CHAPTER 21 WHEN MAFIA'S SON FALL IN LOVE "Okay ka lang?" Hindi ko mapigilan na magtanong sa kanya habang nakangisi. "Nabitin ka talaga? Tigang ka ngayon niyan!" Walang sawa kong pang-aasar sa kanya. Tiningnan ko ang ibaba niya at balik sa mukha niya. Hindi na nga ma drawing ang mukha ni boss ngayon, kanina pa naka igting ang panga niya habang nagmamaneho. Magkasalubong ang mga kilay na akala mo may kaaway sa kalsada. Nasa sasakyan kami ngayon para ihatid niya na lang ako sa bahay, uuwi na ako kaisi inaantok na at nagkunwari lang nga ako kay Paloma na may business meeting kami pero wala naman, gusto ko lang makatakas sa trabaho dahil wala akong gana. Ipapakaltas ko na lang yung sahod ko sa araw na ito dahil wala eh, pagod ako sa nangyari sa Cebu, lalo at may sugat pa ako sa likod.