Nakatingin lang ako kay Aless ng masama, at nakatingin naman ito sa akin ng nakakunot ang noo habang nakatayo kami rito sa loob ng cubicle. Parehong walang lumabas na salita sa amin dalawa pero nag-uusap kami sa tingin para hindi makagawa ng ingay. Mahirap na at baka pumunta pa rito 'yung reporter o kaya si mommy. “Akin na nga 'yang phone ko at baka hinahanap na ako ni Deo sa labas,” pabulong kong sabi na may halong inis. Pero nang aagawin ko na ang phone ko sa kamay ni Aless ay mabilis nitong itinaas, at kahit anong abot ko ay hindi ko talaga maabot dahil mas matangkad siya, kaysa sa akin na hanggang balikat lang naman niya. “Ano ba, Aless, akin na nga 'yan!” Pero mas lalo lang nitong tinaas at gano'n na lang ang pagsalubong ng mga kilay ko nang mabilis na tumipa ito sa keyboard para