CHAPTER 22 WHEN MAFIA'S SON FALL IN LOVE "One mojito, one rum and tequila please!" Utos ko kay Darius na siyang bartender sa club ng The Dark Club ngayong gabi. "Right away, Che," sagot niya sabay kindat kaya umiling na lang ako. Habang hinihintay ang order ay nakatayo lang ako sa may bar counter nakahilig ang katawan doon habang tinatap ang mga daliri ko sa ibabaw ng counter dahil sa ganda ng retro music. Wala pa ring kupas ang bar na ito at dinadayo pa rin ng mga tao. Yung iba galing ng opisina ay hindi na nakapagbihis at dito na ang bagsak, meron namang iba na ayos na ayos kaya nakakaaliw ding tingnan na nagtipon-tipon ang iba at dito ang napili para makalimot saglit sa mga pinagdaanan sa araw na ito bago sila matulog at makapagpahinga pagmauwi nila. Pero sana lang walang magla