START

1201 Words
NAKASANDAL lang si Hideo sa couch na nasa loob ng kanyang luxury room habang nakatingin sa malaking screen kung saan nakikita niya ang mga lalaking fighter ng RG na kasalukuyang nagpapatayan sa loob ng ring. Ang RUTHLESS GAME (RG) ay isang laro ng mga Mafia Boss, ito ay ginaganap sa underground ng isang private island. Lahat ng mga fighter at audience sa laro ay kailangan nakasuot ng maskara dahil isa iyon sa rules ng laro, at kung sino man ang mahuhuli na walang suot na maskara ay maaaring mapatawan ng kaparusahan. Ang mga players sa laro ay puro mga lalaki, at ang premyo ay mga babae at milyon na halaga ng pera. Pero ang rules ng laro ay kailangan munang mapatay ng manlalaro ang kanyang kalaban bago makuha ang mga premyo, at hindi puwedeng lumabas sa loob ng ring hangga't hindi napapatay ng players ang kanilang kalaban. “Napakahina naman yata ng mga fighter ngayon, masyadong boring panoorin,” disappointed na wika ni Hideo at marahan na inalog-alog ang hawak nitong wine glass. Talagang naboboring siya sa laro ngayon, palibhasa ay hindi ito madugo katulad ng kung paano siya makipaglaban sa loob ng ring kasama ng kanyang Team. Dinampot na lang ni Hideo ang remote at pinatay na ang flat screen TV. Sakto namang may kumatok sa pinto ng kanyang private room. “Yes, come in.” Bumukas naman ang pinto at pumasok ang kanyang tauhan na walang iba kundi si Alessano, ang kanyang favorite hitman na hindi pa pumalpak sa lahat ng utos niya. “How are you, Aless? Kumusta naman ang buhay mo bilang aking tauhan? Hindi ka naman ba naiinip sa mga pinag-uutos ko sa 'yo?” “I love what I'm doing, boss. Nasisiyahan ako kapag inuutusan niyo akong pumatay ng mga salot ninyong kalaban.” Napahalakhak si Hideo sa sagot na iyon ni Aless sa kanya. Ito ang pinakagusto niya kay Aless, bukod sa magaling na sa trabaho ay hindi pa mareklamo at agad na sinusunod ang mga utos niya. “Mamayang gabi, gusto kong patahimikin mo si Eduardo Garcia. May handang magbayad sa atin ng malaking halaga para tuluyan na siyang mamahinga sa ilalim ng lupa, kaya tapusin mo na ang buhay niya bago sumapit ang bukang liwayway.” “Masusunod, boss,” Aless replied. “At pagkatapos mo sa kanya, hanapin mo ang anak sa labas ni Emelio Marques at patayin. Hintayin mo na lang ang email ng ating client para sa identity ng target.” “Copy, boss!” Matapos ang kanilang pag-uusap ay agad naman lumabas si Aless sa headquarters at sumakay na sa sports car nito. “Sige, mag-utos ka lang sa ngayon. Malapit na rin naman kitang mapabagsak.” Aless grinned. Dumiin pa ang hawak nito sa manibela at mabilis na pinatakbo ang kotse paalis ng headquarters. 04:12 PM, nasa loob na si Aless ng kanyang apartment nang makatanggap siya ng email na naglalaman ng information ng target na may-ari ng isa sa mga malaking pasugalan sa bansa. Matapos basahin ang mga detalye ay napangisi siya nang malaman na kayang-kaya niyang gawin ang misyon nang hindi umaalis sa kanyang apartment. At tamang-tama rin dahil kalaban niya rin pala sa negosyo ang target. Last year ay casino niya ang nasa rank 2, at kay Hideo naman ang nasa rank 1. Pero ngayon ay bumaba na ang kanya sa rank 3, palibhasa ay hindi na niya naaasikaso ng maayos, kaya mas umaangat ang casino ng kanyang mga kalaban. Pero ngayon ay nasisiguro niyang tapos na ang maliligayang araw ng nasa rank 2, at saka niya isusunod ang nasa rank 1 kapag dumating na ang tamang oras. 07:30 PM ay nakapuwesto na si