha kong kurso. Nagkakilala lang kami nito last week dahil sa aksidente naming nagkabanggaan sa library, kasi nga hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Pero ang hindi ko inaasahan nang aminin nito sa akin na crush niya ako. At dahil siya pa lang ang unang lalaking umamin sa akin na crush ako, ay nagkaroon iyon ng impact sa akin, feeling ko ay parang nagkaroon din ako ng crush sa kanya dahil lang sa pag-amin niya. Pero ngayon ay hindi ko mapigilan ang mahiya dahil nakita niya ako sa ganitong sitwasyon na sobrang baho. Pinili ko na lang maglakad kahit na diring-diri sa akin ang bawat nadadaanan ko dahil sa amoy ko. At habang naglalakad ay hindi ko na mapigilan ang maluha. Naiinis ako kay mommy. Hindi ito ang unang beses na napag-initan ako dahil sa kanya. Last year ay sinampal ako ng isang ginang sa loob ng boutique, dahil nakilala ako na anak ako ni Mommy, at talagang sinabihan pa ako na pagsabihan ko raw si mommy na tigilan na ang pagkabit sa asawa niya. Napahiya ako nung araw na 'yun lalo na't may mga tao sa paligid. Kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkainis kay mommy. Sinabi ko sa kanya ang nangyari, pero ang sinagot lang sa akin, dapat daw ay sinampal ko rin pabalik ang ginang na sumampal sa akin. Talagang gano'n si mommy, walang pakialaman sa akin. Natauhan ako mula sa tulala kong paglalakad nang marinig ang pag-ring ng phone sa loob ng bag ko. Napahinto naman ako at binuksan ang backpack ko. Nang makitang si daddy ang tumawag ay parang biglang nagliwanag ang mukha ko at mabilis ko itong sinagot. “Hello, Dad!” masigla kong bungad pagkasagot pa lang ng phone. “Hi, my dear daughter. So how's your day? Nasa school ka ba ngayon?” Napangiti na ako. “Kakalabas ko lang, dad. Narito ako sa kalsada, naglalakad pauwi.” “What?! Where's your driver? Hindi ka ba niya sinundo?” “Hindi po, dad. Masama raw kasi ang pakiramdam ni Mang Edo, kaya sinabi kong magpahinga muna siya. May taxi naman, so no worries—” “Oh come on, my princess, don't ride a taxi, masyadong mapanganib sa 'yo ang sumakay ng taxi nang mag-isa lang lalo na't uso ngayon ang kidnapping. Bumalik ka sa loob ng university at hintayin mo ang susundo sa 'yo, magpapadala ako ngayon din.” Lumapad ang ngiti. “No, it's okay, dad. Don't worry, ite-text ko na lang sa 'yo ang plate number ng taxi na sasakyan ko at pati na rin ang mukha ng driver, kukunan ko ng litrato, para kung sakaling makidnap man ako, then madali mo akong mahahanap.” And my dad let out a sigh. “No, princess, just go back inside the university, right now.” “Okay, dad. Pero ba't ka pala napatawag?” “Because, daddy wants to have a dinner date with his princess tonight.” Namilog ang mga mata ko. “Oh my god, daddy! Yeah sure!” Hindi ko mapigilan ang mapatili at mapatalon-talon dahil sa sobrang tuwa. “Okay, ibaba ko na 'to, sweetie. Just go back inside the university, okay? Darating ang susundo sa 'yo within twenty minutes.” “Okay, dad, bye! Love you!” Pagkababa ko ng phone ay mabilis na akong tumakbo para bumalik sa university. Pero sa pagtawid ko sa highway ay nagulat na lang ako nang may mabilis na sasakyan ang bigla na lang tumakbo papunta sa akin. Nanlaki ang mga mata ko, basta namalayan ko na lang ang malakas kong pagbagsak sa matigas na semento dahil sa pagbangga sa akin. “A-Aray…” nakasimangot kong pagngiwi sa sakit. “Magpapakamatay ka ba?!” bulyaw sa akin ng boses lalaki mula sa kotse. Pakiramdam ko ay nahilo ako, hindi naman tumilapon ang katawan ko dahil mabilis na nakapagpreno ang sasakyan. Pero ang sakit ng pagbagsak ko. “Kasalanan mo 'yan, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo. Pasalamat ka dahil nakapagpreno ako, kundi ay baka nasa langit ka na,” muling sabi sa akin ng aroganteng boses na ngayon ay nakababa na ng sasakyan at pinanood lang ako. Marahan na akong bumangon mula sa pagkakasubsob sa semento. Nang silipin ko ang siko ko ay may konting dugo na dahil sa pagkagasgas nito. Hanggang sa may dalawang pares ng makintab na black leather shoes ang humito sa tabi ko at naglahad ng kamay sa akin. “Bilisan mo, tumayo ka na riyan, nagmamadali ako.” Pero imbes na tanggapin ang kamay nito ay malakas ko iyon tinabig at tumayo na ako. Pero sa aking pagtayo ay siyang pag-igik ko dahil sa pagsakit ng balakang ko, buti na lang ay napahawak sa braso ng lalaki at mabilis naman ako nitong nasalo. “Tsk,” rinig kong asik nito. And when I looked up, bumungad sa akin ang guwapong mukha ng lalaking iritado, masama ang tingin nito at nakakunot pa ang noo, salubong ang mga kilay. Pero nang makita ang mukha ko ay unti-unting naglaho ang pagkairita sa mukha nito at parang bahagya pang umawang ang labi na tila ba hindi makapaniwala sa nakita. “Wow, what a beautiful lady…” he uttered. Hanggang nagulat na lang ako nang bigla nitong haplosin ang pisngi ko. “Nakakabighani naman ang ganda mo, Miss. What's your name?” Pero imbes na sagutin ang tanong nito ay mabilis ko itong tinulak sa dibdib at tinalikuran ko na. Kaya lang mabilis naman nitong hinuli ang braso ko. “Sandali lang, Miss. Okay, I'm sorry, it's my fault. Ang mas mabuti pa ay sumama ka sa akin, dadalhin kita sa ospital para ma—” “No need, I'm okay!” Mabilis kong tinabig ang kamay nito, at mabilis na akong lumakad paalis. Pero talagang hinabol pa rin ako at hinarangan. “Tumatanggi ka sa akin? Hindi mo ba kilala kung sino ako, Miss?” Nangunot naman ang noo ko at hindi makapaniwala itong tiningnan. “At ano naman ang paki ko kung sino ka? Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil hindi na kita idedemanda pa sa pagbangga mo sa akin!” “What?” His lips parted in disbelief. “Tumabi ka nga, dadaan ako!” Pero tinitigan lang ako nito, 'yung klase ng titig na akala mo'y nakakita ng nakakaakit na jamante. Medyo natakot naman ako kaya nagmamadali na akong umalis. Pero nang mapalingon ako ay hindi ko inaasahan ang marahan nitong pagsunod sa akin habang ang tingin ay hindi pa rin inaalis sa akin. Mas lalo akong natakot, kaya naman tumakbo na ako at pumasok sa may palengke. Pero nang muli akong mapalingon ay nakahabol pa rin ito sa akin, kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko sa takot na baka maabutan ako. Yes, he was very handsome, pero nakakatakot na bigla na lang niya akong sundan gayong hindi naman kami magkakilala. Talagang desidido siyang habulin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD