Trine's Point of View TAPOS na ang klase at nakatambay na lang kami ng mga friends ko rito sa Tennis Court dahil may practice ngayon ang department namin at kasali si Lena. Pero mula sa panonood ay napatingin ako sa tabi ko nang may kumalabit sa akin. Isang babae na nasa mid-30s pa lang yata ang edad. “Yes?” I asked. “Can we talk for a moment?” Kumunot ang noo ko. “Do I know you?” The woman smiled. “Magpapakilala ako mamaya. Pero puwede bang sumama ka sa akin kahit sa library lang? May konting katanungan lang sana ako para sa 'yo.” Kahit nagtataka ay tumango na lang ako. “Sure, no problem. Pero teka, tungkol saan naman ang mga tanong mo?” “Malalaman mo mamaya. Let's go?” Napilitan akong tumayo at nagpaalam muna sa mga kaibigan mga kaibigan ko na agad namang tumango dahil pare-pare