Aless sa rooftop habang hawak ang kanyang sniper rifle at may nakasaksak na earpiece sa isa niyang tainga. “Get ready, boss, two minutes before the target arrives with his mistress in room 1125,” speaking from the other line. “Copy,” Aless replied. Using the telescope of his sniper, agad niyang hinanap kung saan banda nakapuwesto ang room 1125. Hanggang sa napahinto ang kanyang telescope sa isang maliwanag na kwarto kung saan nakahawi ang kurtina ng bintana nito, kaya malinaw na malinaw na nakikita ang loob. May isang babae ang nakahiga ng patagilid sa kama habang may katawagan sa phone. Aless's lips parted slightly. Shit. “It's her,” he murmured. Hindi siya maaaring magkamali dahil ito ang babaeng nakita niya last week sa loob ng isang convenience store na pilit na nag-abot ng canned goods at nahulog papunta sa ulo niya ang dalawang lata, katunayan ay nagkabukol pa siya nang dahil doon. Kaya naman malaki ang atraso sa kanya ng babaeng 'to. And worst, hindi man lang ito at nag-sorry matapos siyang hulugan ng dalawang delata sa ulo. “So diyan ka pala nakatira, huh?” He grinned dangerously as he adjusted the telescope of his sniper and zoomed in, dahilan para malinaw niyang maaninag ang katawan nito. He swallowed, unti-unting nawala ang ngisi sa kanyang labi nang maaninag ang katawan ng babae gamit ang telescope ng kanyang sniper. Nakasuot lang ito ng lace lingerie kaya naman kitang-kita ang nakakaakit nitong katawan. Ilang beses yata siyang napalunok nang huminto ang kanyang tingin sa malulusog nitong dibdib, na talaga namang aninag na aninag mula sa manipis nitong suot ang pinkish n*****s nito. Hanggang sa bumaba ang kanyang tingin sa bandang hita nito, at parang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. His mind freeze for a moment, nakalimutan niya sandali ang kanyang misyon. Natauhan lang siya nang aksidente niyang nakalabit ang gatilyo ng kanyang hawak na sniper. “s**t!” gulat niyang bulalas kasabay ng paglaki ng mga mata. He was really shocked. “f**k, boss! Maling kwarto 'yung pinutukan mo! Paparating pa lang ang target!” his right hand shouted from the other line. Pero imbes na pansinin ang sinabi nito ay muli niyang tiningnan ang babae, at kahit papaano ay para siyang nakahinga ng maluwag nang makita ang butas na kama at wala na ang babae sa loob ng kwarto, mukhang tumakbo na ito lalabas. “Mission failed, boss! Nagkagulo na sa hotel at paalis na ang target!” shouted again from the other line. “Tsk. No need to worry, I will just kill him inside his car,” sagot niya na sinabayan ng mahinang pagbuga ng hangin. Talagang kinabahan siya dahil muntik na niyang mapatay ang babae. “But, boss, his car is bulletproof!” “I know,” walang gana niyang sagot at inalis na ang earpiece sa kanyang tainga. Inabangan na lang niya ang target. Hindi nagtagal ay nakita na niya ang paglabas nito ng hotel kasama ng isang babaeng nakakapit sa braso nito. Kaya naman pagtama ng red laser ng kanyang sniper sa ulo ng lalaki ay mabilis na niyang kinalabit ang gatilyo, dahilan para mabutas ang noo nito at bumagsak na. “Mission accomplished.” He grinned once more. And after he shoots the target, muli niyang itinutok ang kanyang sniper sa kwarto ng babae kanina. And he waited for almost one hour, pero hindi na ito bumalik pa. “Syngnómi, glykiá mou.” he said with a sigh. Naiiling na lang siyang umalis ng rooftop habang may namumuong ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD