NATHAN POV Ngayong araw, kumuha na ako ng passport at may visa na rin ako. Talagang pinabilis ni Hannah ang pag proseso ng mga papeles ko dahil ang sabi niya, kailangang kailangan niya ng tao para sa kanyang restaurant. Habang pabalik ako sa hospital, hindi ko maiwasan na tingnan ang passport id ko. Hanggang ngayon, hindi ako lubos makapaniwala na makakapag abroad na ako. Isang tawag mula kay Hannah ang natanggap ko. Mabuti na lamang at walang masyadong tao sa van kaya sinagot ko ito. Madalas kasi ay nahihiya akong makipag usap sa phone lalo na kapag nasa public places ako. "Hello Nathan? Kamusta ang lakad mo?" sambit niya. "Heto Ma'am, okay naman po ang lakad ko," sagot ko. "Good! Anyway, gusto sana kitang makita ngayon. Ipapasundo kita sa driver ko." "Ah okay po Ma'am," mabil