No one is perfect...

748 Words
"I am a human being I make mistakes Sometimes, you need to forgive those mistakes No one is perfect We all have flaws but we are all ourselves." ❣❣❣ "Besty, Gusto mo ba talagang gawin yan? Tanong ni Maxim na nakasimangot at panay irap pa sakin. Plano ko kasi dapat kumain sa restaurant na pinagtatrabahuan ng ex ko with a cute guy, para kunwari nakamove on nako. "Oo. Para naman di lumaki ulo nya. Para makaganti na din. Para maipakita ko na di lang sya ang pwedeng makapagpasaya sakin. "Kasi baka ikaw lang din masaktan eh. Pano kung nakita nga nya kayo na masaya, pero parang di naman affected ang reaction nya? Kaya mo ba?" "Maaapektuhan yun kahit konti." "Sure ka? Maaapektuhan lang sya pag single pa din sya. Maiisip nya na sana sya yung kasama mo, na sana sya yung nagpapangiti sayo ngayon. Pero pag may girlfriend na sya, di magiging bitter yun. Ngingiti pa yun sayo at sasabihing tama lang na iniwan ka nya. Na tama lang ginawa nya kasi tingnan mo naman kung gano ka kasaya sa piling ng iba. Ang tanong ko, kakayanin mo ba pag yung huli yung ginawa nya?" Natahimik ako bigla, may point si Besty. Biglang nawindang tuloy ang buong sestema ko. " Ayoko. I can't. No. Hindi pwede." "Pero posible yun, Besty." "Ansakit kasi isipin eh. Pwede wag muna? Antayin muna nyang makamove on ako oh!" Napabuntong hininga na lang si Maxim. Kilalang kilala na talaga nyang kaibigan. Ito kasi ang tipo ng babaeng kapag nasaktan matagal maka move on. Aakalain mong okay lang ito na maayos na pero deep inside nagluluksa pa rin ito. Kumbaga magaling magbalatkayo.. Hindi mahahalatang peke ang sayang pinapakita nito. Strong nga ang personality nito pero may karupokan pagdating sa pag ibig. "Besty, Kapag ayaw sayo, hayaan mo na. Siguro sa una. masakit. Pero sa una lang naman, diba? Huwag mong ipagsiksikan yung sarili mo. Huwag mong ipakita na handa kang magpakatanga, at okay na lang sayo na second option ka. Ikaw din, kung ipagpipilitan mo yung hindi para sayo, masasaktan ka lang. Ma tetake for granted ka. At higit sa lahat, hindi makikita yung tunay mong halaga.' "I am worthy, and nothing in this world is going to make me feel like I am not worthy." "Kaya nga, diba lagi kong sinasabi sayo na everything happens for a reason." I looked down to hide the pain l was feeling. I don't want Maxim to see that I'm still hurt and affected until now. "Lahat ng taong dumadating sa buhay mo at nagiging parte na ng buhay mo ay may malaking role, Mapasaya ka o sasaktan. Lahat ng bagay na nakukuha mo maliit man o malaki ay may dahilan kung bakit mo yan nakuha. Lahat ng problema na nangyayari sayo ay may dahilan kaya subukan mong kayanin ang mga problema na dumadating sayo at lumaban ka, wag ka sumuko dahil sa bandang huli ikaw padin ang mananalo. Hindi naman dahilan ang masaktan o iniwan ka para tapusin mo ang buhay mo, sadyang hindi mo lang talaga kaya lumaban kaya ka nagkaganyan, pero kung matutunan mong lumaban sa lahat ng problema ay makakayanan mo yan." Kumuyom ang kamao ko, sapul na sapol na naman ako sa mga litanya ni Besty, bakit ba napakagaling nito magbigay ng advice? " Siguro kaya ka niya iniwan dahil mas may better na papalit sa kanya, o hindi siya ang tamang tao para sayo. Wag ka mag alala Besty, lahat ng nangyayari sayo ngayon ay may kapalit na kaginhawaan. Siguro nga puro problema ang dumadating sayo, may kapalit din yan na kabutihan. Kung nasaktan ka noon, wag mong isipin na sasaktan ka din ng ibang tao, think positive, may mga tao pading magmamahal sayo. Kung iniwan ka, wag ka mag alala may taong mas better pa na papalit sa kanya. Take it Easy my Friend!" Napakagat labi na lang siya at napapailing. "I’m only asking for a clear mind and a happy heart." "At makakamit mo yan, magtiwala ka lang sa sarili mo. So, tara na shopping tayo, libre ko." Kaylapad ng pagkakangiti ni Xylie na kaagad nangunyapit sa braso ni Maxim. "Yeeyy... Let's go Besty." Sa araw na ito ay susubukin na naman ng tadhana si Xylie. Dahil may bagong lalaki na padating sa buhay nya. Ang tanong... Ito na bang tamang lalaki na itinakda para makasama nya habang buhay? Road to forever na bang tatahakin nilang landas? O, isa na naman itong kabiguan ng buhay pag-ibig nya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD