"I'm a human,
I make mistakes.
I'm not perfect but I'm thankful."
❣❣❣
"Kailangan mong bawasan ang pake sa taong binabalewala ka para naman sumaya ka. Hindi dapat laging ikaw. Kung in the first place binabalewala ka na, sa tingin mo ba may logical explanation pa dun? Kung may pake siya in the first place at mahal ka niya, hindi mo mararamdaman ang lahat ng kalungkutan na nararamdaman mo ngayon."
Napataas ang kilay ni Xylie sa narinig na usapan ng dalawang lalaki na katabi lang ng inuukupa nilang table ni Maxim. Mula sa binabasang menu tinigil nya munang pagpili ng gustong kainin, dahan dahan nyang ibinababa konti ang hawak na menu para masulyapan ang dalawang lalaki na nakapwesto sa mesang kaharap nila.
"Buksan mo rin ang isip mo, hindi lang puro puso. Sayang ang panahon, marami kang sinasayang na pagkakataon lalo na’t may mga willing tumulong sa paligid mo. Huwag kang mag bulag bulagan. Alam mo na ang mga nangyayari. Make a move."
Napa "Oww" ang labi nya ng full view nyang makita ang mukha ng lalaking tahimik na nakikinig lang sa isang lalaking kaharap nito sa table na nakatalikod naman ang pwesto kay Xylie kaya di nya makita ang mukha nito.
"Ang kailangan mo na lang ay implementation ng lahat ng iniisip mo na pag alis. Tandaan mong hindi masama ang mapagod kapag ikaw na lang palagi. You deserve something in return sa lahat ng magagandang bagay na ginagawa mo. Please, know your worth buddy."
Nagtama ang paningin nila ng lalaki, nakikita nya sa mga mata nito ang lungkot, masyadong seryoso ang hitsura nito, wala mang emosyong makikita sa mukha nito pero ang mga mata naman nito ay tila nagsasabi sa kanyang malungkot ito at nasasaktan. Naiilang na yumuko si Xylie saka ibinuhos ang attention sa pangalan ng mga pagkaing nakalista sa menu.
"Besty, ano nakapili kana ba ng gusto mong kainin? Ako meron na at naorder ko na. Dito kana muna ha washroom lang ako. Order ka lang ng gusto mo ha! akong bahala sa bill."
"Ay talaga! susulitin kong araw na'to minsan ka lang kaya manlibre haha"
Tumatawang iniwan na sya ni Maxim, marami syang inorder lahat ng paborito nya. Total di naman sya magbabayad kaya 'todo na'to' yun ang naisip nya. Habang naghihintay nilibang nyang sarili sa paglalaro ng games sa kanyang cellphone. Abala man ang mga kamay nya pero hindi ang tenga nya, kasi naka focus yun sa kabilang mesa sa dalawang lalaki na kanina pa seryosong nag uusap.
"Hindi lang siya magpapasaya sayo.
Napakarami pang ibang bagay diyan na pwedeng magpasaya sayo. Masaya ka nga nung wala siya eh, temporary lang yang lungkot na nararamdaman mo. Hindi pa katapusan ng lahat, wag kang masyadong emo diyan. Nandiyan ang pamilya mo na pwede mong pagbuhusan ng pagmamahal mo. Sumama ka saming mga kaibigan mo na mga kalog, O sakin na bestfriend mo, panigurado akong magiging masaya ka. Gawin mo yung mga nagpapasaya sayo. Kumain ka ng kumain, matulog ng matulog, magbasa, magsulat, magtrabaho. Kung pwedeng maging busy ka, gawin mo. Marami pang tao na magpapasaya sayo, di lang siya. Magiging masaya ka kung tutulungan mo yung sarili mo hindi yung inaalagaan mo yung sakit na nararamdaman mo."
'Grabe, parang si Maxim lang din kung dumakdak tong isang to ah! Di matapos tapos kakakuda parang babae ang pucha haha. Kawawa naman si poging listener di makasingit sa kadaldalan ng kaibigann nya.'
Pasimpleng sinulyapan nyang dalawang lalaki sa kaharap na mesa. Panay lang ang tango ni pogi habang dada ng dada ang kaharap nito. Napangiti sya ng magtama na naman ang kanilang mga mata. Di nya alam kung anong nasa isip ng lalaki kung nahihiya ba ito sa kanya O naiilang kasi naririnig nyang usapan ng mga ito.
'Mmm.. basi sa usapan nila parang broken si pogi. siguro di successful ang love life nito, O baka naman may third party di kaya? Wawa naman sya kapag ganun ngang takbo ng love story nya.'
"Besty, bakit andami naman nyang inorder mo? Mauubos mo bang lahat yan ha?"
"Of course, ako pa ba, walang diet diet ngayon kaya kumain na tayo."
Sunod sunod ang subo nya, di nya tuloy nakita ang naaaliw na pagkakangiti ng lalaki sa kabilang mesa.
"Grabe sya, patay gutom lang ang drama Besty? Dahan dahan lang oy baka mabulunan k --"
At nabulunan nga si Xylie, tinapik tapik nitong dubdib.
"Akk -- uboo-- boo.."
Kaagad syang inabutan ng isang basong tubig ni Maxim.
"Yan kasi.. lagi kong sinasabi sayo na dahan dahan lang kapag kumain, dika naman kasi nakikinig kaya ayan tuloy nabulunan ka.."
Kasabay ng paghimas himas nito sa kanyang likod ang panenermon. Naluluhang hinarap nya ito saka nginitian kaso lumagpas ang tingin nya kay Maxim at dun napatutok sa lalaking nakatingin na ngayon sa kanya na tila nagpipigil ng kanyang ngiti. Kung kanina ang lungkot lungkot nitong tingnan, ngayon naman ay kabaliktaran tila kasi ito biglang naging masaya. Yun ang obserbasyon nya dito.
"Besty, hoy! Ok kana ba ha? "
Nabaling ang kanyang tingin kay Maxim na alalang alala sa kanya.
"A-- ayos nako Besty, no worries, sige kain na tayo ng maituloy na natin ang pagsa shopping. Diko pa nabibili ang lahat ng gusto ko eh, susulitin ko talaga ang panlilibre mo sakin, baka kala mo palalagpasin ko'to, no way."
"Tsss.. Ugali mo talaga kakaiba, sya sige na kumain na nga lang tayo.. dahan dahan lang paglamon ha Besty baka maya nyan mabilaukan ka naman."
"Hahaha dina mauulit yun noh, saka nakakahiya pag nakadalawa pako katangahan na masyado yun."
"Naks, naikonek pang konting hugot dun ah, ikaw na Besty, ikaw na talaga hahaha."
"Of course, Besty, I'm Xylie Brooke , I'm not perfect but I can make you happy."
Kumindat pa sya sa kaibigan na tawa pa rin ng tawa.
"Pak! Ganurn hahaha."
"Oh Yeah.. Pak na Pak talaga wooh.."
?MahikaNiAyana