JOYCE POV Nang makarating na kami sa tapat ng bahay, halos nakapatay na ang ilaw sa gate. "Ingat ka pag pasok mo ha?" nakangiting sabi ni Aldrin. I smiled at him, "Maraming salamat ulit sa pag hatid mo sa akin." "Ha? At sinong nagsabi sayo na libre ito?" tiningnan niya ako ng seryoso bigla. "Teka? Ano 'to?" "Mahal ang gas ngayon at base sa layo ng binyahe natin, 500 pesos ang singil ko sayo. Discounted na 'yan kaya wala nang tawad." "Wow? Ang galing mo naman pala... ano to darag ka-" "Saglit lang hindi pa ako tapos... isang kiss lang sana sa pisngi ko okay na," pilyong sabi niya. "Kiss mo mukha mo!" pagtataray ko sabay tanggal sa seatbelt, bubuksan ko sana ang pinto subalit naka lock ito. Muli akong lumingon kay Aldrin at para bang nang aasar ito. "Isang kiss lang naman an